Chapter #9

1517 Words
Qyahara's P.O.V Pabaling-baling ang ulo ko sa kanan at kaliwa. Hindi rin napakali ang katawan ko sa aking hinihigaan. Hindi ako makatulog kahit anong position ng higa ang gawin ko. Mukhang nag-a-adjust pa ang aking katawan sa lugar kung nasaan ako. Or sadyang nasanay lang talaga ako na hindi matulog sa gabi. Sa loob ng pitong taon kong nakakulong sa mansion. Mas pinipili kong gising sa buong magdamag sa takot na baka mayr'ong pumasok sa aking kuwarto para ako ay paslangin. Paranoid man pero ganoon ang aking pakiramdam sa loob ng maraming taon. Agad na magiging alerto ang aking tainga sa tuwing naririnig ko ang tunog na nililikha sa tuwing nag-e-enter sila ng password. Madalas ding nagpapanggap akong tulog at naghihintay sa kung ano man ang gawin nila. Sinubukan ko muling ipikit ang aking mga mata, kinalma ko rin ang aking sarili at nilagay sa isipan ko na wala na ako sa kuwartong iyon. Ngunit lumipas muli ang isang oras ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Makaririnig lamang ako ng kunting ingay ay agad na nagiging alerto ang katawan ko. Bumangon ako sa kama at umupo sa gilid nito. Tumingin ako sa wall clock. Lagpas hatinggabi at malapit ng mag-umaga pero heto pa rin ako gising na gising. Napabuntong hininga na lamang ako. Tumayo ako saka lumapit sa pinto. Marahan ko itong binuksan at sumilip muna ako bago tuluyang lumabas. Sinara ko ang pinto sa marahan ding paraan. Pupunta akong kusina para kumuha ng maiinom. Nauuhaw kasi ako at nanunuyo ang aking lalamunan. Hindi naman madilim kahit nakapatay lahat ng ilaw. Mayr'on kasing mga maliliit na ilaw sa gilid. Iyong parang lamp. Walang ingay akong humakbang habang tinutungo ko ang kusina. Habang papunta ako sa kusina ay panay ang silip ko sa paligid baka kasi may lumitaw na lang sa harapan ko. May kalayuan din kasi ang kusina at ang aming lugar. Hindi nagtagal ay narating ko ang kusina. Kaagad akong kumuha ng baso. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng pitsel. Nagsalin agad ako ng tubig sa basong hawak ko. Sandali kong nilapag sa mesa ang pitsel saka ako ay uminom ng tubig. Para naman akong na-refresh pagkatapos kong uminom. Nagsalin ako muli sa baso at muling uminom. Ngunit sa aking sa kalangitnaan ng pag-iinom ay bigla akong natigilan. Naramdaman kong mayr'ong nakatutok sa akin. "Who are you?" malamig na sambit ng kung sino na siyang nagdala ng kilabot sa akin. Nabuhay ang takot at kaba sa aking dibdib. Marahan kong ibinaba ang basong iniinuman ko. Hindi ko man makita kung ano ang nakatutok sa akin ay alam ko na kung ano ito. Wala sa sariling napalunok ako. "What are you doing here?" tanong niya muli at mas lumamig pa ang kaniyang boses. Lihim na huminga ako nang malalim saka inalis ko ang takot na nararamdaman ko. Hindi dapat ako padadaig sa takot. "Ako po si Qyahara, bagong cook po rito." mahinahong pakilala ko sa aking sarili. "Qyahara?" bigkas niya sa aking pangalan na nagdulot ng kakaibang epekto sa aking sistema bagay na hindi ko maintindihan. Ang pangalang Qyahara ay hindi ko ginagamit ngunit sa aking kasalukuyang situation ay kailangan ko itong gamitin para maitago ko ang aking pagkatao. "Pasens'ya na kung pumuslit ako sa ganitong oras dito sa kusina. Nakaramdam kasi ako ng uhaw kaya bumaba ako para kumuha ng maiinom." kalmadong paliwanag ko. Nakahinga ako nang maluwag ng tinanggal niya sa tapat ng aking ulo ang hawak niya. Ngunit nanatili pa rin akong nakatayo. "Pasens'ya na rin kung nagtunog or nagmukha akong magnanakaw. Tinamad kasi akong buksan ang ilaw." walang prenong dagdag ko. "Tsk!" tanging narinig ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kaniyang paghakbang. Binuksan niya ang refrigerator at mukhang mayr'on siyang kinuha. Gusto ko mang humarap sa kaniya pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Hindi ko rin naman siya makikita dahil may kadiliman at tanging sinag ng liwanag na nanggagaling sa buwan ang siyang nagbibigay ng kunting liwanag sa paligid. "Next time, open the light. If you do this again, I won't spare your life." malamig niyang sambit na banta na rin. "I will remember it." tugon ko, Wala na akong narinig pa kaya lumingon ako sa kinaroroonan niya pero wala na akong naramdamang mayr'on akong kasama. Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Napahawak ako sa aking dibdib at naitukod ko ang isang kamay ko sa mesa. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Who is that guy? The heck! Ngayon lamang akong nakaramdam ng ganito katinding takot mula sa isang tao. Dumako ang tingin ko sa nanginginig na mga tuhod ko. Kahit pa nagawa kong maging mahinahon sa presensiya niya at makapagsalita nang maayos. Pakiramdam ko ay nadala niya ang aking lakas sa kaniyang pag-alis. Sandali muna akong mag-stay dahil hindi ko pa magawang maihakbang ang aking mga paa dahil sa nanginginig pa rin ito. Nang nagkaroon na ako ng lakas na makahakbang ay dali kong binalik sa loob ng refrigerator ang kinuha ko saka mabilis na umalis. Naging lakad-takbo ang ginawa kong mga hakbang na kalaunan ay naging takbo na. Makarating at makabalik lamang ako sa loob ng aking kuwarto. Kaagad kong binuksan ang pinto saka pumasok. Ni-locked ko ang pinto at sumandal sa pinto. I am not wearing any disguise. Kahit ang wig ko ay hindi ko sinuot at nakalimutan ko rin kanina paglabas ko. Naalala ko na wala akong suot na disguise ay nasa kusina na ako. Tinamad na akong bumalik pa. Inisip ko rin na lahat ay tulog pa kaya nakampante ako na walang tao akong ma-e-encounter. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko binuksan ang ilaw sa kusina. The f**k! Sa susunod ay kahit uhaw na uhaw na ako ay hindi na ako muling lalabas. Mamatay ako sa simpleng pag-inom lang. Mawawala nga ang uhaw ko pero mamamatay naman ako. Ayoko ng ma-encounter ang taong iyon. Kung sino man siya. Ayoko sa klase ng presensiya niya. Patakbo akong bumalik sa higaan. Agad na binalot ko ng kumot ang aking katawan at mas lalong hindi ako nakatulog. ************************** Nagmamadali kaming pumunta sa harapan ng pinto. Kasalukuyan naming sasalubungin ang aming boss na daig pa ang isang royal kung salubungin. Sa dalawang linggong pananatili ko rito ay ito ang pangalawang beses na ginawa namin ito. At oo, tumagal ako at hindi lang ako, maging ang mga ka-batch ko na himala raw na nangyayari, pero ang sabi naman ni Mayordoma Charing ay ngayon lamang ito sapagkat laging umaalis ang aming amo. Kapag daw ito nag-stay kahit isang araw ay baka unti-unti na kaming maubos. Hindi ko pa nga rin siya nakikita, e. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang boss namin. Kung siya ba ay matanda na, or what? Laking pasasalamat ko rin dahil hindi ko na na-e-encounter iyong taong nakaharap ko sa kusina. Simula rin kasi ng gabing iyon ay hindi na talaga ako lumabas kahit pa uhaw na uhaw ako. Kasama si Mayordoma Charing ay sabay-sabay kaming nagsiyukuan. Susubukan ko sanang sumilip pero agad na akong pinigilan ni Mayordoma Charing kaya hindi na ako nagtangka pa. Nanatili kaming mga nakayuko. Ang tanging nakita ko lamang ay ang itim na sapatos. Alam ni'yo bang pagdating din sa hakbang ay ang mga hakbang niya lamang ang hindi ko maramdaman or marinig bagay na ikinataka ko. Like paano niya nagagawang lumakad ng walang ingay man lang? Umalis kami sa pagkakayuko ng makaraan na siya. Tiningnan ko ang dinaanan ng aming boss. "Qyahara," Rinig kong tawag sa akin. Bumaling ako sa kaniya at bumungad sa akin si Peter. "Hi po, Sir Peter." magalang kong bati sa kaniya. "Ano ka ba! Huwag mo nga akong galangin ng ganiyan. Kinikilabutan kasi ako, at saka Peter na lang. Hindi naman ako ang boss mo." saad niya, Tipid na ngiti ang binigay ko sa kaniya. "Kumusta? Mukhang wala pang na-e-evict sa inyo, ha." saad niya, "Wala pa naman pero hindi pa rin ako napapanatag lalo na sa position ko. Ilagay mo ba naman ako sa tagapagluto. Sinabi ng ayaw ko roon, e." hindi ko na napigilang hindi magreklamo sa kaniya. Oo, hanggang ngayon ay tagapagluto pa rin ako. Wala pa kasing nakukuhang bagong cook. Sa halip na sagutin ako ay isang hagalpak ng tawa ang narinig ko. "Pasens'ya na, Qyahara. Naging busy din kasi ako kaya hindi ako makapaghanap ng bago, at saka nandiyan ka naman." tugon niya. "Puwede ba maghanap ka na! Ayoko nga kasi ng tagapagluto, e. Hindi naman kasi ako marunong." Hindi ko alam kung saan lakas ng loob ako humuhugot ngayon. Ang kapal ng mukha kong mag-demand or magreklamo, e. Mukhang balewala lang naman din sa kaniya kaya tinutuloy ko na. Oo na, opportunista ako. "Sasabihin at itatanong ko sa boss mo kung kailangan pa ng isa pang cook. Suwerte mo kung pumayag siya." saad niya, Lihim na sumimangot ako. Iyan din ang sinabi sa akin ni Mayordoma Charing, e. Hanggang ngayon wala pa rin. Kapag wala pa rin talaga ay lalakasan ko na ang loob ko na ako mismo ang magsasabi sa boss namin. Ma-tyempuhan ko lang talaga siya. Kainis kasi, e. Para kasi siyang multo, susulpot lang kung kailan niya gusto. >>TheKnightQueen ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD