Amber Hatchell
Nasa sasakyan na ako papasok sa AMU at mukhang alam ko na rin kung bakit ang drama at sensitive ko kahapon. It's a girl thing, tsk!
"Bye Pa." sabi ko at humalik sa pisngi nito
"Have fun anak."
Akala mo naman arcade tong pinuntahan ko.
Naglakad na ako papasok at kinalimutan ko na rin ang mga naisip ko kahapon. Be positive, Akila magiging maganda ang araw na ito.
"Good morning!" bati ko pagkapasok sa room
Kunot noo naman nila akong tinitigan. Ay naging exaggerated yata ang pagka-positive ko. Di ko naman pala ginagawang bumati sa kanila pagpasok. hihe
"Kahapon lang parang pasan mo ang mundo, tapos ngayon naman ang ganda ng mood mo. Nababaliw kana ba?" tanong ni Kian
Agad ko siyang pinukol ng masamang tingin.
"Oh baka naman depress ka, Kila nandito lang kami ha. Wag mo itutuloy yang balak mo!"
Hinampas ko sa braso si Rye, ano bang pinagsasabi niya? Tsk!
"Kayo talaga, pwede bang tigilan n'yo si Kila." saway sa kanila ni Ranz
Mabuti na lang din talaga at may matino sa kanilang anim.
Nilagpasan ko na sila at dumiretso sa upuan ko, at para naman silang mga magnet na sumunod sa akin.
"Teka Kila, di mo pa ba nababasa ang viral post?" tanong ni Miel
Nangunot ng noo ko. "Anong viral post?"
Imbes na sumagot ay iniabot niya ang cellphone sa akin.
"Is HE really a hero?
Recently lang ay nagkaroon ng incident sa isa sa mga pinakasikat na university dito sa La Cuervo. Kung hindi n'yo pa alam, ang insidenteng ito ay tungkol sa isang prof na nanakit umano ng beauty queen, and then HE comes to save her. But the question is, what if hindi talaga si prof ang nanakit? Kung iisipin kasi, bakit naman sisirain ng isang prof ang magandang career niya at mananakit ng estudyante sa loob pa mismo ng eskwelahan? Habang ito namang si HE, ay alam naman ng lahat na may history na ng p*******t sa isang babae. What if ipinasa lang kay prof ang kasalanang ginawa ni HE? What if pinoprotektahan lang siya, 'cause HE is the heir of the University? Isn't it alarming? So please, Miss beauty queen, SPEAK UP THE TRUTH!"
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "Sino ang ang nagpost nito?!" tiim bagang na tanong ko
"Amber Hatchell. But obviously, dummy lang yan na sinadyang gawin para siraan si Jix." paliwanag ni Ranz
Napatayo ako na mukhang ipinagtaka nila. "Kian, pwede mo bang subukan buksan ang account na to. May pupuntahan lang ako." sabi ko at naglakad na
"San ka pupunta? Samahan kita."
Inialis ko ang pagkakahawak ni Ranz sa braso ko. "Nope. I can manage."
Mukhang naguguluhan sila pero di ko na yun inintindi. Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas.
"Kila anong maitutulong namin?" tanong nito nung magkita kami sa pathway, papuntang grade 11
"Nabasa mo naman na siguro ang post nung Amber Hatchell?" tumango naman ito, "Tulungan n'yo akong malaman kung sino ang taong yun. I really need to know, who the hell she is."
"Okay, let's see what we can do. Kokontakin kita agad pag may nalaman na kami."
"Salamat." tugon ko
Tumango naman sila saka nagsitalima.
Kung sino ka mang Amber Hatchell ka sisiguraduhin kong mananagot ka sa akin. Anong alam mo para mangbintang at magpost ng walang kwentang espekulasyon.
Shit!
I thought I'll be having a good day, but then you ruined everything.
"Kila, nabuksan ko na. Pero wala namang impormasyon dito na magsasabi kung sino ang nasa likod nito." sabi ni Kian pagkabalik ko sa room
Napabuntong hininga na lang din ako.
"Ah Kila wag mo sanang masamain, pero bakit parang sobrang affected ka e di naman ikaw ang sinisiraan sa post?" tanong ni Miel
Bakit nga ba?
"Let's just say na kung di dahil sa 'kin, hindi malalagay sa kasiraan ang pangalan ni Jix at ng AMU. Pakiramdam ko responsibilidad ko na maayos 'to."
Ito na naman, sense of responsibility naman ang nararamdaman ko. And I know hindi mawawala ang ganitong pakiramdam ko hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa ng paninira na yun. s**t! I hated myself for being like this.
Dahil sa issue na yun ay nahirapan akong makapag focus sa klase. Panay ang sulyap ko sa fone ko, nagbabaka-sakaling may balita na mula kay Mich pero bigo ako.
Pagkaalis ni Ms. Delacruz ay mabilis din akong tumayo at naglakad palabas ng room. "Oh san ka na naman pupunta?" tanong ni Kurt at humarang pa sila sa daraanan ko
"Sa cafeteria, recess na hindi ba? Kayo di kayo kakain?"
"Oo nga 'no? Sige tara." kamot ulo na sagot nila
Nagsimula na kaming magmartsa patungong cafeteria. Ayoko na rin pa kasing masyadong pag alalahanin ang mga kaibigan ko, kaya minabuti ko na lang na magpanggap na ayos na ang lahat.
Pagpasok namin doon ay agad kong napansin ang katahimikan, ah kaya pala. Nasa pwesto niya si Jix at payapang kumakain, tingnan mo nga naman akala mo walang nangyari. O baka hindi niya alam? Tsk ewan.
Naghanap na ako ng bakanteng table habang ang anim naman ay dumiretso na sa counter. Susulyap sulyap ako rito, nakakairita kasi paano niya nagagawang magchill gayong may naninira sa kaniya. At ang nakakainis pa dun, feeling ko ako ang dahilan kung bakit nangyari yun.
Tsk! Di ko na talaga kayang tiisin, tumayo na ako at nagtungo sa table ni Jix.
"Akila!" narinig kong pagtawag sa 'kin ni Ranz
Pero ano pang magagawa niya, nasa harap na ako ni Montereal.
"Ano mauupo ka na lang diyan at makikinig ng music habang pinagpi-piyestahan ka sa social media?"
Napatingin naman siya sa akin na walang kaemo emosyon ang mukha.
"Di mo ba alam ang rules ko?"
Napa smirk naman ako sa sagot niya. s**t! Mas mahalaga pa ba yun.
"Shut it Jix! Wala akong pakialam sa rules mo okay. So anong balak mo dun sa viral na post patungkol sayo at sa AMU?" Nagpamewang pa ako sa harap niya.
Pero imbes na sumagot ay muli siyang sumubo ng pagkain at parang tanga na ngumunguya sa harap ko.
"None of your business." tugon niya at lumagok ng tubig saka tumayo at naglakad palayo sa akin
Nalaglag ang mga balikat ko dahil sa naging tugon niya. I can't believe him
"Ikaw naman kasi, ano bang pumasok diyan sa isip mo?" tanong ni Rye
"Pano niya nagagawang maging kampante sa kabila ng lahat?"
"At ikaw bakit sobrang affected mo? Alam naman natin kung ano ang totoo hindi ba? Kung iniisip mo na responsibilidad mong ayusin 'to, stop it. Lilipas din ang issue na yan, at si Jix kayang kaya niyang i-cope up 'to, sanay na yun sa mga panghuhusga." litanya ni Kurt
Posible ba yun? Posible bang masanay ka sa panghuhusga?
Sinubukan kong iwaksi sa isip ko ang ang nangyari. Bakit nga naman ako magpapaapekto kung si Jix mismo ay walang pakialam sa mga taong naninira sa kaniya.
***
Nandito ako sa field ngayon dahil gusto ko munang mapag isa. Gusto kong marefresh ang utak ko sa lahat ng stress na tinamo ko nitong mga nagdaang araw.
"Hi. You are Akila right?" tanong ng isang lalaking may katangkaran na bigla na lang sumulpot sa gilid ko
Tumango ako bilang tugon.
"I'm Nicolai, Jix's childhood bestfriend." pagpapakilala niya
Agad nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit mo ako kinakausap?"
Bago siya sumagot ay naupo muna ito sa tabi ko. Di naman ako nag offer ah. Tsk
"Syempre sikat ka kaya. Ang babaeng hindi takot kay Jix. That's what they called you." nakangiting paliwanag niya
"Ano naman kasing dapat kong ikatakot? Pero bakit nga ako kinakausap ng bestfriend ni Montereal?"
Sumilay ang simple niyang ngiti.
"Just to let you know na hindi masamang tao si Jix. He may be pushing you away like what he did to me, but it doesn't mean that he hates you."
Agad na nagdulot ng interes sa akin na marinig pa ang iba niyang sasabihin.
"Akala ko ba bestfriend kayo? Pero pati pala ikaw itinutulak niya palayo? Bakit?"
Ano ba talagang issue sa buhay ni Jix? Bakit ganoon na lang siya sa mga taong nagmamalasakit sa kaniya.
Napatingin siya sa kawalan.
"Kase ayaw kitang madamay sa mga panghuhusga at paninira na dinadanas ko. That was exactly what he told me. And who knows? Maybe he was just trying to protect you." paliwanag niya pa at saka ngumiti ng mapait.
"Bakit mo ba sinasabi sa 'kin ang lahat ng 'to?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka humarap sakin. "I don't know. Basta feeling ko lang, kailangan mong malaman 'to." sabi niya, "Oh siya, maiwan na kita,"
Di ko mapigilang mapasapo sa ulo ko. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Kung kailan gusto ko ng mawalan ng pakiaalam kay Jix may bigla namang darating at tila kinokonsensya pa ako. He's trying to protect me? Tsk bullshit. Sarili niya nga di niya magawang maprotektahan at maipagtanggol e. Pero sige, dahil mukhang itong tadhana ay binibiro ako. Gagawin ko ang dapat, lilinisin ko ang pangalan mo Montereal at pagkatapos nun, wala na akong utang na loob sa 'yo. Tama, yun nga ang gagawin ko.
Tumayo na ako at naglakad kahit wala akong eksaktong destinasyon. Inobserbahan ko ang bawat estudyanteng nadadaanan ko, ang mga bulungan at mapanghusga nilang mata. Paano bang masanay sa ganito?
"Hey, beauty queen sabihin mo na kasi ang totoo!" sigaw sakin ng isang lalaki
"Yeah, spill the tea girl." sabi pa nung isa sa mga babae
"Oo nga, don't let sir Larcon suffer." sabi pa nila
Sasagutin ko na sana ang mga chismoso at chismosang iyon kung di ko lang natanaw si Jix na naglalakad sa kabilang building. Sinundan ko ito hanggang sa huminto siya sa isang pinto, ang music room. Ano idadaan niya na naman sa pagkanta?
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto pero wala akong naririnig na kahit na anong tunog mula sa loob. Kaya naman minabuti ko ng pihitin ng dahan dahan ang door knob, sa maliit na siwang ay natatanaw ko ang nakatalikod na si Jix. Maya maya ay may kinuha ito sa bulsa niya, cellphone pala.
"Hindi parin nila alam kung sino."
"Its okay Mom, sanay na ako..yeah.. Just make sure, Max will not know about it.. Okay..."
Di ko mapigilang makaramdam ng awa kay Jix, lalo pa kung gaano niya gustong maprotektahan ang mararamdaman ng kapatid niya. Hindi naman pala siya selfish gaya ng iniisip ko.
Napabuntong hininga na lang ako at saka ko isinara ang pinto. Bumalik na ako sa classroom at sakto namang nandoon na si Ms. Ledesma, mabuti na lang din at maiiwasan ko ang mga pagtatanong ng mga kaibigan ko.
Pero akala ko lang pala iyon dahil pagdating ng uwian ay naligo parin ako ng mga tanong sa kanila.
"Ayos ka lang ba? San ka nanggaling kanina?" tanong ni Ranz
"Sa field lang, diba sabi ko gusto ko lang marefresh ang utak ko." sagot ko, "At saka umuwi na kayo, wag n'yo naman ako ituring na bata. Alam ko concern lang kayo sa 'kin, and thank you for that. Pero hindi n'yo naman kailangan na bantayan ako, naiistress lang ako lalo e." dagdag ko pa at siniguradong pabiro ang dating ng huli kong sinabi.
"Sige ha. Basta mag iingat ka." tugon ni Hyun at nagpaalam na ito
Nagpaalam na rin sina Rye at Miel, habang ang tatlo naman ay naiwan pa.
"Oh andyan na yung sundo mo Kila." sabi ni Kurt
Nagpaalam na ako sa kanila at saka sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay bigla na lang nagvibrate ang cellphone sa bulsa ko. Dagli kong sinagot ang tawag nung makita kung sino iyon. Si Mich.
"Hello Kila nakauwi kana ba?"
"Pauwi na, bakit?"
"Alam na namin kung sino ang nagpost."
Pagkasabi niya nun ay agad kong inutusan si Mang Toni na bumalik sa AMU.
"Hintayin n'yo ako diyan." bilin ko kay Mich
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong sinalubong nina Mich.
"Sino?" tanong ko agad
Nagtinginan muna sila bago sumagot. "Si Thyra Jane Sebastian, siya yung pinagsuspitsyahan namin dahil minsan niya na ring ginawa ito nung magkaroon ng school incident noon."
"Ibig sabihin hindi pa sigurado?" kunot noong tanong ko
"Na-confirm ko ang hinala ni Mich. Kaklase ko si Thyra, at sinubukan kong manghiram ng phone sa kaniya. Agad kong tiningnan ang f*******: app niya, at dun ko nakita ang account niyang 'Amber Hatchell'." paliwanag ni Trisha
Ang babaeng vlogger na iyon pala. Kulang pa ba ang atensiyon na nakukuha niya?
"Where is she?"
"Nandoon siya sa field kasa–"
Hindi ko na hinintay matapos magsalita si Trisha at nagmadali na akong magtungo sa kinaroroonan ni Thyra.
Pagdating sa field ay agad kong nakita si Thyra na naglalaro ng volleyball.
"Amber Hatchell!"
Napalingon naman ito. Huli ka!
"At kailan pa naging Amber Hatchell ang pangalan mo?" nagcross arms pa ako
Mukhang noon niya pa lang narealize ang kamalian niya.
"A-Ano bang sinasabi mo?" kunwari ay naguguluhan pa ito
Napa-smirk pa ako. "Oh c'mon wag ka ng mag maang maangan. Dahil alam ko ng ikaw ang nagpost ng paninira kay Jix, sakin, at sa AMU."
Kitang kita ko kung paano magpalipat lipat ang tingin ng kaniyang mata. Halatang kinakabahan ito.
"Kayo?! Alam n'yo ba ang tungkol dito? Alam n'yo bang siya si Amber Hatchell?!" baling ko sa mga kaibigan niya
Agad naman silang nagsiiling kaya muli kong hinarap si Thyra. "Ano wala kang aaminin?!"
"Anong aaminin ko? At puwede ba wag kang magbintang kung wala kang ebidensya." nakayukong sagot niya at akmang aalis
Mabilis kong nahawakan ang braso niya at pwersahang ibinalik sa kaniyang pwesto. "Look who's saying. Eh ikaw ano rin bang ebidensya mo sa mga pinagsasabi mo sa post mo? Nandun ka ba? Nakita mo ba ang nangyari? Did you photograph it? May video ka?!" Dinuro duro ko pa siya sa balikat habang sinasabi ko iyon.
"So what kung ako nga ang nagpost nun?!" sigaw niya na ikinabigla ko, "Eh ano naman? Purely what if's lang naman yun. In the end, ang makababasa parin ang magdedesisyon sa kung ano ang paniniwalaan nila." dagdag pa niya habang patuloy sa pagtaas baba ang kaniyang balikat
Di ko mapigilang mapa-tiim bagang dahil sa mga naging tugon nito.
"Cut the bullshit Thyra Jane. Kung para sa 'yo, simpleng speculation lang yun, sana naisip mo rin kung anong epekto nun lalo na kay Jix. Nakita mo na ba kung paano siya pagbulungan at tingnan ng mga mapanghusgang mata dahil diyan sa bullshit na what if's mo?!" hindi ko na mapigilang ilabas ang inis na nararamdaman ko
Akala ko ay matatauhan na ito dahil sa mga sinabi ko. Pero sa halip ay binigyan pa ako nito ng isang mapang asar na ngiti. Hindi ko mapigilang mapakuyom ng kamao.
"Bakit ba sobrang concern mo kay Jix? Magkano ba ang binayad nila sa 'yo para manahimik?" sarkastikong sabi niya
Parang umakyat ang dugo sa ulo ko. Mukha ba akong bayaran?
Mabilis ding nawala ang ngiti niyang iyon at napalitan ng pagkabigla habang hawak hawak ang kaniyang pisngi.
"What the f**k?! Why did you slapped me?!"
Nag smirk pa ako sa kaniya. "Sinampal kita? Bakit may ebidensya ka? Did you photograph it? May video ka?" tanong ko at saka ako bahagyang tumawa, "Kayo may video ba kayo na sinampal ko siya?" baling ko sa mga nakaumpok na kaibigan niya
Mukhang shock din sila sa nangyari at di na nagawang sumagot.
"Irereklamo kita sa principal!" singhal ni Thyra habang nakahawak padin sa kaniyang pisngi
"Mabuti naman at di na pala kita kailangang kaladkarin patungo roon. Teka may kailangan lang pala ako.."
Agad akong lumapit sa mga kaibigan nito sa likod. "Ibigay n'yo sa 'kin ang cellphone ni Thyra. Kung ayaw n'yong madamay dito!"
May isa namang agad na nag abot sa 'kin ng fone. Agad kong binuksan ang f*******: app at tama nga si Trisha, nandoon ang pangalang 'Amber Hatchell'.
"Ano tatayo ka na lang diyan? Tara na sa principal. Eto oh may ebidensya na ako."
Mukhang napalakas yata ang sampal ko at naalog ang utak niya dahil nakatayo lang ito doon na parang maiiyak.
"Ano?!" sigaw ko pa
"I- Im sorry.. I'm sorry.. Please wag na natin itong paabutin sa principal. Ayokong ma-kick out." umiiyak na ito
Hindi ko naman mapigilang mapatawa rito. "The damage has been done Thyra Jane. Takot ka pa lang makick out, edi sana yan yung naisip mo bago ka nagpost. Aware ka naman na may ari ng university ang sisiraan mo, tinuloy mo parin. Sa tingin mo may halaga ang sorry mo? Kaya halika na, bago pa kita kaladkarin papunta sa principals office." mahabang litanya ko pero mukhang hindi ito papatinag
Nanatili ito sa kinaroroonan niya habang tuloy parin sa pag iyak. She's so annoying kanina lang ang tapang pa niya. Nilapitan ko na ito at hinawakan sa braso, pero talagang nagmamatigas siya.
"Bullshit! Gagawa gawa ka ng kalokohan pero di mo kayang harapin ang consequences!"
Ayaw niya talagang magpahila sa 'kin at napasalampak pa siya sa field. Napa-buntong hininga na lang ako. Pinupuno talaga ako ng babae na 'to.
"Tayo na riyan. Hindi mo ako madadaan sa pag iyak mo." sabi ko pa dito pero parang hindi niya ako naririnig
"Stop it Akila!"
Mabilis akong napalingon sa nagsalita mula sa likuran. Napaawang naman ang bibig ko nung makita kung sino iyon. And did he just call me by my name?
"What do you think you're doing, huh?" tanong pa ni nito pagkalapit sa 'kin
"Edi ginagawa ang bagay na dapat ikaw ang gumagawa. Yang babaeng yan ang nagpost ng paninira sa 'yo, ito ang ebidensya oh." sagot ko at iwinagayway sa mukha n iya ang cellphone ni Thyra
Binalingan naman niya ng tingin ang nakaupong si Thyra tapos ay muling binalik sa 'kin ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ay walang sabi sabi itong hinila ako palayo doon.
"Hoy! Ano ba? Bat mo ba ako hinihila ha? Si Thyra dapat ang kaladkarin mo!" sigaw ko habang nagpupumiglas, ngunit masyadong mahigpit ang hawak nito, "Bibitawan mo 'ko o sisipain ko yang itlog mo?!"
Napahinto naman siya saka padabog akong binitawan.
"Ano bang problema mo?! Ako na naman ang masama? Ako na naman ang mali?" sunod sunod na tanong ko
Tinitigan niya ako gamit ang nakakabwisit niyang mukha na walang emosyon. "Give it to me." sabi niya at binalingan ang cellphone na hawak ko
Sa halip na ibigay ay inilagay ko pa yun sa bulsa ko.
Napa smirk naman ito sa ginawa ko.
"Bakit ba ang hilig mong mangialam? Sinabi ko na diba? It's none of your business. Pero umiral parin ang pagka-pakialamera mo."
Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. "Bakit ba palagi mo na lang akong tinataboy? Bakit ang sama sama ng tingin mo sa 'kin? Bakit gusto mong wag akong makialam? Eh sa lahat ng tao ako dapat ang mangialam diba? Dahil ako yung nandun, ako yung nakakaalam ng totoo. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana hindi mo na lang ako niligtas. Hinayaan mo na lang sana ako, edi sana hindi ka sinisiraan o hinuhusgahan diba? Pano mo naisip na kaya kong balewalain ang lahat ng ito, gayong alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka nasa ganiyang sitwasyon." humahangos na ako habang sinasabi ko iyon
Nararamdaman ko na ang pagbabadya ng mga luha ko. Sobra sobra akong naiinis, gusto ko lang naman makatulong pero bakit parang ako pa ang mali.
"Ano bang akala mo? Dahil niligtas kita puwede ka ng makisangkot sa buhay ko? Feeling mo dahil close ang parents natin at kaibigan mo si Max ay puwede mo na akong pakialaman. Masyado kang pabida at pasikat, feeling mo iba ka sa kanila dahil hindi ka takot sa 'kin? Stop the drama! Gusto mo lang yung atensyon at paghanga sa 'yo, kaya ka laging naiinvolve sa 'kin. Stay out of my life, hindi ko kailangan ng pekeng concern mo!"
Parang kutsilyo ang mga salitang binitawan ni Jix. Pakiramdam ko ay hinihiwa ang puso ko nung mga oras na yun. Bakit ganoon siya? Bakit ang sakit niyang magsalita. Gusto ko lang naman tumulong.
Napaiwas na ako ng tingin ayokong umiyak sa harap niya.
"Pasensiya na kung hindi ko kayang mawalan ng pakialam. Sorry ah, hindi kasi bato ang puso ko katulad nung sa 'yo." mahinang sabi ko at saka iniabot sa kaniya ang cellphone
Mabilis akong umalis sa harap nito dahil anumang oras ay babagsak na ang mga luha ko. Nasasaktan ako and at the same time naiinis ako sa sarili ko. Bakit ganun kasakit ang mga salita na galing sa kaniya? Iniisip niya na ginagawa ko 'to para sa atensyon at paghanga? Akala niya pagpapakitang tao lang ang concern ko sa kaniya. Tunay ngang bato na ang puso niya. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Huli na 'to. Tutal nakabawi naman na ako sa pagligtas niya sa 'kin, kaya wala na akong utang na loob sa kaniya. Wala na akong pakialam. Ayoko ng makialam.