Qyahara's P.O.V
Muling lumipas ang araw at linggo na ako ay nanatili rito. Dalawang buwan na akong narito. Akalain ni'yo 'yon, nakaabot akong dalawang buwan kasama ang ayaw ko pa ring trabaho, ang tagapagluto.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita at nakikilala ang aming boss. Sa loob ng dalawang buwan ay lagi itong wala. Mukhang ang busy niya lagi.
Palagi raw itong lumuluwas dahil sa mga out of town niyang mga business thing.
Unti-unti na rin akong nasasanay dito, though nasa loob ko pa rin na baka hinahanap ako ng aking ama or ni Nayes.
Hindi naman siguro nila iisipin na narito ako sa klaseng lugar, ngunit kilala ko si Nayes. Alam niyang ang nais kong lugar ay sa mga tahimik katulad nitong kinaroroonan ko.
Sana naman ay hindi niya maisipang pumunta rito. Si Nayes ang siyang nakahanap sa akin noon, at nakatitiyak akong sisiguruhin niyang mahahanap niya akong muli.
Kung kinakailangan kong magtago nang husto at itago ng matagal ang aking pagkatao ay gagawin ko. Hindi pa sapat ang aking kakayahan para sila ay muling harapin.
At isa pa, nais ko munang mahanap kung saan nila inilibing ang taong mahalaga sa akin.
Inayos ko ang nakapatong na tela sa balikat ko. Narito ako ngayon sa labas ng mansion. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang aking pagtulog. Hindi pa rin ako makatulog. Kaya heto ako naglilibang at nagpapahangin sa labas.
Tumingala ako sa kalangitan. Napangiti ako sa ganda ng buwan. Fullmoon ngayon kaya napakaganda nito. Maging ang kalangitan ay napakalinis, tanging ang buwan lamang ang makikita mo. May mga ulap naman pero kunti lang ang mga ito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at muling inalala ang mga magagandang alaala na mayr'on ako sa kaniya.
"Mukhang paborito mong titigan ang buwan." Napalingon ako sa nagsalita.
Napalawak ang ngiti ko nang makita ko siya. Mas lumawak ang aking ngiti ng yakapin niya ako mula sa aking likuran.
Pareho kaming tumingala para panoorin ang buwan.
"Bata pa lamang ako ay hilig ko na panoorin ang buwan. Alam mo bang kada buwan ay ang fullmoon ang aking inaabangan nang husto." masayang pagkukuwento ko.
"Ang sabi nga ni Mom ay ang weird ko raw. Sa lahat ng kilala niya ay ako lamang ang gumagawa nito." dagdag ko pa.
"Bakit mo nga ba ito inaabangan?" tanong niya.
"Dahil sa tuwing tinitingnan ko ito. Napapangiti ako at nawawala ang aking mga pangamba. Lahat ng nararamdaman kong lungkot at pangungulila sa aking ina ay nawawala. Bumabalik din ang mga magagandang alaala ko kasama ang aking ina." sagot ko,
"Simula ngayon, kasama mo na rin ako sa pag-aabang ng fullmoon ng sa ganoon ay hindi ka nag-iisang pagmasdan ito." sambit niya na ikinangiti ko.
Hindi ko napigilang hindi mapaluha. Dalawang taong mahalaga sa akin ang siyang nawala. Ang masakit pa, ang mga taong mahalaga rin sa akin ang siyang naging dahilan ng kanilang pagkawala.
Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha sa aking pisngi. Hinayaan ko lamang ito. Walang natira sa akin. Inubos nilang lahat.
Wala akong hinangad kun'di makasama lamang ang taong mahal ko. Hindi man kami mayaman or kung ano pa man. Handa akong harapin lahat ng paghihirap makasama ko lamang siya pero sinira nila iyon.
Kinulong nila ako ng maraming taon sa kadahilanang nagmahal ako ng isang taong hindi nila gusto. Sa taong hindi nila katulad ng status sa buhay.
Tinago nila ang aking pagkakakilanlan sa publiko sa kasalanang hindi ko ginawa. Pinarurusahan nila ako at patuloy na pinaparusahan.
Nakalaya nga ako pero kailangan kong magtago, ngunit mas gugustuhin ko pa ang ganito kaysa ang makita at makasama sila sa iisang lugar.
"What are you doing here?" Isang malamig na boses muli ang siyang nagpapitlag sa akin.
Agad kong pinunasan ang aking mga luha. Hinanap ng aking paningin ang boses na iyon. Dumako ang tingin ko sa poste. Napansin kong parang mayr'ong nakasandal doon. Hindi ko masiyadong makita dahil madilim sa kaniyang kinaroroonan. Hindi siya abot ng sinag ng buwan.
Ang presensiya niya ay katulad ng taong nakaharap ko sa kusina, two months ago.
"Why are you still outside?" malamig niyang tanong ulit.
Nakatitig lamang ako sa kaniyang kinaroroonan. Nakatitiyak akong siya ang taong iyon. Ang taong nakasagupa ko sa kusina.
This time, gusto ko siyang makita na.
Hindi ako natatakot ngayon. Nakasuot akong wig ngayon, at nakabalot naman ng tela ang katawan ko. Sigurado rin ako na hindi niya mapapansin ang tunay mukha ko.
Hindi naman ako binigo ng kagustuhan kong makita siya dahil unti-unti siyang humakbang palabas sa kaniyang kinaroroonan.
Nabigla ako ng tuluyan ko siyang makita. Hindi ko maiwasang hindi mamangha.
I blink my eyes. Tao ba ang nakikita ko? Or isang anghel?
Ang guwapo lang naman ng taong nasa harapan ko. Ang ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan, ang tangos-tangos ng kaniyang ilong, ang tangkad niya at kung titingnan hanggang balikat niya lamang ako.
Walang kapintasang makikita sa kaniya, mula ulo hanggang paa.
"Are you done checking me out?" malamig niyang untag sa akin.
Tila natauhan naman ako at napaayos ng tayo.
I cleared my throat and decided to answer his questions.
"I am not." depensa ko.
"Well, a little bit." mabilis na bawi ko rin.
Lihim na tinampal ko ang aking labi sa klase ng sagot ko. Baka mapagkamalan niya akong hindi ako galing sa simpleng pamilya.
"Pasens'ya na, mahilig kasi akong manood ng English movies, kaya marunong akong magsalita ng English na language." agad kong depensa.
"At saka, ine-english mo ako, e." mabilis kong dagdag.
Naramdaman kong naging mas malamig pa ang kaniyang aura. Lihim na umatras ako paatras.
Shit! Hindi ko talaga gusto ang presensiya niya. Feeling ko kasama ko ang napakadelikadong tao sa mundo na anumang oras ay kikitilin ang aking buhay anumang oras.
Naalala ko tuloy ang banta niya sa akin noon.
Mukhang maling bahay ang pinasukan ko. Mukhang nasa lungga ako ng isang mabangis na lion.
"I asked you three questions, yet you only gave me one answer." wika niya,
Mukha naman siyang kalmado pero bakit feeling ko ready siyang umatake kapag nakagawa akong mali.
Lihim na napangiwi ako.
Gusto ko pa namang mag-stay pa at panoorin ang buwan, kaya lang parang gusto ko na lamang tumakbo ngayon pabalik sa aking silid.
"Ahm, hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako saglit para magpahangin. Nagbabakasakali rin akong mahuli ako ng kaantokan." sagot ko na lamang.
Lihim na napabuntong hininga rin ako dahil sa halip na kasinungalingan ang isagot ko. Iyong totoo ang siyang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na rin ito nagawa pang mabawi.
Muling dumako ang tingin ko sa buwan.
"Gusto ko ring panoorin ang buwan. Ang ganda kasi nito." Sumilay ang ngiti ko sa aking labi habang pinagmamasdan ang buwan.
"Ngayon ko lamang kasi rin itong natitigan at napagmasdan muli pagkatapos ng mahabang taong pagkakakulong." mahina at pabulong kong sambit.
Naramdaman ko ang pagbaling ng kaniyang tingin sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa. Gusto ko lamang itong sulitin na makita. Next month ko na naman kasi itong makikita.
Hindi rin ako nakatitiyak kung sa sunod na buwan ay narito pa ako.
Hindi ko alam pero dumako ang tingin ko sa kaniya. Napansin kong titig na titig din siya sa buwan.
"Hilig mo rin bang panoorin at pagmasdan ang buwan?" wala sa sarili kong tanong na ikinabigla niya pero agad niyang tinago.
Hindi ko na rin itong pinagtuonan ng pansin.
Sa buwan na lang ako ulit tumingin.
"Ako kasi ay hilig ko itong gawin. Ang sabi nga ng aking ina ay ang weird ko raw at ako lamang daw ang gumagawa nito." Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ang mga ito sa kaniya subalit pinigilan ko na ang aking sarili na magsalita pa.
Nagpanggap akong napahawak sa aking ulo at pekeng ngumiti sa kaniya.
"Pasens'ya na, madaldal na yata ako." alanganin kong saad.
"Mauna na rin ako at anong oras na." dagdag ko saka dahan-dahan akong humakbang palayo sa kaniya.
Tumingin muli ako sa kaniya. Nakatingin siya muli sa buwan ngunit mayr'on akong nararamdamang something sa kaniya habang pinagmamasdan niya ito.
Kalaunan ay napailing at napakibit-balikat na lamang ako. Baka mali lang ako. Sino naman ako para humusga.
Nang makapasok na ako ay patakbo na akong tumungo sa aking silid. Isinara ang pinto at sumampa sa kama.
Bakit ko nga ba laging nakikita ang taong iyon dito?
Natatagpuan pa talagang kung kailan lalabas ako ng hatinggabi.
At sino ba siya?
>>TheKnightQueen ❤️