Chapter 5

4024 Words
You're welcome "Akila." Agad ako napabangon sa pagkaka-dukdok sa desk ko. Si Kurt pala "Mabuti naman nandyan ka na kanina pa ako walang kausap dito e." Naupo naman siya sa harap ko. "E bat naman kasi ang aga mong pumasok?" "Excited na kase ako sa treat nyo sakin e. Asan na ba yung mga kumag na yun?" "Sinong kumag? " Sabay kaming napatingin ni Kurt sa kararating lang na si Kian. "Tara na kain muna tayo, naghihintay na yung apat." sabi pa nito Agad naman kaming tumayo ni Kurt. Sasakyan ni Kian ang ginamit namin na naka-park sa labas ng AMU. Dumiretso kami Claír Cafe na almost 10 minutes drive mula AMU. "Nabusog ka ba drag race queen?" tanong ni Ranz noong matapos kaming kumain. Tinaasan ko ito ng kilay. "Wag mo nga ako tinatawag na ganyan. Namimiss ko lang lalo ang drag racing e." Napa-buntong hininga pa ako. "Sus! Edi sumama ka ulit samin. Tapos sayo nako pupusta." ngiting aso na sabi ni Kurt Tumalim ang mata nila sa sinabi nito. "Mukha ka talagang pera!" angil ni Rye "Wag niyo na ngang iniimpluwensyahan si Kila, di na nga yun tama inaaya niyo pa siya." Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Kian. Wow! May sense din pala minsan ang lumalabas sa bibig niya. "Wow! Kala mo di pumupusta e 'no." nag make face pa si Miel habang sinasabi yun, "Nga pala Kila, paano ka naman napasok sa mundo ng drag racing?" baling niya sa akin Umayos ako sa pagkakaupo at ganun din sila. Bakas sa mukha nila ang kagustuhang marinig ang kwento ko. "It's a long story." Agad na nalaglag ang mga panga nila. "Ehhh? Paikliin mo na lang maaga pa–" Napatigil si Hyun noong tingnan ang relo niya. Dinukot pa nito ang cellphone sa kaniyang bulsa. "Ommo! Guys.." Inihirap niya sa amin ang fone nya. Hala 7:56 na, almost one hour na kaming late kay Ms. Dela cruz. "Hays! Bakit kasi di niyo tinitingnan ang oras." inis na sabi ni Rye "Wag na tayong magsisihan. Mabuti pa umalis na tayo." sabi ni Ranz at nagsipagtayo na kami Dumiretso kami ni Kurt sa sasakyan ni Kian. Pagdating namin sa parking area ay nandoon na din sina Ranz. "Ano sabay sabay ba tayong papasok?" tanong ni Kurt "Kahit pa hindi tayo magsabay sabay. Hindi pa ba obvious na magkakasama tayo? Hays!" salubong ang kilay na sabi ni Rye "Kalma. Ako ng bahala, hintayin nyo ako dito ah." Hindi na kami nakasagot pa dahil mabilis nang umalis si Kian. Naiwan kaming walang kaide-ideya sa kung ano ang binabalak nito. Wala pang ilang minuto ay nakabalik na si Kian na may benda sa binti. Agad namin siyang sinalubong, nagtataka kung bakit ang lapad ng ngiti niya... "Oh napano ka?" nag aalalang tanong ni Ranz "Ito ang magliligtas sa 'tin. Basta sasang-ayunan niyo lang lahat ng sasabihin ko ah. Tara na...Alalayan niyo ko pagdating sa hallway." sabi pa nito at naglakad na Sinundan naman namin siya. Ibang klase din itong mokong na 'to. "Hays! Pwede naman kasing mamayang lunch na lang yung treat na yan e. Sino ba kasing di nag iisip ang nag aya ngayong umaga?" Agad napahinto sa paglalakad si Kian at hinarap si Rye. "Eh kung hindi kaya kita isali? Dami mong reklamo sarap naman ng kain mo kanina." Binatukan pa nito si Rye bago nagpatuloy sa paglalakad. "San mo naman nakuha yang bandage?" tanong ko Nasa hallway na kami ngayon kaya inaalalayan na siya ni Ranz at Hyun dahil iika ika na itong maglakad. Galing umarte. "Edi dun sa nurse sa infirmary na patay na patay sa kaniya. Anong ginawa mo para mapapayag siya riyan? Kiss? Yuck!" pang aasar pa ni Kurt Binigyan naman siya ng death glare ni Kian. Pagka-akyat namin sa 2nd floor ay napa sign of the cross pa si Kian. Agad naming natanaw si Ms. Delacruz na nagdidiscuss. Noong matanaw kami sa labas ay agad naningkit ang mga mata nito. "Good morning po Ms. Dela cruz." bati namin noong lumabas siya sa pintuan "And what's good in the morning? Pitong estudyante ko ang wala, sa time ko pa talaga. Pero mabuti na lang din at sa time ko, dahil ayoko sa lahat yung magkaroon ng kahihiyan sa ibang teachers." naka-cross arms pa siya habang pinandidilatan sina Ranz "Sa 5 years na paghandle ko sa section A, ngayon lang ako nagkaroon ng iresponsableng estudyante. Inimpluwensyahan niyo pa si Akila." dadag pa ni ma'am na ikinalaki naman ng mata ng mga kasama ko Muntik pa akong matawa, mabuti na lang at napigilan ko. "Ranz, is this how a class Vice President act?" "No ma'am, Im sorry po." napatungo pa ito "Gusto niyo bang ma-experience maglinis ng cr ng building na ito for one week?" Awtomotiko naman kaming nagsipag iling. Grabe linis agad ng cr? "Teka, Kian anong nangyari sa binti mo?" napalitan ng pag aalala ang mukha ni Maam noong mapansin ang benda nito Ito na, gumana sana ang plano ni mokong. "Yun nga po sana sasabihin ko. Ganito po kasi yun, kanina pong umaga nagpasundo ako kay Ranz sa bahay dahil coding ng sasakyan ko. Patawid na po sana ako kaso may humaharurot na motor. Ayon na nga po, nahagip ako pero sugat at pilay lang naman yung natamo ko. Dinala po agad ako ni Ranz sa Hospital, kaya nung nalaman nila Kurt yung nangyari di ko na sila napigilan na puntahan ako." paliwanag ni Kian na kunwari ay may iniindang sakit sa katawan Mukhang na-guilty naman si ma'am sa mga narinig niya. "Nagsasabi ka ba ng totoo Kian o palusot mo lang yan?" "Hindi po ma'am. Kung gusto niyo po papuntahin pa natin dito si mommy. Sabi nga po ng doktor wag na ako pumasok, pero di ko naman po kaya na mapagalitan ang mga kaibigan ko ng dahil sa 'kin. Sorry po ulit, nakalimutan na din namin magtext kay Yvette." Nagpapaawa pa ang mukha nito. Ikaw na talaga ang best actor. Agad naman syang nilapitan ni ma'am. "Naku pasensya na, halika pasok kana." Inalalayan pa nito sa pagpasok si Kian. Parang ako naman ang nakokonsenya ngayon, sabagay okay na yun kaysa maglinis ng cr. "I'm sorry. Di muna ako nagtanong. Kaya mo na ba talaga Kian?" tumango tango naman ito "Ma'am sorry din po, dapat po nagmessage padin ako kay Yvette." sabi naman ni Ranz "Hayaan mo na, ang mahalaga ay ayos lang itong si Kian." Sorry ma'am. Wala lang talaga kaming choice este ayaw namin ng second choice. "Ma'am hindi niyo ba kami paglilinisin ng cr?" tanong ni Rye "Basta hindi niyo na uulitin at ikaw Kian magpagaling ka ha." Success! "Opo ma'am" sagot namin Naupo na kami sa kaniya kaniya naming upuan at nagpatuloy na rin sa pagtuturo si Ms. Delacruz. "Impressive acting Prince Kian." mahinang sabi ko habang marahang pumapalakpak Ngumiti naman siya ng pagkalapad lapad. "Nakokonsensya ako." sabi ni Hyun at napahawak pa sa kaniyang dibdib "Okay lang yan bunso, ang mahalaga di tayo magkukuskos ng inidoro." inakbayan pa siya ni Rye Nagsalubong ang kilay nito. "Bunso tsk! Saka anong inora-do? Ano?" Natawa naman kami kay Do Hyun. Ang cutie niya roon ah. Inorado amp. "Inidoro hindi inorado. Yung bowl sa cr." natatawang sabi ko Kakamot kamot naman siya ng ulo habang tumatango. "Tara na kain tayo." Napatingin naman kaming lahat kay Rye. "Kain na naman? Na-late na nga tayo dahil diyan. At saka di ka pa ba nabusog sa sermon ni ma'am Delacruz?" salubong ang kilay na tanong ni Kian "Sa sermon di ako mabubusog pero kay ma'am mabubusog ako." malokong sagot niya Akma siyang babatuhin ng bag ni Kian, kaya mabilis na itong lumabas hila si Kurt. "Siraulong manyak!" sigaw pa ni Kian Naiwan kaming lima sa room, si Miel ay abala sa laptop niya at si Hyun naman ay inaaral ang na-missed naming klase kanina. "Magda-drive ka parin pauwi?" tanong ni Ranz kay Kian Inilabas naman nito ang susi niya at inabot kay Ranz. "Bigay mo 'to sa pinsan ko, iwan nya kamo dun sa café. Kukunin ko na lang mamaya." "Teka bat ako magbibigay? Layo layo ng building ng grade 11 e." "Layo mo muka mo! Alangan ako pa magdala nakita mong iika ika nga ako maglakad. Bwisit kayo isang linggo akong ganito, hindi ko pa madadala kotse ko." Natameme naman si Ranz at labag sa loob na tumayo. "Samahan kita." sabi ko at nawala ang pagkabusangot nya. "Tara." nakangiting sabi pa nito Habang naglalakad kami patungo sa building ng grade 11 ay napakaraming mata ang nakatingin sakin. "May dumi ba ako sa mukha? Bat ganyan sila makatingin?" bulong ko "May kasama ka kasing pogi." sagot niya kaya agad ko siyang inirapan Pagbalik namin sa room ay sinalubong naman ako ng nasamang tingin ni Yvette. Di ko na siya pinatulan pa, masiyado ng maraming ganap ngayong araw. "Kila di ka talaga sasama?" tanong ni Kurt sakin Umiling ako. "Dito na ako kakain." Lunch break na and as usual sa mamahaling restaurant na naman sila kakain. Si Ranz naman ay hinatid na si Kian sa café, nagpaalam kasi ito na di na papasok sa hapon. Mukhang nahirapan ng magpanggap na pilay si mokong. Dumiretso na ako sa cafetéria at umorder ng pagkain. Kakaunti lang ang tao doon pag tanghali, hindi ko alan kung mas gusto nilang kumain sa labas o iba lang ang oras ng lunch nila. Nag umpisa na ako sa pagkain noong pumasok si Jix, dumiretso ito doon sa sofa table niya at dinalhan mg pagkain ng serbidora. Pasulyap sulyap ako sa kaniya habang kumakain at sa hindi ko inaasahan ay nagawi sakin ang tingin nito. Agad nagtagpo ang mga mata namin dahilan para masamid ako. Nang kumalma ang lalamunan ko ay muli akong tumingin sa kinaroroonan niya....nakatalikod na siya sakin. Owkayyyyy! Hindi ko na ito tiningnan pa at tinapos na lang ang pagkain. Noong matapos ay dumiretso ako sa field, at bago maupo sa ilalim ng isang puno ay sinigurado kong hindi ito ang pag aari ni Jix. "Iniisip mo'ko?" Agad akong napalingon sa nagsalita. "Uy! Ranz anong ginagawa mo rito?" tanong ko "Sasamahan ka. Pwede ba akong maupo sa tabi mo?" Tumango naman ako. "Kala ko sa labas ka kumain?" "Oo nga. Naisip ko kasi na baka pumunta ka na naman sa field, at makatagpo mo si Jix." Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pasaway ka kasi saka matigas ang ulo." sabi pa niya saka ginulo ang buhok ko Napairap na lang ako sa sinabi niya at muling itinuon ang aking atensyon sa kalawakan ng field. "Bakit pala ang layo ng tanaw mo?" tanong niya "May mga naaalala at namimiss lang ako." walang tingin na sagot ko "Yung buhay mo sa Bulacan? Pwede mo ikwento kung gusto mo." "Mahaba at magulong kwento." sabi ko na lang at nagkibit ng balikat "Alam mo napansin ko, di mo kayang magkwento ng buhay mo sa Bulacan." Tiningnan ko siya at ngumiti saka ako nagpakawala ng isang buntong hininga. "Ranz, how do you see me as a person?" seryosong tanong ko Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago nagsalita. "Ikaw? Isa kang pasaway at masayahing tao. Kaya mong makibagay at hindi ka marunong magpatalo." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "But you know, everytime I look at your eyes, I can sense that there is sadness and pain in it." seryosong sabi niya Bahagya akong natawa at saka nag iwas ng tingin. "Masaya kaya ako." sabi ko at malapad na ngumiti Seryoso parin ang mukha nito. "Stop pretending Kila, ako lang 'to oh. Alam mo kung ano man yang nagpapabigat sa nararamdaman mo na di mo kayang ikwento, kung ano man yung nakaraan mo na takot kang malaman namin. Okay lang if you keep it to yourself, basta anytime na handa ka ng ilabas yan, nandito lang kami, nandito lang ako." Agad nawala ang mga pilit kong ngiti parang may kung anong tumusok sa puso ko. "Hay ang drama. Kaya nga ayoko ng babaeng kaibigan kasi ang daming hinanakit sa mundo tapos ikaw dadramahan mo naman ako. Masaya ako Ranz, masaya ako na nakilala ko kayo." sabi ko at sawakas ngumiti na rin siya "Hayaan mo araw araw ka naming pasisiyahin. Teka, sino pala namimiss mo? Ex mo 'no?" may panunukso pa sa boses niya Sinamaan ko siya ng tingin. "Ex ka riyan, wala pa akong ex 'no." sabi ko sabay irap "NBSB?!" "Gulat na gulat? Duh! Napakasaya ng mundo bakit pa ako pupulot ng bato na ipupukpok sa ulo ko." Tiningnan niya ako gamit ang kumikislap na mga mata. "Kaya pala halos ipagtulakan kana ni tita Alexa na magka-boyfriend 'no." natatawa niya pang sabi Inirapan ko ulit ito. "Siguro ikaw di na mabilang sa daliri naging girlfriend mo 'no?" "Hoooy. Isang babae pa lang ang nagdaan sa akin ha." sagot niya, "Pero alam mo, ngayon nakita ko na yung babaeng seseryosohin ko talaga." dagdag pa nito at saka ako tinitigan ng makahulugan sabay ngumiti "Huy! Kadiri ka." sabi ko sabay hampas sa kaniyang braso "Aray! Wala naman akong sinabing ikaw ah. Assuming." natatawa niyang sabi Hinampas ko siya ulit saka inirapan. Pang asar ka rin ah. "Bakit nga pala hindi ka nakiki-pagkaibigan sa mga babae?" Parang biglang bumigat ang ere dahil sa tanong niyang iyon. I took a deep breath before answering his question. "The only woman that I trust is my mom. Nakakatakot magtiwala lalo na sa taong pwedeng magkaroon ng inggit sayo. Kaya nga I prefer boys e, ikaw ba naiinggit ka dahil sexy at maganda ako?" Bahagya siyang natawa sa huling sinabi ko. "Parang may pinanggagalingan ah. Kung di ka pa nagka-boyfriend siguro naman wala kang kaibigan na umahas sayo? So bakit?" "Akala ko ba hihintayin mo kung kailan handa na akong magkwento? Eh bakit nanghuhula ka diyan?" "Oo nga pala. I'm sorry. Pasok na tayo medyo bilad na rito e." sabi niya at inalalayan akong tumayo Pagdating sa classroom ay nandoon na ang iba naming mga kaibigan. "Mukhang may nagdate dito ah. Kaya pala nagmamadaling umalis." panunukso samin ni Rye Narinig ko naman ang padabog na pag upo ni Yvette sa kaniyang upuan. Di ko na pinansin pa at pumunta na lang ako sa CR. Pagdating doon ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang si Nay Andi. "Nay ipadala nyo pa sa driver ang board ko, pati nadin damit at sapatos." sabi ko rito Nasa mood akong mag skate ngayon. Bumalik na ako sa room at naabutan kong nandoon na ang teacher namin. *** "Guys una na ako hinihintay na ako ni Irish." paalam sa amin ni Rye "Kahapon lang Louise pangalan ng babae mo ah." sabi ni Miel "Ganon talaga, the more the yummier. Kila babye na." Kinawayan ko na lang sya, napaka-babaero talaga. "Una na din ako, ngayon ko na uumpisahan yung vlog ko e." sabi naman ni Miel "Ako naman mag iinom sa bar nila Hyun, kaya iwan na namin kayo diyan." paalam ni Kurt "May bar kayo Hyun?" tanong ko "Not just a bar. Sa sabado invite ko kayo." tugon niya Tumango naman ako. Nagsialis na sila kaya kami na lang ni Ranz ang naiwan. "Nagpasundo kana ba?" "Pinahatid ko lang yung skateboard ko, gusto ko magpawis ngayon" "Iba talaga trip mo 'no? Ang init init eh. Sige na mag ingat ka ha. Bye." Pagdating ng driver ay agad kong kinuha ang damit ko at pumunta sa CR para magpalit. Pagkalabas ko ay napansin kong pinagtitingin ako ng mga estudyante. "Diba ikaw yung kasama ni Ranz kanina?" tanong ng isa sa tatlong babae na humarang sakin Tinaasan ko lang sya ng isang kilay. "Ano mo ba siya?" dagdag pa nito "Kaibigan ko siya. Kaibigan ko sila. Bakit?" taas noong sagot ko "Kaibigan? Paano mo sila magiging kaibigan, kung ganyan ka ka-cheap. Tingnan mo nga yang suot mo. Ang sabihin mo nilandi mo sila." mataray na sabi sakin nung isang mukhang patatas Tinawanan ko sila saka ni-head to foot. "Alam niyo girls hindi ko kasalanan na hindi nila kayo gustong maging kaibigan. At isa pa di ko sila nilandi, sila ang kusang lumapit sa 'kin at nagpumilit na makipag kaibigan. Should I be sorry for that? Hmm?" nag grin pa ako saka ko sila nilagpasan Pero di pa ako nasatisfy, lumingon ako. "Siya nga pala, mga mukha kayong patatas na hindi nadiligan." Para silang nakakita ng multo sa sinabi ko. Nag smirk pa ako bago sila tuluyang iwan. Cheap my ass! Eh kung sampalin ko kayo ng skateboard? Tsk Kinuha ko ang board ko at saka nagsuot earphone. Enjoy na enjoy ako sa page-skate kahit medyo mainit nga. Malapit na ako sa three way nung may biglang dalawang kotse ang humarang sa kalsada, agad akong napahinto. Tinanggal ko ang earphone ko at tinatanaw ang dalawang sasakyan. Maya maya pa ay lumabas ang mga sakay nun, walang iba kundi ang grupo ni Yvette. Talaga naman oh, ganon ba ako ka-espesyal para sundan pa nila ako dito. Muli akong sumampa sa board ko para makalapit sa kanila. "Surprise!" malapad ang ngiti sakin ni Yvette Binigyan ko lang siya ng boring look. "Akala mo tapos na ako sayo? No! Never. Ang galing mong magpa-victim sa harap ni ma'am. Ngayon, talagang magkakaalaman tayo." ngitngit niya Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. "Takot na takot ako. Oh tapos?" pang iinis ko "Ang yabang talaga ng Akila na yan. Eh kung sagasaan na lang kaya natin siya?" Agad akong napatingin kay Maureen, grabe may pagka- criminal pala ang isang 'to. "Tanga ka ba Maureen? Hindi tayo mamamatay tao." inis na sabi sa kaniya ni Yvette "Tanga ka pala eh." pang aasar ko pa at saka ko siya tinawanan. "Talagang mayabang ka. Girls hawakan ninyo siya!" utos ni Yvette Bago pa man makalapit sa 'kin sina Maureen at Vernice ay nagawa ko pang mailapag ang cellphone. Sayang din yun 'no. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko, hindi naman na ako nagpumiglas pa dahil may nabubuong plano sa isip ko. Unti- unting lumapit sakin si Yvette. Tama yan, yan nga ang gusto ko... "Hanga din talaga ako sa 'yo at nakukuha mo pang ngumiti." sabi nito sa 'kin "Nakakatuwa kasi talaga yang mukha mo e." sagot ko at ngumiti na akala mo psycho Akma niya akong sasampalin nang magpumiglas ako sa hawak ng dalawa. Nahawakan ko ang kamay ni Yvette at inikot yun sa likod niya. Agad itong napasigaw sa sakit. "Teka parang nangyari na to ah." sabi ko Ang mga kaibigan ni Yvette ay nagdadalawang isip kung susugod ba. "G-Get off me! Aw- ouch!" sigaw ni Yvette "Ayoko ng gulo pero pinilit niyo ako. Umalis na kayo hanggat kaya ko pang magtimpi." Itinulak ko si Yvette at napasubsob naman ito sa kalsada agad siyang tinulungang makatayo ng kaniyang mga alipores. "Anong tinutunganga niyo riyan? Sugurin niyo sya! "sigaw niya Agad namang sumugod sina Natalia at Vernice pero nahawakan ko ang kanilang buhok, pinag untog ko ang ulo ng dalawa at saka itinulak sa kalsada. Sumunod ay si Maureen ngunit umiwas lang ako sa kaniyang atake at nagulat pa ako noong madapa ito. "Ay tanga talaga." panunuya ko "Stupid!" galit na sigaw ni Yvette Kahit iika ika ay sumugod parin siya sa akin. Mabilis kong hinawakan ang kwelyo ng sleeves niya. Kinalmot pa nito ang kanang braso ko, s**t masakit yun ah. Inilipat ko sa buhok niya ang kaliwang kamay ko. Ginawaran ko ito ng isang sampal at isa pa.. Sasampalin ko pa sana siya nang bigla kong makitang tumulo ang luha niya. Itinulak ko na lang ito at saka tumalikod, sinubukan kong ikalma ang aking sarili. s**t ano ba 'tong ginagawa ko? Nakita ko ang takot sa mukha nina Maureen. "Yvette umalis na tayo!" sigaw ni Natalia at tinungo nila si Yvette para tulungang tumayo. "No! Hindi pa ako tapos! Sugurin niyo siya. Bilis!" Humarap ako sa kanila. "Tama na Yvette!" "This can't be! Ano pang hinihintay niyo diyan?! Bilis sugurin ninyo siya!" Kahit tila natatakot ay akma paring susugod sa 'kin ang mga alipores niya. Pero may biglang bumusina sa amin dahilan para matigilan sila. Agad kaming napatingin doon. Nangunot ang noo ko, sino naman 'tong epal na 'to. Humarap na akong muli kina Yvette, pero nakatingin parin sila doon sa kotse na para bang kilala nila kung sino ang nasa loob nun. Sino nga ba kasi yun? "I never knew that AMU has a cheap students." Agad akong napalingon sa nagsalita sa likod ko and shit... si Montereal? Mukhang di niya ako nakilala dahil na kina Yvette ang atensyon niya. "J- Jix?" gulat na sabi ni Yvette Bakas sa mga mukha nila ang gulat. At kahit man ako ay nagulat din, may pagka-pakialamero rin pala siya. "Alis." Mahina ngunit mariin na sabi nito na sinamahan pa ng nakakatakot na tingin. Mabilis naman silang naglakad papunta sa sasakyan kahit iika ika pa dahil sa natamo nilang sugat sa pagtulak ko sa kanila sa kalsada. Noong makaalis sina Yvette ay saka naman ako binalingan ni Jix at mukhang nagulat pa ito noong makita ako. "Hmp. Epal!" sabi ko at inakmaan pa siya ng suntok Shit! Bakit umaarte akong immature sa harap niya? Sa halip na sagutin ako ay tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa, teka sinisigurado niya bang ayos lang ako? Matapos iyon ay tumalikod na ito sakin. Luh nuyon? "Nang iistorbo ka tapos di mo man lang tatanungin kung okay lang ako!" sigaw ko Napahinto naman ito at saka humarap sakin, "You're welcome." aniya sabay nag smirk Naiwan akong di makapaniwala. "You're welcome" di naman ako nag thank you sa kaniya ah. And did he just smile? May sapi ba siya o nakikipag asaran siya sa 'kin? Loko yun ah, you're welcome my foot! Tsk! Dinampot ko na ang cellphone at earphone saka muling sumampa sa board. You're welcome mo mukha mo! Mukhang nakadikit na talaga sa pagkatao ko ang pagkakaroon ng kaaway. Pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong punto, tinitigan ko ang mga kamay ko at muling inaalala ang pagluha ni Yvette kanina. No! Hindi dapat ako makonsensya, pinagtanggol ko lang ang sarili ko. I took a deep breath, pinilit kong alisin ang pagiging uneasy ko sa nangyari kanina. Isa pa yung Jix na yun! Nakikipag asaran ba siya sa akin? Aba kung gusto niya ng asaran kayang kaya ko ibigay yun sa kaniya. Kaya ko nga din siyang bugbogin e. Hambog talaga, baka akala utang na loob ko yung pagdating niya. "Kila nak, handa na ang dinner." Nabalik lang ako sa reyalidad noong katukin ako ni Nay Andi. Hindi na ako sumagot sa halip ay lumabas na ako ng kwarto. "How's your school Kila?" tanong ni papa "Ayos naman po. Pa, may tanong pala ako." Tiningnan niya naman ako gamit ang mga matang nagtatanong. "Pa, hindi ko po ba talaga pwedeng gamitin ang kotse ni kuya?" Napahinto naman sa pagkain si papa. "Kila diba nangako naman ang mami mo na reregaluhan ka niya ng kotse sa 19'th birthday mo." seryoso ang mga tingin nito sa 'kin "Oo nga po, pero sa november pa yun." nagpout pa ako "Kung ako lang masusunod dapat hindi ka na muna magkaroon ng sarili mong kotse habang nag aaral ka pa. Mamaya bumalik ka na naman sa drag racing na yan." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Hon, ano ba naman yang sinasabi mo?" saway ni mama "Sinasabi ko lang naman. Alam mo naman yang anak mo napaka-tigas ng ulo. Mamaya ulitin niya na naman yung mga kalokohan niya sa Bulacan." "Clark!" saway ulit ni mama Ngumiti lang ako ng pilit. "Pa, wag po kayong mag alala wala na po akong planong bumalik pa sa pangangarera." mahinang sabi ko Kakatapos ko nga lang pala kumarera. Sorry Pa. "Aakyat na po ako." Mabilis na akong umalis sa harapan nila. Tinawag pa ako ni mama pero hindi ko siya nilingon pa. Totoo naman ang sinabi ko, wala naman na talaga akong planong bumalik pa sa kompetisyon ng drag racing. Wag sanang magkaroon ng dahilan para balikan ko iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD