Chapter 17

5764 Words
Jix's Past Jix Mapait akong napangiti pagkatapos kong basahin ang viral post ng isang 'Amber Hatchell'. Pangatlong beses ko na iyong binabasa sa maghapon. Kung iisipin ay may punto naman siya, mahirap naman talagang paniwalaan na nagawang manakit ng isang prof na malinis ang record kung ikukumpara sa akin. Sino ba naman ako? Ang tigapagmana ng University na nagtangkang manggahasa at manakit ng kaniyang girlfriend months ago. Paniguradong ako na naman ang magiging laman ng mga bulong bulungan at muling makatatanggap ng mga tingin na may panghuhusga. Sabagay hindi naman nawala yun e, dapat nga sanay na ako. Sana nasanay na ako. Napabuntong hininga na lang ako, at saka ko muling naalala kung paano kami nagsimula ni Elise. At kung paano kami umabot sa punto na naging dahilan ng pagkasira ng imahe ko. Na ngayon ay tila muling nauulit. Maybe, history really repeats itself. "Hoy, ano ba sinisilip mo riyan?" sigaw sa 'kin ni Nicolai ng mapansing may sinisilip ako sa kabilang bakuran "Wala." Nandito ako sa bahay nila, para maglaro ng basketball. Simula pagkabata ay nakagawian na namin ang paglalaro ng basketball pagkatapos ng klase, kung minsan siya ang pumupunta sa amin pero mas madalas ay sa bahay nila kami naglalaro. "Ahhhh. Mukhang alam ko na kung ano ang sinisilip mo. Or should I say, sino." Ngumiti pa siya ng makahulugan. "Ssshhhh" senyas ko kay Nico Lumapit ako sa bakod upang muling sumilip. And there I saw this girl, nagsasampay siya ng mga damit habang kumakanta ng Can't help falling inlove. "Take my hand, take my whole life too for I can't help falling inlove with you" Akala ko mukha lang niya ang mala-anghel ganoon din pala ang boses niya. Di ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. "You can't help falling inlove Jix Matthew?" pang iistorbo sa 'kin ni Nico Tiningnan ko ito ng masama at sa pagharap ko ay naglalakad na ang babae papasok sa kanilang bahay. "Sino yun?" "E? Ella? Hindi e. Ano nga yun? E-Elise! Tama yun nga pangalan niya. Bagong lipat lang sila diyan. Bakit type mo?" panunukso pa nito "Humahanga lang ako sa boses bawal ba?" Naupo na ako at uminom ng orange juice. "Sus! Akalain mo yun? Sa dami ng nagkakagusto sa 'yong mga babae sa AMU, sa isang simpleng babae ka lang pala tatamaan." Akma ko naman siyang sasabuyan ng juice, kaya umiwas ito at tinawanan ako. "Lintik na pag ibig parang kidlat." kumakanta pa siya habang patuloy sa pagtawa "Ewan ko sayo. Sige na uuwi na ako. Wag kana magsalita!" Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa aking kotse, habang tuloy parin ito sa pagkanta at pang aasar. "Bye lover boy." sigaw pa nito pero di ko na pinatulan pa Siguradong mas hindi niya ako titigilan pag pumatol pa ako. Nang makarating ako sa bahay ay di parin mawaglit sa isip ko ang mukha at boses ni Elise. Nangingiti pa ako habang inaalala ang kaniyang boses. Nabalik lang ako sa realidad noong pagbukas ko ng pinto ay narinig ko ang sigawan nina mom and dad, ilang araw ko ng napapansin na matabang ang pakikitungo nila sa isa't isa. Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinakikinggan ang sigawan nila, maya maya pa ay natanaw kong pababa ng hagdan si mommy bitbit ang isang maleta. "Mom, where are you going?" I asked She's crying. Nakita ko ring lumabas sa kwarto nila si daddy. "I'll call you later son. Alagaan mo si Max." hinawakan pa nito ang kamay ko at saka nagpatuloy sa pag alis "Mom! Mom!" Hindi niya ako nilingon. "Son, hayaan mo na muna ang mommy mo. She just needs some space to think." sabi sa 'kin ni dad at tinapik ang balikat ko Naiwan akong nakatulala doon, ni hindi ko maintindihan ang nangyayari. Noong makabawi ay pinili ko ng umakyat sa kwarto ko, iniisip padin kung ano na nga bang nangyayari sa pamilya namin. Maya maya din ay nakita kong tumatawag si mommy, I immediately answer her call. "Mom, what's going on? Where are you?" "Matt, uuwi na muna akong Bulacan. I just need some space para makapag isip ng maayos. Don't worry babalik din si mommy, okay? Ikaw na muna ang bahalang mag explain sa kapatid mo ha?" halata sa boses nito na kagagaling lang niya sa pag iyak Ano ba talagang problema? "Ano po bang nangyayari?" "Son, ipaubaya mo na sa amin 'to ng daddy mo. Kami na ang bahalang umayos ng problema namin. You don't need to worry, babalik si mom. Hmm?" "Okay, mom. Mag iingat po kayo at aalagaan ko po si Max." Iyon na lang ang sinabi ko kahit ang totoo ay gustong gusto kong malaman kung ano na nga bang nangyayari. Lalo't hindi naman na ako bata, para umunawa at maghandle ng sitwasyon. But then, hinayaan ko na lang si mom dahil kung may nahihirapan man dito, siguradong siya yun. It's been a week since mom left, araw araw siyang tumatawag sa 'kin para mangamusta. Si Max araw araw din niyang hinahanap sakin si mom, sinasabi ko na lang na may work ito sa malayo. "Iniisip mo na naman ang mommy mo?" Napatingin lang ako kay Nico na walang expression. "Pag sinabing maaayos nila, ibig sabihin maaayos nila. Kaya wag ka ng masyadong mag isip diyan. Halika nga para man lang mabawasan ang stress mo." dagdag pa nito at hinila ako sa braso Hindi ko alam kung anong plano niya pero wala ako sa mood para umalma, kaya nagpatianod na lang din ako. Noong makalabas sa gate nila ay dumiretso kami sa gate ng kabilang bahay. "Hoy! Anong gagawin natin dito?" Inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Basta. Stay put ka lang diyan." sabi pa nito at saka kumatok sa gate,"Tao po! Tao po!" Ngingiti ngiti pa ito sakin habang nakasalubong naman ang kilay ko sa pinaplanong kalokohan nito. "Sandali lang." Narinig ko ang mala-anghel na boses mula sa loob. Kaya naman bigla na lang kumabog ang dibdib ko, nakabibingi at tila mas malakas pa sa pagkatok ni Nico. Maya maya pa ay dahan dahang nagbukas ang tarangkahan, at parang bumagal ang paligid ko noong makita ko siya sa malapitan. Mukhang anghel. "Ano iyon?" mahinhin na pagkakasabi nito "Ahh Elise tama? Ako nga pala si Nico, kung di mo ako kilala. Diyan lang ako sa malaking bahay." pagpapakilala ni Nicolai dito at tinuro pa ang bahay nila "Ahhh ganun ba? Sa mukha lang kasi kita kilala. May kailangan ba kayo?" medyo nahihiya pa siya, na mas lalong nagpaganda sa kaniya "Ito kasing kaibigan kong si Jix, nauuhaw na daw kaso walang tubig sa bahay. Baka pwede siyang makiinom." Napalingon ako kay Nico, at tiningnan ko siya ng may pagtataka. "H-Ha?" mukhang naguguluhan din si Elise "Ah basta, walang tubig sa bahay kaya bilang isang mabuting kapitbahay painumin mo naman siya. Sige ah, iwan ko na kayo." sabi pa nito at mabilis na naglakad palayo Sinundan ko ito ng tingin at napakalapad ng ngiti nito sa 'kin. Akala niya yata napaka-ganda ng diskarte niya. Nahihiya akong humarap kay Elise. "Pasensiya na, di ko rin alam pinagsasabi nun. Alis na lang din ako." Nginitian ako nito ng isang napakatamis na ngiti. "Pumasok ka muna, bibigyan kita ng juice dahil mabuti akong kapitbahay." natatawang sabi nito at nilakihan ang bukas ng tarangkahan Napakamot ulo na lang ako habang nahihiyang pumasok. Haynako Nicolai! Pinaupo niya ako sa isang coffe table sa kanilang bakuran at iniwan niya ako dun para kumuha ng juice. Natanaw ko namang sumilip si Nico at nag thumbs up pa. Pagkabalik ni Elise ay bitbit na nito ang pitchel ng orange juice. "Thank you." nahihiya parin na sabi ko, "Jix Matthew nga pala." Inilahad ang kamay ko para sa pormal na pagpapakilala. "Elise." maikling tugon niya at tinanggap ang kamay ko Bhagya pa itong natawa noong mahawakan ang aking kamay. Mukhang naramdaman niya ang panlalamig ng kamay ko. Damn! Nakakahiya. "Mahilig ka sa music?" tanong ko Kumislap ang mg mata niya. "Oo. Ikaw?" "Mahilig akong kumanta at mag gitara." Napa-awang pa ang kaniyang bibig. "Talaga?! Sandali ah may kukunin lang ako" Excited na sabi nito at tumayo saka pumasok sa loob ng kanilang bahay. Pagkalabas nito ay may bitbit na siyang gitara. Mukhang magkakasundo kami. "Gusto ko rin mag gitara pero mukhang ayaw ng gitara sa 'kin" nagpout pa siya Napalunok naman ako, tama na please. Yung puso ko. Damn it, Jix! "Gusto mo ako mag gigitara tapos ikaw kakanta?" Lumawak ang kaniyang ngiti. "Sige ba. Teka, ano pala kakantahin natin?" "Yung can't help falling inlove na lang yung lagi mong kinakanta." Agad namang nanlaki ang mga mata niya. Ops! Wrong move ako don. "Teka, matagal mo na ba akong pinagmamasdan?" naningkit pa ang mga mata nito "Ha-ah h-hindi ah. Naririnig lang kasi kitang kumakanta tuwing nagbabasketball kami ni Nico" Tinawanan pa ako nito dahil sa naging reaksyon ko. "Ganoon? So maganda ba ang boses ko?" nagpapa-cute pa ito kaya naman napangiti ako "Oo. Kasing ganda mo." Pareho kaming nagulat dahil sa nasabi ko. Nakita kong namula ang pisngi nito at dali naman siyang nag iwas ng tingin. "Kumanta na tayo." aniya Inumpisahan ko nang hagudin ang guitar strings, at nag umpisa na rin siyang kumanta. "Wise men say only fools rush in But I can't help falling inlove with you" Pag uumpisa niya, wala sa 'kin ang tingin nito kaya naman malaya kong napagmamasdan ang mala-anghel niyang mukha. "Shall I stay would it be a sin? If I can't help falling inlove with you" From this moment, alam ko na. Itong babaeng nasa tabi ko, I like her. Hindi ko alam kung paano o bakit, basta ang malinaw gusto ko siya. Gusto ko si Elise. "Like a river flows Surely to the sea Darling so it goes Something are meant to be" Damang dama niya ang pagkanta. Para siyang anghel na nakalutang sa ulap habang umaawit. Exaggerated mang pakinggan pero iyon ang nakikita ko. "Take my hand" Humarap ito sakin kaya naman napalunok ako "Take my whole life too For I can't help falling inlove with you" Nanlambot ang mga kamay ko noong sambitin niya ang linyang iyon habang nakatitig sa 'kin, kaya naman nawala sa wisyo ko ang paghagod sa guitar chords. Humagikhik ito noong marinig ang nagagawa kong musika sa parang ewan na paghagod ko rito. Ipinikit ko ang mata ko at pilit binawi ang katinuan, nakahawak siya sa bibig niya at mukhang nagpipigil ng tawa. Nakitawa na lang din ako upang maitago ang hiyang nararamdaman ko, ngunit mukhang hindi epektibo yun dahil mas lalo kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko habang minamasdan ang mahinhin niyang pagtawa. Ganito pala ang pakiramdam ng mainlove. Napaka- wholesome! Yung araw na yun ang isa sa pinaka-magandang nangyari sa buhay ko. Ang araw na naging malapit kami ni Elise. Nagtuloy tuloy ang aming pagka-kaibigan, kahit alam na niyang higit pa sa kaibigan ang intensyon ko ay mabuti raw na maging magkaibigan muna kami. Simula nung araw na yun, mas lalo akong naging inspired sa lahat ng ginagawa ko, basketball, acads and music. Nabawasan din pag iisip ko sa problema sa bahay dahil sa mga positibong advice na binibigay niya sa 'kin. "Jix, magready kana papunta na raw sila." sabi ni Nico Nandito kami sa tapat ng eskwelahan ni Elise, dahil may inihanda akong surpresa para sa 19'th birthday niya. Bitbit ko ang gitara ko, habang sina Nico at ang buong varsity team ay bitbit ang poster na may nakasulat na "will you be my girlfriend". Maya maya pa ay nakita ko na ang paparating na si Elise, naka-blind fold pa ito. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, at saka ko hinintay na makaupo si Elise. Pagkatanggal ng blindfold ay kitang kita ko ang gulat at hiya sa mga mata nito, ngunit agad din iyong napalitan ng ngiti noong makita niya ako. Humakbang ako palapit dito, dahilan upang magtilian ang mga nakikinuod doon. "Happy birthday" sabi ko rito Inumpisahan ko ng hagudin ang gitara ko sa saliw ng kantang Ikaw ang Aking Mahal. "Itanong mo sa akin Kung sinong aking mahal Itanong mo sa akin Sagot ko'y di magtatagal" Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko pero hindi ako puwedeng magkamali. Hindi puwede ngayon. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa namumulang mukha ni Elise, upang mawala ang kaba ko. "Ikaw lang aking mahal Ang pag ibig mo'y aking kailangan Pag-ibig na walang hangganan Ang aking tunay na nararamdaman" Pagkatapos ng linyang ito ay pumasok na ang ilan sa ka-kunsyaba ko bitbit ang tig iisang rose at ibinigay kay Elise, labingsiyam na pulang rosas iyon para sa kanyang 19'th birthday. "Isa lang ang damdamin Ikaw ang aking mahal Maniwala ka sana Sa akin ay walang iba" Sumisinghot na ito dahil sa pagpigil sa pagtulo ng kaniyang mga luha. Gusto kong punasan ang mga mata niya pero hindi pa ako tapos. "Ikaw lang ang aking mahal Ang pag ibig mo'y aking kailangan Pag-ibig na walang hangganan Ang aking tunay na nararamdaman" Itinaas na ng varsity team ko ang poster na may nakasulat na "will you be my girlfriend". Napahawak sa bibig niya si Elise at napatingin sa 'kin. "Ang nais ko sana'y inyong malaman Sa hilaga o sa timog o kanluran At kahit san pa man Ang laging isisigaw" Humakbang ako palapit sa kaniya. "Ikaw ang aking mahal ahh Ikaw ang aking mahal ahh ahh" Binitawan ko na nag gitara ko dali namang tumayo si Elise at yumakap sakin habang umiiyak. "Thank you. Thank you." paulit ulit na sabi nito Noong magkalas kami sa pagkakayakap ay hinahawakan ko ang kamay nito, habang ang isa kong kamay ay pinupunasan ang mga luha niya. "Happy birthday. Hindi ko alam kung masaya ka, umiiyak ka kase e." pabirong sabi ko Kinurot naman ako nito ng marahan. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinitigan sa kaniyang mga mata. "Will you be my mine?" Napakagat labi naman ito. Kunwari ay nag isip pa ito, kaya naman kinabahan ako. Natawa pa ito noong makitang kinakabahan ako, ngumiti ito at saka tumango tango. "Yes. Yes, I'm all yours." Napasigaw pa ako dahil sa tuwa. Yes! Nagpalakpakan din at nag ayiee ang mga nakikinuod doon. Niyakap ko nang mahigpit si Elise at saka hinalikan sa noo. Pagkatapos ay nagpasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin para sa surpresang iyon. After 2 months of being friends, sawakas matatawag ko na siyang akin. Girlfriend ko na ang unang babaeng minahal ko. Masasabi kong hindi perpekto ang relasyon namin, may mga tampuhan pero sa kabila nun ay agad naman din naman naming naaayos yun. Mas lalo ko pang nakilala si Elise, napaka-simple niyang babae. Ilan sa mga hilig niya ay ang pagkanta, pagme-make up, at pagda-drawing. Ayaw niya ng mga outdoor sports dahil ayaw niya raw ng pinagpapawisan, isa pa yun sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Ang pagiging maalaga sa sarili. Kasama ko siya sa lahat ng down moments ko dahil sa problema sa pamilya namin. Hindi niya ko iniwan, sa kaniya ako humuhugot ng lakas. Masasabi kong binigyan niya ng kulay ang nagdidilim kong mundo, kaya naman noong nagkaayos na sina mom at dad ay wala na akong sinayang na oras upang maipakilala siya. Kagaya ng ipinangako ko kay Elise ay malugod siyang tinanggap nina mom and dad. Maliban lang talaga kay Max, hindi ko alam kung bakit ayaw niya kay Elise. Sinubukan ko naman siyang tanungin, pero hindi niya sinasabi ang dahilan. Ang paliwanag nina mommy ay baka daw nagseselos lang ito kay Elise, dahil magkakaroon na siya ng kahati sa atensyon ko. Pero kahit na ganoon ay hindi naman iyon nakaapekto sa relasyon namin. Naging maayos ang takbo ng relasyon namin, at sa buwan ng Abril ay doon pala magaganap ang pangyayaring hindi ko inaasahan. It was our 2nd monthsary, ang usapan ay pagkatapos ng klase namin ay magpupunta kami sa isang arcade, magsisine at siyempre kakain sa labas. Pakiramdam ko ay napakahaba ng araw na yun, atat na akong mag uwian upang makasama ko na si Elise. Masyado nga siguro akong inlove gaya ng sabi ni Nico, dahil kahit limang buwan na kami ni Elise ay lagi parin akong excited na makita at makasama siya. Pagkaalis na pagkaalis ng huling teacher namin sa araw na yun ay excited na akong lumabas ng classroom. Miss na miss ko na agad si Elise kahit maghapon pa lang kaming hindi nagkikita at nag uusap, ganon kasi ang lagi naming ginagagawa pag monthsary namin. Hindi kami nag uusap o nagkikita, ng isang buong araw para mamiss namin ang isa't isa. Korni mang pakinggan pero sobrang effective nun. Patakbo akong nagtungo sa parking area para kunin ang kotse ko, tapos ay agad na nagmaniobra papunta sa eskwelahan ni Elise. Hindi naman iyon kalayuan kaya saglit lang ay naroon na ako. Ipinarada ko sa tabi ang sasakyan ko at matamang naghintay kay Elise, ngunit lumipas na yata ang sampung minuto ay wala pang Elise na lumalabas mula sa gate. Kanina ko pa nakitang naglabasan ang mga kaklase niya ah. Nung may makita akong isang kaklase ni Elise ay di na ako nagdalawang isip na lapitan ito. "Uhm excuse me? Umuwi na ba si Elise?" "Hindi pumasok si Elise ngayon." Bigla akong tinamaan ng kaba. Bakit naman hindi siya nagsabi na hindi siya papasok? Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Elise, ngunit panay lang ang ring nito. Tinawagan ko rin ang mama niya, at doon ako mas kinabahan dahil ang sabi nito ay pumasok daw si Elise. Natataranta na ako, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Elise. Naisipan ko ring tawagan ang kaibigan niya, ngunit maging ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Makailang ulit ko pang tinawagan si Elise ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Madilim na ang paligid ngunit wala parin akong ideya sa kinaroroonan ni Elise, maging ang mama niya ay labis na din ang pag aalala. Nagtungo na rin kami sa police station, ngunit ang tugo nila ay di pa daw puwedeng sabihin na nawawala ito hanggat wala pang bente kwatro oras. Damn it! Tinungo ko rin ang mga lugar na pinupuntahan namin, sa mall, sa restaurant, maging sa arcade ngunit nanatili akong bigo. Maging sina mom and dad ay hiningan ko na din ng tulong para mahanap si Elise. "Son, umuwi kana nag aalala na kami ng daddy mo sa 'yo." Alas onse na ng gabi pero wala parin akong balita kung nasaan si Elise. "Mom, hindi ko po pwedeng iwan mag isa rito si tita Sally. Wag na po kayong mag alala sa 'kin." tugon ko at narinig ko kaniyang pagbuntong hininga "Hijo subukan mo nga ulit na tawagan." sabi sakin ni tita Sally Sinunod ko naman ang sinabi niya ngunit tulad kanina ay ayaw paring sagutin ni Elise ang tawag ko. Para na kaming nasisiraan ng bait dito, ni hindi namin alintana ang gutom o ang oras ng pagtulog. Ngunit kung nag aalala ako ay mas doble ang pag aalala ni tita, kanina pa siya umiiyak. Kaya kailangan kong maging matatag, gaya ng mga ginagawa sakin ni Elise. Nasaan kana nga ba? "Hijo ang mabuti pa ay subukan nating pumikit kahit saglit. Nang sa ganun ay may lakas tayo kinabukasan para hanapin si Elise." suhestiyon ni tita, na bakas na ang antok sa mata Sumang ayon na lang ako kahit hindi ko alam kung patutulugin ba ako ng utak ko. Alas tres na ng madaling araw nung magpasya kaming mahiga, nasa sala lang ako at nasa tabi ko ang cellphone na naka-max volume ng ringtone, para kung sakaling tumawag si Elise ay magigising ako. Inilapat ko na ang likod ko sa sofa, at ramdam ko ang paghila ng antok sa akin... Napabalikwas ako sa pagkakahiga, pakiramdam ko ay 30 minutes pa lang akong naiidlip pero pagtingin ko sa relo ay alas sais na ng umaga. Pupuntahan ko sana sa kwarto niya si tita nung biglang tumunog ang cellphone ko. Walang pag aatubili kong sinagot iyon. "Hello nasan ka? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang malalim na paghinga mula sa kabilang linya, na agad nagdulot sa 'kin ng kaba. "J-Jix, t-tulungan moko." halos pabulong na sagot nito dahil sa paghahabol ng hininga "Nasan ka?" umiiyak na ako "S-Sa AMU." Mabilis akong nagtungo sa sasakyan ko at nagmaniobra patungo sa university. "Parating na ako. Hintayin mo ako Elise!" Tanging malalim na paghinga na lang ang naging tugon niya. Madali kong narating ang AMU dahil na rin sa bilis ng pagmamaneho ko. Agad akong bumaba at hinanap si Elise. Nasan ka ba? Hanggang sa may nakita akong babaeng nakahandusay sa gilid ng gate 3. Madali kong tinungo yun, at mas lalo akong napaluha sa nasaksihan ko. Si Elise gula gulanit ang uniform na kahapon niya pa suot, gulo ang buhok, may sugat ang labi at mayroong mga galos at pasa sa katawan. Agad ko siyang niyakap, di ako nakapag isip ng tama dahil sa nasilayan ko. Panay lang ang iyak ko habang yakap yakap si Elise. "J-Jix." mahinang sabi nito at pilit hinahawakan ang mukha ko Doon ako napabalik sa wisyo, dali dali ko siyang binuhat at isinakay sa kotse saka dinala sa pinakamalapit na hospital. Agad siyang dinala sa emergency room habang ako naman ay naiwan na umaasang magiging mabuti ang lagay niya. Tinawagan ko na rin si tita at maging kina mom and dad ay pinaalam ko ang nangyari. "Mam, Sir, ililipat na po namin sa kwarto niya ang pasyente. Maari n'yo na po siyang dalawin pagkalipat sa kaniya." sabi sa amin ng doctor Napayakap na lang sakin si tita. Salamat at ligtas na si Elise. Isang mahigpit na yakap ang salubong ko kay Elise. "I'm sorry, I'm sorry hindi kita naprotektahan." bulong ko habang hinahapalos ang kaniyang buhok "Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan." tugon niya at ngumiti Naging mabilis ang pagrecover ni Elise, kaya naman makalipas lang ang ang apat na araw ay na-discharged na siya. Nag offer sina mom na paimbestigahan ang nangyari ngunit tumanggi si Elise, natatakot daw siya dahil sabi umano ng mga dumukot sa kaniya ay babalikan siya kapag nagsumbong sa mga pulis. Hindi niya rin naikwento sakin ang buong nangyari, at wala naman akong balak pilitin siya na magkwento. Alam kong masakit na alalahin niya pa ang pangyayaring iyon. Sa tuluyang paggaling ni Elise akala ko ay magiging normal na ulit ang lahat, ngunit hindi. Napansin ko ang ilang pagbabago sa kaniya, ang tila pagkairita sa presensya ko. Palagi niya akong sinusungitan o sinisinghalan. At higit sa lahat ang hindi niya na pagbalik sa pag aaral. Tiniis ko yun, nanatili ako sa tabi niya dahil alam kong matindi ang pinagdaanan niya. Kala ko iyon na ang pinaka matinding pagdadaanan ko, ngunit muli. Mali ako. Isang araw may nagpadala ng mga litrato sa bahay, kuha iyon nung makita kong nakahandusay si Elise sa labas ng AMU. Kalakip ng mga larawan ay ang isang sulat. "Ang Montereal na tipagmana ng AMU ay binugbog at halos mapatay ang nobya dahil hindi umano nito ibinigay ang kanyang pagka-babae." -it can be a nice headline right? Saan kaya magandang ilagay? Sa tv o sa dyaryo. Pwede ring sa social media. Iyon ang nasa sulat pati na rin ang numero na dapat naming tawagan. "Piece of crap!" inis na singhal ni dad, "Sa tingin ba ng kung sinong gago na 'to ay masisindak niya ako gamit ang mga walang kwentang larawan na yan. Peperahan pa tayo e." "Jix, kausapin mo si Elise. Kailangan nating paimbestigahan ang nangyari, kailangan niyang sabihin ang buong kwento ng sa ganun ay malinis ang pangalan mo at hindi magamit ang mga pictures na yun laban sa 'yo." sabi naman ni mommy "Mom, Dad, kailangan po ba talaga? Alam n'yo naman pong hindi pa gaanong okay si Elise." Tumabang ang mukha nila. "Son, ito ang makabubuti para sa inyo." sagot ni mommy Wala na akong nagawa pa kundi ang sundin sila. Yun din naman talaga ang gusto ko, ang magkaroon ng imbestigasyon ng sa ganun ay mahuli na kung sino ang may gawa nun kay Elise, pero siyempre mas pinahahalagahan ko ang damdamin niya. Pagkatapos ng klase ay agad na akong nagtungo sa bahay nina Elise, gaya ng nakagawian ko mula ng gumaling ito. Bakit naka-lock ang gate? Umalis ba sila? Ni hindi man lang siya nagtext. "Tao po! Elise? Tita Sally?" Mukhang wala talagang tao sa loob. "Hoy Jix, aba nauna ka pa sakin ah. Dito ka na ba titira?" pabirong sabi ng kararating pa lang na si Nico "Umalis ba sina Elise? Bakit naka-lock?" diretsang tanong ko "Ewan. Kaninang umaga nandiyan pa sila. Teka, tatanong ko kay mommy." sabi nito at pumasok sa loob ng kanilang bahay Maya maya ay lumabas din ito kasunod si tita Julia. "Jix, hindi mo ba alam? Umalis na diyan ang girlfriend mo at nanay niya kaninang tanghali." "Po? Paanong umalis?" "Umalis. Lumipat ng titirhan. Nag moved out. Sinakay nga sa jeep yung lahat ng mga gamit nila diyan." paliwanag pa nito Pero bakit? Hindi ko maintindihan. "Ah ito nga pala, iniwan sa 'kin ni Elise, ibigay ko raw sa iyo." dagdag pa nito at iniabot sakin ang isang paper bag Dahan dahan kong inalam kung ano ang laman nun, nanginginig ang kamay kong dinukot ang nasa loob. Mga litrato namin na magkasama, simula nung niligawan ko siya. Ang kwintas na regalo ko nung 1st monthsary namin. Ang relo, na kapares ng suot ko. Bakit? Bakit nya ibinabalik ang lahat ng to? Ang pinakahuli kong nadampot ay ang isang sulat. Jix Pasensiya na kung hindi ko nagawang magpaalam. Alam ko naman kasing pipigilan mo ako. At pasensiya na din kung iiwanan na kita, pasensiya na dahil gusto ko munang pagalingin ang sarili ko sa dinanas kong sakit sa lugar na yan. Lalayo na muna ako upang makalimot. Salamat sa lahat at hanggang sa muli. Mahal kita Jix Matthew. Elise Nalaglag ako sa mga paa ko matapos kong basahin ang sulat na iyon. Sinubukan ko siyang kontakin ngunit cannot be reach na ang number niya. "Tita wala ho bang sinabi si Elise kung saan sila lilipat?" Umiling lang ito at malungkot akong tiningnan. Tumayo na ako at saka sumakay sa kotse habang hawak hawak parin ng mga kamay ko ang paper na naglalaman ng mga isinauling regalo ni Elise. "Jix, let me drive you home." ani Nico ngunit hindi ko siya pinakinggan at nagmaneho na ako pauwi Bakit ako iniwan ni Elise ng ganun ganon na lang? Alam kong nahihirapan siya pero ginagawa ko naman ang lahat para palakasin ang loob niya. Pero bakit ganito? Bagsak ang balikat at luhaan akong dumating sa bahay agad akong sinalubong ni mommy ng may pag aalala sa mukha. "Son, anong nangyari? Nakausap mo ba si Elise?" tanong niya at inilalayan ako sa pag upo sa couch. "Matt.." "Mom, wala na po si Elise. Iniwan niya na po ako." Agad nanlaki ang mga mata ni mama. "A-Anong iniwan?" "Umalis na po sila ng hindi nagpapaalam sa 'kin." paliwanag ko sabay inabot dito ang paper bag Tinanggap niya naman yun at agad na kinuha at binasa ang sulat na nandoon. "Pero bakit? At bakit ngayon pa? Kailangan natin siya." Agad akong napabaling dito. "Mom, iyon lang ba ang mahalaga sa inyo? Kailangan n'yo siya para malinis ang pangalan ko?! Sana man lang tinanong n'yo kung ano ang nararamdaman ko? Mommy, iniwan ako ni Elise at hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. Tapos kayo, iyan lang ang concern n'yo?" "I'm sorry Son." sabi pa nito at sinubukan akong hawakan ngunit umiwas ako Tiningnan ko siya ng may dissapointment sa mga mata at saka ako umakyat sa silid ko. Nang dahil nga sa biglaang pag alis nina Elise ay hindi napabuksan ang kaso. Araw araw ay may natatanggap kaming litrato at pagbabanta na ikakalat niya diumano ang p*******t ko kay Elise. It sounds bullshit pero kung wala si Elise para sabibin ang totoo ay madaling mapaniniwalaan yun ng mga makakakita nito. "Matt, hindi mo parin ba alam kung nasaan si Elise?" tanong ni daddy na sinagot ko ng pag iling Inis niyang ibinato ang sulat na natanggap namin nung araw. "Ito na ang huli nyong pagkakataon, bukas ay magiging laman na kayo ng usap usapan." Iyon ang nakasulat sa papel. Mag iisang linggo na din simula nung una itong magpadala ng pananakot. "Dad, bakit hindi na lang natin ireport ito sa pulis? May saksi naman na hindi ako ang may gawa, si Nico pwede siyang tumistigo na maayos pa kami ni Elise pagkatapos nung nangyari. Ang hospital, ang mga nurse at doctor na nag asikaso. Nakita nila kung paano ko inalagaan si Elise. Dad..." Mukhang hindi kumbinsido si daddy. "Jix Matthew, hindi sapat ang mga salita nila kumpara rito sa mga picture na nandirito. Masyadong risky ang naiisip mo, lalo na pag lumabas ito sa public. Hindi lang ikaw ang masisira kundi pati ang AMU. Tanging si Elise lang ang makakapaglinis ng pangalan mo. Si Elise that is nowhere to be found." sabi nito na may tono ng paninisi Parang iniisip niya na mali na tinulungan ko si Elise, o mali na pinapasok ko siya sa buhay ko. "So hon, what are you planning to do?" Napabuntong hininga si dad, sabay tingin sa amin. "We have no choice, kundi makipag cooperate sa kung sino man ang nagpapadala nito." tugon niya na agad nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa 'kin "Wala na po bang ibang paraan? Kasi kung gagawin n'yo yam para n'yo na ring pinaniwalaan na ginawa ko nga yun." "This is the only way to prevent you from shame and mess. Dapat mong maintindihan na kung minsan dinadaan sa maling paraan ang mg bagay para maayos ito. Isipin mo na lang na ganito din sa business world kung saan pera ang nagpapaikot sa lahat." sabi nito at tinapik ako sa balikat sabay dampot sa papel na naglalaman ng numero Agad naman akong niyakap ni mommy. "Magtiwala na lang tayo anak na magiging maayos na ang lahat." Kumalas ako sa mga bisig niya. Ganoon lang yun? Akala nila maaayos na 'to? Pano naman ang nararamdaman ko? Wala naman silang dapat pagtakpan o ikatakot, dahil wala naman akong ginagawang mali. Kaya kong harapin ito sa tamang paraan, kahit husgahan pa ako o pag usapan ng mga tao. Makakaya ko yun dahil sa huli ay malinis ang konsensya ko. Ngunit ang daanin sa ganitong paraan, parang sila na mismo ang humusga sa akin. Pinoprotektahan ako o pinoprotektahan ang negosyo nila? Dito nag umpisa ang sama ng loob ko sa parents ko. I don't know but I just feel betrayed, everytime na iisipin ko ang naging pasya nila. Hindi ko na inalam kung anong naging usapan nila nung nagpadala ng mga pictures, baka mas lalo lang akong masaktan. At isa pa may mas mahalaga akong dapat unahin, yun ay ang paghahanap kay Elise. Kailangan ko na siyang makita, at makasama. Mom and Dad assured me that everything will be fine. Na-settle na daw yung tungkol sa mga pictures, at wala na daw akong dapat ipag alala pa. Ngunit nagkamali sila. Isang araw pumasok ako sa AMU, at sinalubong ako ng mga bulungan at mga matang mapanghusga, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Mabuti na lamang at nakita ko si Nicolai na agad iniabot sa akin ang kanyang cellphone. Hey, Jix Matthew Montereal of AMU, may nakapagsabi sa amin tungkol sa ginawa mo sa girlfriend mo. I can't believe na pinagtangkaan mo siyang gahasain tapos ay binugbog mo nung hindi mo nakuha ang gusto mo. May nalalaman ka pang surprise, may pagkahalimaw ka pala. Kaya pala hindi na siya pumapasok at kalaunan ay nawala na parang bula. Wag n'yong pagtakpan ang katotohanan! Nagbayad pa talaga kayo para di maisapubliko ang nangyari. Well, you can't cover up the truth. Ilabas n'yo ang mga pictures pati na si Elise! Nabitawan ko ang cellphone ni Nico dahil sa hindi ko makontrol na panginginig ng kamay ko. Naka-post iyon sa freedom page ng La Cuervo State University na eskwelahana ni Elise. "Nico, hindi totoo yung mga bintang nila. Diba naniniwala ka sa 'kin?" Tumango naman siya. "Oo naman, dahil saksi ako sa kung ano ang totoo." Gusto kong sumigaw ng mga oras na yun para ipaalam na walang katotohanan ang mga iyon. Mabilis na umaksyon ang AMU, pinabura nila ang post na yun. Pero ano pa bang silbi nun, marami na ang nakabasa. Our university even posted an explanation na false accusation lang yun, but it doesn't change a thing. Dahil the more na nililinis nila ang pangalan ko, the more na pinagbubulungan at hinuhusgahan ako. At sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat, kung dati ay hindi maawat ang mga babae na lumapit at magpapansin sa akin, ngayon ay tila meron akong nakahahawang sakit kung iwasan nila. Maging ang varsity team ko ay nararamdaman kong nagbago ang pakikitungo sa akin. Tanging si Nico lang ang naniniwala sa akin, siya yung palaging nagpapaliwanag sa team na walang katotohanan yun ngunit wala, wala silang tiwala sa akin. Akala ko kaya kong harapin ang mga panghuhusga dahil malinis ang konsensya ko, pero paano ko iisipin na malinis nga ako kung mismong mga magulang ko ay naglabas ng malaking halaga upang mapagtakpan ang bagay na hindi ko naman ginawa. Maraming masasakit na salita ang natatanggap ko, mga mata na kung tingnan ako ay para ba akong nakapatay ng tao. Ang pag iwas nila sa 'kin, para akong pinapatay nun. Unti unti nitong dinudurog ang pagkatao ko. Maging si Nico ay nadadamay sa mga panghuhusga sa 'kin, kaya kahit masakit ay ipinagtabuyan ko siya. Ipinagtabuyan ko ang tanging kaibigan na naniniwala sa 'kin. Mom and Dad tried everything to protect me, pero huli na. The pandora's box is already opened. "Jix Matthew why don't you just move to states? Sumama ka na sa 'kin." sabi ni lolo nung umuwi ito sa Pilipinas "Ayoko. Ayokong umalis." pagmamatigas ko Ayokong umalis at maramdaman na tinatakbuhan ko ang lahat. At isa pa, hinihintay ko ang pagbabalik ni Elise. Lumipas ang mga araw, at naging buwan ngunit ang pakikitungo sa 'kin ng mga estudyante ay hindi nagbago. Pinangingilagan parin nila ako kaya naisip kong panindigan na lang iyon. Nasasanay na akong mag isa, at darating ang araw ay masasanay din ako sa mga mata nilang mapanghusga. Binura ko na ang dating Jix na hinangaan nila. Gagawin kong bato ang puso ko, at itatrato sila sa paraang gusto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD