Qyahara's P.O.V
Kasalukuyan akong nasa terminal ng bus. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Mayr'on pa sana akong gustong hanapin at puntahan. Death anniversary ngayon ng aking minamahal kaya lang hindi ko alam kung saan siya inilibing.
Wala na rin akong panahon pa para maghanap. Ayokong magtagal pa sa lugar kung saan maaaring mahanap ako ng aking ama. Mahirap nang matagpuan ako ulit.
Umalis na ako sa aking kinatatayuan. Sumakay na lamang ako sa unang bus kung saan ito ang unang dinapuan ng tingin ko. Hindi na ako tumingin kung saan pupunta ang bus.
Kung saan ito huminto ay doon na lamang ako pupunta. Random pick na lang ang aking ginawa. Umupo ako sa bandang gitna, sa dalawahang seat ang pinili ko. Gustuhin ko mang malapit sa bintana umupo ay hindi ko na lamang ginawa.
For safety kumbaga.
Hindi nagtagal ay umandar na ang bus na ikinabunyi ng aking damdamin. Sa wakas ay makalalayo na ako.
Kung kinakailangan kong habang buhay na akong magtago sa kanila ay gagawin ko. Ang mahalaga ay hindi na ako nabubuhay bilang isang bilanggo sa kuwartong iyon.
I am finally free.
Isinandal ko ang aking sarili sa inuupuan ko. Napahugot ako nang malalim na hininga. Kinalma ko na rin ang aking sarili.
Napalingon ako sa aking kanan at medyo nagulat ako ng may katabi pala ako.
Tahimik siyang nakaupo habang may ginagawa sa kaniyang cellphone. Hindi ko makita ang kaniyang buong mukha dahil mayr'on siyang suot na black mask.
Gusto ko talagang sa may bintana umupo, e.
Nilakasan ko ang aking loob. Sana hindi masungit ang lalaking ito. I poked his shoulder. Lumingon naman siya agad sa akin.
Tipid na ngumiti ako.
"Puwede bang mag-switch tayo ng upuan? Mas gusto ko kasing malapit sa bintana umupo." magalang kong sabi.
"Please," agad na akong nakiusap sa kaniya.
Baka tumanggi pa.
Napangiti ako ng tumango siya. Agad akong tumayo at ganoon din siya. Agad na akong umupo sa kaniyang inuupuan kanina.
Baka magbago pa isip, e. Hindi ko na siya tiningnan pa. Basta naramdaman kong umupo na rin siya sa aking tabi.
Binuksan ko ang bintana at sariwang hangin ang nag-welcome sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ipinatong ko ang aking kamay sa bintana.
Inilagay ko rin ang chin sa ibabaw ng aking kamay. Napapikit ako habang dinadama ang hangin.
Ngayon ko na lamang naramdaman ang hangin na dumampi sa balat ko. Hindi ko napigilang hindi ilabas ang aking kamay. Dinama ko ang init na nararamdaman ng aking kamay. Maging ang init na nagmumula sa sikat ng araw ay na-miss ko nang husto.
Lamig na nagmumula sa Aircon lamang kasi ang nalanghap ko sa loob ng pitong taon. Ni sinag ng araw ay hindi dumampi sa balat ko.
"Stop it," Nahinto at natauhan ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang boses ng katabi ko.
Napalingon ako sa kaniya.
"Sit properly," ani niya muli pero hindi naman siya nakatingin sa akin kaya hindi ako nakasisiguro kung ako nga ba ang kausap niya.
"And close the window." saad niya pa.
Mukhang ako nga ang kausap niya. Hindi kasi nakatingin sa akin. Malay mo may kausap siya sa phone niya. Wala akong nagawa kun'di ang umayos nang upo at sinara ang bintana.
Sumandal ako muli sa upuan. Tumingin na lamang ako sa labas. Hindi ko na tiningnan pa ulit itong katabi ko. Mukha kasing masungit at ang lamig pa ng boses niya. Hindi na rin ako nag-abalang suriin pa siya.
After so many years ay huminto na rin ang bus. Agad na nagsitayuan ang lahat ng nakasakay. Nanatiling nakaupo ako ay hinintay na makalabas silang lahat. Tumayo na rin itong katabi ko saka lumabas na rin.
Tumayo na rin ako. Ako ang siyang huling lumabas sa bus. Sa aking paglabas, paligid agad ang siyang tiningnan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Tumigil sa isang terminal itong bus. Nagdesisyon ako na maglakad-lakad na. Sa aking pagharap ulit sa terminal. Nakita ko ang pangalan nito ay Cenny Terminal.
Cenny?
May lugar bang Cenny?
Nagkibit-balikat na lamang ako.
Sa tuluyang paglabas ko sa terminal. Nakita ko kaagad ang malawak na karagatan, maging ang mga bangka at barko ay napansin ko rin.
Nasaan ba ako?
Napakamot ako sa ulo. Maraming tao ang nasa paligid. Lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga ginagawang pamimili.
Sa gilid ng dinadaungan ng mga bangka at barko, naroon ang iba't ibang isda. Pagkalapit ko ay sumilip ako sa mga binibentang isda. Sariwa pa ang mga ito.
"Ate, bili na po. Sariwa po ang mga isdang tinitinda namin. 200 pesos po ang kilo." alok sa akin isang batang babae.
Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. Alanganing umiling ako sa bata saka nagpatuloy na lumakad. Nakaramdam ako ng hiya sa bata. Kung bibili kasi ako ay wala rin naman akong paglulutuan.
Walang bahay naman kasi akong pag-uuwian.
Panay pa rin ang masid ko sa paligid. May mga sumasakay sa sasakyang pandagat at mayr'on namang kararating lang nito.
May naamoy akong pagkain. Nilingon ko ang pinagmulan nito. Napahakbang ako hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap. Lumawak ang aking ngiti ng muli kong makita ang paborito kong pagkain ang banana at kamote cue.
Kaagad akong lumapit.
"Ilan po sa'yo?" magalang na tanong ng tindera sa akin.
Maaga pa ang luto ni ate nito, ah.
"Pabili po ng tig-dalawang banana at kamote cue." tugon ko.
Na-miss ko ng sobra ang pagkain nito. Hindi ko na ito nasilayan at natikman simula ng ako ay makulong sa bilangguan ng aking pamilya.
"Magkano po isa?" tanong ko.
"Sampu ang isa." sagot niya.
Napangiti ako dahil may nakita akong dalawang twenty pesos. Ito na ang kinuha ko at pinambayad. Kinuha ito ng tindera at kinuha ko na rin ang binili ko.
"Salamat," wika ng tindera.
Nginitian ko siya bilang tugon. Natakam na kasi ako sa hawak ko. Agad kong tinikman ang banana cue.
Wow! s**t! Sulit ang forty pesos kong binayad. Okay lang naman pala kasi mahal ang isa. Ang sarap ng pagkakagawa ni Ate. Mukhang magiging suki ako ng tindahan niya.
Hindi muna ako umalis.
"Ate, puwede po bang maupo rito?" magalang kong tanong.
Napansin ko kasing mayr'ong maliit na mesa sa magkabilaang side sa harapan ng kaniyang tindahan.
"Ay, oo naman. Para po talaga 'yan sa mga customer lalo na po sa mga suki ko." nakangiting tugon ni Ate.
Mukhang maraming suki si Ate.
"Salamat," pasasalamat ko. Agad akong naupo at sinimulang kumain.
Napangiti ako kasi hindi nawawalan ng mamimili si Ate. Maraming bumibili sa kaniya. Hindi lang isa, kun'di maramihan sila kung bumili.
Hindi naman kaliitan or kalakihan ang tindahan niya. Iyong lalagyan niya ay puno ng mga banana cue, kamote cue, at turon.
Deserves naman ni Ate kasi talaga namang masarap siyang magluto. Babalik at babalikan mo talaga. Hindi mo rin papansinin ang presyo nito.
Kahit naman akong bibili kung ganito kasarap ay hindi ko na papansinin ang presyo. Sulit naman kasi talaga sa sarap.
Hindi ko napansin na ubos ko na pala ang banana cue. Itong kamote cue naman ang inuubos ko.
"Sir," Napalingon ako kay Ate.
Nakita ko ang isang lalaki.
"Saglit lang po, Sir. Ihahanda ko lang po ang sa iyo." tarantang saad ni Ate sa customer niya.
Hindi sumagot ang lalaki sa kaniya. Hindi ko alam pero hindi maalis ang tingin ko sa kaniya.
"Pasens'ya na po, Sir." hinging paumanhin ni Ate.
"Sa dami pong bumili kanina ay nakalimutan ko pong ihanda ang sa iyo." dagdag ni Ate na patuloy pa ring nagmamadalit at natataranta.
Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin ang lalaki. Hindi ko na nagawang umiwas pa. Nakilala ko naman siya agad kasi siya iyong katabi ko sa bus.
Kinawayan ko siya para hindi ako mapahiya. Umiwas na ako ng tingin sa kaniya. Lihim na napahawak ako sa aking batok.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Ito na po, Sir." Rinig kong wika ni Ate.
Nakita kong umalis na iyong lalaki. Hindi ko alam pero napatitig ako sa lalaking iyong habang papalayo siya.
Ipinilig ko ang aking ulo at hindi ko na lamang siya pinansin.
Tumayo na ako nang maubos ko na ang aking kinakain. Tinapon ko rin sa basurahan ang pinaglagyan kanina ng binili ko.
Lumapit ako muli kay ate.
"Ate, pabili po ako ulit." ani ko,
"Aba'h! Mukhang nagustuhan mo ang paninda ko." nakangiting saad niya.
"Ay! Sulit po ate. Ang sarap po ng pagkakagawa ni'yo. Paborito ko pa naman po iyan, at mukhang magiging bagong suki ni'yo na rin ako." proud kong saad.
Sanay akong makihalubilo sa ibang tao. Bago pa ako makulong ay namuhay din akong simple kasama ang ibang tao pero siyempre mabait lang ako sa mabait, at mas maldita ako sa pangit ang ugali.
"Ilan bibilhin mo? Tig-dalawa ba ulit?" tanong niya.
"Opo, tapos padagdag na rin po ng turon." ani ko,
"Sige," saad niya saka inihanda ang aking bibilhin.
"Pasens'ya na pero bago ka lang ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita. Halos lahat kasi ng taga-rito ay kilala ko na. Mga suki ko na kasi sila." ani niya na hinaluan ng tawa.
Napansin pala niya.
"Opo, e. Hindi ko nga po alam kung saan ako pupunta." alanganin kong tugon.
Inabot niya sa akin ang binili ko. Isang daan ang inabot niya sa akin. Agad niyang binigay sa akin ang sukli. Hindi ko na sana kukunin pa ang sukli at tips ko na sa kaniya kasi masarap naman paninda kaya lang gipit din ako.
Wala akong pera, e. Simula kasi ngayon kailangan ko ng magtipid ng pera. Maghahanap nga ako ng trabaho kaagad sa lugar kung saan ako huling mapapadpad.
"Mayr'on ka bang mairerekomendang lugar." saad ko,
Kinapalan ko na mukha ko. Wala kasi talaga akong ideya kung nasaan ako. Puro mga bangka at naglalakihang barko lang ang nakikita ko, e. Hindi ko naman alam kung saan 'yan papunta.
"Hmmm, mukha namang turista ka." komento niya.
Napatango na lamang ako.
"Bakit hindi mo subukang pumunta sa Cenny's Town. Tiyak akong magugustuhan mo ang lugar na iyon." sambit niya,
"Cenny's Town?" taka kong tanong.
TheKnightQueen