Qyahara's P.O.V
"What's make you busy?" Nahinto ako sa aking ginagawa at napalingon sa aking likuran.
Tumaas ang dulo ng aking kilay ng bumungad sa akin ang magaling kong ama.
"What are you doing here?" mahinahon kong tanong.
Anong masamang hangin ang siyang nagdala sa kaniya rito sa aking silid?
Ito ang unang beses na pumunta siya rito.
"Is that how you greet your father?" balik tanong niya.
Lumibot ang kaniyang paningin sa buong silid. Dumapo ang tingin niya sa aking board kung saan naroon nakadikit ang ilang mga designs na gawa ko.
"Sa paanong paraan ba gusto mo?" I sarcastically respond.
Lumapit siya sa aking board saka tumingin dito. Wala akong paki kung malaman pa niya ang ginagawa ng isa niyang anak.
"Welcome you with a big hug? No way! Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon kung hindi mo naman kayang gawin sa akin." dagdag ko,
Tsk!
May ginagawa ako, e.
"You can also make a design." tanging tugon niya sa akin.
Pabagsak na umupo ako sa kama at lihim na itinago ang isang bag sa ilalim ng aking kama. Dumako ang tingin ko sa kaniya. Nakatitig siya sa aking mga designs. Ang nakadikit sa board ay mismong mga designs ko. Iyong mga designs ni Queenette ay nandiyan lang sa tabi-tabi.
"You and Queenette have the same design." simpleng komento niya.
"What do you expect? Me and Queenette are twins." bagot kong saad.
Wala akong paki ko i-criticize niya ang designs namin ni Queenette. I am not also interested in becoming a designer, though I am right now. Ginagamit lang din naman ako ni Queenette, e.
Lihim na napangisi ako dahil I realize something. Napakikinabangan ako ni Queenette. Kung wala ako, wala siyang designs na maipapakita. Ganoon din si Dad, kung wala ang mga designs ko, walang perang papasok sa kompanya niya.
Ang tingin lamang ng pamilyang aking kinabibilangan sa akin ay isang tool. Gamit na siyang magagamit nila para sa kanilang pansariling interest.
Inalis ko ang tingin sa kaniya. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Lihim na napabuntong hininga ako. Kailan kaya siya aalis? Ang tagal niya namang umalis?
Ramdam kong sa akin na siya nakatingin. Hindi na ako nakatiis kaya muli akong umupo at hinarap siya.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko.
Napansin ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay.
"Pinaaalis mo na ako? Aren't you miss me?" taas kilay niyang tanong.
"Hindi ba obvious? Being with you in one place makes me unable to breathe properly." tugon ko.
I may sound rude, but ever since he put me here as his prisoner, I no longer see him as my father. I don't even consider this family to be mine.
"And what? Miss you? Have you heard yourself? I'll never miss you, father. Why would I hate the person whom I hated the most?" malamig at walang prenong wika ko.
"You!" galit niyang react.
"You are really the black sheep of this family." galit niyang silyak sa akin.
Black sheep?
I chuckled,
"Thank you, father." nakangiting wika ko.
"Will you go out now? You see me already. Don't worry, I am fine." I added.
"And please lang, ha. Huwag ka na ulit pupunta or papasok dito. We are just both ruining our day." ani ko pa saka muling humiga sa kama.
Ipinatong ko ang aking kamay sa aking mga mata. Wala na akong narinig na salita mula sa kaniya pero nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya sa akin.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang kaniyang mga yabag palabas. Nang bumukas na ang pinto ay agad ko itong tiningnan. Nakangiting bumangon ako ulit.
Dali kong kinuha ang bag na nasa ilalim. Maliit lang na bag ang kinuha ko. Sapat na lalagyan lamang ng kunting alahas ko at wallet.
Opo, may balak po akong tumakas. Ayokong dito ako mabulok at mamatay. Gusto ko kung mamamatay ako ay sa labas naman. Siguro naman hindi sila magagalit na nito sa akin. Seven years na rin naman nila akong napakinabangan.
Wala rin naman silang naitulong sa buhay ko. This time, ako naman. Sarili ko naman ang iisipin ko. Naghablot ba rin ako ng ilang make-up.
Wala akong damit na dinala. Tanging ito lamang na suot ko ang mayr'on ako. Dumako ang tingin ko sa orasan. Malapit na akong dalhan ng pagkain. Wala kasi akong choice kun'di sa pinto dumaan. Wala kasing kahit isang bintana ang kuwartong ito. Isinara st tinanggal din ang pinto papuntang terrace.
Inilibot ko ang aking tingin sa buong kuwarto ko. Natigil ang aking tingin sa table ko. Nakangiting lumapit ako rito. Agad akong kumuha ng papel at ballpen saka mayr'on akong sinulat.
Inipit ko ito sa tabi. Sana makita nila.
"Goodbye, my room. Wish me luck!" saad ko,
Napalingon ako sa pinto ng marinig ko na ang pag-enter ng password. Mabilis akong lumapit sa gilid ng pinto.
Bumukas ang pinto. Walang lingon na pumasok ang maid. Bago pa magsara ang pinto ay walang ingay akong pumuslit.
Lumawak ang aking ngiti dahil naging successful ang aking paglabas. Mabilis na bumaba ako sa hagdan. Ganitong oras ay wala sila Queenette. Tanging mga maid lang ang narito.
Pagkarating ko sa living room. Mabilis ang kilos kong lumapit sa mga drawer at agad itong binuksan.
Sa unang bukas ko pa lang ay nakita ko na agad ang hinahanap ko. Kinuha ko ito agad saka patakbong lumabas ng pinto.
Habang papunta ako ng garahe ay panay ang silip ko sa labas. Mabilis akong lumapit sa isang kotse. Malas na lang ng may-ari nitong kotse. Sumakay kaagad ako at pinaandar ang sasakyan.
Pagkarating ko sa may gate, napangiti ako dahil tila umaayon sa akin ang panahon. Pasara pa lang ang gate. Binilisan ko ang aking pagpatakbo hanggang sa makalusot ako.
Hindi ko na binagalan ang pagpatakbo sa kotse. Kahit nakalabas na ako ay hindi pa rin ako nakasisiguro na naging successful na ako. Sana walang nakahalata sa akin.
Iniwan ko namang bukas ang shower sa banyo para alam ng nagpasok sa kuwarto ko ay naliligo ako. Kadalasan kasing naabutan nila akong naliligo pa sa banyo sa tuwing papasok sila bagay na pinasanay ko talaga.
Agad kong narating ang sanglaan ng mga alahas. Inilabas ko kaagad ang mga alahas na mayr'on ako.
"Don't ask, miss. Just check it immediately and give me the money. Pakibilisan na lang po at nagmamadali ako." mabilis kong saad.
Wala akong pera sa bangko or sa atm. Hindi ako binigyan ng kahit isang ATM ni dad. Ni hindi nga ako nakahawak ng pera kahit piso.
Panay ang tingin ko sa paligid. Maraming tauhan si Dad. Baka magulat na lamang ako ay madampot na lang ako.
Kinuha ko kaagad ang pera ng hindi ito binibilang at tinitingnan. Basta pinasok ko lang ito sa dala kong bag.
Muli akong sumakay sa kotse at tinungo ko naman ang mall. Mabilis na tinungo ko ang loob ng mall. Agad akong dumeritso sa bilihan ng damit.
Lumapit ako sa pinakamurang mga damit lamang. Kumuha ako ng tatlong klaseng damit. Hindi ko pinansin kung anong style nito ng nahablot ko. Basta alam kong kasya sa akin ay kinuha ko na.
Pagkalapit ko sa cashier. Pagkasabi pa lang kung ilan ang babayaran ko ay agad akong kumuha at binayaran ang kinuha ko.
Pagkatapos kong mabili ang lahat ng kailangan ko. Tumungo ako sa restroom. Ni-locked ko agad ang pinto at dali akong pumasok sa loob ng cubicle.
Nagmamadaling nagpalit ako ng damit. Pagkalabas ko sa cubicle. Sa salamin naman ako lumapit. Nilabas ko ang aking make-up. Ginawa kong slight brown ang kulay ko. Sinuot ko ang wig na binili ko. Maikli lamang ang wig, hanggang leeg ko lamang siya. Naglagay na rin ako ng fake mole sa may bandang mata ko.
Tiningnan ko ang aking new look. Napangiti ako dahil hindi na ako makikilala nito. Iniligpit ko ang lahat ng gamit ko. Nilipat ko na rin ang ilang gamit ko sa bagong bag na binili ko.
Pagkatapos ko, pasimpleng lumabas ako sa restroom. Normal na bilis na lamang ang aking ginawa. Nang makakita ako ng basurahan ay pasimple kong tinapon ang lahat ng dati kong damit.
Matagumpay akong nakalabas ng mall. Hindi ko na binalikan pa ang kotseng dala ko. Nang makakita akong jeep ay pinara ko ito saka sumakay.
Ngayong nasa labas na ako. Ang problema ko ay saan ako pupunta na ngayon? Dapat sa lugar na hindi nila ako matatagpuan kaagad.
TheKnightQueen