bc

De Luca

book_age18+
981
FOLLOW
2.7K
READ
mafia
gangster
twisted
humorous
mystery
straight
genius
detective
realistic earth
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Caro De Luca— a mafia boss, woke up after he died without knowing who killed him. He made a deal with a man in the purgatory who owns a cheating well to sent him back to life to fulfill his unfinished business. But then, he was surprised to know that he wasn’t in his own body, but with the body of a lowly Police-Detective Andres De Leon. Still, this didn’t stop him from looking for the man who killed him. His only mission is to find the man who killed him but because of his situation, he let Clemente— who was his consigliere, finds who killed him in exchange of finding the treasure that his father Gregor hid in the Philippines. Together with Bruno Costa and a Policewoman-Detective Hilda Lee, they will look for the treasure. Secrets started to unveil while the person who killed him is planning to kill him, again.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
PROLOGUE: “TULONG! MAGNANAKAW!” Walang kaabog-abog na binuksan ni Andres ang pinto ng police mobile nang marinig ang isang babaeng humihingi ng saklolo. Nang tuluyan siyang makababa, kaagad niyang natanaw ang isang lalaking may suot na kulay itim na jacket. Mabilis itong tumakbo papunta sa masikip na eskinita, ‘di kalayuan. Inis na napamura siya at nagmadaling sinundan ang magnanakaw kasabay ng marahas na mura ni Dalee. “Ano ka ba, Andres?! Wala kang dalang kahit ano!” Ngunit wala siyang pakialam, ang nasa isip lamang ni Andres ay ang dakpin ang magnanakaw kasama na ang ninakaw nito. Sa bilis ng pagtakbo ni Andres, halos mapudpod ang sapatos niyang ilang taon niya nang iniingatan. Kahit na, wala siyang pakialam kahit mapudpod maging ang paa niya. Lumiko siya papunta sa eskinita’t naabutan niya pa ang magnanakaw. Dali-dali niyang hinubad ang sapatos habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Hawak ang isang sapatos, nang makalabas siya sa eskinita ay bumungad ang squater’s area. Mukhang maraming kasama ang magnanakaw lalo na nang magsitinginan sa kanya ang mga batang hamog. Ngunit wala siyang pakialam, walang habas at marahas na inihagis niya ang hawak niyang sapatos sa ulo ng magnanakaw dahilan para madapa ito. Ginawa niya iyong pagkakataon upang makalapit ngunit bago niya pa magawa ay may humarang ng dalawang binatilyo. Pareho itong may hawak na kutsilyo “Magandang gabi, Sir. Tapang natin, ah?” nakangising anang isang binatilyong dalawang pangil na lang ang ngipin sa harap. “Tumabi kayo r’yan,” aniya. Sinubukan niyang kumapkap sa kanyang bulsa ngunit wala nga pala siyang dala. “Anong problema, Sir? Wala kang dalang baril?” tanong naman ng isa pang binata na may kulay pulang buhok. Kaagad niyang dinukot sa bulsa ang kanyang badge sa pagkapulis saka iniharap sa mga nanggigitatang binatang nasa harap niya. “Pulis ako! Umalis kayo r’yan at—” Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang itutok ng binatilyong may pulang buhok ang kutsilyo sa kanya. “Wala kaming pake kung pulis ka. May kutsilyo kami, may baril ka ba?” Tinubuan siya ng kaba sa dibdib lalo na nang unti-unti nang magsilapit ang iba pang mga binatilyong naroon. May nakita pa siyang babae at ang mas malupit pa ay may mga matatanda. Lihim siyang napamura sa kanyang utak. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. . . Hanggang sa magpasya siyang sugurin ang binatilyong dalawang pangil na lamang ang mga ngipin. Kaagad niyang hinatak ang kamay nito at mabilis na nakuha ang kutsilyo. Hinila niya ito para gawing hostage, inipit niya ang leeg ng kaawa-awang binatilyo at saka tinutukan ng kutsilyo sa tagiliran. “Huwag kayo lalapit, ibigay n’yo sa akin ang bag ng babaeng ninakawan n’yo kanina o bubutasin ko ang tagiliran nito?” Napahagalpak sa tawa ang boses ng isang matandang lalaki. Humawi ang nagkumpulang mga lalaki sa harap niya at bumungad ang matandang lalaki na siguro’y nasa edad singkwenta. Namumula ang mga mata nito at nakaipit ang sigarilyo sa bibig. “Hindi mo kayang gawin ‘yan,” humalakhak ito. “Hindi ka pwedeng manakit, pulis ka.” Marahas na napalunok siya. Ngayon ay nanginginig na ang mga tuhod ni Andres nang dahil sa takot. Pero mas nanaig pa rin ang kanyang pagka-pulis. “I-ibigay n’yo sa akin ang bag o bubutasin ko ang—ah!” Hindi na niya na naituloy pa ang sasabihin nang may sumaksak sa kanyang likuran. Hindi lang isang saksak, kundi dalawa. . . tatlo hanggang sa nabitiwan niya ang binatilyong hawak niya maging ang kutsilyo. “Wala ka pala e!” humahalakhak na anang lalaking sumaksak sa kanya mula sa likuran. “Bugbugin n’yo na ‘yan!” Hindi na nakakibo pa si Andres lalo na nang sunod-sunod na sinugod siya ng mga binatang naroon. Pinagtatadyakan, pinagsusuntok at kung ano-ano pa. Walang kasing sakit ang nararamdaman niya sa gabing iyon. Sobrang hapdi ng saksak sa kanyang likod habang ang mga suntok at sipa na natatamo niya ay tila nagpamanhid sa buo niyang katawan. Nakadapa siya habang sinisipa ng mga dugyot na binatilyo, wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang bawat sipa, dura at kung ano-ano pang ginawa ng mga ito sa kanya. Hanggang sa mapaubo siya ng dugo, unti-unti na siyang nauubusan ng hininga. “ANDRES!” Unti-unti na siyang nabibingi, ang kanyang mga mata ay nanlalabo na. Hanggang sa. . . isang putok ng baril ang huling narinig niya bago siya tuluyang hinimatay. “Andres De Leon, dalawampu’t siyam na taong gulang na police-detective. Ipinanganak noong July 30 at namatay October 14 taong kasalukuyan. Oras ng kamatayan, 8:07 ng gabi.” Marahang nagmulat ng mga mata si Andres. Isang babaeng nakasuot ng itim na cloak ang nasa harapan niya. May hawak itong papel na para bang listahan. “S-sino ka?” Luminga siya sa paligid. Naroon pa rin siya sa squatters area ngunit ang kaibahan ay wala na ang ni isang tao. Wala na rin ang mga bumubugbog sa kanya, kani-kanina lang. Nang subukan niyang bumangon, hindi siya makapaniwalang nakatayo siya nang diretso. “Kailangan mo nang umakyat,” anang babae. “Ha? Saan?” walang kamuwang-muwang na tanong niya. “Sa purgatoryo, para sa iyong hatol.” Napapalatak ng tawa si Andres. “Siraulo ka ba? Anong purgatoryo ang pinagsasabi mo? E buhay pa naman ako—” Hindi naituloy ni Andres ang sasabihin nang marinig ang tunog ng ambulansya, maging ang palahaw ni Dalee. “Andres! Hoy gumising ka!” sigaw ni Dalee, paulit-ulit. Nanginginig at kinakabahang nilingon niya ang direksyon kung saan siya nanggaling. At halos mabuwal siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang walang buhay niyang katawan. Patay na siya. . . Hindi siya makapaniwala! Namatay siya nang ganoon lang kadali? “G-gusto ko pang mabuhay,” nanginginig na aniya sa babaeng taga-sundo. Ngunit nang harapin niya ito, nakaangat na ang kamay nito. “Ngunit naghihintay na sa ‘yo ang mga magulang mo.” Isang pitik ng daliri nito, tuluyan silang naglaho sa lugar kung saan siya namatay at tuluyang napadpad sa purgatoryo. SA KABILANG BANDA. . . “Merda!” mura ni Caro habang nakapila siya papunta sa cleansing room. “I need to get out of here, I am still alive. I need to live and find who killed me!” Ilang beses na niyang sinubukang tumakas, ngunit kahit siya pa ang pinakamagaling na mamamatay-tao o lider ng gang, wala siyang laban sa mga bantay ng purgatoryo. Wala siyang lusot, lalo na’t tila may mga kapangyarihan ito. “I should be in hell, not in this f*****g cleansing room! How are you going to clean me if I am f*****g dirty like a s**t! What the hell is wrong with these people?!” “Kuya. . .” “What?” Nilingon niya ang batang babaeng panay ang kalabit sa kanya. “Pwede mo ba akong ikuha no’ng bulaklak doon sa labas? Ang ganda po e. Dadalhin ko po sa langit,” pakiusap nito. “Che cosa?” tanong niya sa salitang Italyano na ang ibig sabihin ay what? Hindi niya ito masyadong maintindihan. Bagamat madalas siyang magpunta sa Pilipinas at gumamit ng salitang Tagalog, hindi niya pa rin ganoon ka-gamay. “Pick flowers for me,” pag-uulit ng batang babae sabay turo sa labas ng pasilyo. “Why would I do that?” Iritang tanong niya. “Sige na po. . .” “I don’t want to—” Nahinto siya sa pagsasalita nang makaisip ng isang ideya. Isang ideyang maaaring makapagpabago ng kapalaran niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook