We made it
Pasalampak akong naupo sa sahig habang hinahabol ko ang aking hininga.
"Ayoko na. Okay naman na ah." naiinis na sabi ko habang pinupunasan ang pawis sa katawan ko
"Isa na lang Kila, last na talaga" sagot ni Carl
Siya ang choreo na kinuha ni mama para magturo ng contemporary dance sa amin ni Ranz.
Napairap na lang ako dahil sa pagod at inis, nilapitan naman ako ni Ranz at inalalayang tumayo.
"Last na talaga to ah!" pahabol ko pa at saka umayos ng pagkakapwesto
"Make it perfect, okay?" bilin pa nito sa amin
Nag umpisa na kaming sumayaw ni Ranz sa saliw ng kantang Can't help falling inlove.
Ewan ko ba kung bakit ito pa ang napili nilang gawin, pwede naman kaming mag magic na lang. Diba pwede naman yun? But still, ano pa nga bang magagawa ko? Napraktis na namin ng isang linggo ang sayaw na 'to. At mukhang gusto rin ito ni Ranz, damang dama niya ang ritmo ng aming sayaw. Noong una sobrang hindi ako kumportbale sa ginagawa namin, dahil sa hawak sa katawan at yung halos magdikit na ang mga mukha namin, pero kalaunan ay nakasanayan ko na lang din. At isa pa wala namang malisya yun, si Ranz lang naman to. Duh!
"Very good!" pumapalakpak na sabi pa ni Carl, "Yung facial expression ang pinaka-mahalaga. Kailangan makuha niyo ang puso ng mga manunuod sa inyo. At ikaw Ranz, kitang kita ko na ang emosyon mo." Kumapit sa braso ni Ranz.
"At ikaw naman Kila, sa araw ng pageant bawal ang simang, okay?" baling nito sa 'kin
Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Okay Carl, bitawan mo na ang braso ni Ranz. Tyansing kana eh!"
Dagli naman itong napabitaw saka napahagikhik.
"Carla nga girl." hirit pa niya pero di ko na siya pinansin
Matagal ko na rin na kilala itong si Carl dahil isa siya sa mga empleyado ni mama mula Bulacan na isinama niya dito.
Sobrang exhausting ng linggo na ito, halos araw araw kaming nagpapraktis ng contemporary dance na yun. At kung hindi man ay pinagpapraktis naman akong maglakad ni coach Via suot ang 6 inches na platform heels at mermaid style dress, para daw hindi ako mahirapan sa araw ng pageant. Diba? Akala mo talaga Binibining Pilipinas ang sasalihan ko sa tindi ng pag eensayo. Kung alam ko lang na ganito ang magiging hirap ko rito, nakipag matigasan na lang sana ako sa hindi pagsali. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Naghirap na ako't napagod, kaya kailangan ko ng reward sa lahat ng efforts na ginawa ko. I need to win, I mean we need to win. I need those fvcking crown and sash para maipakain kay Kian na dahilan ng lahat ng paghihirap ko na 'to.
"Kila anong ginagawa mo sa pagkain mo?"
Nabalik lang ako sa realidad dahil kay mama. Nakita ko naman na nalamutak ko na pala ang pizza na hawak ko.
"Girl, ako ba iniisip mo habang ginagawa mo yan?" napatakip pa sa bibig ang baklita
I just rolled my eyes and continue eating.
"Ready ka na ba para sa pageant?" tanong ni Ranz
"Oo naman. Handa na akong kunin ang korona at ipakain kay Kian."
Natawa naman si Ranz sa sinabi ko habang si mama ay napakunot ang noo sa 'kin.
"Hija, sobra ka naman kay Kian."
Hindi ako sumagot.
"Sige na magpatuloy na kayo sa pagkain para makapag pahinga na kayo. At saka Ranz, wag mo ng alalahanin yung tungkol sa susuotin mo. Siyempre masaya lang ako dahil sasamahan mo si Kila." sabi pa ni mama
Nahihiya namang ngumiti si Ranz. Sa sobrang saya ni mama na kasali ako sa pageant, pati ang susuoting damit ni Ranz at make up artist siya na din ang nagprovide. But, serious speaking naggo-glow talaga ang mga mata nito, sa tuwing lumalakad ako na parang isang beauty queen. Siguro ay naiisip niya ang kaniyang sarili sa akin, at isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit kailangan kong galingan at manalo.
Pagkatapos naming kumain ng merienda ay nagpaalam na din si Ranz. Ako naman ay umakyat na sa kwarto ko para makapagpahinga, sabado ngayon dapat sana ay pachill chill lang ako. Sa lunes na ang pageant, kaya naman pusposan ang paghahanda at ensayo namin. At ngayong nagawa na namin ang aming last practice, kailangan ko na lang magpahinga. Nagpatawag na din ako kay yaya ng home service massage, para maibsan ang p*******t ng kalamnan ko. Dahil baka imbes na lakad pang pageant ay maging lakad zombie ang magawa ko sa lunes. At bukas naman ay ilalaan ko sa matinding beauty rest, literal na matutulog lang ako buong araw upang mabawi ang energy na naitapon ko.
Lintik na pageant!
Papikit na ang mga mata ko noong biglang magring ang cellphone ko. Pinasagot ko yun sa therapist at pina-loud speaker.
"Hello baby girl?" bungad nito sa kabilang linya
"Baby girl my foot! Why did you call?"
"Aba! Bawal ko na bang kumustahin ang kapatid kong soon to be beuty queen."
Narinig ko pa ang paghalakhak niya kaya naman pinahinto ko na muna ang pagmamasahe at naupo para makausap ng maayos si kuya.
"Tumawag ka para mang inis?! Then, I'll hang up na. Nagpapamasahe ako."
"Don't! Pikon ka parin 'no? Excited lang ako na mapanuod ka. Ayaw mo ba talagang umuwi ako?"
"Wow! As if nasa Manila ka lang kung makapag tanong ka. Sa live ni Miel ka na lang manuod, sinabi ko na sa 'yo yun diba?"
Panay kasi ang kulit nito na uuwi siya para manuod, pero ayoko. Nag aaral si kuya sa Switzerland at ayoko naman na umabsent pa siya para lang sa pageant na yan, knowing na hindi siya agad paaalisin ni mama pag nandito na siya.
"Sige na nga. Tumawag lang ako para mag good luck. Wag kang kabahan ah! Ikaw kaya si Akilabot."
Napangiti naman ako, kelan pa naging supportive ang isang 'to?
"Eh? Hindi ba't kontrabida ka sa buhay ko?"
Narinig ko ang pagtawa nito.
"Don't worry di ako kinakabahan. Duh! Iuuwi ko ang korona, wala sa akin ang word na pagkatalo. Kaya ikaw, manuod ka at bumilib, okay?"
"Oo na. Sige na may pasok pa ako. Bye baby girl, ikamusta mo na lang ako kina mom and dad. At ikakamusta na din kita kina mami at dadi. Byee andito na ang prof." sabi nito at saka ibinaba ang tawag
Nagiging conyo na ang kapatid ko, mom and dad? Hmp!
Ipinagpatuloy ko na ang pagpapamasahe at ikinalma ang aking isipan.
***
"Kila? Kila? Baby?!"
Nagising ako sa sigaw at katok ni mama sa kwarto ko.
"Bakit ma?" pupungas pungas na sigaw ko
"Anong bakit? Lunes na ngayon, araw na ng pageant. Bumaba kana at magbreakfast."
Biglang kumalabog ang dibdib ko. Lunes na agad? s**t! Bakit ako kinakabahan?
I took a deep breath to calm myself. "Okay Ma, coming."
Tumayo na ako at dumiretao sa CR para makapag toothbrush tapos ay bumaba na ako. Naabutan kong nag aalmusal sina mama at papa, at nandoon din si Ate Pat at Carl na magsisilbing hair and make up artist namin ni Ranz.
"Good morning." humihigab na bati ko sa kanila
"Sarap ng tulog girl, parang walang contest na pupuntahan ah." pabirong sabi sa 'kin ni Carl
Nag-ngiting aso lang ako sa kaniya.
"Hija, pipilitin kong makahabol okay? May importanteng meeting lang ako na kailangang puntahan." sabi naman ni papa
"Okay Pa."
Noong matapos sa pagkain ay nagpahinga muna akong saglit bago nagpasyang maligo. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay isinuot ko na ang official t-shirt ng mga candidates. Pumasok na rin si Ate Pat at siya na ang nagpatuloy sa pag blower sa buhok ko. Nag umpisa na din itong lagyan ng make-up, panimula pa lang iyon dahil sa AMU nya na daw gagawing full pack ang make up. Iniwan niya na ako para makapag bihis, kapartner ng tshirt ay ang white jeans, at nagsuot na muna ako ng sneakers.
Bumaba na ako at naabutan kong naghihintay na sila. Nasa sasakyan na si Ate Pat, Nay Andi at iba pa naming kasambahay. Gusto rin daw nila akong mapanuod kaya naman pinayagan din silang sumama ni mama.
Pagkarating sa AMU ay agad akong sinalubong ng Kila's Angel fansclub kuno, nag hi sila kay mama at nagwish ng goodluck sakin. Mayroon din silang dalang banner at tarp na may mukha ko. Pinasalamatan ko na lang din sila sa suporta nila at nagpatuloy na kami sa paglakad papunta sa auditorium.
"Kila?!"
Agad akong napalingon sa mga tumawag sakin. Ang mga mokong pala at all smiles pa sila noong masilayan ako.
"Ganda naman ng bestfriend ko." nakangiting sabi ni Kian
"Wag kang ngumiti d iyan dahil kakain ka ng korona mamaya." nag smirk pa ako
Napatago naman ito sa likod ni Rye.
"Oh baka isali mo na naman ako dyan." sabi ni Rye at pilit nitong inaalis si Kian sa likod niya
"Umandar na naman pagka-isip bata n'yo. Basta Kila, goodluck ha. Galingan mo! Hwaiting." Itinaas pa ni Hyun ang dalawang kamao niya.
"Hwaiting!" sagot ko
Sabay sabay na kaming nagtungo sa Auditorium at naghanap na rin sila ng magandang upuan kung saan sama sama ang mga sumusuporta samin ni Ranz. Nagtungo naman na kami ni ate Pat sa back stage ng auditorium, nandoon na rin ang ibang candidates at pati na si Ranz na tapos ng ayusan ni Carl.
"Carl, masyado mo namang pinagwapo itong kaibigan ko. Baka mamaya di na ako kilala niyan." pabirong sabi ko at natawa naman si Ranz
"Marunong ka pala magbigay ng compliments 'no? Ikaw, nga diyan ang di ko nakilala e."
"Haynako! Mamaya na ang harutan niyong dalawa. Naiinggit tuloy ako. Kila girl, upo ka na dito." singit naman ni Carl
Naupo na rin ako at nag umpisa na silang ayusan ako. Lumabas din muna si Ranz para magtungo sa mga kaibigan namin. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay natapos na din sila sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko, tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Shit. Inlove na yata ako sa sarili ko.
Hmp.
Inumpisahan naman na ni Carl ang pag aayos sa buhok ko. Itatali raw nila iyon ng mataas tapos ay ikukulot ang dulo, kailangan daw talagang kita ang kabuoan ng mukha ko.
"Girl, may nakapagsabi na ba sa 'yo na mukha kang barbie." sabi ni Carl, noong matapos siya sa buhok ko
Agad namang pumasok sa isip ko si Max, alam niya kaya na kasali ako sa pageant? Siguradong matutuwa iyon pag nakita niya ako sa ganitong ayos.
"Oh baka maging straight ka dahil sakin ah." pabirong sagot ko at napa-yuck naman ito
Hay nako baklita talaga. Bumalik na si Ranz at muling pinasadahan ni Carl ang mukha nito para daw sa final touch, ako naman ay di pinayagan na lumabas ni ate Pat para daw surprise maging kay mama ang itsura ko. Isinuot ko na ang 6 inches na platform heels ko tapos ay kinuhanan kami ng ilang litrato ni Ranz.
It was 9am, noong may nagsabi sa amin na maghanda na. Narinig ko na ring magsalita ang emcee, kaya bigla na lang kumalabog ang dibdib ko. Napabuntong hininga pa ako na napansin naman ni Ranz kaya hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti sakin.
"Let's all welcome our 16 female candidates for Ms. AMU."
Pang walo ako sa mga kandidata, kaya kahit papaano ay may panahon pa akong iwaksi ang kaba sa dibdib ko. s**t! Bakit ba ako kinakabahan.
"Kila, you can do it." pahabol pa ni Ranz noong lumabas na si candidate no. 7.
Huminga ako ng malalim at itinaas ang noo. Pageant lang 'to.
"Thyra Jane Sebastian, 17, representing Stem A. And I do believe in a saying, no it's not a saying. It's a fact that I'm gonna bring home the crown, and I thank you."
Wooaah ibang klase ang kompiyansa nito ah. Akala mo papatalo ako sayo ah.
Wait ka lang.
Lumabas na ako at rinig na rinig ko ang sigawan ng Kila's angel at maging ang fansclub nina Ranz ay nakiki-cheer sa 'kin. Sumisigaw din para sakin ang mga kaklase ko.
Nakabibingi.
Ipinakita ko na ang pang malakasan kong ngiti at noong makapwesto na si candidate no. 7 ay nag umpisa na akong rumampa papunta sa harap. Hindi ko alam pero nung mga sandaling iyon ay nawala na ang kaba sa isip ko, all smiles lang habang kompiyansang naglalakad.
Pagkatapos kong puntahan ang kaliwa't kanan ng entablado ay huminto na ako sa gitna kung nasaan ang mikropono. Hindi pa ako nakapag salita agad dahil nagingibabaw ang pagsigaw nila sa pangalan ko.
"My name is Akila Cayne Gonzaga Samonte, 18, representing Abm A."
Sigawan ulit sila.
"And I do believe in saying, that candidate no. 7 is lying. Because I believe, that I am the one who'll bring home the crown. And I thank you."
Napuno ulit ng sigawan ang crowd, bakit tuwang tuwa kayo eh kalokohan lang naman yung pinagsasabi ko. Pero on the spot yun ah.
Muli akong umikot at kumakaway kaway pa. Ito na, sinapian na talaga ako ng tapang ng hiya at wala ng makakapigil sakin.
Noong makarating sa linya ko ay sinalubong ako ng irap ni candidate no. 7.
Bleh.
Nangangalay na ang pisngi ko sa pagngiti, bawal ba talagang nakasimangot pag nasa pageant?
Sawakas ay natapos na ring magsalita si no. 16 kaya lumakad na kami sa gitna ng stage para sa prod namin. Sumasayaw kami suot ang ang 6 inches na heels tapos kailangan nakangiti.
Real s**t!
Finally natapos nadin ang aming prod, naglakad na ulit kami sa gilid ng stage.
"Wow! Talaga namang ang gaganda ng ating mga babaeng kandidata. Diba? At ngayon naman kilalanin naman natin ang ating 16 male candidates for Mr. AMU"
Nagsimula na rin sa pagpasok ang mga male candidates, at kami naman kahit nandito sa gilid nakangiti parin.
"Diba kayo nangangawit?" pasimpleng tanong ko pero parang di nila ako narinig
Ay masiyadong mga palaban ah. Pag ako nainis uupo ako sa lapag. Tagal naman ni Ranz, pang 24 pa nga pala siya. Nanahimik na lang din ako at hinintay ang paglabas ni Ranz.
At makalipas ang ilang minuto ayan na siya, napuno ng hiyawan ang crowds mas malakas pa sa cheer nila sa akin kanina. Kahit ako ay gusto ko rin makisigaw sa kanila, mas masaya siguro kung nandoon ako sa crowd kaysa para akong timangna nakangiti dito kahit wala namang nakakatuwa.
"Ranz Christopher Mendez, 18, representing Abm A. At naniniwala po ako sa kasabihang kung dadalhin man ang maganda't gwapo sa kabilang planeta, ay magpapaalam na po kaming dalawa ni Akila." lumingon pa ito at itinuro ako ng kamay niya
Tuwang tuwa naman sina Kian, alam ko na kung sino ang nagturo sa kaniya nung kasabihan na yun. Hindi rin talaga papatalo sa kalokohan ang isang 'to. May dahilan na tuloy sa pagngiti ko rito.
Noong matapos na ang pang huling candidates ay ginawa na rin nila ang prod nila. At saka sila lumapit sa amin para sa last prod namin na by pair. Gusto ko sanang kausapin si Ranz pero mas pinili ko na munang mag focus sa pagsayaw, mahirap na baka magkamali pa ako. Nung matapos ang music ay nagpalakpakan na ang mga manunuod doon, pinabalik na rin kami ng emcee sa back stage at pinaghanda para sa sports wear.
"Kayong dalawa puro talaga kayo kalokohan 'no?" bungad sa amin ni ate Pat
"Lakas mo mag imbento ng kasabihan. Tawang tawa ako sa 'yo." sabi naman ni Ranz.
"Syempre, di naman ako papatalo. Pero ikaw hulaan ko si Kian ang nagturo sayo nun no?"
Tumango tango naman ito habang tumatawa.
Kinailangan ko ng magbibis para sa sports wear, skateboarding ang napili ko habang si Ranz naman ay car racing. Diba? True to life to. Mainam sana kung talagang maipapakita ko ang kakayahan kong mag skate kaso lang hindi pwede dahil tiles ang sahig ng auditorium.
"Gusto ko talagang ipakita na kaya ko mag skate, ano namang sense kung bibitbitin ko lang ang board ko? Ate Pat?!" nagpout pa ako rito
Medyo pasikat nga rin talaga ako, pero kase gusto ko talagang ipagmalaki ang sports na minamahal ko.
"Okay kakausapin ko ang organizer, kung ano pwede gawin." sagot nito at tumalima
"Bakit ako racer pero helmet lang ang dala?" sabi naman ni Ranz at tumingin kay Carl
"Nako, tigil tigilan mo ako. Wala akong planong magpasok ng kotse dito." pagsusungit ng baklita
Napahahikhik pa kaming dalawa ni Ranz.
Maya maya pa ay bumalik na si Ate Pat at mukhang nakangiti ito.
"Sabi nung organizer kung gusto mo daw talaga maipakita na kaya mo mag skate pwede ka naman daw mag skate sa labas, pagkatapos ng competition."
Agad nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.
"Joke. Pwede naman daw pero okay lang ba na hindi ka sa stage lalabas? Syempre mahahati ang tingin sa inyo ng judges."
Napatingin ako kay Ranz, sa sinabing yun ni ate Pat. "Sige wag na nga lang."
"Ganito na lang. Mauuna akong lumabas and then hihinto ako left side ng stage, tapos doon kana papasok aakyat ka papuntang right side and then balik sa normal na rampa. What do you think?"
Mukhang sang ayon ang dalawa sa suhestiyon ni Ranz kaya hindi na rin ako umalma pa.
"Ayan na kayo na ang susunod." sabi ni Carl
Pumwesto na ako sa lalabasan ko. Narinig ko na ang malakas na sigawan kaya natitiyak kong lumabas na si Ranz.
"Now na Kila." sigaw ni Carl
Inumpisahan ko ng sipaan ang board ko. Mukhang nagulat pa sa 'kin ang mga judges at manunuod ngunit sa huli ay nagsigawan padin sila, pinakitaan ko pa sila ng ollie trick bago ako bumaba sa board ko at mahinhin na umakyat. Nagngitian muna kami ni Ranz bago kami magsalubong sa gitna, muling nagpalakpakan ang sumusuporta sa amin sa aming muling pag ikot.
"Talaga namang kinukuha n'yo yung spotlight 'no?" pumapalakpak pa si Carl, "Malakas pakiramdam ko na kayo mananalo." pabulong na sabi pa nito at naghagikhikan kami
Nag apir pa kami ni Ranz, hindi dahil umaasa kaming manalo kundi dahil nag eenjoy kaming pareho at sa totoo lang ay nawala na ang pressure sa akin. Muli na naman kaming nagbihis para sa next segment na talent portion, niretouch ang aming mga mukha at inilugay lang din nila ng buhok ko. Well prepared na kami para sa aming talent portion ngunit mahaba haba pa ang aming hihintayin. Nagpaalam muna ako na pupuntang cr, at doon ay naabutan ko si no. 7 at iba pang mga kandidata.
"Nandito pala ang pasikat." parinig nito sakin pagkapasok ko sa cubicle
Hindi ako sumagot, uunahin ko pa ba siya e sasabog na itong pantog ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko parin sila doon.
"After pageant na lang kita aawayin, sayang naman kasi yung mga make up natin diba? Agree with me Thyra Jane Sebastian?" tinitigan ko pa ito sa mga mata niya, hanggang siya ang nag iwas ng tingin
"Goodluck." sabi ko pa at nag iwan ng matamis na ngiti sa kanila
"Di mo ba siya kilala? Siya yung nambugbog sa grupo ni Yvette." narinig kong sabi ng isa sa mga nandoon sa CR
Well, ngayon kilala mo na ako, pero wala naman din akong planong awayin siya pagkatapos ng pageant.
Inialis ko na yun sa isip ko at bumalik na sa back stage, naabutan ko namang ka-videocall ni Ranz sina Kian, agad akong kumaway sa kanila.
"Huy! Ganon ka ba talaga ka-dedicated na mapakain ako ng korona ha?!" pasigaw na sabi ni Kian,
Natawa naman ako sayang nakalimutan ko na sana.
"Oo talaga. Kaya maghanda kana."
Nakipag kulitan pa kami sa mga mokong habang naghihintay sa aming moment.
"Goodluckkk galingan nyooo." sigaw nila bago namin tapusin ang videocall
Tumayo na kami ni Ranz para maghanda, nanlalamig na naman ang kamay ko.
"Ngayon naman ay masasaksihan natin ang talento mula sa AMB A. Akila and Ranz."
Ayan na naman ang nakabibinging ingay ng crowd. Masyado niyo ba kaming love?
Lumabas na kami at nagpunta na sa tamang posisyon pero may nahagip ang mga mata ko sa gilid ng stage.
Teka?
Si Montereal ba yun?
Anong ginagawa niya rito? At bakit may hawak siyang cellphone? Teka nagvi-video ba siya? Ang dami kong tanong pero binalewala ko muna lahat yun noong marinig ko na ang tugtog ng kantang Can't help falling inlove.
****
Jix
MOM called me, pinapapunta niya ako sa auditorium kung saan ginaganap ang pageant. Isa sa mga judge si mom.
Pagdating ko roon ay dali niyang ibinulong sa akin na gusto raw manuod ni Max ng live. Nagtaka pa ako kung bakit, and then she told me na kasali pala ang pakialamera sa pageant na 'to. Iyon pala ang dahilan kung bakit gusto niyang pumunta dito kanina, pero hindi pwede dahil may pasok siya.
"Jix, pagbigyan mo na ang kapatid mo. Malapit ng lumabas sina Kila, and sakto naman na recess nila Max. Kung hindi lang sana ako judge ako na hahawak niyan pero di pwede. Baka isipin nila that I'm being biased." pabulong na paliwanag niya
Labag man sa loob ko sinunod ko na lang din sya, para kay Max. Pumunta na ako sa gilid ng stage and nagvideo call na din ako sa fone ni Max, mabilis niyang sinagot yun at mukhang excited na excited sya.
"Kuya si ate barbie doll na ba?"
"I don't know, uhm maybe." kibit balikat na sagot ko at napasimangot naman ito
"Ngayon naman ay masasaksihan natin ang talento mula sa AMB A. Akila and Ranz."
Narinig kong sabi ng emcee, napuno ng napakalakas na sigawan ang crowd. Ganito ba sila ka-popular?
I dont care.
Iniharap ko na sa stage ang camera, and damn. That girl, she saw me and mababakas sa mukha niya ang pagtataka. Gusto ko na sanang umalis pero bigla na lang tumugtog ang isang musika. Isang pamilyar na musika.
Bakit kailangan iyon pa?
Napatulala lang ako habang pinagmamasdan ang pagsayaw nila sa kantang may malaking bahagi sa buhay ko.
"Kuya I can't see!" napabalik lang ako sa realidad kanina pa pala sumisigaw si Max
Masiyado rin kasing maingay kanina. Inayos ko na ang ang anggulo ng camera, at hinintay matapos ang kanta at sayaw nila. Tiningnan ko na lang ang reaksyon ni Max, nanlalaki ang mga mata nito. I really don't know why she is so fond with that girl.
Biglang nagsigawan ang crowd kaya napatingin ako sa stage, magkalapit ang mukha nila at mukhang kinikilig ang mga manunuod. Nagpalakpakan ang mga tao noong matapos na ang kanilang performance, ang lakas din ng palakpak ni Max.
"Kuya, I wan't to talk to ate." sabi pa niya at mabuti na lang nagsalita na ang yaya niya na tapos na ang recess.
Nagpaalam na ito at binalik ko na din kay mom ang cellphone, at nagpasyang lumabas ng auditorium.
***
Kila
AGAD hinanap ng mata ko si Montereal pagkatapos ng sayaw namin. Mukhang may kausap siya sa phone, at mukhang alam ko na kung sino yun. Hindi talaga siya maka-hindi sa kapatid niya.
Hawak kamay kaming naglakad ni Ranz pabalik sa back stage at pagkarating doon ay di ko napigilan na yakapin siya.
"We made it right? Did we made it perfectly?" sunod sunod na tanong ko kina Carl at ate Pat
Tumango naman sila at pumapalakpak pa.
"Yes. Grabe nag uumapaw pala kayo sa chemistry." mukhang kinikilig pa si Carl
Tuloy parin ang usapan namin sa kakatapos lang namin na sayaw, hindi ko maitago ang saya dahil nagawa ko iyon perfectly. Pinagpahinga muna kaming saglit upang mabawi ang hingal namin at pagkatapos ay nagbihis na kami para sa formal wear. Suot ko ang isang red sequin mermaid sleeveless long evening gown.
"Wow! You look stunning Kila. Just wow!" naka awang pa ang bibig ni Ranz habang parang bata ang mata nito na manghang mangha sa itsura ko
Napangiti naman ako sa naging reaction nito.
"Oh pwedeng titigan bawal mainlove." singit ni Carl at inalalayan na ako sa pag upo, sa tapat ng vanity mirror
Tinitigan ko ang sarili ko ko sa salamin, I never imagine myself wearing this kind of revealing dress.
Paglingon ko kay Ranz ay nakatitig padin ito sakin, I snap my fingers in his face. "Luh! Manghang mangha Ranz?" sabi ko at napaiwas naman ito ng tingin, "Gwapo mo rin dyan." pag compliment ko naman sa kaniya
Nag umpisa na si ate Pat na ayusin ang buhok ko, ibu-bun niya yun para mas kita ang leeg at mukha ko. Inshort para mas kita ang balat ko, medyo matagal ang inabot ng pag aayos sa buhok. Kaya nagvideo call muna ako kay mama, nakita ko agad ang pag glow ng mata nito noong makita na suot ko na ang gown na siya ang pumili, nakita ko rin sa tabi niya si papa. Nandoon na rin pala ito, bago ang talent portion sadyang di ko lang napansin dahil nakuha ni Jix ang atensyon ko. Nasa likod din pala nila ang mommy ni Ranz at si Ate Reign, mukhang nagkakilala na sila. Natanaw ko rin si Rye sa tabi ni ate Reign at kumaway ito sakin na tila kinikilig. Agad ko itong pinakita kay Ranz at pinakitaan niya agad ng kamao si Rye, pero tinawanan lang siya nito.
Natapos na ang pag aayos nila sa buhok ko, si Ranz naman ay kanina pang tapos ayusan ni Carl. Kaya pinagtulungan na nila akong lagyan ng make up at accessories. Pagkayari ay kinuhanan nila kami ng litrato ni Ranz.
This is it pansit.
Nagsimula na ang formal attire portion at tapos na rin ang dalawang candidates. Bali ang mangyayari ay sabay kaming lalabas ni Ranz tapos ay mauuna akong umikot sa stage sa kanya, habang nagsasalita ang emcee sa background ko. Hihinto ako sa left side ng stage at doon naman papasok si Ranz.
Noong makalabas na ang panglimang pares ay muli akong dinapuan ng kaba, kahit high slit ang suot kong gown ay kailangan parin ay kontrolado ang paglakad dahil sa taas ng heels ko ay simpleng pagkakamali lang siguradong matutumba ako.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga, at iwinagayway ang mga kamay ko para mawala ang kaba.
"You can do it. We can do it." narinig kung sabi ni Ranz
Marahil ay napansin nito ang kaba ko. Lumapit pa sa amin si ate Pat para masiguradong ayos ang itsura at suot namin.
"Candidate number 8 and 24 of grade 12, ABM A."
Pagkasabi nun ng emcee ay ngumiti na agad ako ng pangmalakasan at saka humawak sa kamay ni Ranz. And as usual sinalubong na naman kami ng nakabibinging sigawan. Inikutan ko muna si Ranz gaya nung pinaraktis namin at saka ako dahan dahang lumakad dala ang kompiyansya at ngiti ko.
"Candidate no. 8 is an 18 yrs. old transferee student from Bulacan. She learned skateboarding when she's 14 and won 5 championship in different skateboarding competition. She also do car racing, and remain as the undefeated champion in their league. She can also do martial arts. And this is her first time joining beauty pageant. Once again candidate no.8"
I made it, hindi ako natapilok pero s**t hindi pa ito tapos.
"Candidate no. 24, 18 years old. He is the captain ball of their varsity team. He also hailed as the 1st runner up when he first joined the Mr.and Ms. AMU back in 2015. And he also do car racing. Candidate no. 24"
Nagngitian ulit kami ni Ranz, at saka muling lumakad. I smiled genuinely and ganun din si Ranz, naglakad na kami pabalik sa line.
Ops! Mahaba habang tayuan na naman to.
Habang rumarampa ang ibang kandidata ay napapaisip naman ako kung makakapasok nga ba kami sa top 10. Dapat lang, ang sakit sakit na ng likod at pisngi ko dito.
Finally! Makalipas ang ilang minuto natapos din ang labing anim na pares, naglakad na kami patungo sa gitna para sa announcement ng special awards at ang top 10.
"Bago natin alamin kung sinu-sino ang mga nakapasok sa top 10. Kilalanin muna natin ang mga makatatanggap ng special awards. Excited na ba kayo kung sinu-sino sila?"
Haynako! Bilisan mo na kung ayaw mong makakita ng kandidatang uupo sa sahig. Siya nga pala, ang pagpili sa mga makakapasok sa top 10 ay hindi by pair.
"Para sa popularity award, congratulations candidates no. 7 and 24."
Ang popularity ay ibinase sa dami ng reacts sa mga picture namin sa f*******:. And as expected, si no. 7 na isang social media influencer at si Ranz sa tulong ng mga supporters ni Miel ang nanalo. Well, kaunti lang naman ang lamang ni Thyra sa 'kin. Hmp.
Nakangiting tumingin sa akin si Ranz at nginitian ko din siya pabalik habang pumapalak.
"Para naman sa ating Best Sports wear award. Move forward candidates number... 8 and 27. The skater and the archer."
Kitang kita ko pagtayo at pagpalakpak nila mama. Aba effective pala ang pagiging pasikat ko rito ah.
"Let's move on to our best talent award. Sumigaw na kayo Grade 12 Abm A, congratulations candidates no. 8 and 24."
Puro sigawan na lang yata ang maririnig sa bulwagang iyon. Si Ranz naman ay agad na lumapit sakin at inalalayan ako sa paglakad.
"We made it. Ang galing mo." bulong nito kaya pasimple ko siyang kinurot
Bakit ba sa 'kin niya lang binibigay ang credits. Pabalik na sana kami sa pwesto namin...
"Wag na muna kayong umalis, dahil kayo rin ang nanalo sa Best in long gown and Best in Suit."
Dagdag pa ng emcee na mas lalo naming ikinatuwa. How the hell? Parang maiiyak na ako gayong special awards pa lang naman ito. Magkahawak ang kamay namin ni Ranz, habang kumakaway ako sa mga kaibigan at pamilya namin.
"Wow! Hakot awards sina candidates no. 8 and 24. Congratulations." sabi pa ng emcee, "At maaari na kayong bumalik sa inyong mga pwesto, dahil nabibingi na kami sa mga sigaw ng supporters niyo." pabirong sabi pa nito
Inalalayan pa ako ni Ranz na makabalik sa pwesto ko bago sya bumalik sa kanyang linya.
"At bago ko i-announce ang ating top 10 ay babasahin ko ulit ang naging criteria ng ating judges sa pagpili sa kanila. 30% Beauty, 30% personality and stage presence, 10% talent, 10% sportswear, and 20% overall appearance. Iyan po ang naging basehan ng mga judges sa pagpili ng sampung makalulusot sa next round. At pag nakuha na natin ang ating top 10, lahat po ng score ay babalik sa zero. Malinaw po tayo roon ah."
Oo na malinaw na pwede bang bilisan mo na. Alam ko namang pasok kami diyan ni Ranz.
Shit. My confidence is overflowing.
"Una ko ng iaannounce ang ating top 5 female candidates. In no particular order po ito. Pasok kana sa top 5, candidate no. 16."
"You can also move forward, candidate no. 2"
"At ikaw din, candidate no. 7"
"Humakbang kana din candidate no. 12"
Shit! Ano na bakit wala pa ako?
"And last but not the least, candidate no. 8"
Yun! Tagal e, expected ko naman yun. Hihi. Nakita kong umiiyak na si mama, nako ito talagang nanay ko.
"At para naman sa ating top 5 male candidates. In no particular order parin ito. Move forward, candidate no. 27"
"Sumunod kana, candidate no. 23"
"Congratulations pasok ka na din, candidate no. 18"
Omg! Si Ranz na ang sunod diyan. Cross fingers.
"At pasok ka din, candidate no. 24"
Yesss! Sabi ko na e. Nag high five pa kami sa hangin sabay kaway sa mga kaibigan at pamilya namin.
"And last, candidate no. 30"
"Muli palakpakan natin ang ang top 10, maaari na kayong bumalik sa back stage at huminga saglit dahil sa inyong pagbabalik ay magtatanungan naman tayo sa ating question and answer portion. Congratulations."
Pagbalik sa back stage ay dali dali ko munang hinubad ang aking heels bago ko naisip na magsaya. Abot langit ang ngiti sa amin nina Carl at ate Pat.
"Edi kayo na hakot awards." nakangising sabi ni Carl
"Siyempre, made for each other yata kami. Diba Kila?" taas noo na sabi ni Ranz at umakbay sa akin
"Yes! And we are born to win. Infairness di ko inaasahan na mag eenjoy pala ako sa pageant na 'to."
"Siyempre kasama mo ko eh."
Napa-make face na lang ako. Well may point naman siya.
"Punta muna dito lahat ng candidates."
Agad kaming nagkatinginan ni Ranz, at nagpunta doon sa organizer na nagsalita.
"So ganito, para sa q and a bubunot kayo ng types of question dito sa fish bowl. We have 3 types of questions, political, educational and personal. Bubunot kayo rito and kung gusto niyong magpalit palit, wala namang problema dun. Okay girls muna."
Paliwanag nito at lumapit naman kaming limang babae at isa isang bumunot. Hindi ko muna binuksan ang akin at hinintay na makubunot si Ranz.
"Oh lahat meron ng types of questions ha, gaya ng sabi ko kung gusto niyo magpalit wala namang problema. Okay, goodluck."
"Anong nabunot mo?" tanong sakin ni Ranz
Dahan dahan ko namang binuksan ang papel, 'personal' iyon ang nakasulat sakin. Pinakita rin nito ang nabunot niya at educational question yun.
"Gusto mo palit tayo?" tanong ko
"Nope. Basic lang to sakin 'no." hambog na sagot niya
Sabagay matalino naman talaga si Ranz.
Bumalik na kami kina Carl, at niretouch nila ang aming mga mukha.
"Alam mo girl, mas mahirap ang personal questions dahil mas madali nilang makikita kung nagsasabi ka ba ng totoo. Kaya ikaw mamaya ah, you need to be honest. Hindi mo kailangang ibigay ang sagot na gusto nilang marinig, kundi ang sagot na nasa puso at utak mo talaga."
Nalaglag ang mga panga namin sa tinuran ni Carl, napa-slow clap pa nga ako.
"May wisdom ka pala Carl." pang ookray ko kaya inirapan ako nito "Don't worry. Wala naman ako planong magsinungaling okay, kalma. Basic!"
Natapos na ang intermission number at pinapaliwanag narin ng emcee ang tungkol sa drawlots ng types of questions. Nakatayo na rin kaming limang babae dahil kami ang unang sasalang sa q and a.
"Goodluck Kila." sigaw ni Ranz bago ako tuluyang lumbas sa stage
Wala naman akong nararamdamang kaba, ngayon pa ba ako kakabahan e tatayo lang naman ako dito at sasagot ng tanong. Nauna na si candidate no. 2 na sagutin ang political questions na nakuha nya.
"Candidate no. 2 pabor ka ba na patawan ng buwis ang mga online sellers?"
Mukhang nag iisip ito ng malalim. Ano ba yan, sagutin mo na lang ng hindi kung hindi mo alam.
"Hindi ako pabor na patawan ng buwis ang online sellers dahil libre naman ang f*******:, diba sinisingil lang naman pag may pwesto?...?.. And I thank you."
Ewan ko sayo girl. Kami pa tinanong mo, sabi kasing hindi na lang dapat ang sinabi mo tapos I thank you na agad e.
Sumunod naman ay si candidate no. 7 na si Thyra, at pareho pa kaming personal question ang napili.
"Bilang isang kabataan, ano at paano nakatutulong sa 'yo ang social media?"
Ah. Kayang kaya niyang sagutin yan.
"Para po sakin, nakatutulong ang social media na makilala nila ang iyong totoong pagkatao. Kagaya ko na lamang na isang vlogger, bukod sa makikilala nila ang personality ko, maaari ring makatulong sa 'kin ang vlogging para kumita ng pera. We all know that nowadays, mas marami ng nangangarap na maging sikat na vlogger kaysa maging doctor o abugado. Yun lamang po at maraming salamat."
Infairness, honest opinion naman yun at may point talaga.
Lumakad na ako patungo sa gitna at simpleng kumaway sa direksyon nina Kian.
"Ayan, si Ms. Hakot awards na ang nabunot ay personal question din. Candidate no. 8, kung sakaling bumalik ang taong minsan nang nanakit sa 'yo at humihingi siya ng kapatawaran, ibibigay mo ba iyon sa kaniya?"
Napahigpit ang hawak ko sa mikropono at may mga ala-alang lumabas sa aking isipin. Bakit ganitong tanong pa?
"Candidate no. 8?"
Tumighim muna ako bago nag umpisang magsalita. "Salamat sa katanungang iyan. At pasensiya na sa pagkakawala ko ng ilang segundo, dahil inalala ko lang yung sakit at yung taong nanakit sa akin. At kung sakali man na siya ay babalik at hihingi ng kapatawaran, ay malabo ko pang maibigay yun. Dahil para sa akin, ang pagpapatawad ay kinakailangan ng mahabang panahon ng pagtanggap. At naniniwala ako na ang unang dapat makatanggap ng pagpapatawad ay ang ating sarili, na sa ngayon ay hindi ko pa nagagawa. Kaya wala pa akong kakayahang magpatawad. Dahil sadyang may mga sugat na mahirap pagalingin at may mga pagkakasala na mahirap patawarin. Yun lamang po."
Hindi yata maganda ang sagot ko dahil hindi nagsigawan ang mga kaibigan at supporters ko. Pero iyon naman talaga ang totoo kong nararamdaman. Hindi bali na, atleast nagpakatotoo ako.
Ibinalik ko na ulit ang masiglang ngiti sa mga labi ko habang hinihintay matapos ang iba pang kandidata.
Nang matapos na si candidate no. 16 ay pumwesto muna kami sa gilid ng stage. Lumabas na rin sina Ranz at nag umpisa nadin ang q and a portion nila. Hindi ko na nga napagtuonan ng pansin iyon dahil inaalala ko ang mga nasabi ko kanina. Masyado ba akong emotional? O nonsense yung sinabi ko? Bakit kasi di sila nagcheer pagkatapos ko sagutin ang question? Ewan bahala na.
"Candidate no. 24 ang nabunot mo ay educational question. Ang tanong, kung matagal ng naging usapin ang school bullying, sa iyong palagay, bakit laganap parin ito sa mga eskwelahan sa ngayon?
Dapat pala nakipag palit na lang ako kay Ranz, mas madali pa iyong kaniya e.
"Prevention is better than cure. Iwan ko muna ang kasabihang yan at magsasabi muna ako ng opinyon ko.
Sa aking palagay ang isa sa mga dahilan kung bakit laganap padin ang school bullying ay dahil mas dumarami ang mga estudyanteng may mababang kompiyansa sa sarili. Dahil sila ang pinaka-prone sa bullying, dahil wala silang lakas ng loob na ipagtanggol ang kanilang sarili. Kung iniisip niyo na hindi ba dapat mas sisihin ang mga bully? Para sakin ang pagpaparusa sa mga bully ay isa lamang cure, pero hindi ba at mas mahalaga ang prevention? At ang nakikita kong prevention ay pagdevelop ng ating self confidence. Dahil kung meron ka nito walang makaka-apak sa pagkatao mo. Yun lamang po at maraming salamat."
Wow! Slow clap para sayo Ranz, ang galing s**t kaso naalala ko yung unang araw na nakilala ko kayo. Pero sige na nga, magaling kasi talaga e. Aba, teka bakit sa kaniya nagsisigawan sila? Tapos sa 'kin hindi? Pangit ba talaga yung sagot ko? Mukhang hindi yata ako makakapasok sa top 6. Pero okay lang, sure naman akong pasok si Ranz. 'Cause I believe na magiging bully ako pag di siya nakapasok. I swear!
Sawakas tapos nang sumagot ang huling candidate, oras na para malaman kung sino ang makakapasok sa top 6.
"Talaga namang matatalino ang ating mga candidates, at sigurado akong nahirapan ang ating judges sa pagpili ng ating top 6. At ito na po, hawak ko na ang mga pangalan ng mga magpapatuloy pa."
Hindi na ako umaasa pang maka-abante sa next round. Okay lang yun.
It's okay.
"Pasok kana sa top 6, candidate no. 7"
"Step forward candidate no. 27"
"In no particular order parin po ito. And congratulations, candidate no. 16
"Candidate no. 24"
Abot langit ang ngiti ko noong matawag si Ranz, although expected ko naman na yun.
"Candidate no. 23"
Palaban din talaga itong si no. 7 at 23 ng Stem A ah.
I'm sorry Abm.
"At ang panghuli ay si candidate number....."