Chapter #5

1258 Words
Qyahara's P.O.V "Cenny's Town?" takang tanong ko. "Maraming pumupunta roon na mga kagaya mong mga tourist. Katunayan ay taga-roon ako. Dito lamang ako pumuwesto kasi maraming tao rito." saad niya, "Paano ko mapupunta roon?" tanong ko ulit. Mukhang maganda naman ang lugar na sina-suggest niya at mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. Lumabas siya at lumapit sa akin. "Nakikita mo ba ang pinakamalaking barkong iyon?" ani niya saka mayr'ong tinuro. Sinundan ko ang kaniyang tinuturo. "Iyong barkong kulay puti na mayr'ong asul." dagdag niya. Nakita ko naman agad ang tinutukoy niyang barko. "Oo," ani ko na sinabayan ko ng pagtango. "Paglapit mo ay makikita mo ang pangalang Cenny Town sa gitna nito. Doon ka sumakay dahil papunta iyon sa lugar na tinutukoy ko." ani niya pa. Nakikinig lamang ako sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang suot na relo. "Hala, pumunta ka na roon dahil limang minuto na lang ay aalis na sila. Kapag hindi mo ito maabutan ay baka bukas ka na ulit makasakay. Dalawang beses sa isang araw lamang sila bumabyahe. Nag-iisang barko lang din kasi iyan ng Cenny Town." sambit niya, "Bilisan mo ng makaabot ka pa. Huling byahe na 'yan ngayong araw." dagdag niya. Nataranta naman ako. "Salamat, sana makita kita roon." nakangiting saad ko. "Maliit lamang ang Cenny Town kaya nakatitiyak akong magtatagpo tayo roon." magiliw niyang wika. "Nice to meet you ---" Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko kasi hindi ko alam ang pangalan niya. "Anna," Napangiti ako kasi mukhang napansin niya ang nais kong sabihin. "Qyahara," maikling pakilala ko. "Saka na tayo mag-usap, Qyahara. Kailangan mo na talagang pumunta roon." pagtataboy niya sa akin. Natawa na lamang ako. Wala na akong nagawa pa kun'di ang umalis. Nakita ko ang kaniyang pagkaway bago ako tumalikod. Tumakbo na ako para maabutan ko ang barko. Napamura ako sa aking isipan na paalis na nga ito. "Sandali!" malakas kong sigaw. "Sasakay ako." agad kong dagdag. Binilisan ko ang aking pagtakbo. Sa aking paglapit ay saktong naalis na ni Kuya ang pagkakatali ng barko. "Puwede pa ba akong sumakay?" ani ko na nagtunog pakiusap. Nakita ko ang pagngiti ni Kuya. Sumakay na kaagad ako ng tumango siya. "Salamat," magalang na sambit ko saka tuluyan na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko ay wala akong nakitang bakanteng upuan. Lahat ay okupado. Pumunta ako sa dulo, maging dito sa parang hallway ay marami ring tao. Nakakita ako ng hagdan paakyat. Umakyat ako rito, baka sa taas ay may bakanteng upuan. Ngunit mali ako dahil katulad sa ibaba ay wala ring bakante. Napahugot ako nang malalim na hininga. Inakyat ko ulit ang hagdang nakita ko. Katulad ng mga nauna ay wala ring bakante. May nakita akong hagdan pa. Ilang palapag ba ang barkong ito? Inakyat ko ang taas. Marami ring tao rito. Mukhang ito na ang huling palapag. Ito na yata ang parang roof top ng barkong ito. Sobrang lawak nito, kaya ng lumapag dito ng isang maliit na eroplano at helicopter. Nasa gitna ang mga mauupuan at mayr'on din sa gilid, sa tabi ng railings. Iyon nga lang, gaano man kadami ang upuan pero lahat naman ay may mga nakaupo. Okay lang, ang mahalaga ay nakasakay ako. Mukhang tama si Nina. Marami ngang mga turista ang papunta sa sinasabi niyang lugar. Naglakad ako sa pinakadulo. Habang papunta ako roon ay panay iwas ko sa mga batang nagtatakbuhan. Hindi ba natatakot ang mga batang ito na mahulog? Hindi lang simple ang huhulugan nila. Kapag nahulog ka nga naman ay buhay ka pa namang babagsak kahit may kataasan itong barko. Tubig lang naman ang babagsakan mo, e. Iyon nga lang kapag nahulog ka at kapag walang nakapansin sa iyo, malas mo na, maiiwan ka, e. Sa wakas, narating ko na rin ang dulo. Agad na sinalubong ako ng sariwang hangin. Buti na lang ay may bubong dito kaya hindi ka maiinitan nang husto. Napangiti ako dahil mayr'on akong nakitang bakanteng upuan. Malapit ito sa may railings. Pumunta na kaagad ako roon at mabilis na umupo. Tahimik na pinagmasdan ko na lamang ang mga bundok na aking nakikita at nadadaanan ng barko. Hindi na ako magtataka kung bakit ang sabi ni Nina ay ito ang pinakamalaking barko sa lahat. Tatlong palapag ba naman tapos sobrang lawak nitong pinakataas. Tahimik na umupo ako habang naghihintay na makarating sa destination itong barko. Panay na lang din ang gala ng tingin ko sa paligid. Hindi naman ako kinakabahan na baka mayr'ong tauhan dito si Dad. Feeling ko kasi malayo na ang lugar na narating ko. At saka, hindi na rin ako makikilala pa ng mga ito dahil tinago ko ang aking tunay na itsura. Gustong kong mamuhay ulit ng payapa at malaya. Gusto ko rin kasing ibaling sa ibang bagay nang sa ganoon ay makalimutan ko ang aking lungkot at pangungulilang nararamdaman. Kung mananatili kasi ako sa kuwartong iyon ay pakiramdam ko naninikip ang aking dibdib. Lagi ko kasing naaalala ang taong hindi ko magawang kalimutan. Dumadagdag din ang galit na nasa loob ko sa tuwing nakikita ko ang mga taong naging dahilan ng kaniyang pagkawala. Kapag nakaipon ako ng sapat na pera ay hahanapin ko kung saan siya nakalibing pero ngayon ay kailangan ko munang ituon ang aking atensiyon sa paghahanap ng pagkakakitaan. Hindi ko na pansin kung magsisimula muli ako sa simula katulad ng dati. Iyon nga lang iba na ngayon. Ngayon kasi ay kailangan kong itago ang aking pagkatao at ang aking tunay na itsura ng sa ganoon ay manatili akong nasa labas at maging mapayapa ang buhay ko. Ganito man ang aking kapalaran ay wala akong magagawa. Mas mainam ng ganito kaysa naman sa nakakulong ako. At isa pa, kailangan ko talagang itago ang aking mukha dahil baka makilala ako bilang si Queenette. Kilala at lantad pa naman ang pagmumukha ni Queenette sa buong mundo. At kapag nagkaganoon ay mabilis akong matatagpuan ni Dad at lalo na ni Nayes. Si Nayes pa naman ang pinakapinuno sa galamay ni Dad. Iyong mag-amang iyon ay halos walang pinagkaiba. Magsama-sama silang lahat. Kasama ang mga yamang mayr'on sila. Tsk! Tingnan natin ngayon kung mayr'ong magandang designs na maibigay si Queenette sa lahat. Wala pa naman akong iniwang designs lay-out para sa kaniya. Last na iyong kinuha niya nitong nakaraang araw. Well, iniwan ko naman mga gamit ko roon. Gamitin niya na lang ang mga iyon. Hindi ko naman pinagdadamot ang mga gamit ko. Katunayan, ang pagde-design ng mga damit ay isang hobby ko lamang. Hindi ko naman pinangarap na maging isang designer. Si Queenette lamang ang gustong-gusto maging career ito. Ayoko ring magtrabaho sa kompanya ni Dad dahil ayokong maging isa sa mga pawn at tools niya. Gusto kong mabuhay ng walang may hawak sa buhay ko. Iyong tipong dapat ganito gawin ko at ganiyan bagay na naranasan ni Queenette. Simula ng mamatay si mom. Lahat ay nawala sa akin. Sa aming pamilya, si mom lang ang mahal ako. Siya lang ang nagbigay ng attention na gusto ko. Si Dad, sa simula pa lang ay ang paborito niyang anak ay sina Nayes at Queenette. Kaya ng mawala si mom, mabilis niya lang akong itinakwil. Mas galit siya sa akin ngayon dahil sa isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa. At kung gagawin ko man iyon, sa kaniya ko unang gagawin. Napadako ang tingin ko sa paligid. Para kasing bumagal ang takbo ng barko at mukhang dumadaong na ito. Nang tuluyan ng huminto ang barko. Nakita ko ang pagsitayuan at pagsama-sama ng mga tao. Agad silang tumungo sa hagdan pababa. Nanatili akong nakaupo. Hinintay kong maubos muna itong mga taong pababa. Mukhang mahaba-habang hintayan ito. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD