Qyahara's P.O.V
Hihikab-hikab ako habang tinapos ko itong almusang inihahanda ko. Nakatulog naman siguro ako ng mga isang oras kagabi.
"Parang lagi kang puyat, ah." biglang komento ni Charing este ni Mayordoma Charing.
Humarap ako sa kaniya at binati siya.
"Hindi naman po." tugon ko,
Sa lahat ng narito, siya lamang ang nakakausap ko. Wala nga akong makausap sa mga kasamahan ko. Wala rin akong kausap dito sa kusina dahil tanging ako lang ang cook na narito.
Maghahanap pa ba sila ng bagong cook?
"Hindi ka ba makatulog nang maayos? May problema ba?" mga tanong niya.
"Ay, wala po. Anemic po kasi ako kaya medyo hirap po akong makatulog sa gabi." tanging palusot ko na sana makalusot.
"Ay, ganoon ba. Naku! Mahirap kapag ganiyan, iha. Dapat uminom ka ng vitamins para gumaling iyang anemic mo. Mahirap ang magkaroon ng ganiyan." wika niya,
Napatango-tango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Nakahanda na ba ang almusal ni Sir?" tanong niya.
"Ito po," ani ko saka tinuro sa kaniya ang tray.
Inihahatid kasi niya ang pagkain ni boss. Hindi yata ito kumakain sa mismong dining table.
"Light lang po iyan. Medyo kulang na po kasi ang mga ingredients. Kailangan na pong bumili ng mga bagong stocks." saad ko,
"Ay, oo nga pala. Dalawang buwan na ang nakalipas. Nakalimutan kong makapalengke para sa ngayong buwan." tugon niya.
"Ako na po sana ang gagawa kaya lang po ay hindi ko alam kung saan bibili? Sa bayan pa rin po ba?" tanong ko.
"Hindi na kailangan, iha. Mayr'ong sariling palengke ang ating lugar. Doon ka pupunta. Huwag kang mag-aalala. Ipatatawag ko ang anak ko para masamahan ka." wika niya,
Anak niya?
May anak pala siya?
"Hatid ko na muna itong pagkain kay Sir. Maghanda ka na rin at maghintay sa labas. Tatawagan ko ang anak ko kaagad pagkahatid ko." wika niya saka kinuha ang tray.
Katulad ng dati ay wala akong nagawa at hindi na ako nakapagbitiw pa ng anumang salita.
Napakibit-balikat na lamang ako.
Umalis na rin ako sa kusina at tumungo sa kuwarto para makapagpalit ng damit. Kailangan ko na rin sigurong magbili ng damit. Buti na lang at may uniform dito. Ito ang siyang nagiging damit ko na sa araw-araw.
Kaagad din akong natapos sa aking paggayak. Bumalik muli ako sa kusina para kunin ang mga ingredients at mga kailangan pang stocks na nilista ko.
Ito rin ang unang beses na makapaglilibot at makalalabas ako rito sa mansion.
Narating ko ang labas ng mansion subalit wala naman akong nakitang tao kaya naupo muna ako rito sa gilid ng hagdan.
Ang sabi ni Mayordoma Charing ay maghintay daw ako rito. Baka hindi niya pa natatawagan ang anak niya kaya wala pa.
Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagpulot ng mga maliliit na bato sa tabi.
"Qyahara?" Natigil ako sa ginagawa ko at napaangat ng tingin sa tumawag sa akin.
Nagulat ako nang makilala ko siya.
"Anna?" patanong kong tugon.
Hindi ako sure kung si Anna nga ba itong nasa harapan ko.
"Ikaw nga! Anong ginagawa mo rito?" malawak na ngiti niyang tanong.
Mukhang siya nga si Anna na nakilala ko.
"Ahhm, dito ako nagtratrabaho." sagot ko.
"Talaga? Lagi na pala kitang makikita rito." masayang sambit niya.
Oo nga pala, nabanggit niyang taga-rito siya.
"Anna, narito ka na pala." Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya.
Nagmamadaling lumapit sa amin si Mayordoma Charing.
"Anna, ikaw na munang bahala rito kay Qyahara. Samahan mo siyang mamalengke ng mga kailangan sa kusina." agad na bungad niya sa amin.
Mabilis na lumapit sa akin si Anna. Hinawakan at lumingkis na ang kaniyang kamay sa braso ko.
"Ako na pong bahala sa kaniya, mama." sagot naman ni Anna kay Mayordoma Charing.
Anak?
Mama?
Lihim na tiningnan ko ang dalawa.
Mag-ina sila?
Nagulat ako ng hilahin na ako ni Anna paalis.
"Ikaw pala ang sinasabi ni mama na sasamahan ko ngayong araw. Bakit pala ikaw ang siyang nautusan? Wala bang cook?" tanong niya.
"Ako lang ang cook na mayr'on sila." tugon ko naman.
"Hah? Ikaw? Isa lang ang cook ni Sir Aziz ngayon?" takang wika niya.
"Aziz?" bigla kong nasambit.
Mabilis na tumingin sa akin si Anna.
"Hindi mo kilala ang boss natin?" hindi makapaniwala at gulat na saad niya.
Marahan akong umiling.
"Totoo? Hindi mo pa ba siya nakikita?" tanong niya ulit.
"Hindi. Madalas siyang wala sa mansion. Hindi rin nagtatagpo ang landas naming dalawa." saad ko,
Bagay din na kinaiinis ko dahil hindi ko maiparating sa kaniya ng personal na palitan niya ako as cook.
"Kung sa bagay, nitong nakalipas na mga buwan ay naging abala siya. Madalas siyang lumalabas ng Cenny's Town." ani ni Anna.
"Pero alam mo bang mas maraming gustong laging wala si Sir Aziz sa mansion dahil doon lamang sila nagtatagal. Kapag nariyan kasi siya, isang pitik lang ay talsik ka na agad. Walang tanong-tanong. Dapat mag-empake ka na kaagad, at dapat hindi ka na niya makita kinabukasan." pagkukuwento niya.
"Sino ba itong Sir Aziz? I mean kilala ko siya bilang boss ko pero wala akong masiyadong alam sa kaniya na iba." saad ko,
"Si Sir Aziz lang naman ang may-ari ng buong lugar na ito." tugon niya na ikinalingon ko kaagad sa kaniya.
"Siya ang may-ari ng Cenny's Town?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango-tango siya bilang tugon.
"Yup! Lahat ng mga nakikita mong narito ay pagmamay-ari niya, at kaming mga narito ay tauhan niya. Bawat isa sa amin ay mayr'ong kaniya-kaniyang ginagawa rito para mapanatiling maayos at maganda ang Cenny's Town." patuloy niya.
"Huwag kang mag-alala. Nakalabas ka na rin lang naman sa mansion at kasama mo ako ay ililibot kita sa buong lugar namin para namang maging pamilyar ka na rito. Sana nga ay maging legal na taga-rito ka na rin, e." dagdag niyang sambit.
"Matanda ba itong si Sir Aziz?" biglang tanong ko.
Wala, e. Curious ako, e.
Bigla siyang nahinto sa paglalakad at mabilis na bumaling ng tingin sa akin sabay halakhak ng tawa. Iyong tawang pati karatig bayan ay maririnig ang paghalakhak niya.
Lihim na tumaas ang dulo ng aking kilay. Hinintay kong humupa ang kaniyang paghagalpak.
"Tapos ka na?" bagot kong tanong.
Huminto siya pero tumatawa pa rin.
"S-sorry, s-sandali!" sambit niya saka muling tumawa at nagawa pang niyang mag-v sign.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya unti-unting tumigil.
"Ahem!" She cleared her throat saka tumingin sa akin na pinipigilan pa ring huwag tumawa.
"Sige lang! Itawa mo lang. Kapag tumigil ka sa pagtawa, baka hindi sa palengke ng Cenny's Town ang magiging destination nating dalawa. Siguro naman may sementeryo rito, noh?" taas kilay at seryosong sambit ko.
"Sabihin mo lang kung saan dahil willing akong ihatid ka roon, ngayon mismo." dagdag ko.
Mabilis na tumigil siya sa pagtawa at automatic na nawala ang lahat ng itatawa niya. Mas tumaas ang dulo ng aking kilay.
"Bakit ka tumigil?" tanong ko.
"Ito naman, hindi mabiro. Paano naman kasi ikaw lang ang taong nagsabi na matanda si Sir Aziz." depensa niya.
"Tsk! Kasalanan ko pa? Pasens'ya na, hindi ko pa siya nakikita, e. Anong malay ko sa itsura niya." ani ko,
"Bakit kasi sa lahat ng maiimagine mong itsura niya ay sa matanda pa talaga. Naku, Inday! Kapag nakita mo siya ay lalag ang iyong panga kasama ang iyong panty sa malalaglag." eksra-herada niyang sambit.
"I swear! Cross my heart, mamatay man ako ngayon." Pumunta siya sa harapan ko at tumigil.
Tumingin ako sa kamay niyang nakataas na tila nanunumpa.
"Magiging totoo ang sinabi ko kapag nakita mo na siya. Napakaguwapo ng boss natin. Kaya nga lahat ng mga turistang pumupunta rito ay karamihan ay babae, e. Dahil ang pakay nila ay makita si Sir Aziz. Iyon nga lang, masungit si boss kaya walang magtatangkang lumapit. Baka kapag lumapit sila ay hindi na nila makita ang bukas." mahabang sambit niya.
"At saka, shhhh lang, ha!" Bigla siyang lumapit sa akin.
"Nakakatakot si Sir Aziz. Iyong tipong alam mo na agad na nasa paligid siya dahil mararamdaman mong magiging malamig ang paligid kahit tirik na tirik ang araw." mahinang saad niya.
Bigla mayr'ong pumasok na isang tao sa aking isipan.
Lihim na kumunot ang aking noo.
"Basta! Maniniwala ka lang sa akin kapag nakita mo na siya." tila pagsuko niya.
"Tsk! Siguro kong makikita ko siya at kung totoo ang sinasabi mong guwapo siya. Malalagpanga lang ang magagawa ko. Excuse me! Hindi maluwag ang panty ko para malaglag, noh." tugon ko sa kaniyang mga sinabi.
Muli siyang tumawa pero hindi nakatulad kanina. Nahinto siya ng mayr'ong dumating at tumigil na sasakyan sa tapat namin.
Sasakyan na katulad ng sinakyan ko papunta rito sa mansion.
"Ano ba naman 'yan, Peter! Bakit ang tagal mo namang makarating? Malapit na lang naming marating ni Qyahara ang gate." himutok ni Anna.
Agad na humingi ng pasens'ya si Peter. Pinanood ko lamang silang dalawa hanggang sa bumaling ng tingin sa akin si Peter.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit naputol ang date namin ni Anna." nakataas kilay niyang wika sa akin.
Nilabanan ko ang kaniyang kilay.
Ako pa ang sinisi.
"Peter!" saway ni Anna.
"Alam mo, mukhang hindi lang isang tao ang maihahatid ko sa sementeryo." nasambit ko.
Alam ko na kung ano ang una kong itatanong sa boss namin kung magkita kami. Saka ko na ipararating ang problema ko.
"Mukhang gusto kang samahan ng boyfriend mo, Anna." walang birong wika ko.
Mabilis na hinawakan ni Anna ang braso ni Peter na biglang nagtaka at tumingin kay Anna.
"Hehehe, nagbibiro lang itong si Peter. Hindi ba, Peter?" wika niya sabay lihim na kinurot si Peter sa braso.
"O-Oo, n-nagbibiro lang ako." napilitang tugon ni Peter saka lihim na ininda ang kurot ni Anna sa kaniya.
"Puwes! Hindi ako nagbibiro. Ihiling ni'yo na sana hindi ko matagpuan ang sementeryo ni'yo dahil naka-reserve na roon ang paglilibingan ni'yong dalawa." seryosong sambit ko.
"Ha-ha-ha! G-Grabe ka namang magbiro, Qyahara." saad ni Anna saka pilit na binaba ang tension sa namumuo kay Peter.
Lihim na napangisi ako.
Humakbang na ako at sumakay sa sasakyan.
"Ihatid ni'yo na lamang ako sa palengke. Kaya ko namang mag-isa. Nakahihiya naman kasi sa date ni'yong dalawa." sarkastikong sambit ko.
>>TheKnightQueen ❤️