Qyahara's P.O.V
Lahat ay nagsi-alisan na. Tanging ako at siya ang naiwan.
Hindi pa rin ako makapaniwala na iyong taong nakaharap ko ng dalawang beses ay ang boss ko na pala.
Totoo ang sinabi ni Anna na napakaguwapo nga nito at hindi siya matanda. Hindi na ako magugulat kong lahat nga ng mga turista rito ay puro kababaihan. Higit pa sa artistahin ang mukha niya, e. Puwedeng-puwede siyang maging model.
Mabilis akong yumukod sa harapan niya.
"Waaaa! Kung ano man ang ginawa kong mali ay sorry na. Hindi lang talaga ako makatulog kagabi kaya lumabas muna ako saglit." agad kong depensa.
Gusto ko lang talagang lumabas kagabi, e.
Masama ba iyon?
Katapusan na ba ng trabaho ko? Kahit naman ayoko sa cook ay naging source of money ko naman ito.
Wala akong narinig na tugon or salita mula sa kaniya. Marahan akong sumilip sa kaniya. Nakita kong sinisimulan na niyang galawin ang pagkaing nasa harapan niya.
Lihim na napangiwi ako dahil wala man lang nililikhang tunog ang ginagamit niyang utensils na siyang nagpapakaba sa akin.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kasama ko siya ay abot ang kabang nararamdaman ko. Hindi naman ito dahil sa takot. Kakaiba talaga, e. May something sa kaniya na hindi ko ma-explain.
Naiintindihan ko na rin kung bakit kahit maraming humahanga sa kaniya ay walang nakalalapit sa kaniya. Sino ba naman ang magtatangkang lumapit sa kaniya kung ganiyan siya kalamig at kaitim ang aura niya.
"May nagawa pa ba akong mali bukod sa dalawang beses mo akong nahuling lumabas kapag gabi? May rules ba ritong bawal lumabas sa gitna ng gabi?" dagdag ko pang wika.
Kung mayr'on ay wala man lang nagsabi sa akin. Kahit si Mayordoma Charing ay hindi man lang pinaalam sa akin. Wala rin naman iyon sa handbook na binigay sa akin.
Umalis na ako sa pagkakayuko dahil nangangawit na ang baywang ko at sumasakit na ang likod ko.
"Oy! Magsalita ka naman." untag ko sa kaniya.
Abala pa rin siya sa kaniyang pagkain. Mukhang kinakain namanh ni niya lahat ng dinadala sa kaniya.
Tumingin ako sa pintuan. Gusto ko na lamang lumabas na, ngayon mismo. Bakit ba kasi ako narito? Wala naman siguro siyang sasabihin sa akin, e.
Nangangati na talaga ang mga paa kong humakbang at kumaripas ng takbo. Tumakbo na kaya ako? Tapos magtatago na ako or aalis na rito.
"Do you really don't want to be a cook here?" Rinig kong sambit niya na ikinalingon ko sa kaniya.
Mukhang tapos na siyang kumain dahil ibinaba na niya ang spoon and fork. Pinagsiklop niya ang kaniyang mga kamay sabay lingon sa akin.
Nagtagpo ang aming mga tingin.
"I don't think being a maid is suited to you." he said coldly which is hindi mawala sa boses niya.
Gustuhin ko mang umiwas ng tingin sa kaniya ay hindi ko magawa. His eyes are look familiar to me. Lihim na kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kaniyang mga matang walang buhay. It's dark and kind of creepy.
Nawala ang aking pagkatitig sa kaniya ng alisin niya ang tingin sa akin.
"Y-yeah," wala sa sarili kong wika.
Ginising ko ang aking sarili.
"Ahm!" Napakamot ako sa aking ulo habang nag-iisip ng panglaban at pangrason sa kaniya.
"Sapat na sa akin ang maging maid lang. Hindi naman ako marunong magluto, e. Katunayan nga ay binago ko ang ilan sa dapat na lulutuin para sa iyo dahil hindi ko kayang gawin ang mga ito. Simpleng pagkain lang ang kaya kong gawin." mahabang palusot at pagrarason ko.
Sana kumagat siya.
"Patawad na rin kung ginawa kong baguhin ang dapat mong pagkain ng hindi nagpapaalam sa iyo." dagdag ko saka muling yumukod sa kaniya bilang paghingi ng paumanhin.
Tunay ngang nakararating sa kaniya ang aking hinaing at kagustuhang maging maid lang. Mukhang hindi rin nagbibiro sina Peter at Mayordoma Charing sa kanilang sinabing hindi siya pumayag.
"Sana pahintulutan mo akong maging maid na lamang. Ayoko talagang maging cook." wika ko,
Kaharap ko na rin naman ang boss ko. May chance na akong magreklamo, charizzz!
"I'll triple your salary." simpleng tugon na siyang ikinaayos ko nang tayo.
"Ha?" takang sagot ko naman.
"Remain being a cook and I'll triple your salary." ulit niya sa kaniyang sinabi.
Ang salary ko every month is sixty thousand. Ang sabi ni Mayordoma Charing ay starting salary lang daw 'yon. May possible raw na tumaas pa 'yon after a months.
Kung tritriplehin niya ang salary ko ay magiging one hundred eighty thousand a month ang salary ko.
Oh my gosh! Malaki na 'yon para sa isang buwan. Mahirap ang makahanap ng ganoong sweldo sa isang buwan lang.
Anak ng!
"Errrr!" Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko.
Ang hirap talaga kapag pera na ang pag-uusapan, lalo na kapag ito ang gagamitin sa'yo bilang isang suhol or panlaban. Wala man lang laban lalo na sa taong katulad kung nangangailan ng pera.
"Is that not enough? I can offer you more than that." he stated.
Waaaa! Tama na! Baka kumagat na ako sa offer niya, e. Pera na 'yon, e.
"Sir, hindi ko naman po kayang lutuin iyong mga nasa food list mo." dahilan ko.
Lihim na nakagat ko ang ilalim ng ibabang labi ko.
Mukhang napansin niya ang ginawa ko kaya mabilis kong binitiwan ito.
"You can change it. You are allowed to do anything you want." sambit niya pa.
"Puwede akong lumabas anumang oras kung gustuhin? Lalo na sa gabi?" saad ko,
Grab opportunity na this!
Hindi siya kaagad nakasagot at tumingin sa akin.
"What?" inosenteng tanong ko.
"Why do you always want to go out?" mapanuring tanong niya.
"Sa tuwing hindi po kasi ako makatulog sa gabi ay gusto ko pong magpahangin sa labas." sagot ko na hindi ko alam kung tama kasi hindi ko talaga alam kung bakit gusto kong lumabas.
Feeling ko kasi nasasakal ako sa silid kung saan ako natutulog. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako sa lugar kung saan ako nakakulong ng pitong taon.
Kapag nasa labas ako ay pakiramdam ko naman ay malaya ako kaya ako ayokong mag-stay sa isang silid nang matagal.
"Okay," tipid niyang tugon.
Napangiti ako sa pagsang-ayon niya.
"Then, it's a deal, Sir." may ngiti sa labing wika ko.
Nagtataka man ako dahil napansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Nginitian ko lang siya at hinayaan ko na lamang.
"Mananatili po akong cook dito, at gagawin ko po ang lahat para maging maayos ang aking pagluluto maging ang aking serbisyo." pormal kong pahayag.
Hindi ko alam pero para sa akin ay hindi naman siya masungit. Ang sabi ni Nina ay napakasungit daw nito at hirap kausapin. Oo, malamig siya at medyo nakatatakot pero mukhang hindi naman masiyado.
Kalmado nga siyang nakikipag-usap sa akin, e. At saka, natural na siguro ang pagiging malamig niya which is sanay naman ako sa klaseng aura.
Malamig kasing makitungo sa akin ang aking ama, maging ang aking mga kapatid kaya balewala sa akin ang ganoong trato.
"Wow! Ang sarap naman ng mga pagkain." Mabilis na napalingon ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Peter na papasok.
"Ah bilis mo namang makaluto, Qyahara." komento niya sabay upo.
"Pakain ako boss, ah." paalam niya kay Sir.
"Kanina pa kasi akong nagugutom, e." dagdag ni Peter saka siya kumuha ng plato sabay sandok agad.
"Hmmm! Ang sarap mo pala talagang magluto, Qyahara. Kaya ayaw kang pakawalan as cook ni boss, e." sambit ni Peter habang kumakain.
Agad akong bumaling kay Sir Aziz na kasalukuyang matalim ang tingin kay Peter. Balewala naman ito kay Peter.
"Are you asking for death, Peter?" malamig at banta ni Sir.
Hindi makapagsasalita si Peter dahil puno ang kaniyang bibig ng pagkain kaya umiling na lang siya bilang tugon.
Bigla akong mayr'ong naalala.
"Sir, mayr'on po ba kayo rito ng sementeryo? At kung mayr'on, saan ito matatagpuan?" tanong ko mismo kay Sir.
Bumaling ang tingin ko kay Peter ng bigla itong nabilaukan. Agad siyang kumuha ng maiinom.
"Why?" Sir Aziz asked.
"Gusto ko lang sanang mag-reserve ng mapaglilibingan." sagot ko sabay tingin kay Peter.
"Mayr'on kasi akong nais ilibing ng buhay na nagngangalang Peter." ani ko na siyang ikinalingon sa akin ni Peter habang namimilog ang kaniyang mga mata.
"B-Boss, huwag mong ituturo sa kaniya." saad niya sabay lingon kay Sir.
"I think I like the idea of her." pagsakay naman ni Sir Aziz.
"What? Oy! Huwag naman ganiyan, B-Boss. May girlfriend akong iiyak sa akin." depensa naman ni Peter.
Hindi ko napigilan ang aking pagtawa nang malakas na ikinalingon nila sa akin pareho.
"Joke lang! Nagbibiro lang ako. Ang ganda mo kasing asarin." natatawa kong saad.
"Mukhang tapos na po yata ako rito. Aalis na rin po ako." magalang na paalam ko kay Sir Aziz.
Marahan akong humakbang saka tumalikod sa kanila. Pagkalabas ko sa dining room ay doon lamang akong huminga nang maayos.
TheKnightQueen ❤️