Maingay at magulo ang paligid, habang hawak nito ang aking balakang dahan-dahan ako nitong pinapahakbang papunta sa kung saang lugar na ninanais nitong mapuntahan. Bawat hakbang ay lalong umiingay, may bumubulong yung iba pa ay tila ba hindi mapigilan ang pagkagigil sa lalaking kasama ko at inalog pa nito ang braso dito, dahilan upang maramdaman ko ang pagkagigil nito dito. Kasabay ng ingay na nagmumula sa mga taong nakapaligid, nakikipagsabayan din ang ingay ng trumpeta at tambol sa aking dibdib.
(Bakit pa kasi merong patakip ng mata eh... Pwede naman takip bibig nalang...) Sambit ko sa aking sarili... Ng maisip ko iyon ay para bang lalong kumabog ang dibdib ko at nakaramdam ako ng pagkainit ng aking mukha. Napahinto na lamang ako ng pagilan ako ni dave sa aking paglalakad.
"Ready ka na kath?" tanong nito sa akin ng maramdaman ko ang pagpapahinto nito sa aking muling pag hakbang. Tumango ako bilang pagsagot at doon ay inikot ako nito paharap sa kanya dahilan upang maamoy ko ang halimuyak ng kanyang pagkalalake.. este.. ang nakakaakit nitong pabango na ngayon ay nakalapit sa aking ilong.
Dahan-dahan nitong tinanggal ang piring sa aking mga mata. Bagamat nanlalabo ang aking paningin ay pinilit kong imulat ng maayos ang aking mga mata upang makita ang mga taong naroon at maging ang kabuuan ng lugar. Ngunit ang nakita ko ay ang maamong mukha ni dave na ngayon ay nakapantay sa aking mukha.
"Okay ka na?" tanong nito sa akin. kinusot ko ang aking mga mata hanggang sa luminaw ito, pagkatapos noon ay inikot na akong m uli ni dave patalikod sa kanya.
Nang tuluyan ng luminaw na ang aking paningin ay nagulat ako sa aking nakita, kung kaya ay hindi ko na napigilan pa ang pag agos ng aking mga luha.
"Nice to meet you..." yan ang salitang unang bumungad sa akin galing sa isang matandang babae na halos hindi kalayuan ng edad ng aking mga magulang.
Bagamat naguguluhan pa ako kung sino ang mga ito. Unti-unting nagiging malinaw ang mga bagay sa akin ng makita kong naroon din ang aking mga magulang at nakangiti ang mga iyon sa akin.
(Ahhh,, so ito pala ang dahilan kung bakit nakangiti sa akin sila nanay kanina pag alis namin. Pero paano? ang bilis naman nila nakarating samantalang kami halos masunog na ang pwet ko sa sobrang inip sa loob ng sasakyan.) Habang sinasambit ko iyon ay inabot ko ang mga kamay ng matanda at yumuko ako upang salubungin ng aking noo ang kamay nito at ganun din ang aking ginawa sa asawa nito.
" Mom, dad... This is katherine fiancee ko and kath this is my parents." sambit nito sa akin ng nakatingin lamang sa kanyang mga magulang na para bang napipilitan lamang ito sa mga nangyayari, Habang ang kanyang mga magulang ay nakangiti sa akin.
Pagkatapos akong ipakilala ni dave sa mga ito ay hinila ako ng mama ni dave patungo sa isang lamesa na may anim na upuan, kung saan naghihintay sila nanay at tatay sa amin. Nang makarating ay ipinaghila ako ni dave ng upuan at ganun din ang dad nito sa mama ni dave. Sa lamesang iyon ay kaharap ko si nanay, si tatay naman ang nasa centro ng lamesa kaharap nito ang kabilang dulo ng lamesa kung saan nakaupo ang papa ni dave. Sa right side ko si dave at kaharap nito ang mama nito.
Magkatabi ang mama ni dave at para bang magkaibigang-magkaibigan talaga ang turingan ng dalawa na para bang walang nasa langit at walang nasa lupa sa mga ito. Habang kumakain nagtatawanan ang lahat sa mga kwentuhan ng aming mga magulang sa mga nakakatawang karanasan ng mga ito, Mula sa pagluluto ni tatay na sumasablay-sablay pa noon, hanggang sa unang pagsakay ng mga magulang ni dave sa jeep. Nang mabusog na ang lahat, natahimik na ang lahat.
"Kath?" gulat na tawag sa akin ng mama ni dave na nakapagpabasag sa katahimikan ng lahat.
"P-Po?" utal kong sagot dito dahilan upang mapangiti si dave sa akin.
"Are you ready?" nakangiting sambit nito sa akin, Kinakabahan ako na para bang nakalimutan ko ang ibig nitong sabihin. Napatingin ako kay dave at napatingin din ito sa akin sabay ipinatong nito ang kanyang ulo sa nakakuyom nitong kamao.
"P-po? ready saan po?" tanging naisagot ko sa tanong nito sa akin, naisip ko kasi na baka mapahiya ako kung hindi ko alam ang tinutukoy nito sa akin.
"Sa pagpapakasal sa unico iho namin.." Sambit naman ng papa ni dave sa akin sabay nakangiting napahawak ng kamay ang mama at papa nito sa isa't-isa habang nakangiti ang mga ito.
"Kath?" tawag sa akin ni tatay ng mapansin nito ang pagkagulat sa mga sinabi ng kabilang panig.
Napatingin ako kay dave at nakita kong nagtatapon ito ng nakakahawang ngiti sa akin ng ubod ng tamis, Kung kaya ay hindi ko na napigilan ang aking sariling napangiti narin ako dito.
"Yesss..." Sagot na dapat ay nasa isip ko lamang ngunit hindi ko napansin na nasasabi ko na pala sa lahat.
"Ayunnn... pinakaba mo kami iha.. welcome to the family!" Nagdidiwang na sambit ng mama ni dave sa akin, at itinaas nito ang baso na may lamang wine at ininom iyon.
"Nahipnotize ba kita love?" Bulong ni dave sa akin na para bang may nakakapang loko pa itong tingin sa akin habang iniinom ang laman ng baso nito.
Nang iinumin ko naman ang laman ng baso ko ay pinigilan ako ni dave at hinawakan ang aking kamay at nagpaalam ito sa mga magulang namin.
"May pupuntahan lang po kami saglit.." Sambit ni dave sa mga iyon at tuluyan na akong natangay ng mainit na kamay ng binata.
"Saan mo ba ako dadalhin?" inis na sambit ko dito.
"Diba sabi ko sayo dadalhin kita sa paraiso?" sambit nito sa akin, napaisip ako kung meron nga ba itong sinabi sa akin.
Naiinis ako sa aking sarili ng makalimutan ko ang lahat at ang bukod tangi kong naaalala ay ang sandaling hinalikan ako nito. Pulit-ulit ngunit ayun at yun lang ang pumapasok sa aking isipan sa mga sandaling iyon.
" Kath.. upo ka wait lang tayo ng 6 oclock then makikita mo ang aking paraiso." sambit nito sa akin at umupo naman ako sa tabi nito.
"Ang dilim naman dito wala akong makita.." reklamo ko dito, ngunit natigilan ako ng para bang may mabigat akong naramdaman sa aking mga hita.
(Humiga si dave at ngayon ay nakapatong ang kanyang mga ulo sa aking mga hita. Hindi ko na malaman ang nararamdaman ko sobrang bilis at ingay nanaman ng dib-dib ko at kinakabahan ako na baka marinig iyon ni dave dahil sa sobrang lapit nito sa akin.) sambit ko sa aking sarili.
"Wag kang kabahan.." Sambit nito sa akin. at kasabay noon ang pag bangon nito mula sa pagkakahiga nito sa akin.
"Can we dance?"Pag aya nito sa akin.
"Wag mo akong tanguan hindi kita nakikita." Pang asar nitong sabi sa akin kahit pa hindi nito alam ang aking isasagot sa kanya.
Ngunit ano ito? para akong isang robot na napapasunod nito sa kanyang naisin. Nagkusa ang aking katawan na tumayo at humawak sa mga kamay nito.
"Yes we can" nasagot ko dito.
Habang sinasayaw ako ni dave ay bumulong ito sa akin.
"I don't know what's happend to me. It's like a magic, at first i want is just to give it a try, pero kath each day since the day i met you your the only one that i want to think of your eyes, your smile, your lips that i always attempt to kiss pero kanina hindi ko na napigilan pa and sorry about that. But thank you for trusting someone like me, even if you don't know me very well i promise na hindi mo pagsisisihan ang mga bagay na ganito. Thank you sa pagpayag mapangasawa ako. Kath i think i like you." Sambit nito sa akin at bigla itong napayakap sa akin.
( I think kaylangan namin mahalin ang isa-t-isa, for better merrage and i think this is the begining. Ayoko na magkunwari gusto ko na umamin.) sambit ko sa aking sarili.
"Dave.. I think i love you ..." Pagkasabi ko noon ay para bang nabulag ako sa ganda ng buong paligid. Lumiwanag ang mga ilaw at kitang kita ang mga malalago at nag gagandahang mga makukulay na bulaklak.
" LOVER'S OF HERMOSO JARDIN DEL PARAISO"
Pagkabasa ko noon ay hinalikan ako ni dave at sabay yakap nito saakin.
"Kath.. thank you..teka baka na hihipnotize lang kita ah?" sambit nito ng may paninigurado pa sa kanyang sinasabi sa akin.
"Ano ka ba nakakainis ka.." sambit ko, ngunit ang kanina na matamis ang ngiti sa mga labi ni dave ay mabilis na napalitan ng madilim na mukha nito, ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"So dave this is the reason why you didn't call me back?" sambit ng boses na nangagaling sa aking likuran. Boses na para bang matagal na pinangakuan ngunit sa iba ang tinupad. Isang babae na umaasa ng wala na palang aasahan.
Nang humarap ako sa pinangagalingan ng boses na iyon, Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, Teka? ikaw si...." Sambit ko dito habang nakaduro ang aking daliri sa kanya.
Ilang saglit pa kaming magkatitigan at napapatingin pa ito sa lalakeng nasa aking likuran.
"Sofi? Ohh iha... kaylan ka pa bumalik sa bansa?" biglang naputol ang katahimikan at tensyon ng marinig nito ang boses ng mama ni dave sa kanyang likuran.
"Mom... " sambit nito sa matandang babae..
"Nung nakaraan lang po ma" Sambit nito doon.
"Ma-ma?" gulat kong tanong dito.
"Ohhh yess iha.. I would like you to meet my unika iha.. sister of dave sofi." masayang pagpapakilala nito sa dalaga .
"And sofi this is katherine your brother's Soon to be wife.." Sambit nito dito lumapit sa akin si sofi at agad ako nitong niyakap.
"Nako sorry kath.. kala ko kasi kung ano ka ng kuya ko." Sambit nito sa akin ngunit kay dave ang tingin nito. Nawala ang kaba ko na akala ko ay may kahati ako sa pagmamahal ni dave yun pala ay kapatid pala niya ito.
"Nako okay lang hindi naman kasi natin parehong alam, Akala ko girlfriend ka nya eh kinabahan ako tuloy." Sambit ko sabay hawak ko sa kamay ni dave. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni sofi sa aking ginawa ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
"So tell me kuya? Kaylan ang kasal?" Nakangiti nitong tanong dito.
"Not so soon." Maikling sagot nito na para bang may tampuhan silang magkapatid.
"Wow naman kuya, kasal na kasal ka na ba talaga?" pabiro nitong sambit sa kapatid nito.
"As long as my fiencee was ready i will prepare everything for her." Sambit nito habang nakatingin sa akin.
Ako naman ay kinikilig sa mga sinabing iyon ni dave na para bang ayaw na talaga akong pakawalan nito.
Niyakap ko si dave at hinawakan ang kamay nito. Sinamahan ko pa ng matatamis na halik sa pisngi nito. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako ka clingi sa kanya pagkatapos namin magkaaminan sa isa't-isa. Maya-maya pa ay nagsabi na si sofi na gusto na nitong umuwi, Napatingin ang lahat dito ng marinig pa ang kanyang sinabi.
"Kuya, pwede hatid mo ako?" Malambing na sambit ni sofi sa kanyang kapatid.
"Marunong ka mag drive diba?" inis na sabi ni dave dito.
"Marunong pero medyo tumatama na kasi yung nainom ko mula sa pinanggalingan ko alam mo na ang daming friends na nag aaya hirap tanggihan." Sambit nito sa kuya nito.
"Sige na dave hatid mo na ang kapatid mo baka sa kangkungan pa yan mapunta." sambit ng mama nito.
"Nasaan ba ang asawa mo bakit hindi ka nalang magpasundo sa kanya." inis na sagot ni dave dito.
"Kung may ihahatid man ako sa bahay nila yun ay ang fiance ko it's my top priority hindi ang kapatid na may asawa na at matigas parin ang ulo." Muling sambit ni dave dito.
"Galit ka parin ba sakin kuya?" habol na sambit ni sifia sa kapatid nito.
"Akina ang number ng asawa mo at ipapasundo kita." Sambit ni dave sa kanya. matalim na titig ang ibinigay ni sofie sa kuya nito dahil sa hindi nito makuha ang kanyang gusto.
"Oo nga naman sofie, magpasundo ka sa asawa mo." Sambit ng papa ng mga ito.
"No thanks, i can manage my self." Inis na sambit nito ng mapansin ang pagkapahiya nito sa sinabi ni dave sa kanya.Agad nitong dinampot ang bag nito at ang susi ng sasakyan sa lamesa at tuluyan na itong naglaho sa aming paningin.
"Let's go kath.. Let's do the other activities around." Pang aya nito sa akin at ganun ulit ang kanyang ginawa.
Habang nakangiti ay kinuha nito ang aking kamay at parang bata akong hinila nito papunta sa malawak na gusali kung saan ay napakaraming bulaklak na nakapaligid sa path walk papunta sa dulo ng daanan na iyon. Pagkarating namin ay may nakita akong isang duyan na puro mulaklak na tila ba'y ginapangan iyon ng magagandang puting bulaklak.
Habang tinutulak ni dave ang sinasakyan kong duyan ay nakangit ito sa akin.
"Kath.."tawag nito sa akin.
"Hmm?" sagot ko dito.
" Salamat.." maikling sambit nito sa akin.
"saan?" mahina kong sagot sa kanya at itiningala ko ang aking ulo upang makita koang nakangiti nitong mukha sa akin.
"Thank you for trusting me and specially... for the love" Sambit nito at hinalikan nito ang aking noo. Napangiti ako sa kanya at saka ako nagsalita dito.
"Una akala ko nababaliw ka lang talaga na papakasalan mo ako dahil lang sa isang araw na nagkakilala tayo. Gusto na nga kitang isuko sa mental." Pagkasabi ko noon ay nagtawanan na kaming dalawa.
To be continue...