(Lust Ride) Ep.3

3152 Words
At episode 2 "I know that Kath, And i'm aware about that. Yes, I got mad about fixed marriage, But when i already know the girl, i think that fixed marriage is not bad. Specially when i already know that girl was...." Pigil nitong sabi. Pagkasabi niya noon ay sabay naman na may kinuha iyon sa kanyang likuran at iniabot niya iyon sa akin. Napatitig ako doon at kita ko ang isang maliit na kahon na kulay itim na makintab at may gintong linya na disenyo nito. Ngunit bigla nitong inilapit sa aking mukha ang kanyang maamo at gwapong mukha sa akin. Kung kaya ay napatingin muli ako sa kanyang mga mata sabay sabi nitong. "YOU" pagpapatuloy nito sa kanyang pinutol na salita kanina. Dahil sa hindi maakapaniwala ay napangiti ako dito na para bang gusto kong sabihin na baka namali sya or baka naman ginagawa lang ako nitong practise dummy para masabi ng maayos iyon sa babaeng para sa sitwasyon ko ngayon. "Ako? Nagpapatawa ka ba? Ako ang ka fixed marriage mo? paano? bakit? Teka naguguluhan ako!" Tuloy-tuloy kong sabi dito.Nunit maslalo akong naguluhan ng lagay na nito ang kahon sa aking mga palad. Dinahan dahan ko ang pagbukas noon sa pag aakalang kung anong ensekto ang nasaloob nito upang makaganti lamang sa akin. Nang tuluyan ko ng mabuksan iyon ay mas lalo akong nagulat at mas lalo naman akong kinabahan. Isang makinang na yellow diamond na pa square ang bumulaga sa aking mga mata. Isang singsing na parang iilang tao lamang ang may kakayahang makakapagbigay sa isang kasintahan. "Diamond Ring?" Sambit ko dito ng makabalik na ako sa aking laman lupa. Tila ba naglakbay ang aking kaluluwa sa sobrang daming pangyayari sa araw na ito. "Katherine Valdes, Let's continue our fixed Marriage. Will you marry me?" Continuation Ep.3 Biglang tumahimik ang buong kapaligiran, At kasabay ang malamig na ihip ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Mabilis at maingay ang kung ano mang dapat mag ingay sa aking kaloob-looban, na para bang nagdidiwang sa loob ko, dahilan upang hindi ako makapagsalita at makagalaw sa aking mga narinig mula sa gwapong lalake sa aking harapan. Hindi ko maintindihan na sa dinami raming babae sa mundo ay ako pa ang biniyayaan ng isang lalakeng mala "Omar Borkan" na isang kilalang modelo sa iraq ang pagmumukha at datingan. "HOY KATH!" sambit nito ng mapansing kanina pa ako nakatulala at walang imik sa mga sinabi niya. "H-ha? Anong sabi mo?" Ulit kong tanong dito na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Ang sabi ko, Will you marry me?" Sambit nito ng mapansing seryoso ang mukha ko na gusto kong ulitin nito ang kanyang sinabi. " Ha-hah? teka lang dave baka naman nagkakamali ka lang, Kasi kakakilala lang natin kahapon, Pwede bang kilatisin muna natin ang isa't isa? " Sabi ko dito na para bang ayaw maniwala sa mga sinasabi nito sa akin. Bakit ba naman kasi pabigla-bigla to, Unless....(Sabi ko sa aking sarili ng bigla kong maisip ang isang dahilan na posibleng dahilan nito kung bakit ako ang napili niyang mapangasawa.) "Teka nga! Kasi ako hindi pa kita kilala kaya nagtataka ako kung bakit mo ako aalukin ng kasal eh, Stalker ka noh? Matagal mo na siguro ako sinusubaybayan kaya ngayon ang bilis mo akong ayain magpakasal kasi kilala mo na pagkatao ko ng matagal noh?" Sambit ko dito habang nakaturo ang aking daliri sa mukha nito. " Hay nako... Hindi mo ako madadaan sa mga fixed marrage...Fixed merrage na yan! Ang sabihin mo pinlano mo talaga yan...!" Dugtong kong sabi dito sabay abot ko ng kahon na ibinigay nito sa akin. "Kath listen please?" Pagpigil nito sa akin ng mapansing lalakad na ako papunta sa klase ko at ipagpatuloy ang kung ano ang dapat gawin doon. "Hindi ako ganoong klase ng lalake noh! Pag may ginusto akong babae gusto ko talaga sasabihin ko kaagad, Hindi yung iiistalk ko pa." Paliwanag nito sa akin na ngayon ay nakatalikod na sa kanya. Humarap ako sa kanya ng matapos nitong makapagsalita at doon ko napansin ang serosong mukha nito na mamula-mula na para bang naiinis na habang nagpapaliwanag sa akin. Humakbang iyon palapit at agad naman akong humakbang ng isang beses baatras. Huminto iyon at nagtaas ng kamay, Simbulo na sumusuko na itong magpaliwanag sa akin. "Okay kath, Alam ko naguguluhan ka pa, Ganyan din ako nung unang nalaman kong ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin. Pero pwede naman natin gawan ng paraan diba? Magtulungan tayo," Sabi nito sa akin at muling lumapit ito sa akin. Ako naman ay nakatitig lamang sa kanya at pinagiisipan ang lahat ng ibabato kong salita sa kanya. "Okay here's the deal, Let's give both side to know each other for one or two weeks okay? Then let's give it a try. Let's get married then when we think na hindi talaga natin magustuhan ang isa't-isa then let's file an annulment." Pangungumbinsi nito sa akin. "Bakit ba gustong gusto mo akong pakasalan?" Seryosong tanong ko sa lalakeng kaharap ko na para bang matindin ang pangangailangan nito sa akin. "Okay, una, Ikaw lang yung babaeng nakilala ko na hindi mahirap gustuhin, Maganda straightforward which is i like it, And alam ko na maganda ang pagpapalaki sayo ni nanay leti kaya nga ikaw napili ng parent's ko for me." Sabi nito sa akin. Ilang sandali pa akong natahimik at para bang naguguluhan parin sa mga pinagsasabi nito sa akin. Kaylangan kong makausap si nanay tungkol dito , Pero paano? Nakapatay ang phone ko at hindi pa ako makauwi dahil may exam pa ako. " Okay" Nagkatinginan kami ni dave ngunit ito ay nakangiti sa akin, At ako naman ay nanlaki ang mata na hindi makapaniwalang iyon ang lumabas sa aking bibig. Agad kong tinakpan ang bibig ko at kasabay noon ay ang pag galaw ng ulo ko na nagsasabing hindi ako sang ayon sa sinabi ko. Ngunit ang hirap pigilan ni dave na ngayon ay nagtatatalon na sa tuwa. Naglabasan ang ibang mga studiante sa floor na iyon dahil sa ingay na nagagawa ni dave. Inilabas nito muli ang singsing at habang lumilingon ako sa mga studyanteng nanonood ay naghihiyawan naman ang mga ito dahilan upang mapatingin ako sa dahilan ng malakas na paghiyaw ng mga ito. Mabilis na nag init ang mga mukha ko sa hiyang nararamdaman ko ng makita kong nakaluhod si dave sa harapan ko at iniaabot ang singsing na galing sa kahong hawak nito. ("Seroso kath? "Okay" pa ang nasagot mo? sa dami rami ng pwedeng isagot mo okay pa? pwede namang HINDI! PAG IISIPAN KO ! O di kaya AYOKO! bakit "OKAY PA"!" Sambit ko sa aking sarili na para bang gusto ko maghanap ng isang takure na kaylangan kuskusin para may lumabas na genie at bigyan ako ng kahilingan. Unahin kong hilingin dito ay gawin akong invisible nito kahit sa buong araw lang na iyon. "Katherine? Uulitin ko , Will you marry me? " Tanong nitong muli sa akin na para bang kanina pa naghihintay ng isasagot ko. ("Ano pa nga bang isasagot ko diba? Pag ngayon pa ako nag hindi masasabihan pa ako ng mga ito na ang taas ng tingin sa sarili para tumanggi tapos ang lalakeng nasa harap ko ang kawawa, Ako kaya ang bida sa istoryang ito.) Bulong ko sa aking sarili habang nag iisip ng paraan para makaalis ng sitwasyong tulad nito.(Bahala na si batman!) "OO na tumayo ka na dyan!" Sambit ko dito ng mapansing parami na ng marami ang sumisigaw na sumangayon na ako dito. (Ang mga tao talaga ngayon porket gwapo ang nag poproppose Yes agad nasa isip! Pero kung pangit siguro to sasabihin ng mga to "Pag isipan mo munang mabuti." Hayy nako! Kung pwede lang ikwento sa lahat ang nagyayari ngayon edie sana napakadali lang mag NO ng hindi pagiisipan ng masama ng iba. "Hoyyy dalian nyo dyan... Anyan na si Sofia Lopes kasama yung asawa nyaaaaa!!!" Sigaw ng isang studyante na nakatingin sa coridor ng building. "Sofia?" Mahina kong sabi sa aking sarili, ahabang nakakunot ang aking noo at iniisip kung saan ko ba nakita at narinig ang babaeng nagmamayari ng pangalang Sofia. Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko na para bang biglang nagbago ang awra nito. Kung kanina ay masa iyon na para bang kita ng bente kwatro nitong mga ngipin , Ngayon naman ay para bang isang bata na ayaw kumain na asim ng mukha nito. "Kilala mo?" Tanong ko dito sabay suot nito ng singsing na hawak nito sa akin at sabay tago nito ng lagayan nito. Hinawakan nito ang kamay ko at tinangay ako nito pababa ng building upang salubungin ang guest ng school sa araw na iyon. Nang makababa ay tumayo lamang ito at iniharang ang kanyang katawan sa dapat na daraanan ng napakagandang babaeng nasa harapan nito. Madilim ang mga mukha at nakasoot ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Dave? " Gulat na sabi ng dalaga sa kanya. Napatingin naman si dave sa lalakeng kahawak kamay ng dalaga. Habang nagkakapalitan ang mga ito ng tingin ay unti'unti naman akong nagpapalamon sa dami ng taong nakapaligid sa amin. Nnag makalayo na sa kanila ay agad kong hinanap ang teacher ko upang alamin ang mga nangyayari sa campus at bakit merong guest na bumisita sa amin. Nang makita ko na si ma'am Aida ay nilapitan ko ito ng mabilis. Kasabay ang aking mga tanong dito. "Ma'am, Ano pong meron sa baba?" Tanong ko dito habang naglalakad papalapit sa kanya. "Ah magkaka event kasi ngayon ang lahat ng mga kilalang professor sa iba't-ibang culinary school at si miss Sofia ang napili nilang celebrity guest for today." Sambit nito sa akin. Kung kaya ay napasilip ako sa labas upang makita kung ano ang nangyayari ngayon sa baba. "OO nga pala kath, Sa monday na itutuloy ang actual exam since hindi mo narinig kanina ang mga pinag usapan sa class," Pagpapaalala nito sa akin. "So it means pwede na po umuwi?" Masaya kong sabi dito. Nang tumango ito bilang pagsagot sa akin, Agad ko na kinuha ang ialang mga gamit ko na naiwan ko kanina sa klase at agad na akong nag paalam dito upang makauwi na. Dumaan ako sa likod ng building na kadalasan namingdinadaanan ng mga kaklase ko sa tuwing tumatakas kami para makapasok sa school kapag nalelate kami sa flag ceremoney. Dahil sa napakaraming tao sa labasan ng mga studyante na magiging dahilan ng pagtagal ng paglabas ko ay mas pinili ko na talaga ang daan kung saan ay wala akong magiging kasabay at walang sino mang makakakita sa akin. "Ayos! Atlist hindi ako makikita ng lalakeng yun." masaya kong sabi sa aking sarili. Ngunit ng malapit na ako, May kung sinong lalake ang tila ba'y nagmamadali papunta sa dereksyon ko, Kung kaya ay pareho kaming napahandusay sa daraanan naming dalawa.. " Arayyyyy!" "Shiiit!" Magkasabay naming sabi ng mapahiga kaming dalawa. "Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa daraanan!" Galit na sabi nito sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan sa nangyari sa amin. "Hoy ikaw lalake ka.. Ako pa ang may kasalanan ngayon? Ikaw na nga itong posulpot sulpot dyan. ako pa itong mali? hmmhmmtmmmama!hmmmmpppp!" Tuloy tuloy kong sabi, Ngunit agad nitong tinakpan ang aking bibig habang ako ay nagsasalita at sabay hatak nito sa akin sa isang ginagawang building ng school. Agad akong pinatahimik nito at tila ba parang may tinuturo sa labas kung saan kami nagkabungguan. Narinig ko na lamang ang dalawang lalake na nag uusap na para bang itong lalakeng kasama ko ang pinaghahanap ng mga ito. "Pre ,, wala sya dito dead end na,baka doon sa kabila sya dumaan wala naman kasing daanan dito" Sabi ng lalake. "Sige maghiwalay tayo doon ka sa harap doon ako sa kabila," Sabi ng kasama nito. Nang marinig namin ang mga hakbang nitong papalayo sa amin, Agad naman nitong binitawan ng pagkakatakip sa aking bibig at napasandal sa likod ng pintuang aming pinagtataguan. (Ano nanaman ba to kath, Nakaiwas ka nga sa isa meron namang bagong intindihin, Ayaw ka ba pauwiin agad?") kausap ko sa aking sarili. At napatingin muli sa lalakeng nagdala sa akin doon. "Hoy ikaw," Sambit ko dito . "Oh bakit?" Masungit na sagot nito sa akin. "Bakit ka nila hinahabol?" Seryosong tanong ko dito habang pinapagpag ang naalikabukang soot dahil sa pagkakatumba kanina. "Nevermind." Walang kabuhay buhay na sagot nito sa akin. "Nevermind ,Nevermind ka pang nalalaman dyan, May ginawa kang kasalanan noh?" sambit kong muli dito sabay kuha ng mga gamit ko sa sahig. " I said never..mind, Just mind your own business, Mahirap ba intindihin?" Masungit nitong sabi sa akin. Pagtapos nitong magsalita ay napangiwi na lamang ito at napansin ko na may sugat ito sa kanyang labi. Gagamutin ko na sana ngunit tumayo na ito agad palabas ng pinto. Agad ko naman iyong sinundan at napansing magkaiba naman kami ng daan kung kaya ay nagpatuloy na lamang ako sa aking planong pagtakas, Nang makarinig ako ng kaluskos ay muli akong nagtago. Napaisip na lamang ako na bakit ako magtatago eh hindi naman ako ang hinahanap. Nang lumabas ako sa aking pinagtataguan ay nakita ko ulit ang lalakeng ubos ng sungit sa akin kanina. Nnaghahanap iyon ng matataguan, Hindi ko na sana papansinin ngunit narinig ko ang sabi ng mga naghahanap sa kanya. "Basta pag nakita nyo itali nyo agad. De Chavez my ass!" Sambit ng isang di kilalang tao. "Yes boss." Sagot ng mga ito doon. Nang makaalis ang mga iyon ay binitawan ko na ang bibig ng lalakeng kasama ko. "Yack!"Reklamo nito sa kamay ko. "Arte mo! Kung hindi ko tinakpan yang bibig mo baka natali ka na ng mga yon noh... Sungit!"Sagot ko sa lalakeng iyon na kung umasta kala mo binili na ang mundo sa sungit. "Hoy baka nakakalimutan mo, Kung hindi naman dahil sayo hindi madudumihan ang kamay ko noh, Lagi kaya malinis ang mga kamay ng kusenero at kusinera." Muli kong sabi dito habang pinapakita ang mga kamay ko. "Makaalis na nga dito nadadamay pa ako," Inis kong sabi sa lalakeng kausap ko na hindi ako iniimikan mula ng magsabi ako dito. Nang hahakbang na sana ako palabas sa pinagtaguan namin, Ay bigla na lamang parang may pumipigil sa paghakbang ko. Ng lingunin ko iyon ay nakita ko ang isang kamay na nakahawak sa bag ko. Nang itungo ko ang aking paningin sa may ari ng mga kamay na iyon ay nakita ko ang mapupungay na mga mata ng binatang para bang may nais sabihin sa akin. "Ano yon? Magsosorry ka?" Tanong ko dito, Ngunit wala itong reaksyon sa sinabi ko sa kanya. "Haynako, kung ayaw mong sumagot aalis na ako bitawan mo ang bag ko." Muli kong sabi dito . "May alam kang daan palabas dito? Bukod sa main gate ng school nyo?" Nangungusap na parang pusa ang mga tinginan nito sa akin , na para bang gusto nitong kumawala sa isang trap na hindi nito alam kung saan ang lusutan. "See? Sabi ko na nga ba yan ang tatanungin mo sa akin. You need be .." Nnag iinis kong sabi dito at nginitian lamang ito na para bang ako ang nanalo. "Just say it if meron para alam ko kung ano ang gagawin ko." Desperadong sambit nito sa akin. "Pano kung sabihin kong meron? Magsosorry ka ba?" Tanong ko dito . " So meron nga? Saan? dalian mo ituro mo na, Pag nakalabas ako dito i will grant your wish." Sambit nito sa akin. " Wow ano ka genie? When you rub me i will give your wish ?" Pagkasabi ko noon ay tila ba iba ang pumasok sa isip ng lalakeng kausap ko , Nanlaki ang mga mata ko kung kaya ay di sinsasadyang nasipa ko iyon . "AGHHHhhh!" Hiyaw nito sa sakit kung kaya ay napahawak ito sa parte kung saan ko iyon nasipa. " Kung hindi mo kayang mag sorry manigas ka dyan!" Inis kong sabi dito at humakbang na muli patungo sa daraanan ko palabas ng school na iyon. "OOOKKKaayyyy! Sorry.." Sambit nito na tila ba napipilitan sa kanyang paghingi ng tawad sa akin. "Ano? ulitin mo makes me believe na sincere ka sa pag hingi mo ng sorry." Sambit ko dito at humarap ako sa kanya upang makita ang mukha nitong humihingi ng tawad. "Sorry.." seryosong sabi nito sa akin.. Pagkasabi niya noon ay para bang may kung anong kamay ang yumakap sa puso ko at naging kalmado ito na para bang kampante ito sa kausap ko ngayon. (Doon ko lang napakatitigan ang mukha nito, Na para bang sa mga fantasy mo lamang makikita, Para siyang reality face ng prinsipe sa cinderalla, Sleeping beauty or kahit ano pang mythical story na kahit kaylan imposibleng magkatotoo sa reality, Pero ito yung prinsipe na sobrang sungit na verion ng mga iyon. Sayang kung pinagkalooban lang sana ng kapogiang loob sana perpekto na.") Sambit ko sa sarili . "Miss? ano na? Tutunganga ka nalang ba dyan?" Sambit nito sa akin ng ilang sigundo akong nakatitig sa kanya at sandaling mabingi sa dami kong iniisip. "Ha? ahhh mabuti naman at marunong kang mag sorry," Sambit ko dito at nagpalinga linga upang hanapin ang lagusang. Tinatakpan kasi namin iyon umapang hindi ito saraduhan ng aming skwelahan. "Anong hinahanap mo? Please take me out of here." Sambit nito sa lenguaheng bihasang gamitin at may perpektong accent pa. Alam ko iyon dahil sa mahilig akong manood ng mga international movie tulad ng Beauty and the Beast, Harry Potter, Twilight, at kung ano ano pa. Kaya naman minsan ay pinag aaralan ko din ang iba't ibang accent sa movie. "Sawakas! makakauwi na din!" Sabi ko ng makita ko ang butas ng kaligayahan. Nag alangan nga lang ako kung kakasya ba doon ang lalakeng kasama ko na ang laki ng katawan dahil sa mga naglalakihang muscles nito. "Bahala na. Kasya ka kaya dyan?" Tanong ko dito. "Kasya yan at pipilitin kong magkasya kesa naman dito ako makatulog noh, And sayang naman ang pag hingiko ng sorry kung di ko mapapakinabangan." Sambit nito na para bang ang sama pa sa loob niya ang mga paghingi ng tawad nito kanina. "Mauna ka na para pag hindi ka nag kasya sisipain nalang kita para sumakto ka.!" Inis kong sabi dito. At lumusot na nga ito ng mabilis ng muling makarinig ng ilang mga hakbang. Nang makalabas ito ay sa tancha ko ay mahuhuli kami kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa pag labas ko. Kung kaya ay nilisot kona lamang ang ulo ko at kinausap ko nalang ng lalake. "Hindi na ako makakalabas, Diretchuhin mo nalang yan at sa dulo lusot ka sa isang iskinita pag labas mo doon may sakayan na ng tricycle okay sungit?" Sambit ko dito sabay tayo sa kinaroroonan ko. (Kalma kath.. Hindi naman ikaw ang hinahanap nila kaya okay lang yan.) Pagpapakalma ko sa aking sarili. Nang makalapit ang isang lalake ay nanlaki nalang ang mga mata ko sa nakita kong lalake na ngayon ay palapit sa akin. To be continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD