Katherine's PoV:
Halos mabangga ko na ang lahat ng mga gamit sa sobrang pagmamadali ko, dahil sa tatlong minuto na akong nag aasikaso upang maging kaaya-aya sa paningin ng mapapangasawa ko. Tama ang nababasa nyo "Mapapangasawa ko" Hindi ko maisip na magkakaasawa ako sa edad kong ito. Pero sabi ni nanay ay sa tamang gulang ko pa ako ipapakasal, Kung kaya ay sa ngayon ay iinjoyin ko na ang buhay dalaga ko.
Habang iniisip ko ang kwento ni nanay ay para bang may kung anong kirot sa puso ko ang bumabagabag sa akin. Gustuhin ko mangayawan ang lahat, Pero huli na ng malaman ko ang tungkol dito. Iniisip ko nalang na, Magiging masaya rin naman siguro ako sa piling ni dave. Oo na swerte na ako kay dave, chussie pa ba ako? Gwapo na matangkad pa at matalino,Mayaman. Kumbaga sa pagkain ito yung menu na pang manager's choise.
Habang pababa ako ng hagdan, Palakas ng palakas ang kabong ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, Dahil siguro ito ang unang magkakaroon ako ng ka date at hindi kaybigan ang makakasama ko, kundi mapapangasawa ko.
Mas lalong lumakas ang ingay sa loob ko na para bang may grupo ng mga musikero ang tila ba'y nagpapagalingan sa pagtugtog, Pabilis ng pabilis hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.
Nang makababa na ako ay tinanong ko agad ito kung aalis na ba kami ngunit hindi ako kinibo nito. Nakatitig lamang iyon sa akin at walang kaimik-imik.
"Hala, baka naiinis na sya sa akin kasi ang tagal kong mag ayos." Sambit ko sa aking sarili.
Nakailang ulit akong tanong sa kanya ng tapikin ko iyon ay saka lamang ito nakasagot sa akin.
"Ha-haa? Ano ulit yon?" Tanong nito sa akin na para bang alam ko na ang nangyayari sa kanya.
"Nako naman na starstack pa nga sa akin tong nilalang na ito, Kawawa naman" Sambit ko sa aking sarili kung kaya ay hindi ko na pigilan ang aking sarili kung kaya ay napa ngiti na lamang ako bigla.
"Sabi ko.. tara na?" Ulit kong sambit sa kanya.
"Yea..yess.. let's go, nay,tay hiramin ko po muna si kath.." Sambit nito at nagpaalam na nga ito kila nanay.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni dave sa kanila, Inisip ko kung tama ba ang narinig ko dito na para bang walang kakabakabang panggitin iyon sa mga magulang ko.
Nang tatalikod na ako upang sumunod sa paglalakad ni dave ay napahinto ako ng magsalita si nanay upang sagutin ang paalam ng binatang kasama ko.
"Ohh syaaa.. Basta ibalik mo ang anak namin ng maayos kung gaano kaayos umalis ganoon din kaayos babalik dave ah.."Sambit nito sa kay dave, Nilakihan ko ng mata si nanay upang itikom nito ang kanyang bibig at baka may kung ano pang hindi kaaya-ayang salita ang lumabas mula sa bibig nito.
"Nay naman. alis na kami " inis na sambit ko sa mga ito na parehong nakangiti pa sa sinabi nito kay dave.
sabay hila ko sa kamay ni dave papunta sa sasakyan nito. Mas lalo kong binilisan ang pagkakahila ko dito ng tumango itong nakangiti pabalik kila nanay bilang pagsagot nito sa mga sinabi ng mga iyon.
Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi alam ni dave na kanina ko pa ito tinititigan. Ilang saglit pa ay napatingin ito sa akin kung kaya ay tumaas ang kilay nito bilang pagtanong kung bakit ako nakatitig sa kanya.
"Okay ka lang?" walang pag aalinlangan kong tanong sa kanya.
"Oo naman okay lang ako." sambit nito at binaling na nito sa labas ang kanyang paningin na para bang iniiwasan nito ang mga titig ko sa kanya, sabay paandar na nito ng sasakyan.
Ilang saglit pa ay umayos na ako sa aking pagkaka upo. Habang sinasabi ko ang salitang,
"Ganda ko noh?" Sambit ko dito sabay nginitian ko iyon upang mawala ang kaba nito. Ngunit maski ako ay nagulat din sa aking sinabi ngunit hindi ko na lamang ipinahalata iyon sa kanaya upang hindi nito mapansin na mas kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayong oras na ito.
"Papakasalan ba kita kung hindi.."nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi nito sa akin.
Muli ay nakaramdam ako ng pagbilis at paingay na paingay na tambol sa loob ko, Kasabay noon ay may parang kung anong mga gagambang lumalakad at naghahabulan sa aking tiyan, nakakakiliti kung kaya ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sa binatang kasama ko ngayon. Nag isip ako ng sasabihin ko upang magkaroon ng dahilan ang pag ngiti ko dito, at baka mahalata pa nitong kinikilig ako sa mga sinabi nito sa akin.
"Kaya pala loading ka sa sceen? hahaha" pagkasabi ko noon ay sinamahan ko pa ito ng malalakas na pagtawa sa kanya upang hindi ako nito mahalata.
Napansin ko na lamang na napa iling ito at napapakamot pa sa kanyang ulo. Tinigilan ko na ang pang aasar sa kanya at baka ay ibaba ako nito sa kawalan at hindi pa ako makabalik sa amin.
Nang mapansing mag iisang oras na kaming nasa byahe at halos inabutan na kami ng rush hour sa kalsada ay agad ko na itong tinanong.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Napangiti ito sa akin at napapatingin habang lumulusot ito sa mga sasakyan upang makarating agad sa entrance ng sky way.
"Yesss! nakapasok din!" Sambit nito ng magtagumpay sa pakikipag unahan sa iba pang mga sasakyan na papunta sa kung saan kami dadaan.
"Saan nga?" Makulit kong tanong dito. Tinignan ako nito at hinawakan ang aking kamay at hinalikan iyon.
"Dadalhin kita sa paraiso." sabay ngiti nito sa akin.. Napatulala na lamang ako dahil sa nahahalata kong kanina pa nito pinapalakad ng binapalakad sa aking balat ang mga insektong kanyang binibitawan upang mapangiti ako nito.
Halos magtatatlong oras na kaming nasa byahe magmula ng umalis kami sa bahay, Kung kaya ay nakakaramdam na ako ng gutom dahil sa aking pagmamadali mag ayos ay hindi ko na nagawang kainin pa ang aking umagahan.
Napatitig na lamang ako kay dave na para bang nangungusap sa pakainin na muna ako nito bago pa ako malipasan ng gutom.
"Why? what happened? may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito sa akin at itinabi na muna nito ang sasakyan.
"Malayo pa ba tayo?" mangiyak-ngiyak kong tanong dito.
"Almost." maikling sagot nito sa akin.
Tinitigan lamang niya ako na para bang kinakalkula nito ang mga nangyayari sa akin.
"Anong nangyayari sayo?" Pag aalala nito sa akin ngunit umiling lamang ako sa kanya.
"Gusto mo dalhin kita sa hospital? meron naman atang malapit dito." Alok nito sa akin. Ngunit inilingan ko ulit iyon, umayos ako ng upo ng magkaroon ako ng pagkakataong makapagsalita.
"Dave....."
"Meron .. Bang... kainan.. na malapit dito?" nahihiya kong tanong dito. Ito ang kauna-unahang date ko sa buong buhay ko, pero dahil sa katangahan ko nasira ko ang magandang moment na ito, na sana ay masaya, Ngayon ay naging katatawanan pa.
"Nakakainis... Habang buhay kong maaalala ito..Lalo na pag pinag uusapan na ang first date!" mga bagay na pumapasok sa isip ko habang may tinitignan si dave sa kanyang celphone.
"Yes mero..." Sambit nito ngunit natigilan ito ng biglang tumunog ang celphone nito.
Sisilipin ko sana kung sino ang tumatawag ngunit itinaob nito ang phone.
"Si mommy," sambit nito sa akin.
"Bakit hindi mo sagutin baka emergency," sambit ko dito.
"Pero nagugutom ka na diba?" Sagot nito sa akin at pinaandar na ang sasakyan papunta sa kung saan may kainan sa lugar.
"Kung dahil sa akin hindi nito sasagutin ang tawag ng mama nya baka pumangit naman ang tingin sa akin ng mama nito. Dahil lang sa nagugutom ako pwede pa naman akong mag hintay, Hindi naman siguro ako mamamatay ng ilang oras lang na hindi makakain eh." mga salitang gumugulo sa isip ko ng sabihin iyon sa akin ni dave.
Napahinga ito ng malalim ng muling tumawag sa kanya ang kanina pang tawag ng tawag sa numero nito.
"Sige na dave, sagutin mo na okay pa naman ako." pangungumbinsi ko dito.
"Sure ka?" paniniguro nito sa akin.
"Oo naman, Hindi naman nakakamatay ang minutong hindi makakain diba?" Sambit ko dito at halos matawa tawa pa dito. Napangiti naman ito sa sinabi ko kung kaya ay hininto nito ang sasakyan.
"Saglit lang po sasagutin ko lang."Pagkasabi niya noon ay tumango lamang ako bilang pagsagot sa tanong nito sa akin, Sabay binuksan na nito ang pintuan at lumabas ito, Pagkasara nito ng pinto ay saka lamang nito sinagot ang tawag sa kanya.
"Grabe naman, Para namang hindi legal ang relasyon namin sa magulang nya at kinailangan pa nyang lumabas para lang sagutin ang tawag." kausap ko sa aking sarili medyo nilakasan ko ang pagkakasabi noon dahil sa gutom na ako at para bang patago ang relasyon namin ni dave sa mga oras na iyon.
"Hayy nakooo... Kalmahan mo lang kath,, makakakain ka rin... Lahat talaga ng gusto ko oorderin ko " Pag papakalma ko sa aking sarili.
Nang matagalan sa paghihintay ay naisipan kong silipin si dave. Sa pagkakabasa ko sa reaksyon at ekspresyon ng mukha nito ay, para bang may pinapagalitan iyon dahil sa galit at laki ng boses nito na halos buong katawan nito ay napapagalaw ng lakas ng salita nito.
Napakaway na lamang ako kay dave ng hindi ko inaasahang makikita ako nitong nakatitig sa kanya.
"Hindi talaga ako magaling magtago lagi nalang ako nabubuko." sambit ko sa aking sarili.
Napaayos ako sa aking pagkakaupo ng makita kong ibinaba na ni dave ang tawag sa kanya at ngayon ay papalapit na ito papinta sa driverseat.
"Pasensya ka na ah, naiinis na kasi ako kay mom dahil ang kulit kulit niya," sambit nito ng napapahawak pa ito sa kanyang noo.
"Okay lang," maikli kong sambit dito.
"Oh,, okay ka lang?" malumanay na tanong nito sa akin. Dahan-dahan kong nilingon ang paningin ko dito at pinakatitigan ang mga mata nito.
"Dave?" tawag ko dito. ngunit taas kilay lamang ang sagot nito sa akin.
"Gusto mo ba talaga tong mga nangyayari sa atin ngayon?" tanong ko dito.
"Ha? alin?"takang tanong nito sa akin.
"Ganito, na ikakasal tayo," malumanay kong sambit dito. Humarap ito sa akin na para bang sigurado sa kanyang gagawin sa akin o kung ano pa man ang sasabihin nito sa akin.
"Diba sabi ko naman sayo, habang process na ang pagkakasal sa atin, isasabay natin ang pagpapakilala sa isat-isa? kaya nga tayo andito para magkaroon tayo ng bonding tama?" Sambit nito na para bang bata ang pinagpapaliwanagan nito.
"Siguro kaya ganito sya kagaling manuyo ay dahil sa mas matanda ito sa akin ng sampong taon. seventeen palang ako at isang bwan pa bago ako mag eighteen samantalang sya ay nasa twenty seven na." sambit ko sa aking sarili. Tumango ako sa kanyang sinasbi bilang pagsagot ko dito.
"Kasi dave, baka napipilitan ka lang magtulungan tayo tutulungan kita para hindi mo na kaylangan sumunod sa parents mo regarding sa wedding or para nam..." Natahimik na lamang ako ng pigilan ako ni dave sa aking pagsasalita. Ngunit ang maslalong nakapagpatahimik sa akin ay ang gamitin nito ang kanyang malalambot at mapupulang mga labi sa pagpapatahimik sa akin.
"Shoookkkk! my first kissssss!" nakikiliti akong napapikit dahil sa mga halik na iyon, Hindi ko alam ang dapat kong gawin at kinakabahan ako sa mga susunod pang pwede nitong gawin sa akin..
Nang maisip ko iyong bagay na iyon ay, para ba akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising ako sa realidad. Naitulak ko ng malakas si dave dahilan upang mauntog ito sa bintana malapit sa kinauupuan nito.
"AHHHHH.." Sigaw nito sa sobrang sakit ng ulo nito.
"Nako sorry.." pag aalala kong sabi dito.
"Ahhhh.." muli nitong sigaw ng mahimas ko ang ulo nito na may sugat, at sa tingin ko ay sugat iyon na natamo nito noong may nangyari sa school.
"Sorry...Dapat kasi hindi mo ginawa yon!" inis kong sabi dito.
"I just want to stop you. Ang sakit mo naman patahimikin." Sambit nito sa akin.
" Ano ka ba first kiss ko yon! kinuha mo lang basta-basta!" inis kong muli dito.
"Okay lang yang ako naman mapapangasawa mo kaya ako talaga ang una dapat." pagdepensa nito sa kanyang ginawa.
"Anong okay ka dyan gusto mong masuntok?" pagkasabi ko noon ay iniready ko ang aking kapao na para bang handa iyon tumama sa kung saan ko gusto iyong patamain.
"Ano ka ba, Napaka amazona mo naman! tara na nga pakakainin na kita baka mabaliw ka sa kakaisip ng kung ano ano" pagkasabi niya noon ay sumakto naman ang pagbitaw ng malakas na ingay na nagmula sa aking tiyan.
"Nakooooo! ayan na nga ba nag sinasabi ko kaya pa sobrang init ng ulo mo.. Malapit na tayo sa paraiso.." sambit nito sa akin. kung kaya ay umayos na ako sa aking pagkakaupo ng malaman kong malapit na kami.
"May request ako kath." sambit nito sa akin.
"Ano yun?" sagot ko. Pagkasabi ko noon ay inabot nito sa akin ang isang kulay asul na panyo na sobrang bango na amoy ng pabango nito.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko at tinaas iyon sa makikita nito.
"Takpan mo ang mata mo on my signal." Sambit nito sa akin.
"Bakit?" takang sabi ko dito.
"Basta gawin mo nalang magtiwala ka lang sa akin." sambit nito at nginitian lamang ako nito.
"You can fold your eyes now." Nakangiti nitong sabi habang dinadahan-dahan nito ang kanyang pagpapatakbo.
Nang matakpan ko na ang aking mga mata ay naramdaman ko nalamang ang pagliko ng sasakyan at ang paghinto nito. Wala akong makita kung kaya ay ang ginagamit ko lamang ay ang aking pandinig upang makakilos sa lugar.
Naririnig ko ang mga boses ng mga babae at lalake.
"Good afternoon sir, Good afternoon ma'am" sambit ng mga ito.
at ang boses ni dave na syang nag gaguide sa akin kung saan kami papunta.
"Ready ka na kath?" tanong nito sa akin ng maramdaman ko ang paghinto nito sa akin.
Dahan-dahan nitong tinanggal ang piring sa aking mga mata. Bagamat nanlalabo ang aking paningin ay pinilit kong imulat ng maayos ang aking mga mata upang makita ang mga taong naroon at maging ang kabuuan ng lugar.
Nang luminaw na ang aking paningin ay nagulat ako sa aking nakita kung kaya ay hindi ko na napigilan pa ang pag agos ng aking mga luha.
"Nice to meet you..."
To be continued...