Chapter #6

1294 Words
Qyahara's P.O.V Sa paglipas ng napakahabang paghihintay ay nakababa na ako sa barko. Ako ang nahuling sumakay, ako rin ang nahuling bumaba. Sa aking pagtapak sa sementong sahig. Dumako ang tingin ko sa mga taong paakyat. Lihim na nanlaki ang aking mga mata sa hagdang aking tatahakin. "Anak ng!" wala sa sariling sambit ko. Papatayin yata ako ng hagdan na ito. Ang taas at ang daming hakbang ba naman ang gagawin ko. Bakit ba nauso ang hagdan na ito? Isa pa itong pahirap sa buhay, e. Sa taas nito ay dulo lamang ng arko ang nakikita ko. Iyong arkong mayr'ong nakalagay na welcome sa ganito, sa ganiyan, mga ganoon. Nanatili akong nakatayo tila ayaw yatang kumilos ng aking mga paa. Parang maling sumunod ako sa suggestion ni Nina. Nagulat ako ng mayr'ong nakabangga sa akin. Agad akong humingi ng sorry sa nakabangga sa akin. Muntik ko pang mabitiwan ang precious pagkain ko. Mabuti na lang ay agad nasalo ng isang lalaking nakabangga sa akin. Agad akong nagpasalamat. Pagtingin ko sa kaniya ay medyo nagulat ako dahil nakilala ko siya agad. Siya rin iyong nasa bus at iyong lalaking customer ni Nina. Wala sa sariling nakatingin ako sa kaniyang habang tumataas siya. Hindi na siya nag-iisa ngayon. Mayr'on na siyang kasamang nakabuntot sa kaniya. Bakit parang lagi kong nakikita ang lalaking iyon saan man ako pumunta? Ay, Ewan! Inihakbang ko na lang din ang aking mga paa. Malalim na paghugot ng hininga ang ginawa ko bago sinimulang inihakbang paakyat ang aking mga paa. Pero impyerness, ah. Maganda itong lugar. Dito pa lang sa pag-akyat ay magagandahan ka na. Kung isang tourist at traveler talaga ako ay ma-appreciate ko pa kahit ang pag-akyat pero hindi, e. Buti na lang ay hindi siya pure hagdan. Mayr'on pa ring malapad kung saan puwedeng pahingahan. Sandali akong tumigil ng narating ko ang tigilan. Doon ko napansin na malawak pala ang hagdan kasi mayr'ong mga maliliit na stole dito kung saan maraming mga bilihing mga souvenirs. Nasa parehong gilid ito ng hagdan. Nagtuloy-tuloy ako sa pag-akyat. Naiiling na lamang ako sa mga kasabay kong nagse-selfie lang habang nag-e-enjoy sila sa pag-akyat. Hindi ko nga mapigilang mapangiwi sa kanila. "Tsk!" ani ko, At sa paglipas ng ilang dekada ay narating ko na rin sa wakas ang pinakadulo. Tumingala ako sa malaking arkong nasa harapan ko. Mayr'ong nakasulat dito na welcome in Cenny's Town. Ito ang pang-apat na beses na nakita ko ang pangalang Cenny. Una ko itong napansin sa bus na sinakyan ko. Nahagip ng gilid ng mata ko ang lugar kung saan patungo ang bus pero hindi ko ito pinansin. Pangalawa, sa terminal kung saan huminto ang bus. Ito rin ang pangalan ng terminal. Pangatlo, sa barko kung saan huli kong sinakyan, at panghuli, ngayon mismo. Mukhang narating ko na ang mismong Cenny's place. Nawiwirduhan talaga ako sa pangalang Cenny. Bakit Cenny ang pangalan ng lugar na ito? Bakit sa lahat ng word ay ito pa? Aish! Bakit ba pinag-i-intersan ko ang pangalan na iyan? Hindi naman 'yan ang pinunta ko rito. Tuluyan na akong pumasok sa loob pero napabagsak balikat ako ng sa pagpasok ko ay isang napakahabang pila ang siyang nag-welcome sa akin. Sumilip ako sa unahan. Nang hindi ko makita ang nakalagay doon dahil sa sobrang liit nito. Tiningnan ko na lamang ang pinakagusali nito. Nakalagay doon ang malaking letra ng Registration Area. Registration? Anak ng! Kailangan pang mag-register? Nakamot na ako sa ulo. Ang dami namang proseso na nagaganap sa buhay ko? Wala akong nagawa kun'di ang makipila na lang din. Baka hindi pa ako makapasok kung hindi ako susunod sa patakaran. Bagsak balikat akong sumilip sa unahan. Nagsisisi ako kung bakit nagpapahuli ako sa lahat ng bagay. Next time, kung kailangan kong makipagtalo at makipagsiksikan ay gagawin ko na, hindi lang ako ang malagay sa huli. Aabutin ako ng gabi rito sa paghihintay, e. Inis na kumuha ako ng banana cue at ito ang nilabasan ko ng inis. "Ice candy kayo riyan! Pampalamig!" Rinig kong sigaw. Aba'h! Nananadya yata itong ice candy na ito, ah. Talagang tyenimpo pang badtrip ako. Hinanap ko ang naglalako ng ice candy. Natagpuan ko siya sa bandang unahan. Maraming bumibili sa kaniya. Mukhang maraming magpapalamig ng ulo ngayon, ah. Pagkarating sa akin, "Pabili ako ng dalawa." saad ko, "Ano pong flavor?" tanong nito sa akin. Nahinto ako sa pagkuha ng pera at napatingin sa kaniya. Doon ko napansin na bata pala ang nagtitinda ng ice candy. Dalawang bata sila. Pareho silang mayr'ong dalang malaking lalagyan ng ice candy na nilapag muna nila sandali. Mayr'on akong napansin na nakasulat dito. Nakita ko roon ang mga iba't ibang flavors ng ice candy. Mayr'ong avocado, cheese, buko, buko pandan, ube, chocolate at marami pang iba. Hindi makapaniwalang dumako ang tingin ko sa kabuo-ang lalagyan nito. Nagkasya riyan lahat ng flavors? "Ahm, buko pandan at cheese, tig-isa." sagot ko na lang. "Magkano?" tanong ko. "Fifteen pesos po ang isa." sagot ng bata saka binuksan nito ang lalagyan at kinuha ang aking bibilhin. Medyo lumuwa ang aking mga mata sa presyo. Ang mahal naman. "Ito po," magalang na inabot sa akin ang binili kong ice candy. Buti na lang mababait itong mga bata. Kinuha at inabot ko na rin ang bayad ko. Nagpasalamat ang dalawa sa akin. Pinuntahan naman nila agad ang bago nilang customer. Napatitig ako sa ice candy. Medyo may kalakihan naman ang ice candy. Wala na talagang mura ngayon. Ang tataas na ng mga bilihin, e. Siyempre, mataas ang puhunan nila rito kaya hindi ko rin sila masisi kung bakit mahal din ang kanilang tinda. Binuksan ko ang cheese flavor. Pagbukas ko pa lang ay natikman ko na agad ang lasa nito. Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong ice candy. Napangiti ako dahil ang sarap ng gawa nila. Hindi tinipid sa ingredients. Katulad nitong banana cue, kamote cue at turon ay sulit din ang presyo. Nawala nga ang init ng ulo ko habang kumakain ako dahil ang sarap nitong mga kinakain ko. Pagkatapos ng mahabang pila ay sa wakas ako na rin. Buti na lang at hindi mabagal ang process nila. Kung hindi, nakuuuu! Inabutan ako ng isang papel na pipil-apan. Hindi ko alam kung para saan ito pero nilagyan ko na lang kung ano ang hinihingi. Medyo natagalan pa nga ako dahil hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Kung iyong totoo bang information tungkol sa akin, pero sa huli puro kasinungalingan ang siyang nilagay ko. Bahala na kung mahuhuli ako. Saka ko na ito poproblemahin kapag nasa mismong huhulihin na ako. Doon na lang ako aamin. Ibinigay ko muli ang papel. "Sandali lamang," wika ng nasa loob. Naghintay naman ako. Sa aking paghihintay ay mayr'on akong nakitang nakapaskil sa salamin nilang nakaharang. Binasa ko ang nakalagay dito. Sumilay ang ngiti sa labi ko sa labi. "Ahm, miss." tawag ko sa babaeng nag-a-assist sa amin. "Yes po," magalang na tanong niya pagkalapit sa akin. Tinuro ko ang nakapaskil. "Hiring pa ba? Gusto ko sanang mag-apply." saad ko, Tila nabigla naman ang babaeng pinagtanungan ko. "Yes po, hiring pa po. Saglit lang po at tatawagin ko ang nag-aasikaso riyan." sambit niya, Mayr'on siyang tinawagan at pagkatapos ay muling bumalik siya sa akin. "Ahm, miss. Diyan ka po muna sa tabi. Mamaya po ay may lalapit po riyan sa'yo. Siya na po ang bahala sa'yo." magalang na wika niya muli. Tumango ako at nagpasalamat. Tumabi nga ako. Agad na nagsimula ang pag-register. "Hi," Napalingon ako sa taong lumapit sa akin. Una kong napansin ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila mayr'on siyang hinahanap na kung ano sa akin. Napangiti ako kasi wala akong dalang iba kun'di ang maliit kong backpack at itong paubos kong pagkain. "I am Peter. Ikaw ba ang gustong mag-apply bilang maid?" wika niya, TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD