Chapter 18

2299 Words
I was wrong 'History repeats itself' indeed. Bulong ko sa sarili ko matapos kong gunitain ang nangyari noon na tila ay nangyayari na naman ngayon. Napatingin ako sa kalawakan ng grass field at may nahagip ang mga mata ko. Yung pakialamera, nagmamadali ito sa paglalakad na akala mo ay may susugurin. Ngunit mukhang hindi naman ako ang pakay nito. Huminto siya tapat ng mga nagba-volleyball tapos ay nagcross arms, ano na namang gulo ang inuumpisahan niya. Sa loob pa talaga ng University? Base sa nakikita ko ay mayroon ngang diskusyon sa pagitan nung pakialamera at ng isa pang estudyante. Manghihimasok ba ako? Damn it! I have to, nasa loob ito ng AMU. Tumayo na ako ako at bahagyang lumapit upang marinig ko ang diskusyon, agad naman akong napansin nung ibang mga estudyante kaya nagsiksikan sila sa isang gilid. "So what kung ako nga ang nagpost nun?! Eh ano naman? Purely what if's lang naman yun. In the end, ang makababasa parin ang magdedesisyon sa kung ano ang paniniwalaan nila." sigaw nung isang babae Teka yung viral post ba ang tinutukoy niya? "Cut the bullshit Thyra Jane. Kung para sa 'yo, simpleng speculation lang yun, sana naisip mo rin kung anong epekto nun lalo na kay Jix. Nakita mo na ba kung paano sya pagbulungan at tingnan ng mga mapanghusgang mata dahil diyan sa bullshit na what if mo?!" Agad akong napatingin sa pakialamera. Ano bang sinasabi niya? Bakit kinokonsidera niya ang mararamdaman ko? "Bakit ba sobrang concern mo kay Jix? Magkano ba ang binayad nila sa 'yo para manahimik?" Parang may sumiklab na inis sa dibdib ko noong marinig ko ang sinabing iyon nung babae. Pero agad napalitan ng gulat ang inis ko ng bigyan siya ng sampal ni pakielamera. s**t! Ano bang ginagawa niya? Aawatin ko na sana sila pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang pagngisi nito na tila nang iinis pa. "Sinampal kita? Bakit may ebidensya ka? Did you photograph it? May video ka?" She's crazy. Pati ang mga kaibigan nung babae ay binalingan niya. Nilapitan niya ang mga nasa likod at kinuha ang cellphone nung babae. Napatago pa ako sa likod ng mahogany nung muli niyang harapin ang babae. Pinipilit niya itong magtungo sa office ng principal. Hanggang sa narinig ko ang pag iyak nito, napasilip na ako. Umiiyak na yung babae na mukhang ayaw talagang magtungo sa principal's office. "Bullshit! Gagawa gawa ka ng kalokohan pero di mo kayang harapin ang consequences!" Nagulat ako sa pagsigaw ni pakialamera rito. Bakit ba galit na galit siya? Napasalampak na lang yung babae habang tuloy parin sa pag iyak. "Tayo na riyan. Hindi mo ako madadaan sa pag iyak mo." Mukhang balak niya ng kaladkarin ang babae kaya nanghimasok na ako. "Stop it Akila!" sigaw ko na kumuha sa atensyon nila Damn it! Paano ko nabanggit ang pangalan niya? "What do you think you're doing,huh?" "Edi ginagawa ang bagay na dapat ikaw ang gumagawa. Yang babaeng yan ang nagpost ng paninira sayo, ito ang ebedinsya oh." sagot niya at ipinakita sakin ang cellphone Hindi na ako nag atubili na hilain siya palayo roon dahil hindi na tama ang ginagawa niya, lalo at dito pa sa loob ng University. "Ano bang problema mo?! Ako na naman ang masama? Ako na naman ang mali?" Sa halip na sagutin ko siya ay inilahad ko ang palad ko, hinihingi ko ang cellphone na kinuha niya. Ngunit imbes na ibigay sakin ay ibinulsa niya pa yun na nagbigay sa 'kin ng inis. "Bakit ba ang hilig mong mangialam? Sinabi ko na diba? It's none of your business. Pero umiral parin ang pagka-pakielamera mo." Tinitigan ako nito sa mga mata ko. Teka ano bang binabalak niyang gawin? Susuntukin niya kaya ako? "Bakit ba palagi mo na lang akong tinataboy? Bakit ang sama sama ng tingin mo sa 'kin? Bakit gusto mong wag akong makialam? Eh sa lahat ng tao ako dapat ang mangialam diba? Dahil ako yung nandun, ako yung nakakaalam ng totoo. Kung alam ko lang na mangyayari to sana hindi mo na lang ako niligtas. Hinayaan mo na lang sana ako, edi sana hindi ka sinisiraan o hinuhusgahan diba? Pano mo naisip na kaya kong baliwalain ang lahat ng ito, gayong alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka nasa ganiyang sitwasyon." Nakita ko ang mabilis na pagtaas at baba ng balikat inya. Bahagya rin nitong kinakagat ang ibabang labi niya, teka naiiyak ba siya. Bakit? Hiningi ko ba na gawin niya 'to? Na linisin niya ang pangalan ko. Hindi naman diba?! "Ano bang akala mo? Dahil niligtas kita pwede ka ng makisangkot sa buhay ko? Feeling mo dahil close ang parents natin at kaibigan mo si Max ay pwede mo na akong pakialaman. Masyado kang pabida at pasikat, feeling mo iba ka sa kanila dahil hindi ka takot sakin? Stop the drama! Gusto mo lang yung atensyon at paghanga sayo, kaya ka laging naiinvolve sakin. Stay out of my life, hindi ko kailangan ng pekeng concern mo." Hindi ko alam kung paano ko nahugot ang mga salitang iyon. Ayokong paniwalaan na totoo ang concern na pinapakita niya. Walang isang estudyante rito sa AMU ang iku-konsidera ang nararamdaman ko, dahil ako si Jix Matthew. Dapat nilalayuan ako, iniiwasan at hindi pinapakitaan ng concern. Yun ang dapat niyang gawin hindi ito. Hindi ang mag alala sa 'kin. Napaiwas siya ng tingin sa 'kin. "Pasensya na kung hindi ko kayang mawalan ng pakialam. Sorry ah, hindi kase bato ang puso ko katulad nung sa 'yo." mahinang sabi niya at ibinigay sa 'kin ang cellphone Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na siya nagawa pang lingunin. May kung anong epekto sa 'kin ang mga huling salita niyang binitawan. Bato ang puso ko? Bato ang puso ko? Paulit ulit yun sa isipan ko. Nagtagumpay na nga ba akong gawing bato ang puso ko? Hindi ba't iyon naman ang nararapat? Ang maging pusong bato ako, para hindi na ako masaktan sa mga panghuhusga. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko kung bato na ang puso ko? Bakit nakokonsensya at nasasaktan parin ako. Pinilit kong alisin sa isip ko ang sinabi nito at naglakad na patungo sa principal's office. Ibinigay ko roon ang cellphone at pangalan nung Thyra Jane. Bahala na sila sa kung ano ang ibibigay nilang punishment dito. Pagkatapos ko roon ay tumungo naman ako para sa last class ko, at agad dumiretso sa upuan ko sa harap kung saan wala akong katabi. Bakit naman kasi ako mauupo sa likod e di naman ako cast out. Sila ang cast out sa mundo ko. Shut it Jix! Pinilit kong makisabay sa klase pero parang naririnig ko pa rin ang mga sinabi ni pakielamera sa utak ko. C'mon Jix tama lang ang ginawa mo. Tama lang ang mga sinabi mo, iyon ang nararapat na mangyari. Pagkauwi ay agad akong sinalubong ni mommy. "Jix, mabuti naman at nahuli na ang nagpost ng paninira na yun. Paano mo pala nalaman na iyon ang may gawa?" Napasinghap ako sa tanong na iyon, dapat ko bang sabihin kay mommy? "Yung babaeng paki— anak ni tita Alexa ang gumawa ng paraan para makilala yung nagpost." Namangha naman si mom. "Talaga son? Ginawa niya yun? Oh, I should thank her. Ikaw din magpasalamat ka kay Kila ha." masayang sabi nito Teka ako? "O, bakit nangungunot noo ka riyan?" Umiling ako, "I'll go upstairs." sabi ko na lang at umakyat na sa kwarto I should thank her? But why would I? Tila mas lalong tumitindi ang guilt na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ni mom. Bakit pa kasi kailangan niyang gawin yun? Did I ask her to do it? Hindi naman diba? Pero hindi niya rin naman hiniling na iligtas ko siya. But she still thanked me. Kahit pa nga sinabi kong ginawa ko iyon para sa AMU, thankful padin siya sa ginawa ko. Damn it! Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napahiga sa kama. What should I do? The next day, akala ko magiging okay na ako. I thought mawawala na itong kakaibang pakiramdam ko but I was all wrong. Mukhang mas lalo pa ngang tumindi ang guilt na nararamdaman ko nung tuluyang magsink in sa utak ko ang mga sinabi nung pakialamera. Bakit ko siya palaging tinataboy? Bakit ang sama sama ng tingin ko sa kaniya? Nagpakawala ako ng buntong hininga. Bakit din ba kasi siya lapit ng lapit? At bakit siya umaarteng concern sa mararamdaman ko? Tsk! That's enough Jix! Ayoko ng isipin pa. I won't say thank you nor sorry to her. That's my final decision. Naglalakad ako patungo sa classroom ko, ito ang pinaka-kinakabwisitan kong routine. Ang maglakad at madaanan ang mga grupo ng estudyante na oo nga at iiwas sa 'kin ngunit alam kung tinutugis ako ng mapanghusgang tingin pagkalagpas ko. "Girl alam mo di na raw ako dito pag aaralin ng college. Natatakot sila para sa kaligtasan ko." Napahinto ako sa narinig kong pag uusap ng ilang mga estudyante. Hindi nila ako nakikita dahil nandoon sila sa hagdan ng grade 12 building, kung saan hindi tanaw ang mga magdaraang estudyante. "Oo nga. Diba, nakakatakot tigapagmana pa man din siya ng school tapos ganun." dagdag pa nung isa "Hindi kaya may mental illness si Jix kaya siya mahilig manakit ng babae. Balita ko pa naman may kapatid siyang babae. Hala baka sinasaktan din niya yun." Napakuyom ako ng kamao dahil sa huling sinabi nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko sila harapin ngunit... "Ano? Natatakot ang magulang mo para sa seguridad mo? Oh girl, wala kang dapat ipag alala dahil hindi ka papansinin ni Jix kahit maghubad ka pa sa harap niya. Itsura mo! Alam mo yung mukha mo parang damit na pinigaan pero hindi isinampay. Di mo gets 'no? Ganun kasi ang mukha mo, magulo. Oh wag ka magalit hindi kita nilalait, dinidescribe lang." Muntik pa akong matawa sa mga sinabi nito. Ang babaeng pakialamera na yun, walang kafilter filter ang bibig niya. "At ikaw naman anong sinasabi mong may mental illness? Bakit doctor ka? doctor ka? Mapanghusgang 'to! Alam mo ikaw ang dapat magpacheck e, dahil masyadong mababa ang IQ mo. Isipin mo ang bilis mong maniwala sa mga nababasa mo. So, pag nabasa mong ang dilaw ay orange at ang orange ay blue, maniniwala kana? Syempre oo, low IQ ka e. Saka ano? Sinasaktan ang kapatid? Eh kung ikaw kaya saktan ko, kahit di kita kapatid." Bakit na naman ba niya ginagawa ito? Mas lalo lang akong nakokonsensiya. "Sobra ka namang magsalita. Opinyon lang naman namin yun dun sa post ni Amber." sabi nung bababe na ang boses ay tila mapapaiyak na "Opinion my ass! Hintayin n'yo lang at malapit ng magpublic apology yang 'Amber Hatchell' na yan. At itong walang kwentang paninira na 'to... Basura 'to pati na lahat ng naniniwala rito." Nagulat ako nung may cellphone na bumagsak sa harap ko. Damn it! She's freakin' crazy. "My phone!" sigaw ng babae at mabilis na pinulot ang basag na cellphone niya, "Baliw kaba? Binasag mo ang phone ko!" Naiiyak na sabi nito at sa pagtayo ay nagawi sa 'kin ang kaniyang mata. Pareho pa kaming nagulat sa nangyari. Nakita ko naman ang pagbaba ni pakialamera, nakatalikod ito sa 'kin kaya hindi niya alam na nandoon ako. "Binasag ko? Bakit may ebidensya ka? Did you photograph it? May video ka? Masyado ka talagang mapanghusga. Ang clumsy mo kase e, yan tuloy nabitawan mo ang phone mo. Next time ingat ka ah." sabi nito at tinapik pa ang sa balikat ang babae saka naglakad na akala mo walang nangyari Paboritong linya niya ba iyon matapos niyang makapanakit ng iba. Dali dali namang umalis ang babae sa harapan ko at ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad. I walk towards that crazy woman. Para akong aso na nakabuntot dito. Teka bakit papalabas siya ng University? Nagpatuloy ako sa pagsunod sa pakialamera hanggang sa huminto siya sa isa sa store sa labas. Damn it! Tama ba ang nakikita ko? Bumili siya ng isang stick ng sigarilyo? Noong akmang sisindihan niya na iyon ay dun na ako mabilis na lumapit at marahas na kinuha sa kamay niya ang sigarilyo. Ibinato ko yun sa sahig at saka tinapakan. Noong magbalik ako ng tingin dito ay halos magdugtong na ang kaniyang mga kilay dahil sa inis. "Oh ano na naman at nandito ka? May masasakit na salita ka na namang sasabihin? Sasabihan mo na naman akong pakialamera? Eh ikaw nga itong sulpot ng sulpot. Isipin mo nga, palagi kang dumarating pag nakikipag away ako. Ano gusto mo bang magreferee ha?!" tuloy tuloy na sabi niya habang nanunulis ang nguso sa inis Sana pala isinumpak ko na lang yung sigarilyo sa bibig nyang napakadaldal. "I just wa–" "Ano magta-thank you ka? Kala mo di kita nakita kanina. Uy! Di ko kailangan ng thank you mong hilaw. Hindi kita kilala no! At saka pakialamero ka rin kaya, ano kala mo sa 'kin naninigarilyo?" Mukhang sobra sobra ang inis nito sa 'kin at ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. Muli itong bumili ng stick ng sigarilyo at sa puntong iyon ay hinayaan ko na siyang sindihan iyon. Hindi niya nga hinipak ang sigarilyo, hinawakan niya lang ito. Pinukol niya pa ako ng napakasamang tingin bago tinapakan ang cigarrete butt. Ano bang trip ng babaeng to? May pagkabaliw talaga siya. Pagkatapos nun ay iniwan niya na ako, sinadya pa nitong banggain ako kahit maluwag naman ang kaniyang daraanan. Baliw talaga. Ngunit ang mas nakakabaliw pa ay sa hindi ko malamang dahilan ay nakangiti ko siyang pinagmamasdan na naglalakad palayo sa 'kin. Napaisip ako sa mga nangyari kahapon at ngayon. Mali ako. I thought history repeats itself, but I was wrong. She changed it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD