Qyahara's P.O.V
Nagulat ako ng bigla na lang akong hilahin at kasalukuyang dinadala kung saan.
Habang patungo kami kung saan ay panay ang salita niya na katunayan ay hindi ko halos maintindihan. Ang bilis niya kasing magsalita.
Hanggang sa bigla niya akong binitiwan. Nang tumingin ako sa hinintuan namin ay napansin kong nasa loob kami ng kusina. Tumigil ang tingin ko sa ginang na nagdala sa akin dito.
Magtatanong sana ako ng maunahan niya akong magsalita.
"Hurry! Kailangan mong makapagluto sa loob lamang ng limang minuto. Naghihintay na si Sir. Hindi niya nagustuhan ang niluto kanina." saad niya sa akin.
"Ano b---" Naputol muli ang aking sasabihin ng sumabat na siya.
"Galingan mo kung gusto mong magtagal dito." ani niya pa sabay talikod sa akin.
"S-sandali!" pigil ko pa sana.
Sinubukan ko pa sana siyang habulin kaya lang ay mabilis siyang nawala sa paningin. Wala akong nagawa kun'di ang gawin ang pinagagawa nila.
Muli akong humarap sa loob ng kusina. Namangha ako sa lawak nito. Sa laki at lawak nito ay puwede nang ilagay at kakasya rito ang dalawang queen size bed.
At ano raw?
Kung nais kong magtagal ay dapat galingan ko sa pagluluto. Napangiwi naman ako dahil hindi naman ako isang chef. Hindi nga ako eksperto sa pagluluto, e.
Paano ba 'to?
Busangot ang aking mukha na kumilos ako. Tiningnan ko ang mga cabinet. May mga laman naman pati na rin ang kanilang ref.
Anong pagkain ba ang maluluto sa loob lamang ng limang minuto?
At ang malala pa, hindi sa akin sinabi kung ano ba ang gustong kainin ng boss nila na boss ko na rin.
Mukhang nakatatakot pa naman si boss base sa mga sinabi ni Peter kanina.
Sa aking pagbubukas ng cabinet ay bumungad sa akin ang mga pasta at noodles. Kung pasta ang lulutuin ko. Medyo matagal ang pagpapalambot nito at tingin ko ay ang limang minuto ay kulang pa rito.
Kumilos ang aking kamay ay ang hinablot ko ay ang noodles.
"Bahala na!" tanging naibulong ko sa aking sarili.
Kung matatanggal man ako ay nangangahulugang wala sa lugar na ito ang aking kapalaran. Wala sa lugar na ito ang aking suwerte.
Agad na akong kumilos at sinimulan ang aking pagluluto sa noodles. Nilagyan at hinaluan ko na rin ito ng ilang sangkap para naman ay hindi lang ito maging plain noodles.
Saktong pagpasok muli ng ginang ay tapos na akong maghanda.
"Mamaya na tayo mag-usap muli. Ihahatid ko muna ito saglit kay Sir." agad niyang saad sa akin sabay kuha ng aking inihanda.
Nakatalikod na siya sa akin pero agad siyang humarap sa akin.
"Sigurado ka bang ito ang nais kong dalhin ko kay Sir? Mukhang ayaw mong mag-stay dito." komento niya.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at hindi na tumugon pa. Tipid na ngiti na lamang ang aking binigay sa kaniya. Naiiling na lamang siyang tumalikod muli saka tuluyan ng lumakad.
Sa klase ng ekspresiyon na nakita ko kanina ay mukhang sa pagbalik niya ay dala niya ang balitang tanggal na ako.
Hindi pa man nga umiinit ang paa ko sa sahig na nila ay tanggal na agad ako.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kung ganoon talaga ang kapalaran ko ay tanggap ko na. Maghahanap na lamang ako ng ibang mapapasukan.
At saka, katulong naman kasi ang pinasok ko rito, hindi bilang isang tagaluto.
Niligpit at nilinis ko ang mga nagamit ko sa pagluto.
Pumasok kasi ako rito ng malinis kaya dapat lalabas din ako rito ng malinis din.
Pagkatapos ko ay naghintay ako sa pagbalik ni Ginang at sa kaniyang dalang balita.
Marahan akong naghila ng mauupuan. Mukha kasing medyo matatagalan siya sa pagbalik. Sana naman ay hindi pangit ang dala niyang balita. Kung bibigyan ako ng chance na mag-stay pa rito ay pagbubutihan ko talaga.
Hindi rin kasi madaling maghanap ng lugar lalo na at mukhang walang katabing lugar itong Cenny's Town. Ito lang kasi ang nakita ko habang tinatahak ko ang entrance nito.
Sa aking pagmuni-muni at pag-iisip ng bagong plano ay dumating na ang hinihintay ko. Napatayo kaagad ako at mabilis na binalik sa dati ang upuan na inupuan ko.
"Tanggal na po ba ako? Hindi ba niya nagustuhan ang ginawa ko?" alinlangan kong sambit.
Napahilamos ako ng mukha ng ma-realize ko aking ginawa.
"I get it! Sino nga ba ang matutuwa sa ginawa ko? Noodles ba naman ang ipakain sa amo." bagsak balikat kong dagdag.
Yumukod ako at nagpasalamat sa kaniya.
"Salamat po, at pinagkatiwalaan ni'yo akong magluto." saad ko,
Marahan akong tumalikod sa kaniya at sa pang-ilang hakbang ko ay narinig ko ang kaniyang mahinang tawa.
"Wala pa naman akong sinasabi, Iha. Ang advance mo namang mag-isip." Rinig kong sambit niya na siyang mabilis kong ikinalingon sa kaniya.
"Po?" taka kong saad.
"Hindi ako ang siyang nagsasabi kong tanggal ka na or hindi. Siya mismo ang nagsasabi nito sa iyo." nakangiting wika niya.
"Busy siya at hindi ko na hinintay ang kaniyang tugon tungkol sa dala ko. Iniwan at umalis kaagad ako. Kahit na ako ay matagal na rito ay hindi ako nagtatagal sa loob ng office niya dahil ayaw niya." dagdag niya,
Nanatili akong walang imik at nakinig na lamang sa kaniya.
"Marahil ay suwerte ka pa ngayong araw, ngunit hindi pa rin tayo nakasisiguro. Araw-araw ang palit ng mga tagasilbi rito." patuloy niya,
"Hali ka, sasamahan kita sa magiging kuwarto mo." ani niya sabay lakad at nilagpasan ako.
Kaagad akong sumunod sa kaniya. Medyo nakaramdam ako ng saya dahil hindi ako natanggal ngayong araw, ngunit katulad mga ng sabi niya, hindi pa rin dapat ako makampante.
"Ay, oo nga pala, nakalimutan kong ipakilala ang aking sarili." biglang saad niya.
"Ako si Charing. Ako ang Mayordoma rito. Hawak ko ang lahat ng maids at cook na mayr'on dito, ngunit kasamaang palad ay walang nagtatagal." saad niya,
"Ako naman po si Qyahara. Bago lamang po ako rito at hindi po ako taga-rito. Maid lang naman po talaga ang inaplayan ko dahil iyon lamang po ang kaya ko. Hindi po kasi talaga ako magaling magluto at kung puwede po sana, ngayon pa lang po ay hihilingin ko na po ito sa iyo," mahabang saad ko.
Sinulyapan niya ako ng tingin at tila hinihintay niya ang sunod kong sasabihin.
"Kung puwede po sana na kung mayr'on na pong bagong cook na makuha ay magiging maid or kasambahay na lamang po ako. Hindi ko po kasi talaga kaya ang pagluluto." magalang na pakiusap ko.
"Hmmm, sasabihin ko sa ating boss, ngunit hindi ako nangangako na matutupad ang iyong nais." tugon niya,
"Salamat po," magalang kong pasalamat.
Okay lang at least nasabi ko sa kaniya ng maaga ang gusto ko lang na gawin. Kung ayaw talaga ay wala akong magagawa kun'di ang maging cook at pagbutihan na lamang ito.
Huminto si Mayordoma Charing sa isang pinto saka ito binuksan. Nang pumasok siya ay pumasok na rin ako.
"Ito ang kasalukuyan mong kuwarto. Since, katatanggal lamang ng mga cook ay ikaw muna ang mag-isa rito. Magkakahiwalay ang kuwarto ng mga maids, cooks at drivers. Huwag kang mag-alala dahil katabi mo lamang ang kanilang mga silid." paliwanag niya,
Tumango-tango ako bilang tugon.
"Nasa cabinet ang iyong uniform, at naroon naman sa mesa ang mga dapat mong tandaan." patuloy niya,
Napalingon ako sa gawi kung nasaan ang mesang kaniyang tinutukoy at nakita ko sa ibabaw nito ay parang isang hugis libro.
"Kung may tanong ka ay sabihin or itanong mo lang sa akin." wika niya,
"Maiwan na rin kita. Kailangan ko pa ring mag-orient sa mga bagong maids." dagdag niya,
Tumango ako at nagpasalamat muli sa kaniya. Nawala ang aking ngiti nang magsara na ang pinto. Muli akong tumingin sa buong paligid.
Hindi maliit at hindi rin malaki itong kuwarto. Dalawang double deck na magkaharap ang narito. At sa gilid ay cabinet na lalagyan ng mga damit. May nakita rin akong pinto na sa tingin ko ay patungong banyo.
Since wala naman akong dalang maraming damit ay hindi na ako nag-abalang maglagay pa doon.
Inilapag ko ang aking dalang maliit na bag sa tabi ng nasa ibabang higaan dito sa isang double deck.
Lumapit ako sa mesa at kinuha ang dapat kong pag-aralan at tandaan.
Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na ako. Pagtingin ko sa wall clock ay bigla akong napatayo. Oras na para sa paghanda ng dinner.
Kaagad akong lumapit sa uniform, kinuha ko ito saka pumasok ako sa banyo para magbihis. Wala akong sinayang na oras. Kaagad akong lumabas ng kuwarto at dumeritso sa kusina para makapaghanda kaagad ako.
>>TheKnightQueen ❤️