Kumakabog sa kaba ang puso ko sa mga oras na yon, Nang makita ko si Dave na papalapit sa akin. Napasinghap na lamang ako ng makita ko ang mukha nito na animo ay nakipagbakbakan sa gera. Napakadungis nito at may sugat ang gilid ng labi nito.
"AH-Anong nang-nangyari sayo?" Nanginginig kong tanong kay dave na ngayon ay napahawak pa sa kanyang leeg papunta sa kanyang batok.
"Ah ito? It's just a litle misunderstanding" Sambit nito na tila ba'y gumagawa lamangg ito ng rason upang hindi ko na iyon tanungin pa.
Ngunit ng maalala kong muli ang lalakeng masungit na tinulungan kong makatakas. Napagtugma ko sa isip ko kung bakit ito nagtatago at gustong tumakas sa lugar kung saan ayaw nitong dumaan sa tamang labasan ng school na iyon.
Napatingin na lamang ako sa gawi kung saan ko iyon pinatakas. Hahabulin ko sana ito upang panagutin sa kanyang pagkakamaling ginawa, ngunit huli na ang lahat nakatakas na ito at ang mahirap tanggapin ay ako pa ang dahilan kung bakit matagumpay iyong nakatakas sa kasalanan nito.
Napatitig na lamang ako sa mukha ni dave na ngayon ay inaaya na akong ihatid pauwi sa bahay.
"Sorry dave ahh, Kung hindi ako umalis sa tabi mo sana hindi nangyari sayo yan." Nakokonsensya kong sabi dito. Habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Don't say sorry kath, It's not your fault alam ko naman na hindi naging madali sayo lahat ng disisyon na binigay ko, kaya ginusto mong takasan na lang ako para makaiwas diba?" Sambit nito sa akin ng nakangiting napaakbayito sa akin.
"Hindi naman sa ganon," Sambit ko dito. Napatingin na lamang ito sa akin na parang may gustong marinig mula sa akin.
" Ahh basta sorry parin..." Hanas kong sambit dito at naglakad na ako ng mabilis dahilan upang maiwan itong naglalakad mag isa. Ngunnit mas binilasan pa nito ang kanyang paglalakad upang makapantay sa lakad ko.
Nang maabutan ako nito sa aking paglalakad ay pumunta iyon sa aking karapan at hinawakan ako nito sa balikat upang pigilan akong maglakad. Ngunit imbis na mapigilan ako nito ay tinitigan ko pa iyon ng matalas, Ngunit hindi ito nagpatinag at sinuklian niya ito ng matatamis na ngiti patunay na okay lang ito.
"Ano ka ba dave umalis ka nga dyan, Hindi mo ako madadaan sa pangitingiti mo sakin nohh.."Inis kong sabi dito at mas lalo ko pang nilakasan ang mga balikat ko upang makausad parin sa paglalakad kahit pa harangan ako nito.
" Okay, Fine.. You want to be sorry? Okay.. I don't know kung bakit sobra yang pag aalala mo? pero sige pagbibigyan kita, I only accept your sorry if..." putol nitong sabi ng mapahinto ako sa pagpigil nito sa akin sa paglalakad dahilan upang mapatayo iyon ng deretcho sa harapan ko.
Ngayon ay nakatingin langa ako sa kanya na naghihintay ng idudugtong nito sa sinasabi niya sa akin na kundisyon. Napataas ang kilay ko ng hindi iyon nagsasalita na para bang nag iisip ng kung anong kundisyon ba ang naiisip nito para sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng pakita ko kung saan dereksyon napadpad ang mga mata nito na ngayon ay napatingin sa aking katawan mula ulo pababa kulang nalang pati sa talampakan.
Napayakap ako sa aking sarili habang umiiling ako sa kung anong nais nitong gawin. Nang mapansin nito ang kung anong naiisip ko ay nakita ko naman ang reaksyon sa mga mukha nito. Napataas ang kilay nito ng ilang saglit hanggang sa napa salubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin.
"Hoy! ano bang iniisip mo dyan?" Takang tanong nito sa akin.
" Hindi pa ako handa sa ganyang mga bagay d-dave..." Sambit ko dito at patuloy na niyayapos ang aking mga braso sa kaba sa kung anong iniisip ni dave sa akin.
"Crazy!" Sambit nito sa akin sabay talikod sa akin.
"Gamutin mo ako, Gusto ko ikaw gumamot sa akin at papatawarin lang kita kapag tuluyan ng gumaling ang sugat ko sa mukha okay?" Sambit nito sa akin at sabay nagpatuloy na ito naglakas at iniwan ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Teka!" Pagtawag ko dito. Ngunit hindi iyon huminto.
"Bakit ba kasi ganun ang titig mo kung magpapagamot ka lang sakin!" Asar kong sabi dito at sabay napatalon ako upang maabot ang ulo nito para lang mabatukan iyon sa ulo.
"AWWWWW..." Hiyaw nito ng maabutan ko ang ulo nito.
"Buti nga sayo," sambit ko.
"Well okay lang madadagdagan ang pag gamot mo sa akin dahil dyan." Nakangini nitong sabi sabay habol sa akin.
Nang makarating na kami sa sasakyan nito ay agad ako nitong pinagbuksan ng pintuan bago iyon mapapunta sa kanyang pwesto. Napatingin ito sa akin na tila ba may iniisip nanaman na kung ano na hindi nito kayang sabihin.
"Ano nanaman yang titig na yan? Gusto mo nanaman mabatukan?" Sambit ko dito at itinapan ang aking kamao na handang handa dumapo sa kanyang bunbunan.
"OH-Okayy! iniisip kolang kung saan mo ako gagamutin? Kung sa place ko orrr..." Hindi ko na iyon pinatapos at sinagot ko agad ang tanong nito sa akin.
"Sa bahay namin dave, Sa bahay namin..." Sambit ko dito upang makasiguradong wala itong gagawing masama sa akin..
Ano pa nga bang iisipin ko sa taong ito? Gusto nga nya akong pakasalan agad-agad yung ganung bagay pa kaya na kahit sino ay kayang gawin mapa mag asawa man o hindi diba? Sa panahon ngayon ay mabuti ng aware ka kesa naman pagsisihan mo ang mga bagay na kahit kaylan ay hindi na maibabalik ng pag iyak at sorry..
"Andito na tayo,"Sambit nito sa akin.
Bababa na sana ako sa sasakyan ngunit hinawakan nito ang aking kamay upang pigilan ako nito.
"Hintayin mo ako dyan" mahinahon nitong sabi sa akin.
Pagkababa ko ay nakita ako ni nanay at tatay, Kung kaya ay dali-dali ang mga itong lumapit sa kinaroroonan ko.
"Anak! anong nangyari? okay ka lang ba? anong balita?" Tuloy tuloy na tanong ni nanay sa akin.
Kadalasan kasi ay umuuwi lamang ako ng nakataxi kung ako ay nadidisgrasya sa school. Dahil sa kursong kinukuha ko ay lapitin talaga kami sa kung anong disgrasya. Halimbawa nalang kung kami ay naghihiwa may mga nahihiwa ang daliri pag nadudulas ang kutsilyong hawak, Pag nagkakamaling mahawakan ang baking pan pag kukunin sa oven sa twing makakalimutan sa pagmamadali. Kaya hindi na kinakayang magkumyut pa. Kaya nasanay na sila nanay ng ganoon ang mga nangyayari sa akin.
Natigil lamang sila ng makita ang lalaking kasama ko sa mga oras na iyon. Ngunit hindi ko ito nakitaan ng pagtataka kung sino ang lalakeng kasama kong umuwi sa bahay. Sa halip ay nakangiti pa ang mga magulang ko sa kung sino ang kasama ko.
"Oh iho, Napatadaw ka?" tanong pa ng mga iyon sa kanya.
"OO nga po nay leti, dapat nga po kagabi kaso wala daw kayo sabi ni kath." Pagpapaliwanag nito sa mga iyon sabay kuha ng mga kamay ng mga magulang ko at inilagay iyon sa kanyang noo.
"Napakagalang na bata." Sabi nito kay dave.
"Salamat po nay." nakangiting sabi nito.
" Ay nako, pasok ka muna at sakto nakapagluto na ako ng tanghalian."Masayang sabi nito sa akin.
Habang kumakain ay napatingin si nanay sa aking palasingsingan at nakita nito ang isang makinang na bagay na nakasoot sa akin.
"Dave? "Tanong ni nanay sabay tingin nito sa kanya.
"Yes po nay?" Tanong nito kay nanay.
"Okay lang anak kung nabibigla ka pwede ka naman tumanggi." Sambit nito sa binatang kaharap nito sa hapagkainan.
Napatingin si dave sa akin sabay iling nitong nakangiting sinabi na.
"Okay lang po nay, She accept be anyway."Masaya nitong sabi at nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang proposal na gianawa nito sa school kanina.
"Teka nay, Tungkol nga pala dito gusto kong pag usapan to."Sambit ko kay nanay ngunit tumangi iyon na sagutin ang tanong ko.
" Ano ibigsabihin nito nay? Bakit hindi ko alam ang mga bagay na ganito?" Magkakasagot kong sabi, Ngunit hindi ako pinapansin ng mga ito. Hinayaan ko na lamang dahil sa nagmumukha na akong tanga sa pagsasalitang hindi naman ako tinatatapunan ng atensyon ng mga iyon.
Dahil sa hindi makapaniwala sa pag walang bahala ng mga ito sa akin. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at pumasok nalang ako sa kwarto at nagkulong hanggang sa makauwi na si dave.
"Anak wala na si dave." sabi ni nanay habang kinakatok nito ang aking pintuan.
"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong nito sa akin. Ngunit hindi ko yan sinagot dahil sa laki ng tampo ko sa mga ito.
"Anak sorry hindi kita sinasagot kanina, Nakakahiya kasi kung paguusapan natin yun sa harap ni dave?" Paliwanag nito sa akin.
Nang makulitan na ako kay nanay ay binuksan ko na ang pinto at bumalik na ulit ako sa pagkakahiga sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot upang hindi ako nito makitang nagtutulog-tulugan.
"Okay sige, Kung ayaw mo magsalita, Makinig ka nalang anak." Sambit nito sa akin at nagpatuloy na ito sa kanyang mga paliwanag sa akin.
Flashback... Before katherine's Existence.. Nanay leti's Past. PoV
" Ma'am Devina, Saan ko po ilalagay tong mga damit nyong susuutin sa party?" Tanong ko sa amo kong babae. Nakangiting itinuro nito sa akin ang kabinet na nakalaan para lamang sa mga damit na aking ginawa para sa kanilang mag asawa.
Malaki ang utang na loob ko sa mag asawang Gozon, Kung hindi sa kanila ay malamang nasa kalsada parin kaming pag asawa at namumulot ng mga tira-tira ng mga kumakain sa mga restaurant ng oras na ito.
Laking pasasalamat namin na binigyan kaming makapag hanap buhay ng marangal dito sa kanilang mansyon. Habang ako ay nag aalaga ng bata na anak ng mga ito, Isinasabay ko naman ang pagluluto at paminsan minsan ay nakikitulong ako sa paglilinis ng mansyon.
Kung kaya ay nakapalagayan ko ng loob ang iba kong mga kasama. Samantalang ang aking asawa ay naging personal na driver ng mga ito.
Masaya kaming lahat sa mansyon. Itinuring kaming isang pamilya mapa katulong hardinero or driver ay hindi iba ang pakikitungo sa aming lahat.
Kung ano ang kinakain ng mga ito ay ayun din ang kinakain ng bawat isa sa amin.
Kung kaya ay ganoon na lamang namin tanawin ng malaking utang na loob ang buong pamilya ng Gozon.
Ako ang nagbabantay, nagpapakain, naghehele at maging sa pagtulog katabi ko si dave, Kaya naman masakit sa amin ng asawa ko na umalis sa mansyon na iyon dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.
Present time...
"Nay okay ka lang?" Tanong ko kay nanay sabay abot ko ng pamunas sa luha nito habang nag kukuwento sa nangyari sa kanila.
"Kung hindi mo pa kayang ikwento nay okay lang handa akong maghintay magpahinga na tayo." Pagpapahinahon ko kay nanay.
"Hindi kaylangan mo ng malaman to, Mas mabuti ng malaman mo to sa akin kesa malaman mo pa to sa iba." Sambit ni nanay habang umiiling pa ito sa akin.
Flashback...
Habang mahimbing na natutulog ang lahat. Naglakad lakad ako sa loob ng mansyon upang mapagmasdan ang kabuuan ng buong lugar. Magmula kasi ng dumating kami dito ay nakatuon lamnag ang attensyon ko sa pag aalaga at pagawa sa gawaing bahay.
Sa aking paglalakad napansin kong dahan-dahang bumukas ang pintuan sa gawing likuran. Pupuntahan ko sana iyon ngunit may narinig akong mga boses ng hindi bababa sa tatlong lalake ang pinangagalingan ng mga boses na iyon.
Tatakbo sana ako sa taas upang gisingin ang mga amo ko ngunit hindi ko iyon magawa, Dahil sa tuluyan nang nakapasok ang mga ito. Mga nakaitim at mga nakatakip ang mga mukha ng mga nangloob sa mansyon ng gabing iyon. May mga hawak na barel kung kaya ay natakot ako baka patayin nila ako kung kaya ay minabuti ko na lamang na magtago.
Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, Mabilis din napasok ang mansyon ng mga lalaking ito at tuluyan ng nakaakyat sa taas kung saan mahimbing na natutulog ang mag asawa. Nang magkaroon ng pagkakataong umakyat ay dahan-dahan akong tumungo sa kusina at kumuha ng kahit anong pwede kong magamit pang depensa sa mga iyon.
Nang makita ko ang isang kutsilyo ay mabilis ko iyong dinampot at mabilis na umakyat kung saan iyon dereksyon pupunta.
Nagpalinga-linga ako baka meron pang natirang kasamahan ang mga iyon. Nang mapansing wala ay umakyat na ako upang saklolohan ang mga amo ko.
Pag akyat ko sa pangalawang palapag ay nakita ko ang telepono. Naisip kong tumawag sa mga pulis, Ngunit pagkatutok ko noon sa aking tenga ay wala itong senyales na gumagana. Tila alam ng mga iyon ang dapat nilang gawin bago pasukin ang isang bahay tulad ng ganito.
Napaisip ako kung ano ang pakay ng mga iyon. Dahil sa kung ang gusto ng mga iyon ay pagnakawan ang pamilyang ito dapat ay kinuha na nila ang isang mamahaling mga gamit na makikita sa unang palapag, tulad nalang ng isang frame na malaki na bunuo gamit ang mga perlas na iba-iba ang kulay. May itim, Puti, cream, Pink at iba pa. At sa mga sulok nito ay may purong dyamante. Doon palamang ay masasabi kong billionaryo ka na agad kung ito ang inyong makukuha.
Kung kaya ay napaisip ako na may iba pang mga pakay ang mga ito. Nang papalapit ako sa kwarto ng magasawa, Nakita ko ang mga lalake na tinatalian ang mag asawa. Papasok na sana ako ngunit may biglang humila sa akin. Mahigpit akong hinawakan noon at ipinasok ako sa isang kwarto kung nasaan nakagapos ang mga amo ko.
Kasabay noon ay ipinasok nila ang isang batang iyak ng iyak sa loob ng silid kasama naming tatlo.
"Ano nagapos mo na ba ang lahat?" Tanong ng lalake sa isa nitong kasama na satancha ko ito ang boss ng mga ito.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung nasaan ang papel?" Tanong nito sa asawa ni ma'am devina. Umiling lamang ito bilang pagsagot sa tanong nito. dahil sa nakatakip ang mga mata nito.
Nang biglang tinutukan nito ng baril ang ulo ng kawawang bata na si dave na ngayon ay sobra na ang pagiyak sa pagkakahawak sa kanya ng isang lalake. Lalong lumakas ang pag iyak ng mag asawa dahil sa mga nakikita sa ginagawa sa anak.
Pumalag ako hanggang sa natuhod ko ang p*********i nito. Ngunit sa pag aakalang makakatakas, Sinabunutan ako nito at inihagis sa kama.
"Parang awa muna, wag mong sasaktan ang bata." pagmamakaawa ko sa lalake.
"Paano kung ayaw ko? paano kung gusto kong patayin to anong magagawa ng katulong na tulad mo?" Sambit nito sa akin na halatang hindi magpapaawat hanggat hindi nakukuha ang gusto.
"Okay huling tanong ko na to." sabi nito sa mag asawa at tinanggal ang busal ng mag asawa.
"Shhh... Pag may narinig akong ingay alam nyo na kalalagyan ng asak nyo." Sambit nito sa ngayon ay walang magawang mag asawa.
"Wala nga sa amin ang papel na hinahanap mo bakit ayawa mong maniwala." Pagkasagot noon ay sinampal ito ng baril na hawak dahilan upang mahimatay ang asawa ni ma'am devina.
Nang papaputukan na nito ang ulo ng bata ay inuntog ko ang ulo ko sa tagiliran ng lalake,Dahilan upang masaktan iyon at mailihis ang putok ng baril sa ibang dereksyon malayo sa bata.
"Ikaw kanina ka pa nangengealam, Halika dito at ikaw ang bubuhusan ko ng attensyon."Galit na sabi nito sabay bunot ng matulis na bagay mula sa kanyang bulsa at ginamit upang matanggal ng mabilis ang lahat ng aking saplot.
"This is what you want b***h?" Sambit nito at ipinakain sa akin ang kanyang pagkalalake.
Halos masuka ako sa ginawa nito kung kaya ay kinagat ko iyon, Dahilan upang mapasigaw ito sa sakit. Sinabunutan ako nito at doon na nagsimula ang panghahalay nito sa akin. Tanging pag iyak na lamang ang nagawa ko dahil sa inisip ko na din na ito nalang ang tanging paraan upang patagalin ang mga ito sa loob ng mansyon. Dahil sa lakas ng putok ng baril nito malabong walang kapitbahay ang makakarainig noon.
Nang matapos itong parausin ang kanyang sarili, Hindi nito namalayan na may mga tahimik na kapulisan ng nakaabang sa kanilang pag labas. Nang makaalis ang mga ito ay doon na sila hinuli at pinosasan ng mga pulis at dinala na sa presinto.
Lumapit sa akin si ma'am devina ng makalagan iyon sa kanyang pagkakatali at pumunta sa kinahihigaan ko na nakatulala lamang habang umiiyak . Tinakpan nito ang hubad kong katawan habang humihingi ito ng patawad sa akin.
Nang matapos ang gabing iyon. Minabuti na lamang ng mag asawa na pagpahingahin ako sa probinsya o kung saan man namin gustuhin. Bilang sa pag tanaw ng utang na loob ng mga ito ay sinustentuhan nila kami mag asawa kahit na hindi na kami nagtatrabaho pa sa kanila. Ngunit ako parin ang gumagawa ng mga damit na susuutin nila sa tuwing may okasyon na magaganap sa mag asawa.
"Oh.. Paano ba yan aalis ka na. Bibisitahin mo kami ah.." Sambit ng mag asawa sa amin.
" Syempre naman ma'am sir.." Sambit namin sa kanila.
" Kung may kaylangan kayo wag na wag kayo mahihiyang lumapit dahil kung hindi magtatampo kami pag nalaman naming hindi kayo samin lumapit ha?" Sambit ni sir albert sa amin. Tumango lamang kami habang nakangiti sa kanila.
"Isa pa. Napag usapan naming mag asawa.. " sambit nito at napatingin ito sa asawa nito.
"Pag nagkaanak kayong babae, Gusto kong ituring din itong anak na parang sa amin dulad ng ginawa mo sa anak naming si dave." Masayang sabi ni ma'am devina sa amin. Nagkatinginan kami mag asawa at nagtataka sa kung anong ibig sabihin nito sa amin.
"Aampunin nyo ang anak namin ma'am? " seryosong tanong ko dito.
"Hindi ano ka ba, pinapatawa mo naman ako eh.." Sambit nito sabay hagalpak ng tawa nito.
"Ano nga ma'am?" Tanong kong muli dito.
"Gusto naming maging isa tayong buong pamilya sa araw na nasa tamang gulang na ang mga anak natin." Sambit nito na nakatingin at nakangiti sa aming mag asawa habang hawak ang aking mga kamay na naghihintay na pumayag ako sa kagustuhan nilang mag asawa.
"Please?" Dugtong pa ng mga ito na desidido sa mga sinambit ng mga ito.
"Okay po"
To be continued next week....