Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay nanay na makauwi, Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang kawak ko ang cellphone ko.
Nagising na lamang ako ng marinig ko ang tawag ni nanay sa akin.
"Kath! Gumising ka na hindi ka ba papasok ngayon?" Takang tanong nito sa akin ng makita ang orasan.
"Nay! five minutes pa po.." Hirit ko pa dito.
"Arayyykupo!" Hiyaw ko ng bigla nitong pinangigilan ang aking pisngi.
"Gumising ka na, Puyat puyat ka kasi." Sambit nito sa akin.
Agad naman akong tumayo at pinakatitigan ito ng parang inaalala ang dahilan kung bakit ako napuyat ng buong magdamag.
Nang maalala'y agad nanlaki ang mga mata kong napa hawak sa mga kamay ng aking nanay.
" Nay! Saan kayo galing kagabi at hindi kayo nakauwi kagabi?" Pag aalala kong tanong dito.
"Ano ka ba namang bata ka! Sadyang baligtad na ang panahon ngayon, Anak na ang nagtatanong sa magulang." Paglihis nitong sagot sa akin.
"Nako inay ah, Pag may nangyaring masama sa inyo sino ba ang kawawa? Ako diba?" Sambit ko dito sabay kuha ng tubig sa aking tabi.
"teka? Wag mong ibahin ang tanong ko sa inyo inay? Saan nga ho kayo galing kagabi?" Ulit kong tanong dito.
"Nagkabonding lang kami ng kaybigan ko, Ayun napasarap ang kwentuhan kaya hindi na nakauwi ng maaga." Sagot nito sa tanong ko habang dinadampot ang mga papel sa lamesa ko.
Ng makita ni nanay ang isang papel sa harapan ng salamin ay napatingin iyon sa akin sabay tingin nito sa orasan sa kanyang likuran.
" Ikaw talagang bata ka! Makakalimutin ka na talaga! Midterm exam mo pala ngayon!" Sabi nito sa akin ng.
Agad naman akong napatingin sa cellphone ko ngunit mas lalo akong kinabahan dahil sa nakalimutan kong icharge ang cellphone ko kung kaya ay nakapatay na iyon.
Agad kong chinarge ang cellphone ko at pagtapis ay kinuha ang aking twalya at mabilis kong tinungo ang banyo upang makapag ayos manlang ako.
"Nay! may 30 minutes pa ako para mag ayos." Pagmamadali kong sambit dito.
"Nako ka talaga! Araw - araw mo nalang pinapainit ang ulo ko bata ka! Ang gulo ng kwarto mo! ang tatay mo pauwi na ito ang madadatnan nya sayo! juskopo!!" Pagbubungangang sabi ni nanay ngunit para bang nasanay na ako kung kaya't mabilis ko lang napapatagos iyon sa kabilang tenga ko.
" Nay, Aalis na ako, See you late-ter. "Sambit ko sabay ngiti dito.
" Hoy bata ka! Anong late-ter ka dyan? Umuwi ka pagtapos mo sa school! "Sigaw ni nanay sa akin bago ako makalabas ng bahay.
Mabilis kong binaybay ang kahabaan ng daan sa baryo namin. (Maingay, Magulo, May mga nagbebenta ng mga almusal, Isda at kung ano ano pang pwedeng pagkakitaan.)
" Hoy kath! "
" AY KALBO! "gulat kong sabi sa lalakeng nanggulat sa akin mula sa aking likuran.
" Hindi ako kalbo ah.. "Sambit nito sa akin sabay hawak sa kanyang malagong buhok.
"Dave?" takang sabi ko sa pangalan nito.
"Oh bakit nandito ka?" dugtong kong sabi habang naglalakad ako ng mabilis. Ngunit para bang kapantay ko lamang ng bilis ang lakad ng kausap ko.
"Ahh bibisitahin ko si nanay leti, Andyan na ba sya?" Tanong nito sa akin.
"Ahh oo-hh nasabahayyy, puntahan moh nhalang." hingal kong Sagot ko dito.
"Teka bakit ba nagmamadali ka? Saan ka ba pupunta?" Tanong nito sa akin ng mapansin ang bilis ng lakad ko.
"Papasok kasi ako sa school, Midterm exam ko kasi ngayon malelate na ako." Tuloy-tuloy kong sabi dito.
"Ganun ba?" Sambit nito at bigla nalang itong napahinto ngunit ako ay tuloy-tuloy lang sa aking paglalakad.
"TEKA, KATHERINE VALDES!" sigaw nito ng buong pangalan ko, Kung kaya ay napabiglang tigil ako sa aking paglalakad.
Lumingon ako dito at tinitigan ko iyon ng masama, Bukod sa sinigaw nito ang buong pangalan ko na halos marinig ng buong baryo namin, Ay kaylangan ko pang huminto kahit na alam naman nitong malelate na ako.
"Hahatid na kita," Sambit nito sa akin. Napatitig ako dito ng mapansing namumula ang mga pisngi nito dahil sa init ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Hintayin mo ako dyan, I just get the car, Wait ka lang." Sabi nito sa akin.
No choice naman ako kundi ang hintayin ito dahil baka isigaw nanaman nito ang buong pangalan ko pag pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.
"Get in." Sambit nito ng makabalik na sa kinaroroonan ko.
"lead the way." sambit nito sa akin at agad na minaneho ang sasakyan papunta sa main road.
"Sa UCA tayo." Sabi ko dito.
"Sa UCA ka nag aaral?" Pagtatakang tanong nito sa akin.
"Oo may problema ba doon?" Pagsusungit kong sabi dito.
"Ang taray mo naman, Nagtatanong lang" Sabi nito sa akin.
"Bakit culinary arts ang kinuha mo?" Tanong ulit nito sa akin.
"Kasi yun yung hilig ko.. Masaya ako pag nagluluto ako, Nabubuhayan ako ng pag asa pag nag bebake ako" Masaya kong sagot sa tanong nito.
"Yaaaaannnn!" biglang sabi nito sa akin ng sagutin ko ang tanong nito ng maayos.
"Para kang timang! Bakit ba ang hilig mong mangulat?" Sambit ko dito ng bigla itong nagsalita.
"Ganyan dapat kasi lagi.. Nakangiti.." Sabi nito sa akin. dahilan upang magkatinginan kaming dalawa.
Ngunit agad nitong inilihis ang kanyang tingin. Bigla ko namang naramdaman ang paginit ng aking mukha kaya ay itinutok ko ang aircon sa dereksyon ng aking mukha.
" Nainitan ka? "Panlolokong sabi nito sa akin. sabay ngiti nito sa akin.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan dahil sa lakas ng kabong ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala at tumalon palabas ng pinto ng sasakyan.
(" Teka bakit ganito? Sa simpleng ngiti lang? Uy bakla ka! Umayos ka nga! dalagang pinay ka wag kang mahuhulog sa ngiti lang!") Sambit ko sa aking sarili upang mahimasmasan ang aking nararamdaman.
"Okay andito na tay..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito agad ko ng binuksan ang pinto at nagpasalamat dito..
Agad na akong lumakad palayo sa kinaroroonan nito. At baka mahimatay pa ako sa sobrang kabong ng puso ko.
Nang makaakyat na ako sa building ay natatanaw ko parin ang labas ng school. Kung kaya ay nakikita ko paring naroon parin si dave kung saan ko ito iniwan na para bang may hinihintay ito mula sa akin para makaalis na.
Hinayaan ko lamang iyon at nagpatuloy na sa aking paglalakad.
Nang makarating ako sa harapan ng room ko ay nakahinga ako ng maluwag, Dahil sa wala pa ang teacher ko.
"Just in time!" Sambit ko sa aking sarili at nakipag usap na muna sa mga kaklase ko.
"Class just make sure na nakapag review kayo about sa mga activities natin." Sambit ng teacher sa aming harapan.
Lahat kami ay nag handa na upang sagutan ang mga questioner paper...
"Ma'am ask lang, Bakit po hanggang 50 lang po ito diba po up to 100 po ito?" Tanong ng classmate ko.
Agad kong tinignan ang papel na hawak ko. At nakumpirma ko ngang up to 50 lang ang mga tanong sa exam.
"Yes! That's right. Dahil pagtapos nyong sagutan yan, Ang remaining 50 ay kukunin sa performance ng bawat isa... kaya magkakaroon kayo ngayon ng actual exam for your midterm exam. That's why i reminded you last meeting natin na mag review sa mga activities na ginawa natin. " Paliwanag ni ma'am Aida.
" Any questions? "Tanong nitong muli.
" kung wala ng tanong you may start your exam, Now. " Pagkasabi ni Ma'am aida noon ay lahat ay biglang nagsitahimik at nagsimula nang magsagot.
Nang matapos ko nang sagutan ang exam ko ay, Sakto namang may kumatok sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalakeng kanina lang ay naging dahilan ng paghirap ng aking paghinga.
"Anong ginagawa nito dito?" Takang tanong ko sa aking sarili.
"Yes?" Tanong ni ma'am aida sa lalakeng kausap nito.
"Can i excuse Katherine Valdes?" Sambit nito at sabay tingin nito sa akin.
"Ma'am aida pero po..." Sabat ko ngunit nagulat ako sa isinagot nito sa akin.
"You may go kath, Mukhang mahalaga ang pag uusapan nyo ng boyfriend mo." Nakangiting sabi ni ma'am aida sa akin.
"Bo-boyfriend? Haaaa?" Gulat kong sabi sa sinabi nito sa akin.
"I thought you and..."
"Love! Ikaw naman lagi ka nalang nagugulat" Pagputol ni dave sa sasabihin ni ma'am aida sa akin.
"Lo-love?" Bulong ko sa pagkakatawag nito sa akin.
"Ayieeee,,, Lumalablaip si Kathhh!" Classmate 1.
"Ikaw kath ahh, Di ka nag kukwento ang pogi ng boyfriend mo!" Classmate 2.
"Ayieeee!"Classmates..
Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi ng mga classmates ko at para bang nakaramdam ako ng kilig sa pagkakataong iyon.
" Tara love, May sasabihin lang ako sayo. "Sambit ni dave sa akin. Bagamat naguguluhan at nagtataka. lumabas na lamang ako upang matigil na ang ingay sa loob ng classe.
Laking gulat ko lalo ng biglang. Hinawakan ni dave ang kamay ko pagkalabas ko ng pintuan ng classroom namin.
Nahiya ako lalo ng maramdaman ang mainit at malambot na kamay ni dave na nakasaklob sa aking namamawis at nanlalamig na mga kamay.
"A-anong nangyayari dito?" Takhang tanong ko kay dave.
"Wala lang," Malumanay na sabi nito sa akin.
"Wa-wala lang?" Inis kong sagot sa sinabi nito sa akin.
"Ginawa mo lahat ito ng wala lang?" Muli kong sabi dito dahil sa isang hindi kapanipaniwalang kayang gawin ng isang matinong tao.
"Gumawa ka ng isang palabas na Boyfriend kita sa harap ng mga kaklase ko dahil sa wala?" Inis kong sambit dito.
"Yup!" Maikling sabi nito sa akin at napapangiti-ngiti pa ito sa reaksyon ko sa ginawa nitong pang aasar sa akin.
"it's my reaction sa ginawa mong pang hang sa akin sa parking. Without letting me finish my word." Seryosong sabi nito sa akin.
"Ha? Wala bang mas light sa paraan mo ng pag ganti? worst agad?" Sambit ko dito sabay kamot ko sa aking ulo.
"Hindi na talaga ako magkaka boyfriend sa ginawa mo!" Malungkot kong sabi dito.
"Then don't" Seryosong sagot nito sa akin.
"Don't try to have a boyfriend" Seryosong sabi nito sa akin. at unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan ko.
"A-an-anong pinagsasabi mo?" utal kong tanong sa lalakeng halos dangkal na lamang ang pagitan ng aming katawan sa isat-isa.
"Hindi ka pwedeng magkaroon ng boyfriend kath." Seryosong sambit nito sa baritonong boses nito.
"Bakit? Paano ako hanggang sa pagtanda ko? Paano kakalat ang lahi ko?" Pagkasagot ko noon ay muli ko nanamang inilihis ang anggulo ko sa kaninang pusisyon naming dalawa.
"You have me.. Can you let me complete your dreams? just be with me and i will fulfill your future together." Pagkasabi niya noon ay humakbang ito papunta sa kung saan ako nakaharap. At pinagtama nito ang aming mga mata.
Pagkasabi niya noon ay, Tila ba natuyuan ako ng laway at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa mga narinig ko sa kanya.
"Seryoso ba to? Kahapon lang kami nagkakilala at ngayon gusto na nya akong mapangasawa? Jusko lord ano nanaman po bang pagsubok to? Alam ko nakakalab at first sight ako.. pero bakit mas may nakakalove at first sight sakin?" Bulong ko sa sarili ko na parang batong walang ibang kayang gawin kundi ang titigan ang lalaking kaharap ko.
" Dave? Ikakasal ka na diba? " Tanong ko dito.
" Hindi pwede to dave, Kung ayaw mo sa ipapakasal sayo magsabi ka sa parents mo, Wag ka gumawa ng isang way para magalit sila sayo!" dugtong ko dito.
"No kath, Actually i like the girl that they wanted for me." Sambit nito.
Bagamat naguguluhan, Sa mga sinasabi nito. Nagtataka ako kung bakit ang bilis nito magkagusto sa isang tao.
Na parang kahapon lang sobrang galit na galit ito. Ngayon pareho niya kaming gusto.
Na parehong kahapon lang nakilala at nalaman.
"Dave baka na pepressure ka lang, Kilatisin mo muna yung girl and kilalanin muna natin ang isa't-isa, Oo gwapo ka, Madaming mababaliw sayo, Oo aaminin ko, Na love at first sight din ako sayo, Pero hindi naman ako ganyan na pakakasalan ko agad." sambit ko dito upang mahimasmasan ang dila nitong walang preno sa pag amin ng mabilisan sa isang tao.
Ngunit imbis na mahimasmasan ay tila ba natawa lamang iyon sa aking mga sinabi sa kanya.
"Yup! I know," Maikling sabi nito sa akin. at natatawa pa ito sa mga pinagsasabi ko sa kanya, Na para bang isang biro ang pagpapakasal ng basta basta sa isang tao.
"Ang dami kong sinabi Dave, Yan lang sagot mo? Ikakasal ka na at gusto mo magkaroon agad ng kabet? Jusko hindi ko pinangarap maging sabit noh?" Sambit ko dito.
"I know that Kath, And i'm aware about that. Yes, I got mad about fixed marriage, But when i already know the girl i think that fixed marriage is not bad specially when i already know that girl was you" Sabay may kinuha iyon sa kanyang likuran at iniabot niya ang isang maliit at itim na kahon.
"Ako? ang ka fixed marriage mo? paano? bakit? naguguluhan ako!" Tuloy-tuloy kong sabi dito ng maiabot na nito ang kahon sa akin.
Nang buksan ko iyon ay mas lalo akong nagtaka at mas lalo akong kinabahan.
"Diamond Ring?" Sambit ko.
"Katherine Valdes, Let's continue our fixed Marriage. Will you marry me?"
To be continue on Tuesday......