Chapter 9

3540 Words
Sakay na Kian PAPASOK na ako sa AMU noong mapagpasyahan kong dumaan muna sa Starbucks para bumili ng espresso macchiato. Ipinark ko muna ang sasakyan ko at saka nag umpisang magmartsa paloob, pero may nahagip ang mata ko... Teka si Yvette ba yun? Oo siya nga. Hindi ako sigurado kung nakikipag diskusyon ba siya parking boy pero binigay niya dito ang isang kape na kaniyang hawak at padabog na umalis. Ano na naman kayang arte ng babae na ito? Ipinag kibit balikat ko na lang iyon at pumasok na sa loob para umorder, nag take out na din ako ng anim para kina Ranz. Pagkakuha ko ng order ay di ko mapigilan ang curiosity kaya nilapitan ko ang kuyang nagpa-parking. "Kuya, anong problema nung babae kanina?" tanong ko "Ahh iyon ba? Mukhang napagtripan ng kasama, iniwan siya nung sasakyan." sagot nito habang iniinom ang kapeng bigay ni Yvette Napagtripan? Sino naman ang manti-trip sa mangkukulam na iyon? "Oh. Mukhang ka-eskwela mo yata yun ah." sabi nito noong mapansin ang uniform ko Tumango naman ako at akmang aalis na. "Baka madaanan mo si Miss, nasa sasakyan daw ang cellphone at wallet niya kaya binigyan ko ng bente, pamasahe sa tricycle. Kaso mukhang hindi alam kung saan ang sakayan. Isakay mo na lang hijo, mukhang mabait naman binigay nga sa 'kin yung kape oh." nakangiti pa nitong ipinakita sakin ang kapeng hawak niya Tumango na lang din ako at pilit na ngumiti. Mabait? Saang banda? Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito, habang nagmamaneho ay nakita ko ang isang pamilyar na uniform. Binusinahan ko ito at dagli naman siyang napaharap sakin. "Hi Yvette. Bat naglalakad ka?" may pang iinis sa boses ko "K-Kian?!" para siyang namutla noong nakita ako, at bigla niya na lang binilisan ang paglakad "Nandito parin ako." pang aasar ko pa dahilan upang mapahinto ito Sobrang sama ng tingin niya sa 'kin. Ito ba ang mabait? "Umalis ka nga at wag mo akong pakialaman!" singhal niya Imbes na magpasindak ay tinawanan ko pa siya. "Alam mo gusto kitang kunan ng picture tapos ipopost ko sa group page ng AMU with a caption, ang bruhang si Yvette ay naglalakad na parang kawawa sa daan. Ano sa tingin mo?" Halos magdugtong na ang kilay nito sa inis na ikinatutuwa ko naman. Ha ha aliw "Pero di ko gagawin yun. Di naman kasi ako ikaw." dagdag ko pa na mukhang mas lalong nagpainis sa kaniya "Hoy Mercado, for your information nasira yung kotse ko. Pupunta lang ako sa convenience store para hintayin ang driver namin. So, leave me alone!" pasigaw na sabi niya saka naglakad palayo "Okaaaaay. Bye. Nga pala medyo malayo pa ang 7/11 dito." sigaw ko pero di ako nito nilingon Palusot ka pa ah, kala mo di ko alam ang nangyari. Pero sino naman kayang manti-trip sa dragon na yun? Hell, I care. Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho, at huminto sa isang fastfood sa tabi ng 7/11. Hindi ko talaga mapigilang ma-curious sa kung ano na ang gagawin niya. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay natanaw ko na ang nakasimangot na si Yvette, medyo umaliwalas ang mukha nito noong matanaw ang paradahan ng tricycle. Dali dali siyang lumapit doon, ngunit para na naman siyang nakikipag diskusyon. Galit ba siya sa tao o ano? Lahat na lang kaaway niya. Matapos makipag diskusyon ay bagsak ang balikat nito na naglakad papunta sa tapat ng convenience store. Para itong bata na napabitaw sa nanay niya sa mall at di alam ang gagawin. Maya maya pa ay nakita ko na itong nagpupunas ng kaniyang mga mata. Dadamputin ko sana ang cellphone ko para kunan ng litrato ang pambirang pangyayari na ito, pero di ko iyon ginawa at inabante ko na lang ang sasakyan papunta sa tapat niya. "Nakakaiyak pala maghintay." Mukhang nagulat naman ito at daling tumalikod sakin. Si Yvette ba talaga 'to? Baka doppelganger lang to ah. "Di ako umiiyak." di makatingin na sagot niya "Sakay na, o iiyak ka riyan sa wala." seryosong sabi ko Mapatingin naman siya sa 'kin at mukhang nagdadalawang isip pa pero sa huli ay sumakay din. Nasa bintana lamang ang tingin nito habang nagmamaneho ako. "Nagkaroon lang ng problema sa bahay kaya nasa ganito akong sitwasyon. At higit sa lahat, hindi ako umiiyak." sabi ito at itinuon sa harap ang kaniyang tingin Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Di naman ako nanghihingi ng explanation." Napabaling naman siya sa 'kin na kunot ang noo. "Hoy Mercado, walang ibang makakaalam nito ah kundi malalagot ka sa 'kin!" mukhang nakabawi na ito sa pag iyak at bumalik na ang pagka-bruha. "Ibang klase ka talaga, ikaw na nga tinulungan pinagbabantaan mo pa ako." "Did I ask for your help?" nag cross arms pa siya The hell! "Eh kung pababain kita riyan?" inis na sabi ko "Gusto mo ikaw pababain ko? Pinasakay mo ako rito diba?!" "And that's my biggest mistake. Tss!" napailing na lang ako. Maling mali talagang pinasakay ko 'to. "Ibaba mo na ako rito. Ayokong may makakita na sakay mo ako 'no." sabi nito noong nasa tapat na kami ng gate 2 ng AMU "Mas lalo namang ayaw ko. Baba na!" iritang sagot ko "Buksan mo bintana mo." utos niya bago bumaba Agad kumunot ang noo ko pero sinamaan pa ako nito ng tingin. Bumaba na siya at naglakad, pota para saan yung pagbukas ng bintana? Bigla itong huminto sa paglalakad at humarap sa akin. "Mercado, thank you." nag iwan pa siya ng isang malapad at sinserong ngiti bago tuluyang maglakad Napatunganga naman ako sa ginawa niya. "The fudge! Did she just genuinely smiled at me? Nakakakilabot." bulong ko at hinaplos pa ang mga braso ko na nagtayuan yata ang balahibo Baliw na babae. Dumiretso na ako sa parking at sa paglabas ko ay may isa pang kamalasam akong natanaw, sinubukan kong bilisan ang lakad ko para di ako mapansin nito. Pero huli na... Napaka-malas ko naman. "Prince!" nakangiting bungad sakin ni Kila sabay kuha ng isang kape sa bitbit ko "Kamalasan nga naman oh, ikaw pa una kong nakita." Kumapit ito sa braso ko kaya napatingin ako rito, nakangiti ito ng nakakaloko. s**t! Bakit ba sila ganon?Huhu. "Ako ba talaga? Ha?" may pang aasar sa boses niya Napahinto ako at napakunot ang noo. Pero parang di maganda ang mga ngiti niyang iyon ah. "Bakit bumaba sa kotse mo ang bruhang si Yvette? Hmmm." sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko kaya naman pinitik ko siya sa noo para tumigil "Stalker ba kita ha?!" sabi ko sabay alis sa nakapulupot niyang kamay sa 'kin "Bumili lang ako ng sandwich, di ko naman inaasahan na may masasaksihan akong sikreto. Ikaw ahhhh." Sinamaan ko siya ng tingin. "Sikreto? Sira! Wala kaming sikreto. It so happen na nakita ko siyang parang kawawa na naglalakad sa daan kaya pinasakay ko." Mukhang hindi siya kumbinsido sa naging tugon ko. "Psh! Sino niloko mo?" nagme-make face pa siya na mas lalong nagpainis sa 'kin "Totoo ang sinasabi ko. Alam mo kahit siraulo ako, pinalaki akong mabuting tao ni mommy. Sabi niya tulungan ko ang nangangailangan, so that's what I did." seryosong tugon ko para tumigil na siya sa pang aasar Agad naman itong tumingin sa 'kin at mukhang tinatansiya kung nagsasabi ako ng totoo. "Naniniwala kana? Bumaba siya sa gate 2 dahil ayaw niyang may makakita sa kaniya. Okay na? At isa pa, kung ikaw man ang nasa sitwasyon niya. Syempre..." Tumaas ang kilay niya at mukhang hinihintay ang sasabihin ko. "Syempre di kita papasakayin. Tatawanan lang kita." Tinawanan ko pa siya. Walang pag aalinlangan niya akong hinampas ng malakas sa braso. Bawal ba ako tumawa ha? "Bwisit!" singhal niya at iniwan na ako sa paglalakad Hinabol ko naman siya at patuloy na inaasar hanggang makarating kami sa room. Pagkapasok ay agad kaming sinalubong ng tingin ni Yvette. Di ko mabasa ang expression niya kaya naman di ko na lang ito binigyang pansin at dumiretso na kina Ranz, at nagpamudmod ng kape sa mga kaibigan kong hampaslupa. "Oh anyare sa dalawa na yan?" baling ni Kila kina Kurt at Rye na nakadukdok sa sa desk "Ano pa edi puyat at hangover dahil sa pinuntahan nilang party kagabi." nagkibit pa ng balikat si Miel "Teka, Kila ano nga pala nangyare kahapon?" pag iiba ni Ranz Napatingin naman ako kay Kila mukhang handa na siyang magkwento at nauuna na ang tawa. Kung pwede ko lang sakalin ang babaeng 'to. "Si Ki—" Hindi na nito natuloy ang kaniyang kwento dahil sa pagpasok ni Ms. Dela Cruz. Mabuti na lang, bibigyan na naman ako ng kahihiyan ng babaeng sanggano na 'to. Matapos ang discussion at maikling quiz ay nag dismiss na ng klase si ma'am. **** Rye NAPAKASAKIT ng ulo ko tapos napaka-daldal pa nitong si Sir Arevalo. Sana lamunin na lang ako ng desk na dinu-dukdokan ko. "Mr. Kurt Vermillion will you please stand up?" Narinig kong sabi nito kaya napaangat ako ng ulo at nilingon si Kurt. "S-Sir?" "Nakikinig ka ba o inaantok ka sa klase ko?" istriktong tanong niya Bahala kayo diyan Kurty boi. Muli akong dumukdok sa desk ko. "Nakikinig ako sir." "Alam mo simula ng magdiscuss ako, nakaka-sampung hikab kana. So kung di ako nakaka-antok ano pala?" Mukhang masasabon itong kaibigan ko ah. Mabuti na lang safe akong nakadukdok dito. "Sir, nakikinig naman po talaga ako sa inyo." "Okay let's see kung nakikinig ka nga talaga. Vermillion, give me the two types of practical research?" "Quantitative and qualitative sir." mabilis at kompiyansang sagot nito Napa-angat ulit ako ng ulo. "What is qualitative research?" "Sir last year pa yan nakalimutan ko na syempre." kamot ulo na sagot niya "Then what's quantitative research?" Mukhang di paaawat si Mr. Arevalo hanggat hindi bumubula si Kurt sa pananabon niya. Tumighim muna si Kurty boi. "Quantitative research is used to quantify the problem by the way of generating numerical data that can be transformed into useable statistic. It used to quantify attitude, opinions, behavior and other defined variables and generalize result from a larger sample population." hambog na pagkakasagot niya Agad naman akong napa-palakpak na sinundan naman ng mga uto kong kaklase. Wow! That's my Kurty boi. "Sinabi ko bang palakpakan n'yo?! Pwede mo bang ipaliwanag ang sagot mo Vermillion?" Di parin satisfied itong si Sir, 100% na ng utak ni Kurty boi ang ginamit niya sa pagkabisado nun ah. Hays! Kawawa naman ang bestfriend ko. "Sir naman, ang tanong niyo lang kanina kung nakikinig ako o hindi. Nasagot ko ng maayos tanong niyo so it means nakikinig ako. Di ko nga lang naiintindihan. Pero atleast nakikinig ako, diba sir?" sagot ni gago Ayan ganyan ang reasoning pag ginamit mo ang 100% ng utak mo. "Ginagago mo ba ako?!" tumaas na ang boses ni Mr. Arevalo Napailing naman si Kurty boi. "Maupo kana baka mainis mo pa ako." Nakangising naupo si Kurty boi. Nagtinginan pa kaming dalawa at nag high five sa hangin. That's my Kurty baby! "Ryker Rodriguez stand up." Agad akong napatingin sa harap. "Sir?!" Nanlalaki pa ang mga mata ko. "Bingi ka ba?" Kamot ulo akong tumayo. "Nadamay na naman ako." bulong ko pa at pinukol ng masamang tingin si Kurt, na tinatawanan ako "Nadamay? Akala mo di ko napapansin na panay dukdok mo diyan sa desk mo. Ano? Feeling mo babae yan na hinahalik halikan mo?" Napahagikhik naman ako sa sinabi ni sir. "Pangit namang babae niyan sir." sabi ko pa pero mukhang hindi siya natatawa. Hays! Ang hirap mo namang pasiyahin Arevalo. "Diba magkaibigan kayo ni Vermillion? Tulungan mo siyang ipaliwanag kung ano ang quantitative research." Agad nanlaki ang mga mata ko. "Sir...di ko naman yan kaibigan." Nakita ko namang tinatawanan ako ng mga kaklase ko, mga gagu ba kayo? "Si Ranz yung kaibigan niyan e." dagdag ko pa Baka lang naman mauto ko si sir. Sumandal ito sa desk niya at nag cross arms. "Wag na tayong maglokohan. Pa-high five, high five pa kayo riyan. Dali, what's quantitative research?" Aba! Mukhang sinusubukan talaga ako nito ni sir ah. Tumayo ako ng tuwid. "Sir...quantitative research is...is a type of research...that...that...Sir pwede ba tagalog? Diko ma-explain e." kamot ulong tanong ko "Gusto mo mag espanyol ka pa. Sige continue." pamimilosopo pa niya Tumighim ako at itinaas ang aking noo. Papahangain nga kita riyan sir. "Quantitative research ay....uhm...Sir ang quantitative research ay ang pinakamagandang subject na matutunan mo sa senior high na itinuturo ng napaka-gwapo at naaaaapaka-bait na teacher na si Mr. Theo Arevalo." kompiyansang sagot ko Nagtawanan naman ang mga uto uto kong kaklase. Ganito ang reasoning kapag ang IQ mo ay 200. Hays! Basic. "Yan diyan kayo magaling sa kalokohan!" Napahinto naman sa pagtawa ang mga uto. "Eh sir ano ba kasi yun?" kunot noo na tanong "Actually idi-discuss ko pa lang ang quantitative research pero dahil di ka nakikinig, kung ano na lang na kagaguhan maisagot mo." Loko pala ito e. Reklamo kita kay Secretary Briones e. "Sir, Isipin n'yo di n'yo pa dini-discuss pero may sagot na ako. Ganyan talaga pag 200 ang level ng IQ, si Kurty boi naman ginamit ang 100% ng utak niya. Sir, napaka-swerte n'yo may mga genius kayong estudyante." Napailing na lang si Sir, pero mukhang nagpipigil siya ng tawa. Pota! Lasing pa yata ako? "Tsk. As if may sense ang sagot mo. Sa susunod kasi pag may klase kinabukasan, wag nagpapaabot ng 4am sa party. Hmm." sabi nito sabay tingin samin ni Kurty boi Agad namang nanlaki ang mga mata ko. "Sir bat niyo alam?" tanong ni Kurty boi "Wag niyo sabihin na nandoon din kayo? Kayo ahhhh." nakangising sabi ko Tumalim ang tingin niya. "Tsk! Kapitbahay ko lang naman ang pinuntahan niyong bahay kagabi. "San kayo dun sir? Para bahay niyo naman pupuntahan namin sa susunod. Magdadala akong chix." sabi ko pa Napatingin siya sa akin. Ay pota di nga pala kami close. Sabi ko na lasing pa ako e. "Siraulo. Kung chix lang ang usapan, di kayo mananalo sa 'kin." nakangiting sagot niya Aba! May kalokohan din pala itong taglay o lasing lang ako? Hays! Ewan. "Aba matinik ka rin pala sir?" singit naman ni Kian "Bakit mukha ba akong isda? Gusto mo din tulungan mga kaibigan mo?" bumalik ulit sa pagkaseryoso ang mukha niya Ayan singit pa mukha ka na ngang singit e. "Joke lang e." nagpout pa si timang Disgusting! "Okay. Basta sa susunod na may aantok antok sa klase ko, pasasayawin ko na lang kayo sa harap. Maliwanag?" sabi pa nito at sumang ayon naman kami Ayos ka naman pala sir, mukhang napahanga ka sa 200 na IQ ko. Hays! Nagpatuloy na ito sa pag discuss ng f*****g s**t na quantitative research na yan. At panay ang sulyap niya sa aming dalawa ni Kurt, f**k feeling ko bawal din akong kumurap. Sobrang bigat na ng mga mata ko, nag iiba na nga ang tingin ko kay sir. Mukha na siyang waiter sa mata ko at konti na lang magtataas na ako ng kamay at hihingi ng alak sa kaniya. Tumitig na lang ako sa white board pero wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Shit! Bakit may waiter sa harap? HAHAHA **** Pagkatapos naming kumain sa labas ay nagdisisyon na kaming bumalik agad sa AMU. "Dapat talaga di na ako pumasok e. Rye naman kasi, dapat umuwi na lang tayo ngayon." nakabusangot na sabi sakin ni Kurt Panay kasi ang kulit nitong umabsent na lang kami sa hapon. Parang gagu, di naman magkadikit mata namin. "Ayoko nga, sinisipag nga ako. Need ko lang maidlip mga 20 mins tapos okay na ako. Ikaw umuwi kana kung gusto mo" "Edi ako lang mapapagalitan." Binatukan ko ito, napakagaling na talaga mag isip dahil sa 100% na utak niya. Hays! "Kung gusto niyo matulog, dun na lang sa gazebo sa field." suhestiyon ni Ranz Mukhang magandang ideya iyon ah. Sumang ayon naman kami sa sinabi nito at nagtungo sa field, maliban pala kay Hyun na sa library nagpunta. Nang makarating sa gazebo ay sakto namang walang mga estudyante roon, sabagay kahit naman meron paaalisin ko lang din naman sila. Pumwesto na kami sa pagkakahiga ni Kurty boi, habang si Miel naman ay abala sa kaniyang laptop. Ang tatlo naman ay nasa labas at mukhang may pinagkukwentuhan. Bahala sila, inaantok ako. "Nako Ranz, kung makikita mo lang mukha ni Kian. Paniguradong maiihi ka katatawa. Sumisigaw pa ng mommy, akala mong bata" Tumatawa pa si Kila habang nagkukwento, kaliit na babae ang lakas ng boses. Ipinikit ko na ang mga mata ko, at habang unti unting kinakain ng antok... "Hooooy! Anong sinabe? Ranz?!" sigaw ng timang Damn it Prince Kian, malapit na ako sa REM e. Napabangon na ako dahil sa inis. "Hays! Paano naman kaya ako makakatulog kung napakaingay nila?!" inis na sabi ko Napansin kong nakaupo na din si Kurt. "Oh kala ko tulog ka na, sino tinitingnan mo riyan bat nangingiti ka?" Nakatulala kasi ito sa direksyon nina Kian habang nakangisi. Ni hindi man lang ito tumingin sa 'kin. "Pota Miel, napano ba 'to?" baling ko rito pero imbes na sumagot ay nag ssshh lang ito at muling nakipagtawanan sa kausap niya sa video call Ako na lang ba ang matino rito? "Hoooooy!" sigaw ko kay Kurt at mukhang nagulat naman si gagu "Ano ba bat naninigaw ka?" inis na tanong niya "Kanina pa kita kinakausap. Bat ka ba nakatulala diyan? Tapos nangingiti ka pa, gago ang creepy mo." "May naalala lang akong nakakatuwa kagabi." sagot niya Napangiti na rin ako. "Ah alam ko na, yung naghubad ng pang itaas si Kylie tapos ang itim ng u***g niya. Nakakatuwa nga yun." Napangiwi naman si Kurty boi. Bakit nakakatuwa naman talaga yun ah. "Sira. Hindi iyon, puro ka talaga kamanyakan." tugon nito at bumalik sa pagkakahiga "Huh. Baka naman si Kila ang tinitingnan at inginingiti mo riyan." pabirong sabi ko pero bigla itong bumangon at binatukan ako "Gago!" Pota defensive?! "Narinig ko yun!" malapad ang ngiting singit ni Miel Nagkatinginan kami ni Kurty boi at mukhang iisa lang ang nasa isip namin. "Kurt may naririnig kang nagsasalita?" kunwari ay nagtatakang tanong ko "Wala e." simpleng sagot niya "Tara tulog na tayo. Wag nating pinapansin yung taong sa virtual world lang ang focus." sabi ko at bumalik na kami sa pagkakahiga "Hoooooy! May kavideo-chat lang akong isang follower. Birthday kase." "Wala talaga akong naririnig. Hays." Nakita ko namang sumimangot si Miel at padabog na lumabas at nakigulo kina Kian. Ha ha ang sarap talaga mangbwisit. **** Kila TULOY parin sa pangungulit sa amin si Kian, akala talaga niya sinabi ko kay Ranz na nakita ko silang magkasama ni Yvette kanina. Nakita ko namang nakasimangot na lumabas ng kubo si Miel, mukhang napagtripan na naman ng dalawang may bahog. "Oh bakit nakasimangot ka?" tanong ni Ranz "May mga saltik yung mga kasama ko dun sa loob e." sagot niya at napabuntong hininga pa, "Nga pala Kila, kumusta paghahanda sa pageant?" Ako naman ang napabuntong hininga sa tanong ni Miel. "Ayon kumuha pa si mama ng pageant coach ko. Diba ang exaggerated?" "Gustong gusto ka lang talaga sumali nun. Nung tumawag nga sakin kahapon mababakas sa boses niya ang sobrang saya. Buti nga di kita sinumbong." ani Kian "Si mama kasi gustong gusto niya mag pageant noong dalaga siya, kaya lang ayaw payagan ni mami. Kaya ganun na lang siguro ang excitement." seryosong sabi Totoo naman yun, sa tuwing kinukwento ni mama sa 'kin ang kaisa isang beses na sumali siya ng pageant ay nangingislap ang mata nito. Masyado kasing conservative si mami at mas gusto niyang negosyo ang pagka-abalahan ni mama. "Kaya dapat galingan natin. Para kay tita Alexa." sabi ni Ranz at inakbayan ako "Para kay mama Alexa!" pasigaw na sabi ni Kian at itinaas pa ang kamao niya "Para kay mama Alexa!" sabay sabay na sigaw namin at saka kami nagtawanan "Magpapatulog ba kayo o ano?! Haysss!" sigaw sa amin ni Rye, nakabusangot pa ang mukha nito at mukhang ginulo pa ang buhok dahil sa inis "Sorryyyy." sabi namin at nagpeace sign pa Sinamaan niya pa kami ng tingin isa isa saka bumalik sa pagkakahiga. Habang mahina kaming nakukwentuhan ay biglang nagring ang cellphone ko, agad ko itong dinampot at nakita kong tumatawag si mama. Napabuntong hininga na lang ako noong matapos ang aming pag uusap. "Para saan ang buntong hininga?" untag ni Kian "Ranz, pwede ka ba after class? May kinuha na naman siyang tutulong para daw sa talent portion natin." Nangiti naman sila. "Oo naman. Sa ginagawang effort ni tita, mukhang kailangan talaga nating manalo." Napa-smirk pa ako. "Whatever!" sabi ko at binagsak ang aking balikat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD