Chapter #12

1601 Words
Qyahara's P.O.V "Narito na tayo." pagbibigay alam ni Anna. Dumako ang tingin ko sa pinapasukan naming lugar. Sa arko na nilapagpasan namin ay mayr'ong nakalagay na Cenny's Market. Tumigil ang sinasakyan namin. Sabay na bumaba kaming dalawa ni Anna. Tumingin ako sa paligid, hindi marami at hindi rin kunti ang namimili. Dumako ang tingin ko kay Anna ng hawakan niya ako sabay hila sa akin papasok sa loob ng Market. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mga sari-saring gulay. Maayos at maganda ang pagkalagay at pagka-present nito. Ma-e-engganyo ka talagang pumili at mamili. "May listahan ka ba?" tanong ni Anna. "Mayr'on, sandali." saad ko saka kinuha ang listahang ginawa ko. May dating listahan naman pero ang ilan dito ay inalis at pinalitan ko. Ang ilan kasi roon ay hindi maganda sa pangangatawan. Kinuha ito ni Anna saka tiningnan. Sinadya ko talagang mapaubos ang lahat ng mga stocks na naroon sa kitchen dahil para kasing ang iba roon ay hindi naigagalaw pa at stocks na talaga. Kaya hindi na siya fresh na gamitin at pangit na sa pagkain. "Binago mo ang nasa listahan?" Rinig kong tanong niya. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Lihim na napangiti ako. Lahat ng mga gulay na nakikita ko ay mga fresh at mga bago. "Oo," tipid na sagot ko. "Pinalitan mo rin ang ilan sa niluluto?" tanong niya ulit. "Yup!" tugon ko ulit. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka nila pinapalitan." saad niya pa. Hindi ko siya pinansin dahil nakapukos na akong nakatingin sa mga gulay. Puwede na ba akong kumuha rito? "Ahm, ano ang mas gusto mo, Qyahara? Ibibigay ko na lamang itong lista sa kanila, or ikaw mismo ang kukuha?" tanong niya na ikinalingon ko sa kaniya. "Ang totoo kasi niyan, dahil sa walang permanent na cook sa main house, ako ang laging namamalengke ng mga stocks. Ibibigay ko lamang ang lista at sila na bahala roon, pero dahil nasa bayan ang negosyo na binabantayan ko ay natigil ako sa pagpapalengke at si mama na ang gumawa." paliwanag niya. "Pero lagi kasing busy si mama sa mga bagong maids, driver at cooks kaya kung minsan ay nakalilimutan na niya itong gawin." dagdag niya. Kaya pala, "Ako na lamang ang pipili, kaya lang ---" alanganin akong tumingin sa kaniya dahil mayr'on akong naalala. "Nakalimutan kong humingi ng pera kay Mayordoma kanina." dagdag ko. Natawa siya sa problemang sinabi ko. "Hindi mo na kailangan iyon. Kapag sa main house ay hindi mo na kailangang bumayad. Kumuha ka na lamang ng kahit ilang gusto mong kunin." nakangising sambit niya. Lumapit na kami sa isa sa mga gulay. "Hi, Manang Tasya." bati ni Anna sa babaeng nagbabantay. "Anna, narito ka ba para sa stocks sa main house?" tanong niya. "Oo, pero hindi ako ang gagawa. Naatasan lamang akong samahan si Qyahara." Nahinto ako sa pagpili at pagkuha nang marinig ko ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanila na kasalukuyang nakatingin naman sa akin. "Siya po si Qyahara. Ang bagong cook po sa main house. Simula ngayon ay siya na po lagi ang mamalengke rito." pakilala sa akin ni Anna. Wala sa sariling tumingin ako sa kaniya. Wala naman akong sinabing ako na ang gagawa nito, ah. Inabutan ako ng malalagyan na kinuha ko naman. Hindi na lamang ako umimik pa at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Sa bawat gulay na pinupuntahan namin ay panay ang pakilala sa akin ni Anna. Hindi ko nga mapigilang hindi mapasimangot. Paano kasi daig ko pa ang nangangampanya sa ginagawa niya. "Itigil mo na nga iyang ginagawa mo, Anna. Hindi naman ako narito para magpulitiko, e. Daig mo pang manager ko sa pangangampanya." nakangiwing saway ko sa kaniya na ikinatawa niya naman. Itong babaeng ito talaga. Walang ginawa kun'di ang tumawa nang tumawa. Mukha ba akong clown? Hindi ko naman siya pinapatawa, e. "Nang makilala ka nila nang sa ganoon ay wala ka ng problema sa susunod na punta mo rito." tugon niya at proud pa siya. Mabuti na lang ay nakatago ang totoo kong mukha. Ang problema lang ay kung makalabas ang pangalan kong Qyahara. Maamoy pa ni Nayes. "Tsk!" tanging nasambit ko. Naiiling na nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Hindi ko na lamang ang pinakialaman si Anna sa kinaabalahan niya sa buhay. Pagkatapos ko sa gulayan, sa prutasan, sa isdaan at sa karnehan naman kaming tumungo. Nag-enjoy nga ako sa pamimili at pagpili kahit wala sa lista ay dinadampot ko. Libre kasi, e. Ang sarap kayang mamili kapag libre lahat. Hindi naman ako sinasaway ni Anna kaya ayon, hindi ko na pinigilan ang kamay ko sa pagdampot ng kung ano-ano. Pagkalipas ng maraming oras ay sa wakas natapos na kami. Nang naipon na lahat ng basket na pinaglagyan ko ay napangiwi ako sa dami. Ang dami ko palang nadampot talaga. "Wow! Parang itong unang beses namili ng sobrang dami. Hindi na ito kakasya sa sasakyan natin." komento ni Peter ng salubungin kami. Nagkatitigan kami ni Anna at pareho kaming napakibit-balikat. Napailing na lamang siya sa amin. Kinuha niya ang kaniyang phone saka may tinawagan. "Ikaw na muna ang bahala riyan, Peter." biglang saad ni Anna sabay higit sa akin papalayo. "Anna!" Rinig kong tawag ni Peter. "Hayaan mo siya. Ililibot kita rito as my promise." nakangiting hila sa akin. Lumipat kami sa kabilang building. Iba't ibang klaseng mga paninda naman ang nakita ko rito. Parang ito ang siyang mini mall sa lugar na ito. Napakaganda ng bawat store na narito. Wala na akong nagawa ng hilahin muli ako ni Anna. Pumasok kami sa bawat store. At ang bruha, kung ang kamay ko kuha lang nang kuha kanina, ngayon, siya naman. Nagugulat na lang ako na tinutulak na niya ako sa fitting room. Pagkatapos namin doon ay marami pa kaming pinuntahan. Tunay ngang maganda rito. Kompleto na sa lahat ng kailangan mo. Nagbili na rin ako ng mga bagong damit at nagpuslit na rin ako ng ilang make up at foundation, paubos na kasi ang mga ginagamit ko. Malaki ang sahod ng tagapagluto kaya nagkaroon kaagad ako ng pera, pero kailangan ko pa ring magtipid. Tumingala ako at tumingin sa araw. Masiyado ng mataas ang araw. Kailangan ko ng umuwi at magluluto pa ako ng lunch ng amo namin. "Kailangan na nating bumalik, Anna. Magluluto pa ako." saad ko, "Oh shocks!! Oo nga pala, nakalimutan ko. Naku! Halika na," tugon niya saka biglang siyang nataranta. Pagkabalik namin kung saan namin iniwan si Peter kanina. Pagkalapit namin ay agad na inilagay lahat ni Anna ang pinamili namin. "Bumalik na tayo." seryosong utos ni Anna kay Peter. Natawa naman ako dahil walang salitang sumunod si Peter. Hindi siya nagtangkang magtanong pa. Pagkasakay namin ay agad na pinaandar ni Peter ang sasakyan. Nakabalik kaagad kami sa mansion. Dumeritso kaagad ako sa kusina ay naabutan ko ang mga pinamili ko. Walang oras akong sinayang, mabilis ang kilos kong isinaayos ang lahat ng binili ko. Pagsilip ko sa fridge, naroon na ang mga isda at karne. Sa malaking refrigerator na lang ako lumapit. Apat ang refrigerator dito. Binuksan ko ang isa saka inilagay ang mga gulay at prutas, at sa iba naman ay kung ano-ano pa. Sa mga cabinet ko inilagay ang mga groceries na kinuha rin namin. Nang matapos na ako ay agad akong kumuha ng mga gagamitin sa pagluluto. Wala akong katulong kaya halos lahat ay ako ang gumagawa. Mabilis ko hiniwa ang lahat ng ingredients na kailangan ko. Bawat ikot at lingon ko ay mayr'on akong ginagawa. Pinagsabay-sabay ko ang aking niluluto baka kasi makarinig ako ng salitang "you are fired!" mula kay boss. Ihahatid pa ito ni Mayordoma Charing. Dapat pagpasok niya rito ay nakahanda na ang kaniyang dadalhing pagkain. Buti na lang din at wala akong naririnig na reklamo mula kay boss. Binago ko rin kasi iyong mga listahan ng mga pagkain niya. Hindi ko naman kasi kayang lutuin, e. Kung magrereklamo siya ay magsasabi ako ng totoo. Aba'h! Binalaan ko na sila, e. Hindi ko nga rin alam kung kinakain niya ang mga niluto ko or tinatapon niya lang. Bawat balik kasi ng tray ay walang laman ang plate. Hindi ko na lamang ito pinansin kung ano ang ginagawa niya. Ang mahalaga ay wala itong laman pagbalik. Nakahinga naman ako ng maayos ng naluto naman ang mga niluto ko sa tamang oras. Maayos na isinalin ko ang bawat isa sa lalagyan. "Qyahara, nakabalik ka na pala." Napalingon ako kay Mayordoma Charing. Sakto, tapos na akong magluto at maglinis. "Nakahanda na po ang pagkain. Puwede ni'yo na pong ihatid sa kaniya." magalang kong tugon. "Halika, tulungan mo akong ihanda ito sa dining table. Doon siya ngayon kakain." sambit niya, Lihim na tumaas naman ang aking kilay. Sa dining table? Totoo? Anong nakain niya? Tinanggal ko ang suot kong apron ay agad na sumunod kay Mayordoma Charing. Pagpasok namin ay may nakita akong isang taong nakaupo habang mayr'ong binabasa na dyaryo. Natatakpan ang mukha niya kaya hindi ko siya makita. Marahan ko na lamang na inilipag ang dala ko at ganoon din si Mayordoma Charing. Saktong paghakbang ko patalikod ay siya ring pagbaba niya ng dyaryo. Paglingon ko sa kaniya ay nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. What the! "Leave!" malamig niyang utos. Napalunok ako at muling napaatras. The heck! "Masusunod po, Sir Aziz." magalang na tugon ni Mayordoma Charing dito. Mabilis na lumingon ako kay Mayordoma Charing. Sir Aziz? Huwag mong sabihing? Marahas na tumingin ako sa lalaking nakikita ko. Hindi ko mapigilang hindi napakunot noo. "Except you, Qyahara." Natuod ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang aking pangalan mula sa kaniya. Anak ka ng tinapa! Anong ginawa ko? >>TheKnightQueen ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD