Chapter 4

4352 Words
Just like the old times It was 10am noong magising ako, hay napaka-sarap naman gumising pag weekend na. Walang school works, walang mga nakakapikon na anim na lalake. Bumaba na ako para sa breakfast or should I say brunch pala. "Good morning Ma." bati ko kay sabay humalik sa kaniyang pisngi "Morning, kain kana." Habang payapa akong kumakain ay bigla siyang naupo sa harap ko. "May lakad ka ba ngayon?" Umiling iling ako. "Nagtext kase sakin ang tita Jana mo, ilang araw na daw siyang kinukulit ni Max kung kailan ka pupunta sa kanila. Tinatanong niya kung okay lang na bisitahin mo si Max. Okay lang ba baby?" Napahinto sa pagkain. "Ma, ano naman pong gagawin ko dun? Makikipag laro sa bata? Saka isa pa nakakahiya." "Ikaw naman, alam mo namang tuwang tuwa sayo yung bata. Sandali ka lang naman, gusto ka lang makita ni Max. Bakit may kinakahiyaan ka ba dun?" makahulugan na sabi pa nito Mukhang alam ko na ang nasa isip niya. "Ma, ang dumi ng isip n'yo." taas kilay na tugon ko Napangiti naman siya. "Sige na nga po, pupunta na ako. Wag nyo lang ako pag isipan ng kung ano." "Then good, mamaya ah 3pm. Ipapahatid na lang kita sa driver." masayang sambit nito. Tumango na lang ako. Ano naman kung pumunta ako dun? Si Max naman ang bibisitahin ko. *** "Ma alis na po ako." pagpapa-alam ko kay mama Bitbit ko ang skateboard ko at macaroons na ginawa ni mama para kay tita. "Oh? Bakit bitbit mo yang board mo?" "Wag niyo na po akong ipasundo mamaya. Malapit lang naman po at saka namiss ko narin mag skate." Agad namang umasim ang mukha ni mama. "Mag isa ka lang baka mamaya may makasalubong kang masamang tao. Magpasundo ka na lang baby alam mo naman ang panahon ngayon." "Ma, remember ako si Akila Cayne Samonte. Kayang kaya ko po ang sarili ko, at di naman po ako aabutin ng dilim doon." Napa-buntong pa si mama. "Si Akila Cayne na matigas ang ulo. Sige na nga, basta mag iingat ka ha." Tumango tango pa ako saka humalik sa kaniyang bago sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay biglang nag vibrate ang cellphone ko . Tamad ko itong dinampot at tiningnan kung sino ang nagtext. It was Ranz. "Movie tonight?" iyon ang nasa text "Thank you but no thank you. I have plans." reply ko Wala pang isang minuto ay nagreply na din siya. "Okay. Ingat ka." sagot niya Nagreply na lang din ang ako ng simpleng "you too" saka ko muling tinabi ang cellphone. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang mansion. "Good afternoon po Tita Jana." bati ko dito at nakipag beso, "Pinabibigay po ni mama" "Naku nag abala pa. Ako na magte-thank you sa kanya personally. Salamat at nagpunta ka Kila, gustong gusto ka talaga ni Max." Napangiti naman ako sa sinabi niya "Halika pasok na tayo, di alam ni Max na nandito ka siguradong masusurpresa yun." Pagkapasok ay agad kaming dumiretso sa living room. Nagpaalam si tita na tatawagin niya si Max kaya naman naiwan akong mag isa doon. Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko sa kabilang living room si Jix, mukhang di siya aware na nandito ako. "Ate barbie doll!" sigaw ni Max hindi pa man nakakababa sa hagdan. Agad itong tumakbo at yumakap sakin. "Hi baby barbie doll? How are you?" nakangiting tanong ko "Okay naman po. Namiss po kita." nagpout pa siya at marahan ko namang pinisil ang pisngi niya "Ate, what's that?" tanong niya habang tinuturo ang board ko Napangiti naman ako. "It's a skateboard baby." "Pwede niyo po akong turuan?" tanong pa nito at agad naman akong napalingon kay tita. "Ofcourse Max. Pero yun ay kung papayagan ka ng mommy mo." Napa-baling naman siya sa kaniyang ina at nagpa-awa effect. "Sige payag na si mommy, pero wag masyadong magpagod. Kila may asthma kase si Max." "Wag po kayong mag alala tita, di ko po hahayaang mapagod si Max." Habang hinihintay namin ang safety gear ni Max ay nakita ko si Jix na naglalakad papunta sa amin—patungo sa hagdanan. "Kuya, ate barbie doll's here. She's going to teach me skateboarding. You wanna join us?" masayang tanong ni Max "No!" maikling tugon niya at umakyat na sa itaas Mabuti na lang at nagkibit balikat lang ang bata. Mukhang mas excited siya sa skateboarding lesson ko. Habang tinuturan ko si Max kung paano magbalanse sa ibabaw ng board ay nagawi ang mata ko sa Veranda sa 2nd floor. Nakita kong nakatayo doon si Jix, nang mapansin nitong nakatingin ako sa direksyon niya ay agad itong tumalikod. Hmp bahala ka, tumingin ka all you want. Almost 30 minutes ko na ring tinuturuan si Max, kaya naman inaya ko na siyang pumasok. "Okay na muna yan sa ngayon baby, next time magpa-practice ulit tayo." sabi ko rito "Next time po? Pupunta ka ulit dito?" nakangiting tanong nya. Oh no! Mali ako. "Pag may free time si ate baby, lets go na." agad naman syang tumango Inakay ko na siya papasok. Agad nag aya na kumain ng merienda si tita pagkapasok namin. "Ate pagkatapos nating kumain. Maglaro naman tayo sa room ko." sabi sakin ni Max sa kalagitnaan ng pagkain namin "Sige baby barbie doll. Lahat ng gusto mong laro, lalaruin natin." tugon ko at ginulo ang kaniyang buhok "Ate dito ka na lang kasi tumira." naka pout na sabi nito Agad naman kaming natawa ni tita Jana sa kanya. "Baby di naman pwede yun. Hahanapin sya ng mommy nya." paliwanag ni tita sa kaniya Nanulis ang nguso ni Max. "Mommy, diba if ate will marry kuya she will be may ate na and she will live with us?" Nasamid ako sa sinabi ni Max. Jusko itong batang 'to ang dami nang nalalaman. "Finish your food na baby para makapaglaro na kayo ni ate." pag iiba ni tita Pagkatapos naming kumain ay hinila na ako ni Max paakyat. Nakaupo lang ako sa kama habang pinagmamasdan ko siyang naglalaro. "Baby, iinom lang ng water si ate. Iwan muna kita, okay lang?" agad naman itong tumango at bumalik sa paglalaro Paglabas ay tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch, 4:12pm na. Pag angat ko ng ulo ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Jix. Tiningnan nya ako ng masama, at saka niya ako hinawakan ang wrist ko at hinila sa dulong bahagi ng hallway. Tsk! Trip ba akong hilain ng magkapatid na 'to. "What do you think you're doing?" mariin na tanong niya habang hawak padin ang wrist ko "Ikaw anong ginagawa mo, bitawan mo nga ako!" tugon ko dito at padabog na binawi ang kamay ko Nakita ko ang pagdilim ng aura niya. "Nandito ka para kumuha ng impormasyon tungkol sa 'kin tama, ipapakalat mo sa AMU para sumikat ka." mariing sabi niya Hindi ko mapigilan ang matawa. Anong tingin niya sa akin paparazzi? Comedian ka Jix ah. "Bakit naman kita paglalaanan ng oras? Inimbita ako ng mommy mo dahil gusto akong makita ni Max. My gosh Jix ang lawak ng imahinasyon mo." natatawang sabi ko rito Assuming ka pala ah. Mukhang napahiya siya sa sinabi ko kaya hindi nakasagot agad. Inayos ko na ang sarili ko at nagsimulang maglakad. "Umuwi kana at wag ka nang babalik dito." mahina ngunit may halong pagbabanta na sabi niya Napahinto ako at humarap sa kaniya. "Ikaw naman.. Wala pa nga akong nakukuhang impormasyon sa 'yo na pwede kong ipakalat sa AMU tinataboy mo na agad ako. Paano ako sisikat niyan?" sarkastikong tugon ko at saka ngumiti ng may pang aasar. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad. May pa golden golden rules ka pang nalalaman, ikaw rin naman pala ang susuway dun. Tsk! "Oh Kila, aakyatin na sana kita. Baka masyado na kaming nakakaabala sayo." bungad sakin nita pagkababa ko "Iinom lang po sana akong tubig. Eh tita, magpapaalam na rin po sana ako. Mage skateboard lang po kase ako pauwi." nahihiyang sabi ko kay tita Nangunot ang noo nito. "Skateboard? Ipapahatid na lang kita kay Jix, delikado na ngayon." Mabilis akong umiling. "Ahh hindi na po tita, nagpaalam na rin po ako kay mama. Malapit lang naman din po. Wag na po kayo mag alala." paninigurado ko dito "Ganon ba? Oh siya tatawagin ko lang si Max." Tumango na lang ako bilang tugon. "Uwi kana ate?" malungkot na tanong nito sakin "Oo baby, baka kasi abutan ng dilim si ate. Nag enjoy ka ba ngayon?" Agad naman siyang tumango at yumakap saken. Napakalambing na bata. "Halika na baby, hatid natin sa labas si ate Kila." Noong nasa labas na kami ay muling napadako ang mata ko sa may Veranda. Nandoon si Jix, at kahit sa malayo ay mababakas mo ang masasama niyang tingin. "Salamat sa pagpunta Kila. Sana maka-bisita ka ulit dito. " Napangiti naman ako sinabi ni tita. "Opo tita pag may free time po ako." Wow! Am I a busy person? "Bye baby barbie doll." baling ko naman kay Max Muli syang yumakap sa 'kin at pagkatapos nun ay inilapag ko na ang board. Kumaway pa ako sa kanila bago nagsimulang sumipa. Noong makalayo ay huminto ako para kunin ang earphone sa bulsa ko Skateboarding plus music, perfect combination. It was 4:30 noong makalabas ako sa kalsada mula kila Max. Bali 3 way ang nandoon, ang nasa kanan ay papunta samin ang kaliwa ay kina Jix at yung gitna ay hindi ko pa alam. Maliwanag pa naman, pwede pa siguro akong pumadyak ng konti. "Akilaaaa?" May tumawag sa 'kin mula sa likuran, kaya tinanggal ko ang earphone ko at napalingon. Si Kian ba yun? Sumipa ako para makarating sa kinaroroonan niya. "Ikaw nga. Anong ginagawa mo?" tanong niya Napaismid ako. "Bulag ka ba? Nakikita mo naman e." tugon ko nq nagpaasim sa mukha nito. Naiinis na yan. "San kaba papunta? Palubog na ang araw oh." pag iiba niya "Pauwi na." Nangunot ang noo niya. "Naliligaw ka ba? Opposite direction ang pinupuntahan mo." Oo nga pala. "Eh basta pauwi na ako. Ikaw ba san ka pupunta?" "Drag racing. Sama ka?" hambog na sagot niya Awtomatikong namilog ang mga mata ko. Did I heard it right? "Seryoso?!" Tumango tango naman sya. "Tara, sama ako." sabi ko at akmang sasakay na pero hinarang niya ako "Hep hep hep! Una hindi kita pinayagang pumasok sa kotse ko. Pangalawa mag gagabi na. Pangatlo ayokong pagalitan ng mommy mo. At pang apat, pawis na pawis ka malalagyan ng bacteria ang kotse ko." Nakapamewang pa ito. Nginitian ko siya ng malapad at itinulak saka ako pumasok sa kotse niya. Agad naman siyang sumakay sa driver seat. "Inaya mo ako diba? Sige na magmaneho kana." utos ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ako na bahala kay mommy wag ka mag alala." "Bakit pa ba kasi kita hinintuan, napaka-maling desisyon." usal niya habang labag ang loob na pinaandar ang sasakyan. Dumiretso kami sa gitnang kalsada ng three way at habang nasa biyahe ay tinawagan ko si mama... "Asan kana?" bungad nito sakin "Ma, mag movie lang po kami nila Kian. Uwi po ako ng 8." Agad napalingon sa 'kin si Kian. "Ito po siya ma, kausapin niyo po." pinandilatan ko ito ng mata "O-Opo tita. Hahatid ko po siya diyan before 8...Sige po." Good boy Kian. Mabuti na lang nakilala na nila mama ng personal ang mga kaibigan ko. "Tinuturuan mo akong maging sinungaling." inis na sabi niya "Sorry na." nagpa-cute pa ako sa kaniya pero mukhang mas lalo lang itong nainis Hinayaan ko na lang siya, baka pababain ako ng wala sa oras e. Habang nasa biyahe ay di ko mapigilang mapangiti. Drag racing? Its been months nung huli akong magpunta sa drag race zone. Hindi ko talaga inasahan na may Drag Race zone sa La Cuervo. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang madaming sasakyan at mga tao. "We're here." sabi ni Kian Pagkababa ay may limang lalaki na tumakbo patungo sa amin. Sina Ranz. "Akila?!" Gulat na gulat sila noong makita ako. "Yep! The one and only." sabi ko at tila nalaglag naman ang mga panga nila "Nakita ko kasi sa daan, di ko naman alam na sasama." paliwanag ni Kian "Nagpaalam kaba?" tanong ni Ranz "Oo! Wag nyo nang intindihin yun ako na bahala." sagot ko at ginagala ko na ang mata ko "Oo nagpaalam siya, movie raw." Mas lalong umasim ang mukha nila dahil sa sinabi ni Kian. "Hays! Baka kami pa mapagalitan sa katigasan ng ulo mo ah." sabi sakin ni Rye Tiningnan ko sila isa isa. "Ang o-oa ng mga kuya ko. Tara na excited na'ko." Di ko na sila hinayaang sumagot dahil iniwan ko na sila at nakihalo sa mga taong nandoon. Isang malawak na kapatagan iyon, sa tingin ko ay private property na ginawa talaga para sa drag racing. "Sino ba kakarera?" tanong ko "Syempre ako. Ang pinaka pogi at may pinaka magarang kotse." mayabang na tugon ni Ranz "Magarang kotse my ass. Tsk!" pagkontra ni Kurt "React agad Kurt?" Natatawa naman ito. "At ikaw galingan mo ah, sayang naman pagpunta ko rito." baling ko kay Ranz "Gagalingan ko para sa 'yo." sagot niya at kinindatan pa ako "Ranz, maghanda kana. Mag uumpisa na." sabat ni Miel Nagpaalam na samin si Ranz kami naman ay pumwesto na para sa magandang view. Iniwan din pala kami ni Rye at Kurt, nakikigulo sila sa pustahan. Magbestfriend talaga. "Lahat ba kayo kumakarera?" tanong ko "Nope. Silang tatlo lang." sagot ni Hyun Bumaling ako kay Kian at nagtaka naman ito. "Ang yabang pa mag aya, di naman pala marunong." pang aasar ko at napasalubong naman ang kilay niya "May kotse naman. Ay! Dapat pala sinagasaan kita kanina." Naalala ko yung sinabi nya nung dinner sa bahay. Nagmake-face lang ako sa kaniya. "Ayan na umpisa na." sabi ni Miel kaya natigil kami sa pag aasaran Nag simula na nga ang karera. Pangatlo pa sa sasalang si Ranz. Semi-final na ng season ng race na iyon, 1on1 ang labanan. Ang tatlong mananalo ang maglalaban para sa championship kung saan ay sabay sabay na silang kakarera. Natapos na ang dalawang set, kaya naman si Ranz na ang sunod. Naging mabilis lang ang laban, dahil isang ikot lang iyon. Mukhang ginalingan nga ni Ranz. Agad kaming napatalon at nagsisisigaw noong marating na ni Ranz ang finish line. Agad naming sinalubong si Ranz pagkababa niya sa kotse. "Bestfriend ko yan!" sigaw ni Kian at niyakap pa si Ranz "Huy! Semi pa lang, wag ka muna magdiwang dyan." Inialis pa nito ang pagkakayakap ni Kian. "Ano? Magaling ba?" hambog na tanong nito sa 'kin Kunwari pa akong nag isip. "Uhm..pwede na." Napa-pout naman ito kaya tinawanan ko na lang siya. "Nice job bro. Easy 10k na naman kami ni Kurty boy." Ipinaypay pa ni Rye ang perang hawak niya. "10k lang? Hina niyo naman. Mamaya lakihan niyo na pusta siguradong ako na mananalo." "Ranz, si Sandro.." sabi ni Kian habang nakatingin sa isang lalaking pinagkakaguluhan "Sandro?" ulit ko "Oo si Sandro yung galing sa Pampanga na isa lang ang talo." sagot ni Kurt Siya nga kaya iyon? "Mamaya, dalawa na ang magiging talo nya." mayabang na sabi ni Ranz Nakatitig lang ako doon sa Sandro. At nung masiguradong tama ang hinala ko ay tinungo ko ang direksyon niya. "Sandro?" Lumingon naman ito sa akin at mukhang nabigla pa siya noong makita ako. "AC?" Lumapit pa siya sa 'kin. "The one and only." nakangiting sagot ko "Magka kilala kayo?" naguguluhang tanong Kian "Ang drag racer na mula sa Bulacan, na tinaguriang drag race queen ng Pampanga, paanong hindi ko siya makikilala." Parang nakakita ng multo ang mga mukha ng mga kaibigan ko. "Drag race queen, tsk!" pa-humble na saad ko "A- Ano? Drag race queen? Is this some kind of joke?" palipat lipat ang tingin ni Rye saming dalawa ni Sandro "Totoo nga Kila? Bakit di mo sinabi?" dagdag pa ni Ranz "Di naman kayo nagtanong e" sabi ko sa kanila. "Nag-improve kana ba Sandro?" "Simula noong tinalo mo ako, wala na akong ibang ginawa kundi mag ensayo. Medyo nahirapan akong tanggapin na tinalo ako ng babae e." Bahagya akong natawa sa huling sinabi niya. "I-Ibig sabihin ikaw ang nagbigay ng talo sa kaniya?" nanlalaki ang mata na tanong ni Kurt I just nodded, at mukhang mas lalo silang di makapaniwala. "Wow! Idol na kita." namamangha na sabi pa ni Miel "It's been months nung huli akong kumarera." sabi ko "Maybe we can have a friendly match mamaya pagkatapos ng championship? What do you think?" tanong niya Yung mga kaibigan ko naman ay pigil hininga na naghihintay sa sagot ko. "Sure." nakangiting tugon ko "Okay then. Maghahanda na muna ako para sa championship." sabi nito at nagpaalam na sa amin Tinawag na rin ang iba pang finalists, kaya iniwan na rin kami ni Ranz. "Talagang ikaw ang tumalo sa kaniya?" di parin makapaniwala si Kian "Sa kaniya na nanggaling hindi ba? Bilib na ba kayo? Idol nyo nako no?" Hindi parin maipaliwanag ang expression ng mga mukha nila. Natigil lang pag uusap namin noong nagumpisa na ang ang karera. Tatlo ang naglalaban para sa championship, si Sandro mula Pampanga, si Ranz ng La Cuervo, at si Rich ng Fuentabela. Pagbaba ng pulang flaglets ay agad umarangkada ang tatlo, 3 lapses ang kailangan nilang ikutin. Mabilis na natapos ni Sandro ang unang lapse, ngunit nakahahabol naman si Ranz kaya sa ikalawang ikot ay sabay na silang dalawa. Nanahimik ang lahat para sa huling ikot, pigil ang hininga dahil masyadong dikit ang laban. Kaya mo yan Ranz, sabi ko sa isip but then tuluyan ng nauna si Sandro. Sobrang muntik na. Sigawan ang lahat noong marating ni Sandro ang finish line, habang nalaglag naman ang balikat nina Kian. "Hays! Konti na lang e." nanghihinayang na si Rye Nakabusangot na bumaba si Ranz, at dumiretso sa kinaroroonan namin. "Damn it!" sabi niya at hinagis kay Kian ang kaniyang helmet "It's okay bro. Di naman na masama at isa pa mas gwapo ka parin naman sa kaniya." sabi ni Hyun at tinapik pa si Ranz "Oo nga okay lang yan. Talo lang naman tayo ng tig 50k sa pusta. Sabi mo kasi surewin na e." sabi naman ni Rye at sinamaaan naman siya ng tingin ni Ranz "Mabuti na lang kay Sandro ako pumusta. Hahaha." winagayway pa ni Kurt ang perang hawak niya Agad namang kinuha ni Ranz ang helmet at binato sa kaniya. "Siraulo ka talaga kahit kailan." "Don't worry Ranz ibabawi kita." sabi ko rito Maya Maya pa ay dumating si Sandro at nakipagkamay kay Ranz. "Mukhang nag improve nga. Congrats." bati ko "Sabi sayo e. So yung deal natin?" "Teka lang kausapin ko lang sila." sabi ko at hinarap sina Ranz. "Lalabanan mo talaga sya?" tanong ni Kian sakin "Oo naman." "Pano mo sya lalabanan e wala ka namang kotse?" tanong ni Kurt Agad ko naman siyang nginitian ng makahulugan sabay baling sa kotse nya. Mabilis na nag iba ang expression ng kaniyang mukha, mukhang na-gets na ang ibig kung ipakahulugan. "No no no no! Wag ang baby ko Kila. Di pwede." Nagpout naman ako sa kaniya. "Please. Ibabalik ko naman sayo ng walang kahit maliit na gasgas. Trust me." sabi ko pa pero mukhang di parin siya kumbinsido "Ayoko! Mahal pa yan sa buhay ko e. Yung kay Ranz na lang." "Pleaseeeee." nagpuppy eyes pa ako sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo haha. "Oo na. Basta ingatan mo ah." sabi nito at labag sa loob na iniabot sakin ang susi "Your car is in a good hand Kurty boi." sabi ko sabay ngiti Muli kong hinarap si Sandro. "So game na ba drag race queen?" tanong niya at tumango naman ako. "So anong pusta?" dagdag pa nito "Car to car?" maikling sagot ko sabay tingin sa kotse ni Kurt. Kumislap ang mga mata ni Sandro. "Wow! I love that one." "Ano?! Pagkatapos mong hiramin ang kotse ko, ipupusta mo? Kila naman...." kulang na lang maglupasay si Kurt sa harap ko Hinawakan ko naman ang balikat niya. "Just trust me." "Game na?" tanong pa ni Sandro "Oh manuod kayo at bumilib ha." baling ko kina Kian "Goodluck Kila." sabi ni Hyun "Galingan mo. Para di na kita sagasaan." sabi naman ni Kian kaya ko sya binatukan "Pupusta ako sayo. Kaya kailangan mong manalo." saad ni Rye at nakigulo sa mga nagpupustahan. "Magsuot ka ng safety gear." sabi sa 'kin ni Ranz "Nope. Okay lang ako. Sige na, punta na ako don." Ipipilit pa sana sakin ni Ranz ang gear pero naglakad na ako palayo. Si Kurt naman ay mukha paring natatae. Sumakay na ako sa kotse ni Kurt. "Mag ingat ka Kila, cargo de konsenya kita tandaan mo!" sigaw sakin ni Kian "Okay lang matalo, just be safe,okay?" Tinanguan ko naman si Hyun bilang pagtugon "Yung kotseeee koooo!" Di ko mapigilang matawa kay Kurt. "Para sa espesyal na laban ngayong gabi. Sa kanan ang ating kampeon mula sa Pampanga Drag Race Zone, si Sandro, at sa kaliwa naman ay si...." "Akilaaaa!" sigaw ng mga kaibigan ko "Si Akila. Handa na ba kayo?" tanong pa nung announcer at nagsigawan naman ang crowd. Inihanda ko na ang sarili ko at sa pagbaba ng pulang flaglets ay agad akong umarangkada. Dalawang lapses lang ang aming tatakbuhin. Halos pantay lang kami ni Sandro pero bago pa man matapos ang 1st lapse ay sinigurado ko nang mauuna ako. Mas lalo ko pang binilisan, ngunit bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko. Itinodo ko na ang bilis ng kotse ni Kurt. And I made it.. again. Natalo ko siya sa ikalawang pagkakataon. Kinabahan ako dun ah. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko, bakas sa mukha nila ang tuwa at paghanga. Sa totoo lang ay di naman ako ganoon kakompiyansa na matatalo ko siya. Dahil ilang buwan din akong napahinga sa pangangarera. "Isang nakamamanghang laban ang ating nasaksihan. Palakpakan natin ang napaka husay na si Akila at ganoon na rin Sandro." sabi nung announcer. "You made it! Oh my God! How the hell?" Nagiging englishero pala si Ranz sa sobrang tuwa. "Idol na talaga kita. Just wow!" sabi naman ni Miel Tuloy parin sila sa pagpuri at pagbati sakin, maging ang ibang manunuod doon ay humanga rin sakin. Napabaling kami kay Kurt, para siyang na-war shock. Mukha itong masaya na naiiyak. Lalapitan ko sana siya pero biglang dumating si Sandro. "Pinahiya mo naman ako, paano ko eenjoyin ang pagiging kampeon ko nyan. tsk tsk tsk" seryoso ang mukha na sabi nito "C'mon! I almost had a heart attack doon sa 2nd lapse. Nag improve ka talaga." sabi ko at ngumiti naman siya "You're really a drag race queen. So makakalaban ba kita ulit?" tanong pa niya Napabuntong hininga ako. "I hope so." sagot ko at nagkibit balikat "Excuse me lang. Yung pusta totoo ba yun?" singit ni Kurt sa amin "May isang salita naman ako." nakangiting sabi ni Sandro at ihinagis sakin ang susi ng kotse niya. Napakalapad ng ngiti sakin ni Kurt. "Ibibigay mo talaga?" tanong ni Kurt Ngumiti naman si Sandro, "I should go." sabi pa niya at tumalikod na "Sandro!" tawag ko sa rito at sa kanyang pagharap ay inihagis ko ang susi ng kotse niya "You still follow the rules. Hanggang sa muli drag race queen." nakangiting sabi nito at tuluyan nang umalis "Bat di mo kinuha ang kotse? Paano pag natalo ka? Tingin mo di niya rin kukunin ang kotse ko?" sunod sunod na tanong sakin ni Kurt. Naglalakad na kami pabalik sa sasakyan nila dahil tapos na ang event. "Hindi niya gagawin yun." sagot ko at nagtaas naman siya ng isang kilay "Rules sa amin yun, pwede kang pumusta ng pera pero never ang kotse. At kung mahal mo ang racing, hindi mo aalisan ng kaligayahan ang kapwa mo racer. Gets?" Napairap na lang si Kurty boi. "So acting niyo lang pala ni Sandro ang pustahan para pakabahin ito si Kurt?" natatawang tanong ni Kian Napa-peace sign naman ako kay Kurt. "Issa prankkk." sabi ko pa at tinawanan ang nakabusangot na si Kurty bo "Hindi parin ako makapaniwala, ang galing mo Kila." sabi ni Hyun "Oo nga. At san ka naman natutong mag drag race?" dagdag pa ni Rye "Long story. Tara uwi mo na ako Kian, mag aalas otso na e. Sa monday niyo na ko itreat." sabi ko na lang. "Treat? Ubos nga pera ko e." Napatingin kaming lahat kay Kurt. "Anong ubos? Ako nga nabawi ko ang 50k na tinalo ko kay Ranz." saad ni Rye, "Ahh teka? Kay Sandro ka pumusta no?" Parang sinakluban naman ng langit at lupa ang mukha ni Kurt. "Oo. 100k pinusta ko, naisip ko kase pag natalo si Kila atleast may 100k ako. Gago kasing pustahan yan di naman pala totoo. Saka malay ko bang magaling ka talaga." parang naiiyak na siya. Umiling iling pa ako. "Sayang wala kang tiwala sakin. Kotse mo ginamit ko tapos iisipin mo magpapatalo ako. Parang wala ka ding tiwala sa sasakyan mo. Tsk tsk tsk." "Buti nga sa 'yo! Kung kani-kanino ka kase pumupusta." Pinagtawanan pa siya ni Ranz, at ganoon din kami. Kawawang Kurty boi. "Tara na Kila hatid na kita. Mauna na kayo doon susunod na lang ako." aya sa akin ni Kian Nagpaalam na ako sa iba at sumakay na sa sasakyan nito. "San na naman kayo pupunta?" tanong ko noong makapasok siya Tumingin ito sakin saka umismid. "Wag mo ng alamin baka mamaya sumama ka na naman e." masungit na sagot nito "Sige na, hatid mo na ako." sabi ko na lang at nagmaniobra na din siya Nakauwi ako sa bahay na may kumakalam na sikmura. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo at makapag pahinga. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Ang sarap pala pag nagagawa mo na ulit yung mga bagay na dating nagpapasaya sa iyo. Skateboarding at drag racing. Ang sarap sa feeling. Just like the old times
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD