Luna
Bigla akong napabangon sa pagkatok ni mama sa pinto ko.
"Baby, it's lunch time!"
Agad ko namang tiningnan ang orasan sa side table ko, 12:06 pm na pala. Sabado ngayon kaya naman nagmagdamagang movie marathon na naman ako kagabi.
"Akilaaa!"
"Ayan na po!" balik na sigaw ko at mukhang umalis na ito
Naghilamos muna ako at nagmumog tapos ay bumaba na. Nakataas na kilay ang salubong sa 'kin ni mama.
"Kila, diba sabi ko tigilan mo ang kakapuyat mo. Hindi healthy yan ah." sermon nito
Mas inuna ko munang sumandok ng pagkain kaysa sagutin siya.
"Ma, every friday lang naman po ako nagpupuyat."
"Kahit na. Pwede mo namang panoorin sa umaga, bakit kailangan mo pang pagpuyatan? Tigilan mo na yan Kila ha!"
Tumango tango na lang ako bilang pag sang-ayon, at nagpatuloy sa pag kain. Naka-ilang Kila na siya sa 'kin kaya nakasisiguro akong seryoso siya.
"Mamaya hintayin mo yung bakemac na ipapadala ko sa ita Jana mo ah." dagdag pa niya
Pagkatapos kong kumain ay tumambay naman ako sa living room para manuod ng wrestling. Di ko alam bakit nanunuod na naman ako nito. Yung totoo nagpapalipas lang talaga ako ng oras, hinihintay kong mag 1:30 bago ako maligo at gumayak. Kung bakit kailangan ng saktong oras? Wala trip ko lang.
***
"Bye Ma." paalam ko kay mama bago pumasok sa loob ng kotse. Mag aalas tres na ng hapon nun, at makalipas lang din ang ilang minuto ay narating na namin ang bahay ng mga Montereal. Pinapasok na agad ako ng guard at sinalubong naman ako ng yakap ni tita Jana.
"Thank you sa pagbisita Kila." sabi nito at inalalayan na ako sa pagpasok
Pagdating sa loob ay inabot ko na rin ang bakemac na pinadala ni Mama, maya maya pa ay narinig ko na ang sigaw at pagtakbo ni Max.
"Ateeee!" sigaw nito at sinalubong ko din siya ng yakap, "I miss you ate barbie doll and beauty queen ko."
Napangiti naman ako. "Pinapakilig mo naman si ate baby Max. How are you pala?"
Hinila na ako nito sa sofa para doon kami magkwentuhan. Ayan na naman siya sa paghila niya.
"I'm okay ate. You know po, lagi kita pinagmamalaki sa mga classmates ko. Naiinggit nga sila kase may ate akong beauty queen e."
Di ko napigilang pisilin ng marahan ang mukha ng batang ito.
"Ikaw talaga. Hindi ko alam bakit gustong gusto mo ako."
Napa-pout naman ito at mukhang nag iisip. "Because you are pretty, and I like you for kuya Jix." inosenteng tugon niya
Nanlaki ang mga mata ko ngunit kalaunan ay pinagtawanan ko rin siya. "Uhm.. Let us play to your room na lang?" pag iiba ko ng usapan
Mukhang gusto niya naman ang ideyang iyon kaya hinila na naman niya ako paakyat. Pagdating sa silid ay may nakita akong dalawang sketch pad at paints.
"Are you painting baby Max?" tanong ko kahit obvious naman
Lumapit ito sa mga paint brush niya at inabutan ako ng isa. "Yes po ate. You're not a kid na, so instead of playing toys I'll teach you painting na lang po." seryosong pagkakasabi nito
"Max, okay lang naman sa 'kin na maglaro tayo ng toys."
Ngumiti lang ito at iniayos ang sketch pad. "Sabi ni Kaizer di na daw naglalaro ng toys ang mga ate. And I love paintings din naman po. Ikaw ate ayaw mo ba sa painting?"
Agad akong umiling at pilit na ngumiti sa batang matured mag isip na nasa harap ko.
"If baby barbie doll loves painting, then ate barbie doll will also loves painting." sabi ko na lang at hinaplos ang kanyang buhok, "Anyway, who's Kaizer?"
"He's my friend." simpleng tugon niya
Tumango na lang din ako. Nag umpisa na itong turuan ako ng painting, at barbie doll pa ang naging subject namin. Mukhang seryoso ito sa pagpipinta, habang ako naman ay pasilip silip sa mukha at ginagawa niya. And to be honest di hamak na mas maganda ang gawa ng isang 6 years old kaysa sa akin. Malay ko sa painting? Huhu
"Ate, you know the song that you danced in the pageant.."
Agad akong napasilip kay Max sa biglang pagsasalita niya
"Kuya loves that song." dagdag niya pero tuloy padin sa pagpipinta, "It was ate Elise song for him." Tumigil na siya sa pagpipinta saka tumingin sa 'kin.
So may special meaning pala kay Jix ang kantang yun. Naalala ko nung birthday ni tita at biglang umiyak si Max, iyon pala ang kantang narinig kong tinutugtog ng gitara mula sa kabilang kwarto.
"I hate that song, it makes my kuya sad and sometimes he also cried." Malungkot ang mukha ni Max.
I stretched my arms at dali naman siyang lumapit sa 'kin. "I'm sorry baby, hindi kasi alam ni ate eh. If I only know, hindi na iyon ang kantang ginamit namin. Im sorry Max." sabi ko habang tinitigan siya sa mga mata niya
Ngumiti pa ito. "Okay lang po. Kasi ngayon pag naririnig ko yung song, ikaw na po ang naaalala ko. Kaya hindi na rin po ako masiyadong nasa-sad."
Nata-touch na naman ang puso ko sa batang ito. She never failed na pakiligin ang puso ko. She is so pure and genuine para masaktan at her young age, at ang isipin na nasasaktan ang inosenteng bata ito dahil kay Jix ay nakakaramdam ako ng konting inis sa kanya. Isn't he selfish? Hindi ko mahagilap ang salitang dapat kung sabihin kay Max, mabuti na lang at biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si tita Jana, na may dalang meryenda para sa amin ni Max.
"Aba, mukhang ang galing magturo ng baby ko ah." sabi ni tita noong tiningnan ang aming mga artwork
"Naku tita, walang wala po ang gawa ko sa gawa ni Max."
Natawa naman si tita sa sinabi ko.
"Maganda naman po gawa niyo ate."
Pag kasama ko talaga si Max, pakiramdam ko ang perfect kong tao.
"Sige iwan ko na kayo ah, eat your meryenda na, okay?"
Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa pagpe-paint ni Max. Nung magsawa ay nagpaturo naman siya sa 'kin kung paano daw maglakad ang beauty queen. Tuwang tuwa ito habang ginagawa namin yun, nasabi pa nito na paglaki daw niya ay sasali din siya sa pageant.
"Gusto ko si Kaizer partner ko pag sumali ako. He's a good dancer."
Tinukso ko pa siya kung crush niya ba yung Kaizer, pero agad ko ring binawi ang sinabi ko. Masyado pa nga pala siyang bata para pasukan ng mga ganoon ang isip niya. Mabuti na lang din at di niya masyadong binigyang pansin yun.
Mag aalas singko na nung nagpaalam ako kay Max na kailangan ko nang umuwi. Bumaba na kami at doon ay naabutan ko si tita Jana, doing some stuff on her laptop.
"Mom, ate's going home." pagkuha ng atensyon ni Max dito
Tumayo naman ito at lumapit sa amin. "Ganun ba hija, sige sandali tatawagin ko lang ang driver para ihatid ka." sabi nito at tumalima
Pumasok naman sa isip ko ang party. Sino kaya ang susundo sa 'kin? Tatanungin ko nga sila...
Pagtingin ko sa bag ay wala roon ang phone ko, kinapa ko rin ang bulsa ko pero wala rin ito roon. Siguro naiwan ko sa kwarto ni Max. Sakto namang dumating na si tita at sinabing inihahanda na ng driver ang sasakyan.
"Tita, naiwan ko yata ang phone ko sa kwarto ni Max. Babalikan ko lang po saglit."
Tumango naman si tita. Pumanik na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Max, agad ko namang nakita ang phone ko dahil nakapatong lang yun sa kama.
Naglalakad na ako papunta sa staircase ng may kumuha ng atensiyon ko.
"meow meow"
Agad akong napalingon at ganoon na lang ang takot ko noong makita ito.
"Halimaw! Halimaw! May halimaw dito!" nagsisigaw ako sa takot, habang yung halimaw na parang pusa ay tuloy sa pag meow habang lumalakad papunta sakin
"Titaaa! May halimaw! Lumayo ka! Layo! Shooo!"
Nakasiksik na ako pader dahil unti unti parin ito sa paglapit sa 'kin. Pusang halimaw wag kang lalapit!
"Kila, anong nangyari?!" humihingal pa si tita
Dali dali naman akong lumapit at kumapit sa braso niya. Wala ng hiya hiya, may halimaw e.
"Tita, tita may halimaw po. Ayun oh!" paliwanag ko sabay turo dun sa halimaw
Sinundan naman niya ng tingin ang daliri ko tapos... tapos ay tumawa siya. Anong nakakatawa?
"Si Luna?" tumatawang tanong niya sa 'kin
"L-Luna? May pangalan pa yung halimaw?" naguguluhang tanong ko
"Ate, bakit po?"
Napalingon naman ako sa kararating lang na si Max "Baby may halimaw, ayun oh. Halika dito baka kainin ka niyan."
Imbes na lumapit ito sa akin ay tumawa rin siya gaya ni tita. Ano bang nakakatawa?!
"Kila, hindi halimaw si Luna, pusa siya." paliwanag ni tita
Hindi parin ako kumbinsido. Nagpipigil parin sila ng tawa tapos ay bigla namang bumukas ang isang pinto at lumabas doon si Jix. Agad dumapo ang tingin nito sa 'kin.
Oh no!
Di niya pwedeng makita na naduduwag ako, sa kaniya nga di ako takot sa halimaw pa kaya? No!
Bumitaw ako sa pagkaka-kapit kay tita at saka tumighim. "Di naman po ako takot, nagulat lang." ngumiti pa ako ng malapad
Di ako mapapahiya sa harap mo Jix. Asa! Pero s**t, yung halimaw bigla na lang tumakbo papunta sa 'kin kaya agad akong napatili at napayakap kay tita Jana, dahilan upang mas lalo nila akong pagtawanan.
"Halimaw nga tita..." para akong bata na isinusubsob ang mukha ko kay tita
"Jix, kunin mo na nga si luna."
Agad naman nitong nilapitan yung halimaw na parang pusa.
"Good girl." usal niya pagkabuhat sa alaga niyang pusa
Ipinasok niya na iyon sa silid kaya bumitaw na rin ako sa pagkakayakap kay tita.
Shit! Nakakahiya ka Akila Cayne. Inalalayan nila ako pababa sa living room at agad binigyan ng tubig.
"Takot ka pala sa pusa hija?" tanong ni tita noong medyo nahimasmasan na ako
Nahihiya akong umiling, "Hindi naman po. Mukha kasing halimaw yun."
Totoong di ako mahilig sa pusa pero hindi naman ako takot sa kanila.
Bahagya pang natawa si tita, "Sphynx ang tawag sa uri ni Luna. Saka malambing at matalino yun."
Kahit pa sabihin niyang kayang mag magic nung Luna, halimaw parin siya para sa 'kin. Sorry Luna.
"Bakit po kalbo? Nakakatakot po kasi."
"Naturally bald ang mga sphynx. Alam mo si Jix kasi mahilig sa pusa, pero dahil may asthma si Max di pwede yung mga mabalahibo. Kaya yung tulad ni Luna lang ang pwede niyang alagaan." paliwanag pa nito
"Tita, sorry po kung tinawag kong halimaw si luna, natakot po kasi ako. Saka wala po talaga akong alam sa mga uri ng pusa. Sorry po." depensa ko naman sa side ko, baka kasi na-offend sila sa inasal ko
Pero sa tingin ko ay hindi naman dahil tuwang tuwa sila ni Max sa 'kin. At kung meron mang na-offend, alam ko na kung sino yun, pero I don't care! May pa-good girl good girl pa siya. Tsk!
"It's okay hija. Ako nga ang dapat mag sorry dahil natakot ka."
Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.
"Okay kana ba? Ready na yung sasakyan."
Tumango naman ako. Tumayo na kami at hinatid pa nila ako ni Max sa labas.
Habang nasa sasakyan ay di parin mawala sa isip ko yung halimaw este si luna pala. Nakakainis naman, bakit kailangan pang makita ni Jix yung ganoong parte ng buhay ko?!
Good girl? Good girl yung pusa niya dahil natakot ako ganun ba yun? Hinahamon ba talaga ako ng asaran ng Montereal na yun? Di pa ako nakagaganti ah!
Pagkadating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at dinampot ang laptop ko. Agad akong nagsearch ng word na 'sphynx' sa google, at ganun nga talaga ang mga itsura nila. Mga kalbong pusa, pero malalambing at matatalino kuno.
***
Jix
I WAS busy watching basketball when I noticed that Luna wasn't around. I tried calling her name pero wala talagang lumalapit sa akin kaya naman napagdesisyunan ko nang tumayo at hanapin ito. Sa ilalim ng kama, sa cr, sa veranda ng kwarto ko at maging sa walk in closet pero wala talaga. Baka nakalabas siya ng hindi ko namamalayan. I was about to go check on her outside...
"Halimaw! Halimaw! May halimaw dito!"
Who the hell is th— that girl. Halimaw? Anong halimaw sinasabi niya? Nababaliw na ba siya?
"Titaaa! May halimaw! Lumayo ka! Layo! Shooo!"
Anong halimaw ba? Pipihitin ko na sana ang doorknob nung marinig ko ang pag meow ni Luna. Wait.. Don't tell me si Luna ang tinatawag niyang halimaw?
Halimaw?!
Maya maya pa ay narinig ko na rin ang pagdating ni mom. Tuloy parin siya sa pagtawag na halimaw kay Luna. That girl she's really getting into my nerves. I can't stand it, anong karapatan niyang tawagin ng ganun ang alaga ko? Pinihit ko na ang doorknob at agad namang dumapo sa 'kin ang mata nito, nakakapit pa siya kay mom. Bumitaw ito at umayos sa pagkakatayo.
"Di naman po ako takot, nagulat lang."
Bigla na lang tumakbo si Luna papalapit dito kaya naman napasigaw ito at yumakap pa kay mommy. Muntik pa akong matawa, mabuti na lang at nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Halimaw nga tita."
Sabi pa nito habang nakasubsob kay mom, kaya naman parang muling nagpantig ang mga tenga ko.
"Good girl." sabi ko pagkakuha kay Luna
Sinigurado kong maririnig niya iyon. Tinulikuran ko na sila at pumasok sa kwarto kasama si Luna. I gave her a treat for job well done. Good girl Luna, good girl.