Chapter #2

1450 Words
Qyahara's P.O.V Nang maramdaman ko ang paglabas ni Queenette, marahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumangon ako at dumako kaagad ang tingin ko sa pintuan. Tumaas ang dulo ng aking labi saka napailing na lamang ako. Hanggang kailan nila ako balak ikulong dito? Umalis ako sa kama at tumayo. Nilapitan ko ang kaniyang dalang pagkain. Iniwan ko muna ito saka pumasok sa banyo para makapagligo muna. Naligo ako kaagad at natapos din naman kaagad ako. Pagkalabas ko, kumuha ako ng maiinom na tubig. Muling napadako ang tingin ko sa dala ni Queenette. Minsan ayokong kainin ang pagkain na galing sa labas baka kasi may lason na para matuluyan na ako nang wala na silang tinatago pa. Sa halip na kibuin ko ang pagkaing nasa tray ay lumapit ako sa mini refrigerator na mayr'on ako rito sa kuwarto ko. Nakita ko ang prutas na nasa Tupperware. Kinuha ko ito at ito na lang ang kinain ko. Tumungo ako sa aking table kung saan puno ng mga kagamitan sa pag-drawing. Inilapag ko ang hawak ko sa mesa at kinuha ang sketch book at kumuha na rin ako ng isang pencil. Sumandal ako sa upuan saka ipinatong ko ang isang paa ko sa upuan. Inilapat ko ang sketch book sa aking hita. Nagsimula akong mag-sketch ng mga bagong designs na damit. Nawala na iyong mga bago kong gawa kaya kailangan kong gumawa ulit ng bagong set of designs. Kapag hindi ako nagawa ay tatalakan ako ni Queenette ng bonggang-bongga. Nakaririndi pa naman ang boses niya. Habang ako ay gumuguhit ay bigla akong natigilan. Marahang tumigil ang aking kamay sa pagguhit. Napadako ang tingin ko sa bintana. Natanaw ko ang mga ibong malayang lumilipad sa labas. Pinanood ko sila sa paglipad nila. Nakaramdam ako ng inggit sa mga ibong malayang nakapaglilipad. Wala sa sariling tumingin ako sa pintuan. Tipid na napangiti ako habang nakatingin sa pinto. Kailan kaya ako palalayain sa lugar na ito? Gusto ko lang naman na maging malaya mula rito at higit sa lahat sa kamay nila. Pitong taon na akong nakakulong at ilang taon na rin nila akong tinatago sa lahat. Queenette is my twin sister. Sa aming dalawa siya lamang ang kilala ng lahat ng tao. At ngayon, mas kilala siya bilang isang napakagaling na designer dahil sa ganda ng kaniyang mga gawang designs. Iyon nga lang, walang nakaaalam na hindi niya sariling gawa ang kaniyang pinakikita sa publiko. Marunong din namang gumawa ng designs si Queenette subalit walang nakapapansin sa kaniyang mga gawa. Nang makita niya ang aking mga designs ay walang atubiling pinagpapalit niya ang kaniyang designs sa designs ko. Sa tuwing papasok rito si Queenette ay dapat ay mayr'on akong nakahandang mga bagong designs. Nang sa ganoon ay mayr'on siyang bagong ipapakita sa aming ama. Everyone loves Queenette, while I live in her shadow. I am living in this room like a prisoner. I am not allowed to leave this place. Kahit pagtapak man lang sa kuwarto ito ay hindi ko magawa. Lahat ng bagay na kailangan ko ay itinataas lamang lamang dito ng mga katulong. Tinanggap ko na rin ang ganitong kapalaran dahil iyong taong nag-iisang mayr'on ako. Nawala na rin sa akin. Wala na ring reason para ako ay lumabas pa. Alam kong pinanatili nila ako rito dahil may pakinabang pa ako. Ginagamit ni Queenette ang kakayahan ko bilang isang designer. Ako ang nasa likod ng kaniyang mga designs at walang nakaaalam nito. Dad never visited me here. He never showed himself to me. He hates me, just like my brother. Galit sila sa akin dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Hinawakan ko ang kuwentas ko. Mapait na tiningnan ko ang singsing na ginawa ko na lamang na necklace. Siya ay mananatiling nasa alaala ko na lamang. Kailanman ay hindi ko na siya makikita pa. Muling bumalik ang tingin ko sa labas at sa mga ibong patuloy pa ring malayang nagliliparan sa labas. I wish I could do that. I wish I could fly like they are doing. I wish I could have freedom. A freedom that no one can control and dictate in everything I need to do. Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagtunog na parang mayr'ong nag-e-enter ng passwords. Mabilis na itinago ko ang suot kong necklace sa ilalim ng aking damit. Maging ang ginagawa kong pagbuo ng bagong designs ay itinago ko rin. Humarap ako sa bintana at nagpanggap na pinanonood ko ang paglipad ng mga ibon. Narinig ko ang mga yabag na papasok hanggang sa makalapit siya sa aking kinaroroonan. "You didn't eat your food?" wika niya, "Why? Are you afraid that we might poison you?" he added. I heard him chuckled. "I am not. I just don't trust any of you." malamig kong tugon. "What? We are your family. Wala kang ibang pagkakatiwalaan kun'di kami lang." saad niya na siyang tunog pang-aasar sa aking pandinig. Nanatiling nasa labas ang aking tingin. Natatakot ako na baka kapag humarap ako sa kaniya ay hindi ko alam kung ano ang magawa ko. Nakaiinis pa naman ang kaniyang pagmumukha. He is Nayes Quindillion Hutton. Siya ang aming kapatid na panganay. Kambal kami ni Queenette pero nauna siya sa akin ng tatlong minuto. Kaya siya ang next kay Nayes at ako ang bunso. Subalit, sa mata ng tao sa labas. Dalawa lamang ang anak ng Hutton Family. Siya at si Queenette lamang. Kaya todo ang tago nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang malaman na mayr'on pa silang anak na isa. "Family your ass, brother. I do not belong to the family." I said coldly. "And what a miracle dahil isang pamilya pala ang tingin mo sa akin. Akala ko kasi ang tingin mo sa akin ay isang prisoner. Taong nakagawa ng isang malaking pagkakamali sa buhay." malamig ko pang dagdag. "You know the reason why you are here. You put yourself here." malamig niyang saad. Marahas akong tumingin sa kaniya. "What? Me? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nakamo-move on? Ako pa rin ba ang sinisisi ni'yo ni Dad sa bagay na hindi ko ginawa? Mas lalong hindi ko iyon magagawa." malakas kong silyak sa kaniya. "Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan, Nayes? You clearly know that I can't do that." ani ko na puno ng hinanakit. "Hindi lang naman iyon ang ginawa mo, Qyahara. Pinalaya ka namin. Hinayaan ka naming mamuhay ng mag-isa. Binigyan ka namin ng kalayaan pero anong ginawa mo?" he stated. Lihim na naikuyom ko ang aking palad. Pinipigilan ko ang aking sarili. Baka magawa ko sa kaniya ang bagay na ibinibintang nila sa akin. "Nagmahal ka ng isang taong mas mababa pa sa'yo." mariin niyang pang-aakusa sa akin. Naging matalim at mas naging malamig ang aking naging tingin sa kaniya. "Huwag na huwag mong babanggitin sa akin ang taong walang ginawang masama sa inyo." ubod ng lamig kong banta. "Ang tanging ginawa lang niya ay mahalin ako na kailanman ay hindi ni'yo pinaramdam sa akin." Mas naging mariin ang aking pagkakakuyom ng mga palad ko. Muling bumalik sa akin ang mga alaala kung paano na wala ang taong kaisa-isang mayr'on ako. Nabuhay ang galit na nararamdaman ko sa taong kaharap ko. "Love? Isa kang hangal kong iyan ang pinaniniwalaan mo. Hindi ka niya mahal, Qyahara. Pera lamang ang siyang habol niya sa iyo." pag-didiin niya. Tumawa ako ng pagak. "Pera? Paano ka nakatitiyak? Kailanman ay hindi ko sinabi sa kaniyang ang totoo kong pagkatao. Hindi ko sinabi sa kaniya na nagmula ako sa mayamang pamilya." saad ko, Mabilis akong tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko kasing tutulo ang aking mga luha. "Umalis ka na." mahinahon kong utos sa kaniya. Kinalma ko ang aking sarili. "Qyahara, look! Forget him. He no longer exists in this world. He doesn't belong in the place where you are right now." pagpapaunawa niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Puwede ba? Umalis ka na, at huwag na huwag mong ipakita ang pagmumukha mo sa akin muli. Dahil hindi ako nakatitiyak kung kaya ko pang pigilan ang aking sarili pagnakita pa tayo." mariin kong banta sa kaniya. Baka sa susunod ay hindi na bilang Kuya ang siyang maging turing ko sa kaniya. "Please lang, Nayes! Nakiki-usap sa'yo, umalis ka na." sambit ko, Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at hinayaan ko siyang makaalis. Pagkasara ng pinto ay tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha. Nakagat ko ang aking kamay ng walang boses na makaalpas sa aking bibig. Sa tuwing naalala ko siya ay hindi ko mapigilang hindi mangulila sa kaniya. Nami-miss ko na siya nang sobra. Umupo ako sa sahig at sumandal sa table. Hinayaan kong bumuhos nang bumuhos ang hindi mapatid kong mga luha. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD