Chapter 14

4407 Words
He save me Naglalakad ako papasok sa AMU habang nakasuot ng earphone at nakikinig ng music ng may biglang humarang sa daan ko. Napatingin ako rito at malaki ang ngiti niya sa 'kin kaya naman tinanggal ko ang pagkakasuot ng isa sa earphone. "You must be Akila right?" tanong niya Tumango naman ako. He looks so familiar pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. "Opo. Bakit po?" magalang na balik tanong ko Base kasi sa uniform na suot ay isa siya sa mga prof ng college. "Uhm nothing, I just want to congratulate you for winning as Miss AMU." Nahihiya naman akong napangiti. "Ah. Hehe thank you po sir." Ngumiti naman ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Isn't it weird? Pero normal lang naman sigurong batiin niya ako. Tama, wala namang big deal dun lalo't marami namang bumabati sa 'kin kahit di ko kilala. Pero pamilyar talaga siya e. San ko ba nakita yun? Tss Nevermind! Sumasakit utak ko kakaisip, pwedeng nakita ko lang din siya dito sa school. Nakarating na ako sa room at wala pa doon ang mga mokong, kaya dumukdok na lang ako sa desk. Napabalikwas ako noong may biglang pumitik sa ulo ko at nakita ko ang nakangising abot tenga na si Kian kasama ang iba pa. "Ano? Kakapasok lang antok agad?" tumutulis pa ang nguso nito Inirapan ko lang siya at saka ako nag unat na parang bagong gising. "Tagal n'yo e." "Miss mo naman agad kami." sagot ni Rye Napamake-face na lang ako sa kanila. Mabuti na lang din at dumating na si Ms. Delacruz kaya natigil na sila sa pangbubwisit sa 'kin. *** "Aalis na agad? Di pa bumababa ang kinain ko oh?" reklamo ni Rye Nag aaya na kasing bumalik sa AMU si Hyun. Kakatapos lang naming kumain ng lunch sa isang restaurant. "Kailangan ko pa ngang tapusin ang powerpoint para sa report natin mamaya." giit ni Hyun Napakamot na lang sa ulo niya si Rye at tumayo na rin. Dumiretso na ako sa sasakyan ni Ranz at nagmaniobra na rin ito pabalik sa University. Habang abala sa paggawa ng powerpoint si Hyun ay nakapaikot naman kami nina Ranz at pinag uusapan ang nangyari nung party. "Rye napatawad mo na ba talaga si Ranz? Kung ako sayo magtatampo pa ako ng matagal tagal." pang aasar ko "Edi laking tuwa ko pag nagtampo sa 'kin yan ng matagal." Napakunot ang noo ni Rye. "Wow! Kaya pala may pahabol habol ka pa sa 'kin no? Ako matiis mo? No no no my friend." mayabang na buwelta niya Mukhang natameme naman si Ranz the goodboy sa sinabi niya. "Ahm excuse me, dito ba si Akila?" Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita mula sa pintuan at base sa uniporme nila ay mga college na ito. "Ako yun. Bakit?" simpleng sagot ko Napabaling naman ang mga ito sa 'kin. Hindi naman sila yung mga college student na lumapit sa 'kin noon. Ano na naman kayang pakay nila? "Pinapatawag ka ni prof. Larcon sa auditorium." tugon nung isa na nagpakunot sa noo ko Tumayo na ako at lumapit sa kanila, sumunod din sina Ranz sa akin. "Sinong Prof. Larcon? At bakit niya ako pinapatawag?" Nagtinginan sila saka umiling. "Hindi rin namin alam e, napag utusan lang kami. Basta sabi niya sa auditorium daw." tugon pa nung isa, "Diba nanalo ka sa pageant? Si sir kasi ang nagte-train sa mga candidates na pambato ng school sa college. Baka yun ang dahilan." Napatango na lang din ako kahit di pa ako gaanong kumbinsido. "Sige ah, punta ka na lang dun." sabi pa nila at umalis na Naiwan naman akong nagdadalawang isip, pupunta ba ako o hindi? Tsk! "Bakit kailangan sa auditorium pa? Samahan na lang kita." alok ni Ranz Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko naman e." Kokontra pa sana ito pero di ko na siya binigyan ng pagkakataon. "Oh ako naman ngayon ang mamimiss niyo agad 'no?" pabirong sabi ko pa at iniwan ko na sila Naglakad na ako patungo sa auditorium, 12:35 pa lang naman. *** Ranz MAHIGIT bente minutos na simula noong umalis si Kila pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. "Tawagan mo na kaya, male-late na yun." utos sa 'kin ni Miel Iyon naman na talaga ang gagawin ko. Agad kong tinawagan ang number niya pero panay lang ang ring nito. Come on Kila, pick up the phone. "Ayaw sagutin e. Puntahan na kaya natin?" suhestiyon ko Sumang ayon naman sila. Pababa na kami ng hagdan noong makasalubong si Ms. Ledesma. "San kayo pupunta? Time na ah. Balik na dun." utos nito samin Wala na kaming nagawa kundi ang bumalik sa classroom. Hinanap din nito si Kila, kaya sinabi naming pinatawag ito ng prof sa auditorium. Ipinagkibit balikat niya lang iyon at nag umpisa na ang reportings. Ako naman ay panay parin ang sulyap sa phone ko, baka sakaling may text ito kung bakit di pa siya nakababalik, pero wala. "Ranz, 30 minutes na siyang wala." bulong sa 'kin ni Kian Sinusulyapan ko rin ang iba pa naming kaibigan dahil baka sakaling sa kanila ito nagtext pero kibit ng balikat lang ang tugon nila. "Ahhhh ahhh araaayyy. Ma'am arayyy a-ang sakit po ng tiyan ko." Agad nakuha ni Kian ang atensyon ng buong klase. Hawak hawak nito ang tiyan niya habang namimilit sa sakit. "Mercado? What's going on?" natatarantang si ma'am "Masakit po. Aray sobrang sakit, dalhin n'yo ko sa clinic. Mamamatay na yata ako!" sigaw nito Kahit ako ay nataranta na kaya agad ko siyang nilapitan. "Mendez dalhin mo na siya sa infirmary, hurry up!" sigaw na utos nito Dali dali ko nang inalalayan ang namimilipit paring si Kian. Ano ba naman 'to? Nawawala na nga si Kila, may dumagdag pa. "Bitawan mo na 'ko punta na tayo sa auditorium." sabi nito noong makalayo kami sa room. Siraulo! Nagpapanggap lang pala. "Oh, mamaya mo na ako sermunan o papurihan, si Kila ang isipin mo." Napabalik naman ako sa realidad. Halos patakbo na kami, makarating lang ng mabilis sa auditorium. Pagdating namin doon ay marami ang mga estudyanteng nagkukumpulan. Agad kaming nagkatinginan ni Kian, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong tinamaan ng kaba. Maya maya pa ay may lumabas mula sa auditorium, dalawang guard ng school bitbit sa magkabilang braso ang isang lalaki. At kung titingnan ang lalaking iyon ay naka-uniform ito ng pang professor. Darn! What's going on? "Hala si sir Larcon?" Agad akong napalingon sa nagsalita. "Sir Larcon?! Ano bang nangyayari?!" Nauna pang magtanong si Kian sa akin. "Ewan. Pero may babaeng dinala sa infirmary kanina, galing diyan sa–" Agad na kaming kumaripas ng takbo papunta sa infirmary. Anong nangyari kay Kila? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Diretso pasok na kami sa infirmary at doon ay naabutan namin ang nakahigang si Kila. "Anong nangyari?!" sigaw ko sa nurse "Wag kayong mag aalala, nawalan lang siya ng malay." "Bakit? Bakit siya nahimatay?! At bakit bitbit ng mga guard ang prof na nagpatawag sa kaniya?!" tanong ni Kian Napakunot naman ang mukha ng nurse. "Hindi ko alam kung bakit siya nahimatay, basta dinala na lang siya ni Jix dito ng walang malay. Pero gaya ng sabi ko, wala kayong dapat ipag alala dahil mamaya ay magigising din siya." "Si Jix?!" sabay na tanong namin "Oo siya ang nagdala sa kaniya dito. Ang mabuti pa tawagan n'yo na lang ang parents niya. Dahil mukhang may nangyare sa auditorium." Bumaling naman ako kay Kian, at mukhang na-gets niya ang ibig kong sabihin. Nanatili lang ako sa tabi ni Kila, habang hawak hawak ang kamay niya. Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto, ang akala namin ay si tita Alexa iyon, ngunit hindi pala. Si Mrs. Montereal ang dumating at mukhang nag aalala rin ito. "Nurse how is she?!" "Mrs. Montereal, wag po kayong mag alala nahimatay lang po siya kung kaya't maya maya lang ay babalik na din ang kaniyang consiousness." paliwanag nito Pano bang hindi mag alala? "Are you sure? Baka dapat dalhin natin sya sa hospital?" "Mam there's no need po. Kailangan niya lang po magpahinga." Napabuntong hininga na lang ito at nag aalalang tinitigan ang walang malay na si Kila. "Mrs. Montereal mawalang galang na ho, pero ano po ba talagang nangyari?" tanong ni Kian Mukhang noon niya lang napagtanto ang presensya naming dalawa. "Hindi ko rin alam ang buong kwento hijo." Naupo na lang kami dun at naghintay na magising na si Kila para malaman na namin kung ano ba talagang nangyari. Maya maya pa ay muling bumukas ang pinto at iniluwa nun ang naghahabol sa hininga na sina Kurt, anong ginagawa nila rito? Napatingin ako kay Kian at mukhang alam ko na kung pano nila nalaman. "Anong nangyari– kay Kila?" humihingal na tanong nila "Hindi pa namin alam ang totoong nangyare, hintayin na lang natin siyang magi–" naputol ako sa pagsasalita dahil sa muling pagbukas ng pinto Si Jix... At mukhang nagulat ito sa presensya namin. "Son, ano ba talagang nangyari?" salubong na tanong ni Mrs. Montereal Sa halip na sumagot ay bumaling ito sa amin. Ano? Di ba namin pwedeng malaman ang nangyari sa kaibigan namin? Muling bumukas ang pinto at sa pagkakataong iyon ay si Tita Alexa na ang pumasok doon. Mababakas sa mukha nito ang labis na pag aalala lalo na noong makita niyang walang malay si Kila. Agad naman siyang sinalubong ng yakap ng mommy ni Jix. Close ba sila? "Alexa, I'm really sorry sa nangyari kay Kila." Mukhang magkakilala nga sila personally. But hindi iyon ang mahalaga sa oras na yun. "Teka Matt, ano nga ba talagang nangyari?" baling ni Mrs. Montereal sa kaniyang anak Mabuti naman, balak ko na sanang mamagitan. Muli pa itong sumulyap sa amin, pero no choice na siya kundi magkwento dahil nandoon na ang mama ni Kila. "I was just passing by noong mapansin kung bukas ang auditorium. Isasara ko sana yun pero may narinig akong may sumisigaw sa loob. Naka-off ang ilaw sa loob kaya nagtaka ako...." Napahinto ito dahil biglang napaiyak si tita Alexa. Oo nga pala, takot sa dilim si Kila. "Pagbukas ko ng ilaw, nakita kong nakahawak sa leeg ni... ng anak n'yo si Mr. Larcon." pagpapatuloy nito na mas lalong nagpaiyak kay tita Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na yun. Dapat sinamahan ko siya, dapat nagpumilit ako. "Nasa police station na si Mr. Larcon at nakapag bigay na rin ako ng statement." dagdag pa ni Jix Tumayo naman si tita Alexa at niyakap ito habang nagpapasalamat. "Tita, I'm sorry po hindi namin naprotektahan si Kila. Dapat sinamahan namin siya." sabi ni Kian Bumaling naman ito sa amin saka pilit na ngumiti. "Wala isa sa inyo ang may kasalanan mga anak. Dahil kahit si Kila ay di alam na mangyayari ang bagay na 'to." "Maaaa," Sabay sabay kaming napalingon kay Kila. Dali dali naman kaming lumapit dito. "Ma.. Mama natatakot ako. Natatakot ako Ma. Mama.." Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan kung paano umagos ang mga luha sa mata ni Kila. "Natatakot po ako." Para itong bata sa pag iyak habang yakap yakap siya ng umiiyak na rin na si Tita Alexa. Mabuti na lang at dumating na ang nurse at binigyan si Kila ng pampakalma. Makalipas ang ilang minuto ay mukhang kumalma na rin ito. "Anak kumusta na pakiramdam mo? Gusto mo ba dalhin ka namin sa hospital? May masakit ba? May kailangan ka?" Sinuklian yun ng ngiti ni Kila. Nakuha nya pa talagang ngumiti matapos ang lahat. "Ma, I'm okay. Di n'yo po ako kailangan dalhin sa hospital." sagot nito, "At kayo, teka bakit kayo nandito? Eh oras pa ng klase ah." baling niya samin Ibang klase nagawa pa niyang manermon. "Kila, mas mahalaga pa ba yun kaysa sa 'yo? Nag alala kami." tugon ko at bahagyang lumapit dito Kung umarte siya akala mo wala lang nangyare. Napa-pout pa ito. "Pasensiya na pinag alala ko kayo, pero okay na ako kaya pwede na kayong bumalik sa klase. Baka mapagalitan pa kayo ng dahil sa 'kin. Saka isa pa, si Akila yata ako 'no." Ipinakita pa nito ang biceps niya. Tsk! Akala mong hindi umiyak kanina. "Mga hijo, tama si Kila mayroon kayong klase. Salamat sa pag aalala sa anak ko. Pero baka kayo naman ang mapagalitan, kaya mabuti pa bumalik na kayo sa inyong klase ha." Kokontra pa sana si Kian pero pinigilan ko na siya. "Sige po tita. Kila, magpahinga ka babalik kami." sabi ko at ngumiti naman ito Nagpaalam na din sina Kian, at labag man sa loob namin ay iniwan na namin sila doon. "Ang daya, bakit si Jix pwede mag ditch ng class. Hays!" reklamo ni Rye pagkalabas namin "Bakit tigapag mana ka ba ng AMU?" buwelta ni Kian Sinamaan lang siya ng tingin ni Rye. "Pero napansin n'yo ba parang close ang mommy ni Jix at si tita no?" sabi ni Miel "Napansin ko nga rin iyon, pero hindi na iyon mahalaga. Mas importante ay ang kalagayan ni Kila." sagot ko kahit ang totoo ay curious din ako sa kung anong koneksyon nila Tumango na lang sila at nagpatuloy n kami sa pagbalik sa classroom. "How is she?" bungad na tanong ni Sir Soriano sa amin Mukhang alam na din nila ang nangyari. "She already regained her consiousness ." sagot ko Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag. "Mabuti naman, sige na pasok na. At pinapasabi nga pala ni Ms. Ledesma na pumunta kayo sa office niya after class." Nagkatinginan na lang kaming anim sa huling sinabi ni sir. Parusa is waving. *** Kila "HIJA are you really okay? I am sorry for what happened." sabi ni tita Jana at hinawakan ang kamay ko Tumango ako, "Tita ayos na po ako. At wag po kayo magsorry dahil wala naman po kayong kasalanan." tugon ko dito at saka ngumiti Dumapo naman ang mata ko sa nakatayong si Jix, ano bang ginagawa niya rito? Nung mapansin nito na nakatingin ako sa kaniya ay nagpaalam na rin itong lalabas na. "N-Nasaan na po pala si sir Larcon?" tanong ko na nagpaasim sa mga mukha nila "Nasa police station na siya anak. Nakapag bigay na ng statement si Matt, yung sa 'yo na lang ang kailangan para mas mapagtibay ang kaso na isasampa natin sa kaniya." paliwanag ni mama Napakunot ang noo ko. "K-Kaso po? At saka anong kinalaman ni Jix sa nangyari?" Napasalubong naman ang mga kilay nila. "Hija, hindi mo ba naaalala? Si Matt ang nakakita sa inyo sa auditorium, at siya rin ang nagdala sayo dito sa clinic." Agad nanlaki ang mga mata ko. "He save me?" ulit ko pa na para bang di ako makapaniwala Tumango tango naman sila. Kung ganun may utang na loob ako sa kanya. "Baby, ano ba talagang nangya–" Naputol sa pagsasalita si mama nung magbukas ang pinto at may pumasok na dalawang pulis doon. "Mam pwede na ho ba naming malaman ang buong nangyari?" tanong ng isa sa pulis "Eh sir baka naman po pwedeng pagpahingahin nyo muna ang anak ko." "Ma ayos na po ako. Sige po, handa na po akong magkwento." pagsabat ko sa kanila Pumwesto na sa kanan ko ang dalawang pulis, habang nasa kaliwa ko naman sina mama at tita Jana. Inumpisahan ko ng alalahanin ang mga nangyari. "Nasa room po ako kasama ng mga kaibigan ko tapos may dalawang babae na college student ang dumating at sinabing pinatatawag ako ni sir Larcon sa audi. Nagtaka pa ako nun, dahil di ko naman kilala ang prof na yun at bakit sa auditorium pa. Pero ang sagot nila ay si sir daw ang nagte-train sa mga candidates na pambato ng school. Naisip ko baka may koneksiyon sa pagkapanalo ko sa pageant. Kaya kahit di ako gaanong kumbinsido ay pumunta ako sa audi. pagdating ko dun ay naabutan ko siyang nasa stage, nakaupo at sa harap niya ay mayroong laptop. Kaya inakala ko na baka nga ico-coach niya ako o ano pa man. Noong lumapit ako sa kanya dun ko napagtanto na siya pala yung prof na nakasalubong ko nung umaga at binati ako sa pagkapanalo ko sa pageant. At dahil dun naging kampante na ako." "Sir kayo po pala yung sir Larcon. Bakit nyo po ako pinatawag?" Nasa laptop kasi ang atensyon niya. Tumingin ito sakin, ngunit hindi ko maipaliwanag ang expression niya. Ni hindi ito nakangiti. Inikot niya ang laptop paharap sakin, at doon ay may litrato ng isang batang lalaki na sa tansya ko ay nasa edad tatlo o apat na taon. Agad kumunot ang noo ko dahil doon. "Anak n'yo po?" Tumayo ito at bahagyang ngumiti sa akin. "Oo anak ko sya, si Camerron." Napatango naman ako kahit di ko maunawaan kung bakit niya pinapakita sakin ang litrato ng anak niya. "Ahhh ang cute niya po. Pero bakit n'yo po ako pinatawag dito?" Biglang tumalim ang mga tingin nito. "Cute niya no? Sayang lang at wala na siya. Patay na si Camerron ko. Pinatay mo siya!" pasigaw na sabi nito at hinigit ang magkabilang braso ko Mabuti na lang at agad ko siyang naitulak. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. "Anong sinasabi n'yong pinatay ko ang anak n'yo?! Ni hindi ko nga kayo kilala." sabi ko habang hinahabol parin ang aking paghinga "Hindi mo ako kilala? Pwes ako kilalang kilala kita, Akila Cayne Samonte or should I call you drag race queen?!" Agad nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito. Sino ba talaga siya at bakit niya alam ang tawag sa akin na yun? "Sino ka ba talaga?" Muling dumapo sa akin ang matatalim niyang titig. "Ako lang naman ang tinalo mo sa champioship ng league bago mo nakamit ang pangalang drag race queen." Pilit kong inalala ang huling league na sinalihan ko. Tama siya yung tinatawag na 'teacher racer' noon. "Okay naaalala na nga kita. Pero anong sinasabi mo na ako ang pumatay sa anak mo?" Unti unti siyang humakbang papalapit habang umaatras naman ako. "Kung hindi ka sana mayabang, kung hindi sana ako natalo nung gabing yun baka buhay pa ang anak ko. Napa-operahan ko sana siya kung hindi ka nanalo. Kasalanan mo ang pagkamatay niya, ikaw ang pumatay sa anak ko!" umiiyak na siya nung mga sandaling yun "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa anak mo. Pero kung iisipin mong mabuti, wala naman akong kasalanan. Kompetisyon yun at hindi ako nandaya para manalo, at mas lalong hindi ko alam na may ganoon kang pinagdadaan, na iyon pala ang dahilan kung bakit gusto mong manalo. If I only knew, ako man ang nanalo ay ibibigay ko sa 'yo ang premyo. Pero hindi ko alam at hindi mo ipinaalam. And I am sorry to say pero hindi ako ang dapat mong sisihin." pagpapaliwanag ko Mukhang mas lalo niyang ikinagalit yun, nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga at pagkuyom ng kamao. Taas baba ang kaniyang balikat habang lumalapit sa akin, tatakbo sana ako palabas noong biglang dumilim ang paligid. Bakit ngayon pa? This can't be! Napako ako sa kinatatayuan at doon ko naramdaman ang mga kamay niya sa leeg ko, sumisigaw siya sa mukha ko pero wala ako sa wisyo upang maintindihan yun. And the last thing I remember ay maliwanag na ang paligid, nakaupo ako sa sahig at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa 'kin. Doon na umikot ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay. Noong matapos akong magkwento ay agad naman akong niyakap ng umiiyak na si mama. Hindi na rin nagtanong pa ang mga pulis, dahil sapat na raw ang lahat ng sinalaysay ko. At oo nga pala, hindi ko sinabing sa drag racing kami nagkakilala. "Ma, makukulong ba si sir Larcon?" "Yes baby, we'll make sure na makukulong siya sa ginawa niya sa 'yo." "Don't worry hija, hindi ka na niya malalapitan. Dahil magsasampa rin ang pamunuan ng university ng kaso sa kaniya, at sinisigurado ko sa inyo na matatanggalan siya ng lisensya." dagdag pa ni tita Jana "P-Pero–" Agad kumunot ang noo ni Mama. "Kila please, magpahinga ka na muna." pagputol nito sa sasabihin ko Tumahimik na lang ako at bumalik sa pagkakahiga. Makukulong at mawawalan ng lisensiya? Sa ikalawang pagkakataon ay sisirain ko na naman ang buhay niya. Hindi. Ayoko, lalo't alam ko na ang dahilan niya sa pagkakataong ito. Nagpaalam na si tita Jana dahil kailangan niya pa raw kausapin si Tito Martin. Maya maya naman ay dumating si Papa na bakas ang pag aalala sa mukha. "Iyan na nga ba ang sinasabi kong walang magandang maidudulot yang drag racing na yan e." sermon nito sa akin matapos niyang matiyak na ayos lang ako Napatungo na lang ako. "Pwede ba Clark, hindi ngayon ang oras ng sermon." Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil kung tutuusin ay may punto naman si papa, bunga ito ng katigasan ng ulo ko noon. Nahiga na lang ako doon at hinintay ang uwian, ayoko naman kasing iwan sina Ranz lalo't nangako silang babalik sila roon. At isa pa alam kong sobra ko silang napag alala. Alas tres mahigit na noong dumating sila kasama si Ms. Delacruz. "How are you feeling Kila?" "Okay na po ako ma'am." simpleng tugon ko Bumaling naman ito kina mama at nakipag usap doon. "Kila ayos ka na ba talaga?" tanong ni Hyun Tumango naman ako. "May balat ka ba sa pwet? Napaka-swerte mo kase e." sarkastikong si Kian "Edi tingnan mo kung meron. Tsk." sagot ko at saka ko siya inirapan "Mula ngayon hindi ka na pwedeng mawala sa paningin namin. Malinaw?" sabi naman ni Rye Agad tumabang ang mukha ko. "Bakit bodyguard ko ba kayo? Saka okay nga lang ako." "Eh Kila, ano ba kasing nangyari?" tanong ni Miel "Wag kang sasagot ng its a long story ha!" pagbabanta ni Kurt Bahagya pa akong natawa. "Bukas ko na ikukwento sa inyo. Kaya wag na kayong mag alala okay, maayos na maayos na ako." paninigurado ko pa pero mukha silang unconvinced "Basta nandito lang kami palagi ah. One call away lang pag kailangan mo." sabi naman ni Hyun na ikinangiti ko Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagpasya na kaming umuwi, nangungulit pa nga ang boys na kung pwede ay sumama sila pero hindi na ako pumayag. Noong makarating sa bahay ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko. Napagpasyahan ko munang maligo kaya dumiretso na ako sa cr, habang nakatapat sa shower ay pinipilit kong irelax ang katawan at isip ko. Ipinikit ko pa ang mga mata ko, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko noong para bang may biglang sumakal sa akin. Agad kong pinatay ang shower at luminga linga sa paligid habang taas baba ang aking balikat dahil sa kaba. Doon na unti unting pumatak ang mga luha ko habang niyayakap ko ang aking sarili. Ano bang nagawa ko para mangyari sakin ang lahat ng ito? Hindi pa nawawala ang takot ko sa dilim, ngunit heto at tila may bagong multo na naman akong kinatatakutan. Sinikap kong kalmahin ang sarili ko at muling sinubukan na pumikit. Hindi ko na naramdaman ang mga kamay sa aking leeg. Huminga ako ng malamim at tinapos na ang aking pagligo. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay naalala ko si Jix. Siya yung lalaking nakatalikod sa akin na nakita ko bago ako mawalan ng ulirat. Kailangan kong magpasalamat sa kaniya. I hate to admit it pero nagpapasalamat ako sa ginawa niya, kung hindi siya dumating baka kung ano ng nangyari sa 'kin. "Ma ano na pong balita kay sir Larcon?" tanong ko habang kumakain kami ng dinner "Nakakulong na siya. Hindi mo na kailangang mag alala pa." Napahinto ako sa pagkain at saka ko sila tinignan. "Ma, Pa, kailangan pa ba talaga natin siyang ipakulong?" Agad tumabang ang mukha nila at napahinto sa pagkain. "Anong ibig mong sabihin?" medyo naiinis na tanong ni papa Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Nasira ang buhay niya sa pagkawala ng kaniyang anak , at ngayon masisira ko ulit yun sa ikalawang pagkakataon. Noon po hindi ko alam ang dahilan, pero ngayon alam ko na. Ayoko pong masira ulit ang buhay niya ng dahil sa akin." Napabuntong hininga si papa saka inibaba ang hawak na kubyertos. "Akila Cayne, are you blaming yourself for what happened to him? Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ng anak niya. He, as a parent siya ang dapat may pananagutan dun." "Opo. Alam ko, sa pagkawala ng anak niya wala akong kasalanan. Pero sa nangyari ngayon, ako na ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Hindi niya naman ginustong saktan ako, nadala lang siya ng emosyon. Ma, Pa, please wag niyo na ituloy ang kaso." Maging si mama ay tila nawalan na rin ng gana dahil sa mga nasabi ko. "So ano Akila, lahat na lang ba ng tao puwede kang saktan basta mayroon silang malalim na dahilan? Ginawa mo rin to noon diba, sabi mo hayaan na namin si Sam. Despite sa ginawa niya, nakinig parin kami sayo. Hinayaan namin ang taong nanakit sa anak namin. At ngayon hihilingin mo na naman yun. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa 'min na makitang nasasaktan ka. Hindi mo alam Akila!" unti unting dumaloy ang mg luha sa pisngi ni Mama, "Stop being selfish Kila, dahil kung nasasaktan ka, triple ang sakit nun para sa amin, so please wag mo namang ipagkait sa amin na protektahan ka. Wag mo naman kaming pagkaitan na magpaka-magulang sayo. Dahil hindi kita pinalaki para saktan lang." Pagkasabi niya nun ay tumayo na ito at umiiyak na umalis sa hapag kainan. Agad naman siyang sinundan ni papa, habang ako ay naiwan na para bang tinutusok ang puso. Am I being too selfish? Siguro nga. Siguro nga'y makasarili ako dahil sariling nararamdaman ko lang ang iniisip ko. Ni hindi ko naisip na sa bawat pagsubok at paghihirap na pinagdaanan ko, nasa likuran ko sila at nakasuporta. Nakalimutan kong kasama ko sila sa lahat dahil sa pagiging makasarili ko. I'm really sorry Ma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD