What did I do?
Pumanhik na ako sa kwarto ko, gusto kong mag sorry kina mama at papa pero parang tinakasan ako ng lakas ng loob para puntahan sila. Kaya ipinasya ko na lang na ipagpabukas ang paghingi ng sorry sa kanila. Nahiga na ako sa kama at dahan dahang ipinikit ang mga mata.
I feel it...again.
Yung mga kamay sa leeg ko, napabalikwas ako sa pagkakahiga. Kalma Kila, wala lang yun. Sabi ko sa sarili ko at muling humiga, muli kong ipinikit ang aking mga mata at matagumpay ko namang nagawa. Umayos na ako sa pagkakahiga, ngunit kalahating oras na siguro akong nakapikit doon ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Dumadagdag pa kasi sa iniisip ko yung nangyari sa dinner kanina.
"Kila?" mahinang tawag sa 'kin ni mama habang kumakatok sa pinto
Hindi ako sumagot sa halip ay tumayo ako at pinagbuksan ko siya.
"Di ka makatulog?"
Parang mas lalo akong nakonsensiya, kapakanan ko parin ang iniisip niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko na siya.
"Im sorry Ma, sorry po dahil ang selfish ko. Sorry Ma."
"Wag mo nang isipin yun. Hindi ka pa nagsosorry, pinatawad na kita huh. Halika na mahiga kana dun." Hinawakan niya pa ang baba ko at saka ngumiti. Inakay niya na ako sa kama at para akong bata na inihahanda sa pagtulog.
"Ano pa man ang mangyari at ano pa mang mga bagay ang hindi natin mapagkasunduan. I will always be proud of you Kila, dahil mabuti ang puso mo at matatag kang tao. Mama, will always be by your side no matter what happen, okay?" Malambing niyang sambit
Tumango naman ako saka niya ako hinalikan sa aking noo.
"Sige na matulog kana, dito lang si Mama sa tabi mo." dagdag niya pa saka ipinatong ang isang kamay sa braso ko at marahang tinapik tapik iyon
Alam kong labis siyang nag alala dahil sa nangyaring insidente sa AMU, kaya siya nandito ngayon.
"Iloveyou Ma." nakapikit parin na sabi ko
"Iloveyou too baby."
Nagpatianod na ako sa antok na kanina lang ay tila tinakasan ako.
***
Naging maganda ang gising ko kinabukasan, para ngang nakalimutan ko na may insidenteng nangyari kahapon.
"Good morning." masayang bati ko kina mama, na nasa hapag kainan na
Para naman silang nakakita ng multo kaya napakunot ako ng noo.
"Papasok ka?" tanong ni papa
"Opo. Bakit po?"
"Kaya mo na ba? I mean, ayos kana ba talaga?" tanong pa nito
Ngumiti naman ako at lumapit sa kaniya saka ko siya inakbayan. "Pa, Ma, ayos na po ako. Ako pa ba?" sabi ko at pinakita pa ang biceps ko sa kanila
Hindi na rin sila kumontra pa.
Pagpasok ko sa AMU halos lahat ng mata ay sa 'kin ang tingin. May ilan ding pinagbubulungan ako, pero ayoko na lang ding pansinin pa masasayang lang ang oras ko.
Pagdating ko sa room ay nagulat din sila sa presensiya ko lalo na ang anim na mokong.
"Bakit pumasok kana?" tanong ni Kian tapos ay inalalayan nila akong maupo
Ano ba di naman ako pilay e.
"Ano gusto mong gawin ko, magmukmok? Saka ayos na nga ako."
Tsk! Napapagod na 'ko ipaliwanag na ayos lang ako.
"Ang sabihin mo di mo lang kaya na di makita ang kagwapuhan ko." pabirong sabi ni Rye
Nag okay na sign na lang ako sa kaniya sabay poker face.
"Teka ano nga pala talagang nangyari kahapon?" tanong ni Kurt
Napaseryoso naman ang mga mukha nila. Inutusan ko silang umayos ng upo sa tabi ko at saka inumpisahang ikwento ang nangyari.
"Eh baliw naman pala yung prof na yun e, bakit ka niya sisihin sa pangyayaring hindi mo naman alam? Hays!" matabang ang mukha na sabi ni Rye
"Oo nga Kila, kahit saan namang anggulo tingnan wala kang kasalanan sa pagkawala ng anak niya." dagdag pa ni Ranz
Napabuntong hininga ako. "I know. Pero kahit papaano ay nakokonsensya parin ako."
"Wala kang dapat ika-guilty Kila. Dahil nung sandali na sinaktan ka niya, naging non valid na ang rason niya. Hindi na siya ang biktima." concern na sabi ni Kurt at tinapik ang balikat ko
Napangiti na lang ako sa sinabi nito.
Natapos ang maghapon na iyon sa pagpapaliwanag ko sa bawat subject teacher na pumapasok sa room na ayos lang ako. Halos lahat kasi sila ay nagtatanong kung bakit pumasok na ako. Eh bakit naman kasi ako di papasok e di naman ako pilay o sugatan diba? Maging sa mga kilos ng kaibigan ko ay halata ang sobra nilang pag aalala sakin. Para akong bata na may anim na bodyguard, tipong mawala lang ako saglit natataranta na agad sila.
"Oh nandito na yung sundo ko, pwede na kayong umuwi." sabi ko sa kanila
Ang kukulit kasi hindi raw sila aalis hanggat hindi nila nasisigurong ligtas akong makakauwi.
"Mag ingat ka ha, tawagan mo lang kami pag may kailangan ka." bilin ni Ranz
Napasalubong na lang ang kilay ko, uuwi lang naman ako e. "Oo na mag iingat ako. Uwi na din po kayo. Sige na po. Babye po." may pagkasarkastikong sagot ko at pumasok na sa kotse
"Kuya, punta po tayong police station." sabi ko kay kuya Toni na driver namin
"Ano pong gagawin n'yo dun? Saka nagpaalam ka na ba sa mommy mo?"
"May kailangan lang po akong makausap at saka ako ng bahala magpaliwanag kay mama. Tara na po."
Tumango na lang din ito ng pilit.
Gusto kong makausap si sir Larcon, gusto kong humingi ng pasensya dahil sa nangyari. Hindi ko alam bakit hindi ko maiwaksi ang guilt na nararamdaman ko, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi ko naman kasalanan ang nangyari.
"Mam nandito na po tayo." pagpukaw ni Mang Toni sa atensiyon ko
"Pakihintay n'yo na lang ako rito."
Pagkatapos kong makausap ang police sa front desk ay naupo na ako sa visiting area habang hinihintay si sir Larcon. Kumakabog ang dibdib ko, kaya ko na ba talaga siyang makaharap? Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at maya maya lang ay nakita ko na siyang inilalabas ng pulis. Kalmado itong naupo sa harap ko.
"Nandito ka ba para makita ang kalagayan ko at mapagtawanan ako?"
Tinitigan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. "Ganiyan po ba kasama ang tingin n'yo sa akin?" tanong ko at tila nagbago ang timpla nito, "Alam n'yo bang nakiusap ako sa mga magulang ko na iurong na ang kaso sa inyo? Pero hindi ako nagtagumpay dahil tulad n'yo, magulang din sila na ang nais ay maprotektahan ang kanilang anak."
Napaiwas naman ito ng tingin sa 'kin.
"Hindi ko kailangan ng awa mo."
"Alam ko. At hindi rin naman ako nagpunta dito para kaawaan kayo. Nandito ako para humingi ng tawad sa nangyari sa anak n'yo noon at sa nangyari sa inyo ngayon."
Napaharap ito sa 'kin at tila tinatansiya kung sincere ako sa sinasabi ko.
"At isa pa, alam ko rin na alam n'yo sa sarili n'yo na wala akong kasalanan sa pagkawala ng inyong anak. Gusto n'yo lang humanap ng masisi, dahil ang totoo ay galit kayo sa sarili n'yo. Hindi ako ang hindi mo mapatawad kundi ang sarili mo. Kaya sana ho, matutunan n'yo nang patawarin ang inyong sarili." dagdag ko pa at saka ako bahagyang ngumiti
Hindi siya sumagot sa halip ay mas pinili niyang yumuko.
Nasabi ko na lahat, tapos na ako. Tumayo na ako at naglakad. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ito at sa pagkakataong iyon ay nakatingin na siya sa akin, bahagya itong yumuko at tipid akong binigyan ng ngiti. Para akong binunutan ng tinik sa dibdib, kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko man alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyon, ang mahalaga napakinggan niya na ang mga bagay gusto kong sabihin.
Tuluyan na akong lumabas at bumalik sa sasakyan.
"Mang Toni, pag nagtanong si mama sabihin n'yo na lang ho dumaan tayong mall."
"Pero sabi n'yo po ka—"
"Joke lang po yung kanina. Basta mall na lang sabihin n'yo, sige kayo pareho tayong makakagalitan." pananakot ko pa
Napakamot na lang ito sa kaniyang ulo.
Pagkarating sa bahay as expected puro tanong kung ayos lang ba ako ang salubong ni mama. Ayos lang naman talaga ako...yun lang ang choice ko. Ang maging ayos lang.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Habang abala sa panunuod sa laptop ay may bigla akong naalala...
Si Jix.
Hindi pa pala ako nakakapag thank you sa kaniya, pero paano ko naman gagawin yun? Sa school or sa bahay nila? Pag sa school baka dedmahin lang ako nun, pag sa kanila naman baka isiksik na naman niya ako sa pader. Tsk! Ah basta kahit saan ko siya makita, magta-thank you ako sa kaniya. Ano naman kung dedmahin niya 'ko ang mahalaga marinig niya ang word na thank you.
Akalain ko ba namang sa dami ng estudyante sa AMU siya pa ang nagmistulang knight in shining armor ko.
Geez. Yuck.
Pero kung siya ang nagdala sa 'kin sa infirmary, pano niya kayo ako binuhat? Bridal o piggy back? s**t! Ano ba 'tong naiisip ko? Nakakatawa kasing imaginin na bwisit na bwisit siya sakin tapos bubuhatin niya ako. Baka mamaya hinila lang ako nun e. Ewan.
Tinanghali ako ng gising kinabukasan kaya ganun na lang ang pagmamadali ko na makapaghanda sa pagpasok. Ang sarap kasi ng tulog ko kagabi, siuro ay dahil nga medyo gumaan na ang pakiramadam ko.
"Mag breakfast ka sa school ha!" sigaw sa 'kin ni mama
Tumango na lang ako.
Pagkarating sa AMU ay halos mapalundag pa ako nung salubungin ako ng anim na lalaki. Bodyguard ko ba talaga ang mga ito?
"Good morning." bati nila sa 'kin
Kinuha pa ni Rye ang bag ko sabay abot naman ni Ranz ng coffe at sandwich, saktong sakto di ko na kailangan pang bumili.
"Luh, thanks sa breakfast. Sakto di nakapag almusal sa bahay." sabi ko habang nilalantakan ang sandwich
"Alam namin. Nagtext kaya si tita." tugon ni Kian
Si mama talaga.
"Hanggang kailan n'yo ba balak magpaka-bodyguard sa 'kin ha?"
"Hanggang sa dulo ng walang hanggan." mabilis na sagot ni Kian
"Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman." dagdag pa ni Kurt
Napabuntong hininga na lang ako at saka ko sila iniwan sa paglalakad. Wala talagang katinuan.
Naging normal lang ang umagang iyon para sa akin, hindi katulad kahapon na para akong may nakahahawang sakit kung tingnan ng mga estudyante. Sadyang itong mga mokong lang yata ang consistent sa pagka-praning. Well, hindi ko naman din sila masisisi, para saan pa nga ba at naturingan ko silang kaibigan.
"Hey Kila, are you really fine?"
Agad akong napabaling sa kung sino ang nagtanong... si Yvette na naka-cross arms pa.
"Concern ka ba? O di ka masaya dahil hindi pa ako natuluyan?"
Bahagya siyang natawa saka umirap.
"Grabe, ganun ba ako kasama sa tingin mo? Ofcourse concern ako."
Napairap na lang din ako sa mga sinasabi niya, halata namang labas sa ilong. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng piso sa wallet ko at saka ko inabot sa kaniya.
"Oh piso, bili ka kausap mo."
Napa-ismid ito at nag flip hair pa bago tuluyang umalis sa harapan ko. Maisipan din mambwisit e.
"May sapak talaga sa utak yun 'no." sabi pa ni Kian na siyempre ay sinang ayunan ko
***
Kakatapos lang naming kumain ng lunch sa cafeteria, di ko nga alam kung ano ang naisip nila at di sila nag ayang kumain sa labas.
"Teka may tanong pala ako sa inyo." pagkuha ko ng atensiyon nila
Tiningnan naman nila ako ng may pagtatanong sa mata.
"Diba alam n'yo namang si Jix ang nagligtas sa 'kin?"
Tumango tango naman sila kahit nakakunot ang noo.
"So nagbago na ba ang tingin n'yo sa kaniya?"
Mas lalong nangunot ang mga noo nila.
"Panong nagbago?" tanong ni Miel
Tsk! Kailangan ko pa bang i-elaborate?
"Hindi ba kasi noon ang tingin n'yo sa kaniya eh may sungay? Ngayon ganun parin ba?" paliwanag ko
"Siyempre thankful kami sa pagligtas niya sayo. Pero kasi, kahit sino namang nasa katayuan niya ay gagawin din yung ginawa niya sayo." tugon ni Rye
"So ibig sabihin masama parin siya para sa inyo?"
Bahagya silang natawa.
"Hala. Wala naman kaming sinabing masama siya ah. Ang amin lang is hindi namin gusto yung pag uugali niya. But not to the point na masamang tao na ang tingin namin sa kaniya. So we can say na nabawasan ng kaunti yung pagka ayaw namin sa ugali niya. Kasi diba, di naman pala siya ganun ka-careless." mahabang litanya ni Ranz
Naiintindihan ko naman yun, tumango ako para maipakitang nage-gets ko ang nais niyang iparating.
"Teka, bakit mo nga pala naitanong? Wag mong sabihin na tinuturing mo na siyang knight in shining armor mo ah."
Agad kong hinampas sa braso si Kian, iyon ang naisip ko kagabi ah. Yuck
"Wala lang. Bawal ba magtanong?"
"Ako naman ang may tanong sa iyo Kila." sabi ni Kurt na agad kong binalingan, "Hindi sa pangingialam pero makikialam na rin ako, close ba ang mama mo at mommy ni Jix?"
Mukhang uhaw na uhaw silang marinig ang sagot ko. Pero ano nga bang isasagot ko? Hindi ko naman siguro kailangang itago yun.
"Oo, childhood bestfriend siya ni mama." sagot ko na nagpa-awang naman sa kanilang mga bibig, "Ang totoo niyan, malapit na magkaibigan ang mga parents namin ni Jix."
"Small world indeed." ani Hyun
"Yun ba ang dahilan kaya ka napatanong ng tungkol kay Jix?" untag sa 'kin ni Miel
Agad naman akong umiling. "Random question lang yun. At isa pa, magulang naman namin ang magkaibigan hindi kami 'no?"
Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa. Baka magkaroon pa sila ng oa reactions pag nalaman nilang makailang beses na akong bumibisita sa bahay ni Jix.
Nagpaalam na rin muna akong magccr at binigyan pa nila ako ng timer. Kailangan daw makabalik ako sa loob ng limang minuto at kung hindi ay susunduin na nila ako. Diba ang oa?
Lumabas na ako ng room at bumaba sa hagdan dahil ang totoo ay hindi naman talaga cr ang sadya ko.
Nagbabaka-sakali ako na makatagpo si Jix at ng makapag pasalamat o makapag pay back na ako sa kaniya. Because I really hate the feeling of being indebted.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nagtext kay Ranz, sinabi ko na lang na kasama ko ang Kila's angels kaya di nila kailangang mag overreact. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at muli ko ng itinago ang cellphone. Habang ang mga paa ko naman ay kusa akong dinadala sa makawak na field. Nandoon kaya siya? Sana naman.
"Gotchu!" masayang sambit ko noong matanaw kong okupado ang puno na may pulang tali
Obviously siya lang naman ang puwedeng maupo roon. Nakayuko ito dahil sa binabasa niyang libro habang ang tenga niya naman ay may suot na earphone, mukhang wala siyang kaalam alam na nasa harap niya na ako. Paano ko kaya kukunin ang atensiyon nito? Ah alam ko na.
Sinubukan kong tumighim pero mukhang hindi niya narinig yun kaya naman inulit ko pa at mas nilakasan, pero muli ay bigo akong makuha ang pansin niya. Gaano ba kalakas ang music niya? O sadyang may pagkabingi siya?
"Jix." tawag ko pero wala parin
"Jiiix." mas malakas pa iyon pero wala talagang epekto
Hindi kaya sinasadya niya na wag akong pansinin. Nakukuha ko na nga ang atensyon ng ilang mga estudyante dun tapos siya itong nasa harap ko, wala. Sinusubukan mo ako ah.
Sunod kong ginawa ay yumuko na level sa kaniya at saka ko inagaw ang librong hawak niya. And finally tiningnan niya na rin ako.... death glare nga lang.
Sinenyasan ko pa siyang alisin ang earphone niya ngunit para lang siyang timang na nakatitig sa 'kin kaya minabuti ko ng ako na ang magtanggal nun.
"I just came here to say thank you for saving me. At kung may hihilingan ka bilang kapalit nun, ibibigay ko." sabi ko dito at ibinalik ko na ang libro
"Get lost." mahina ngunit mariing sabi niya
Napabuntong hininga na lang ako. Lagi niya na lang akong tinataboy. Fine, nasabi ko na naman na ang pasasalamat ko e. Tumayo na ako at tumalikod sa kaniya.
"I did that for AMU." sabi niya na nagpalingon sa 'kin
Agad nagsalubong ang mga mata namin dahil sa biglaaan kong pagharap.
"I know, but it doesn't matter. You still saved my life, kaya dapat lang na magpasalamat ako sa 'yo."
Napaiwas ito ng tingin at mukhang nag iisip ng kaniyang isasagot. "If you want to pay me back, stop being friends with Max."
Agad napaawang ang bibig ko sinabi niya. Bakit ba ayaw na ayaw niyang kinakaibigan ko si Max? Hindi niya ba nakikita kung gaano kasaya ang kaniyang kapatid pag magkasama kami? A selfish brother indeed!
Binigyan ko siya ng smirk tapos ay nag cross arms ako sa kaniya. "Sabi mo nga diba, na para sa AMU yung ginawa mo? So para mo na ring sinabi na wala akong utang na loob sa 'yo. So there's nothing I should payback." ngumisi pa ako na nagpatabang sa kaniyang mukha, "At saka bakit hindi ka sa AMU manghingi ng kapalit, diyan sa puno ng mahogany na yan. Hingi ka sa kaniya ng bunga ng mangga."
Nakita kk ang pag-tiim bagang kay Jix.
"At next time pag may nag thankyou sa 'yo matuto ka na lang manahimik kung di mo kayang magsabi ng you're welcome. Tsk!" Inirapan ko pa siya at saka ako tumalima.
Bakit ba sobrang sungit niya?! Nakakainis. Bwisit din kasi itong utak ko e, pag nakaramdam ng guilt hindi mananahimik hanggat hindi nakakahingi ng tawad. Pag naman pakiramdam ko may utang na loob ako, di ko kaya na di mag thank you. Ano ba ako fallen angel? Gusto ko rin mawalan ng pakialam kahit minsan lang.
Nakabusangot akong naglakad pabalik sa classroom. Bakit ko pa kasi nilapitan ang anti-social na lalaking iyon? Tsk!
"Kila, what's with the long face?" tanong sakin ni Hyun pagkapasok ko sa room
"Ah wala inaantok lang ako." pagsisinungaling ko at saka dumiretso sa upuan ko sabay dukdok sa desk.
Bakit ba kasi ganun? Hindi naman ako masamang tao, but people hates me kahit wala naman akong ginagawa. Si Yvette na galit yata sa existence ko. Si Jix na palagi akong tinutulak palayo sa kapatid niya. Masama ba akong impluwensiya? Si Sir Larcon, na isinisisi sa 'kin ang isang bagay na hindi ko naman alam. At higit sa lahat, si Sam... What did I do to deserve their hate? Sinubukan ko namang makibagay. At sinusubukan ko na intindihin ang mga rason nila kung bakit ganun nila ako itrato, pero nasasaktan din naman ako. Dahil kahit ilang beses na akong nasasaktan, hindi parin naging bato ang puso ko. Anong nagawa ko to receive hate?
What did I do?