Mausok at matraffic kong binaybay ang kahabaan ng edsa upang maideliver ko lamang ang order na damit kay nanay ng isang kilalang mayamang babae sa buong lungsod.
Sa sobrang yaman ata ng mga ito tinalo pa ata ang yaman ni Ayala o ang may ari pa ng mga naglalakihang mga malls dito sa asia. Yun ang sabi sakin ni nanay, At ngayon na mamimeet ko na ang mga ito kung kaya ay hindi ako papakabog sa mga awrahan sa mundo ng mga hari at rayna.
"Oi miss! Tama na pag deday dream mo dyan.. Andito na tayo sa Alabang. Baka pag tinuloy mo pa yang hilik mo umabot ka pa ng bicol." Mapang asar na sabi sa akin ng kondoktor ng nasakyan kong bus ..
"Grabe naman dito akala ko sa manila lang magulo ang mga sasakyan hanggang dito din pala " Sambit ko sa aking sarili.
"Teka saan ba tong DC LAND na to!" Muli kong sabi at napakamot pa ako sa aking ulo.
Nang lalakad na sana ako ng bigla kong nakaramdam ng gutom. Agad akong naghanap ng makakainan ngunit sarado ang mga karindiria sa lugar na iyon.
"Ano ba naman dito katatamad ng tao, Tanghali palang sarado na!" Nang mapansing wala akong mahanapang makakainan ay ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad upang madala ko na sa may ari ang damit na aking dala.
"Saka na lang ako kakain pag nadala ko na to para wala na akong iisipin." Kumbinsi ko sa aking sarili na halata namang food is life talaga.
Nang maaninagan ko sa di kalayuan ang isang nagbabantay sa isang malaking mall sa malapit ay nagmadali na agad akong lumapit upang itanong ang address ng lugar. Nang ipinakita ko iyon ay kinakailangan ko daw sumakay ng taxi papunta doon dahil sa medyo may kalayuan pa daw ito kung lalakarin ko.
Nag abang ako ng taxi at hindi nagtagal ay nakasakay na rin naman ako.
Nang makapasok na kami sa subdivision ay talaga namang nakakamangha ang laki ng mga bahay dito, Sambit ng mamang driver sa akin ay mga ellite na pamilya ang mga nakatira dito or di kaya ay mga celebrity.
Nang makabalik na ako sa aking sarili mula sa pagkamangha ay napatingin na lamang ako sa metro ng taxi na aking sinakyan.. Tila nalula ako sapagkat umabot na iyon sa limang daang piso.
Nagpababa na ako at inisipan ko na lamang lakarin iyon, Dahil kung maghahanap ako ng bahay sakay ng taxing iyon ay baka wala ng matirang pamasahe sakin pabalik ng manila.
"Sigurado ka na ba iha? " Tanong ng driver sa akin.
"Opo manong okay na po ako dito, Mabubutas na po ang bulsa ko pag nagpalamig pa po ako sa loob."Pabiro kong sabi dito.
Halos kalahating oras ko ding nilibot ang lugar na iyon ng mapagod ay nagpahinga na muna ako sa isang tabi at noon ay mulikong binasa ang nakasulat na address ng bahay.
At doon ko na lamang nakita na nakasulat pala sa likod ng papel ang numero ng bahay na aking hinahanap.
"Nako ! si nanay talaga ang gulo. Pinagod pa ako." Hanas kong bulong sa aking sarili.
"Dapat nakinig ako kay nanay na wag mag short mas lalo lang akong nahirapan, At hindi naman ganitong suutan ang bagay dito dapat bistida! nako naman mali naman taga oh!" Sambit kong muli.
Nang makarating sa bahay ay agad naman akong pinapasok ng gwardya. Hindi na ako nahiya at nanghingi na agad ako ng tubig dito dahil sa pagod ko sa pagdadala ng order ng amo nito kay nanay.
"Kuya wala pa po ba si ma'am? Nagugutom na po kasi ako. " Pagrereklamo ko dito, Dahil sa tagal kong naghihintay sa upang mabayaran at makauwi ng maaga aga.
"Pasensya na po ma'am eh kakaalis lang po kasi nila." Malungkot na sabi nito sa akin.
" Manong nasaan si manang? " Tanong ng isang lalaking parang anak ata ng may ari ng bahay.
"Ang pogi nito at ang katawan hmmmm! Ang yammy!" Sambit ko sa aking sarili habang nagpapatay malisya sa mga naririnig ko dito.
"Sir, Dave sorry po wala po sila sinama po ni ma'am." Kinakabahang sagot ni manong guard dito. Maging ako ay hindi ko mapagkakailang kinakabahan rin dito na halos parang gusto ko nang umalis sa lugar na iyon.
"Damn! Ano bang gusto nila!" Sambit nito at bigla nitong ibinaling sa aking dereksyon ang kanyang paningin.
Ako naman ay napatitig sa mapupungay nitong mga mata na takakalusaw, at para bang sasabog na sa kaba ang aking dibdib.
"Miss ikaw sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa akin .
"Ibibigay ko lang po itong order sakin ni ma'am at aal... haaaa?" Sagot ko dito ngunit nabigla ako sa ginawa nito sa order sa nanay ko. Mas lalo akong nagulat ng maalalang hindi pa iyon bayad.
"whaaaaaa! Sir! anong ginawa mo?" Gulat kong sambit dito.
"Okay lang yan miss.. That's what i called tie" Sambit nito sa akin habang nakangiti pa iyon sa akin.
" Tie? Bakit sakin? Alam nyo ba na hindi pa bayad yan? Bakit ako ang kaylangan mong gantihan? ano ba ginawa ko? nagdidiliver lang ako ng order sakin." Pasigaw kong sabi sa lalakeng kanina lang ay halos mag amok na ito ng gulo .
na ngayon naman ay tahimik at para bang gusto na nitong awatin ako.
"Miss are you okay?" Mapang asar na sabi nito.
"Okay? mukha ba akong okay? Ikaw kung magbibiro ka , Magbiro ka na sa lahat wag lang sa tulad kong pagod at gutom!" Galit kong sabi dito .
Agad naman itong naglabas ng wallet at agad na tinananong kung magkano ang halaga ng damit na sinira nito at siya na ang magbabayad noon. Napangiti na lamang ako na para bangwalang nangyari ng mabayaran sa ako ng binatang iyon.
Muli akong nakiinom ng tubig at nilisan ko na ang magulong bahay na iyon.
Sa aking paglalakad naisipan ko na pumunta ng mall sa malapit upang makakain na ng maayos. Ngunit sa aking paglalakad ay bigla na lamang may isang sasakyan ang huminto sa aking harapan.
Agad akong kinabahan dahil sa mga nababalitang kinikidnap na mga magaganda at sexing babae sa panahon ngayon..
Binilisan ko ang lakad ko ngunit sinusundan parin ako ng sasakyan na iyon.
"Nako po! Jusko lord, patawarin nyo po ako kung nakalimutan ko pong mag pray bagolumabas ng bahay pangako po di ko na po uulitin isave nyo lang po ako sa kidnaper na ito!" bulong ko sa aking sarili..
Nang maramdaman kong binilisan ng driver ang pagmamaneho nito ay agad naman akong nagtaas ng kamay senyales na ako ay sumusurender na lamang waglamang akong sasaktan..
"Please po! Susurender na ako.. Wag nyo po ako pagnasaan wala akong pera at hindi po ako masarap wala pa akong ligo! maawa na kayo mamang kidnapers!" Sambit ko sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na.
Napatigil na lamang ako ng makarinig ako ng mahihinang pagtawa mula sa lalaking iyon.
"Ikaw nanaman? Bakit mo ako sinundan?" tanong ko dito sa masungit na lalaking iyon.
"Anak ka pala ni nanay Leti?" Tanong nito sa akin .
"OO BAKIT?" inis kong sabi dito .
"Sumakay ka na at ihahatid na kita!" Maamo nitong sabi sa akin ngunit may pang aasar nitong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan.
"Bakit ako sasama sayo, Baka mamaya kung saan mo pa ako dalhin!" Sabi dito na halos nagdududa ako kung totoo bang tumatawa ito sa harapan ko. Kaninang sobrang galit ngayon naman ay sobra ang kabutihan sa akin.
"Wag ka mag alala wala akong gagawin sayo, Ayoko naman sa babaeng di naliligo" Pang aasar nitong sabi sa aking. Kung kaya ay napilitan na din akong sumama sa kanaya upang makatipid na din sa pamasahe.
Tahimik kaming nakikinig ng music na nagmumula sa isang istasyon sa radyo. Kasabay ng pagmamasid ko sa buong paligid sa aming nadaraanan pabalik sa aming bahay. Hindi ko na matiis ang katahimikan at ilang saglit na lang ay makakatulog na ako sa lamig dito sa loob ng sasakyan dagdag pa ang nakakaakit na amoy panglalakeng pabango na kanina pa sumisiksik sa aking ilong.
Nahihiya akong makatulog dito kahit pa antok na antok na ako sa pagod at gutom, Kasi alam ko sa sarili ko na kapag nakakatulog ako ng pagod ay nagiging burara ako sa aking katawan at dagdag pa noon ay ang nakakahiya kong paghilik sa harapan ng napakagwapo kong kasama sa mga oras na ito.
"Paano mo nakilala ang nanay ko?" Mahinahon kong tanong sa lalaking kasama ko ngayon.
"Namasukan si nanay leti noon sa amin bilang taga laba at taga luto para sa amin. Kaso sabi ni mom is your mom got pregnant at that is you so pinagpahinga na nila si nanay lati pero naging personal alter na namin si nanay leti. Pag may occation si nanay leti ang gumagawa ng mga personal design ng soot namin." sambit nito .
" Wow ... buti ka pa alam yan. Hindi kasi nakukwento sakin ni nanay yan." Sabi ko dito sabay hawak ko sa aking tiyan na bigla na lamang kumulo ng pagkalakas, Dahilan upang magkatinginan kaing dalawa.
"Gutom ka na? Tara kain tayo "tanong nito sa akin kung kuya ay napatingin na lamang ako dito at hindi na ako muling tumanggi pa..
''Teka, May iba pa ba tayong kasamang kakain?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa lamesa na halos lahat ay ako ang umorder.
"Ano ka ba, Atin lang yan,Gutom n kasi talaga ako." Muli kong sabi sa kanya.
Muli naman itong natawa at agad na sumang ayon na lamang sa akin.
Nang matapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa aming byahe.. Mainit at matraffic sa mga oras na iyon kung kaya ay nakaramdam na ako ng hiya, At inalok ko na lamang itong pumunta na sa kanyang dapat puntahan at ibaba na lamang ako sa sakayan papuntang manila.
"Bakit? ihahatid na nga kita at gusto ko rin makita si nanay leti. Ang tagal na kasi namin di nagkikita." Malungkot nitong sagot sa akin , Kung kaya ay pinagbigyan ko na din ito.
"Bakit ka nga pala galit na galit kanina sa bahay nyo?" Pambasag kong tanong sa namumuong katahimikan sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Ah ..." sambit nito at biglang nagbago ang awra nito at tila ba nadilim ang mukha nito sa aking tanong.
"Ahmm... dave okay lang kung di mo sagutin ang tanong ko.. Nagtataka lang kasi ako sa transition ng moods mo?" Mahinahon kong sabi dito at baka ihagis na malang ako nito sa labas ng sasakyan nito.
Titingin na sana ako sa labang ng muli kong narinig ang boses nitong handa ng sagutin ang aking tanong.
"My mom and dad has a misunderstanding in life situation so i can't stop my self to get mad ,Sino ba naman ang hindi magagalit kung malalaman mong sila na ang maghahanap ng babaeng ipapakasal sayo diba? Baka mamaya hindi ko pa magustuhan." Sabi nito sa akin at agad ko naman naintindihan .
Lahat naman siguro magagalit pag nalaman mong bukas paggising mo ikakasal ka na without knowing na anong klaseng tao yung mapapangasawa mo.
"Ang hirap naman maging mayaman, Nag eexist pa pala yang sitwasyon na yan sa inyo? " Pabiro kong sambit dito .
"Grabe naman medyo na hurt ako, Ikakasal na sya? Medyo nahulog na loob kala ko pa naman sya na ang da juan ko!" Bulong ko sa aking sarili.
"Hindi natin alam kung sa mga mayayaman lang ba nageexist ang mga ganitong bagay, Malay natin meron din palang mga mahihirap ang nakakaranas ng same situation ng kagaya sa akin diba?" Sambit nito sa akin sabay muli nitong ngiti na para bang gusto ko na lang hilingin na sana ako nalang yung maswerteng babaeng yun.
"Nakita mo naman ba yung babaeng ipapakasal sayo? Or nakilala or nakausap mo na ba sya?" Magkasunod kong tanong dito na akala mo'y ako ang kanyang magulang kung suriin ang mga bagay na iyon patuyngkol sa buhay ng lalaking aking kinakausap.
" whoah,whoah! easy! relax Hindi ko pa sya nakikita but i think i have an idea kung sino sya.. And i think magkakasundo naman kami." Sabi nito sa akin habang nakangisi sa akin.
" Aba ang labo mo naman ehh.. Kanina nagagalit ka kasi ipapakasal ka sa di mo kilala, Tapos ngayon parang okay na sayo." inis kong sabi dito na para bang ako ang naguguluhan sa sitwasyon nito.
"Teka nga? shacksss! ano ba tong pinagsasabi ko! bakla! nakakahiya ka bakit nag fifeeling close ka?" Bulong ko sa aking sarili ng bigla kong maisip na wala pang 24 hour kaming magkausap ng kasama ko ngayon. Dahil sa hiya gusto ko na lamang na biglang magbukas itong pintuan at higupin ako ng hangin palabas sabay takbo!.
"A-ahmm.. Sorry .. Kung naging pakelamera ako ah.. Pwede mo na ba ako ibaba?" Palusot ko upang makatakas sa kahihiyang aking ginawa.
"No it's okay, Normal lang naman sa atinang magbigay ng advise or opinion sa taong naguguluhan, Pero okay na ako ang mahalaga kalog ang mapapangasa ko." Sambit nito sa akin habang pahina ng pahina ang kanyang sinasabi na halog hindi ko na marinig ng maayos.
"Ha? alam mo kung hindi ka nag eenglish pahina naman ng pahina ang sinasabi mo." Reklamo ko sa kanya na agad naman nitong pinagtawanan ang mga sinabi ko sa kanya.
"Alam mo ? matulog ka nalang para tumangkad ka pa, At gigisingin nalang kita pag di ko na alam ang daan papunta sa inyo .." Sambit nito sa akin.
"Bakit? may masama kang binabalak sa akin noh? kaya gusto mo ako patulugin?" Sambit ko habang nakahawak sa aking damit ng mahigpit.
"Alam mo? Kung may gusto man akong gawin sayo, Nagawa ko na sana kanina pa, Pero wala, Kasi nga ayoko sa babaeng di naliligo at mabaho." mapang asar nitong sabi sa akin ng bigla kong maalala ang mga linyang iyon sa kanya kanina ng mapagkamalan ko itong kidnaper, Muli nanaman akong nakaramdam ng hiya sa kanya.
"Huy miss ??? Ahhh uy gising saan dito bahay nyo?" Tanong nito sa akin.
Agad naman akong nagising ng maalimpungatan ako .. Akala ko nananaginip lang ako totoo pala na may kasama akong gwapong lalake eh.
" Dyan kanan ka dyan tapos pagdating mo sa dulo kanan ka tapos kanan ulit unang kanto bahay namin." Sambit ko dito.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko dito ng makita ko iyong nakangisi sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko sa kanya.
"Look.." sabi nito sa akin sabay baba nito sa salamin sa aking harapan. At doon ko napagtanto na para na pala akong sinabunutan ng sampong bakla at limang ilusyunadang tsismosa sa gulo ng buhok ko.
Agad ko na iyong inayos at bigla nitong inihinto ang sasakyan at napakagat labi pa iyon na parang nagpipigil iyon ng malakas na pagtawa.
"OY! anong tingin yan ha? "Masungit kong sabi dito.
Itinuro nito ang dibdib ko na halos lumuwa ang ang hinaharap ko sa pagmumukha ng kaharap ko. Kung kaya ay nataranta na ako kung ano ba ang dapat kong unahing ayusin ng hindi mapagtawanan ng lalakeng kanina pa ako pinagtitripan.
"Wag kang titingin! "sambit ko dito.
"How? Mababangga tayopag di ako tumingin sa side mo ."Sambit nito sa akin.
"Teka lang stop mo muna ang sasakyan." Sambit ko dito.
"Ang tagal mo naman." sabi nito.
"Okay na." maikli kong sambit sa kanya.
"wala na" para bang may panghihinayang nitong sabi. at nag seryoso sa ulit ang kanyang mukha.
"Nga pala ano nga palang name mo?" seryosong tanong nito habang nagmamasid masid sa labas ng daan.
"Katherine Valdez, But you can call me Kath." Mahinhin kong sagot sa tanong nito sa akin. Oh english yon ah.
"Okay , I'm Dave Gozon finally meron na tayong proper na pagpapakilala sa isa't isa." Sabi nito sa akin. Napatingin lang ako dito at napangiti sa sinabi nito sa akin.
"Okay andito na tayo."sambit nito sa akin.
"Teka pasok ka muna mukhang walang tao sa loob hintayin mo na sila nanay." alok ko dito ng mapansing wala dito ang pakay nito sa bahay.
"Ahh baka may ka meeting. Anyway tell her na hinatid kita ng maayos.. Aalis na ako and maykaylangan akong puntahan."Paalam nito sa akin . Nagtaka naman ako kung bakit para bang hinatid lamang niya ako, at hindi para makita nito si nanay. Anong nangyayari dito?....
To be continued on next tuesday.......