(Lust Ride) Ep. 11

2197 Words
Naglalakad akong pauwi sa bahay namin ni dave, ng makarating na sa tapat ng bahay ay nagtataka ako kung bakit para bang may mali sa bahay na aking uuwian. Pinagmasdan ko lamang ito mula sa labas ng gate namin, habang pinagmamasdan ko ang bahay ay bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at kirot sa aking puso lalo na ng pimasok muli sa aking isip ang mga nasaksihan ko sa hospital kanina. Napasandal ako sa gilid ng gate hanggang sa mapaupo na ako sa isang hagdan papasok sa gate ng bahay, kasabay noon ay ang pag takip ko ng aking mukha na magang maga sa pagkakaiyak na para bang hindi makapaniwalang niloloko ako ng aking asawa. "Bakit? anong kasalanan ko at ginaganito ako," sambit ko sa aking sarili kasabay ang paghagulgol kong pag iyak sa labas ng bahay. Dahil sa lungkot at sakit na aking nararamdaman ay tila ba nawalan na rin ako ng pakealam sa mga iisipin ng ibang makakakita sa akin sa aking sitwasyon sa labas ng bahay. "Alam mo kath, kasalanan mo rin naman kasi! kung hindi ka umasa at naniwalang magkakagustuhan kayo sa isa't-isa ng ganoon kabilis edi sana masaya ka ngayon kahit na fix marriage ang nangyari! edi sana ngayon hindi ka umaasang magiging parehas kayo ng nararamdaman." Inis at galit kong sambit sa aking sarili ng mapagtantong hindi dapat ako nasasaktan sa katotohanang ipinapakita sa akin ni dave. "Sabagay, malaya naman ako sa papel lang naman ako sakal, kaya mula ngayon gagawin ko na ang mga bagay na gusto kong gawin tulad ng saya ni dave sa iba. " palaban kong sabi muli sa aking sarili at kasabay noon ay ang aking pagtayo sa aking pagkakaupo at naglakad ng pumasok sa bahay. Bago ako pumasok sa pintuan ng bahay ay napahinto muna ako saglit upang maihanda ang aking sarili sa bagong pagsubok ng aking buhay sa oras na pumasok akong muli sa bahay na ipinipilit kong pang mag asawa. "Kath, magmula ngayon mahalin mo naman ang sarili mo, Magmula ngayon! itutuloy ko na ang pangarap ko na matagal ko ng napabayaan dahil sa salitang, "MALAY MO, SA DULO MAHALIN NATIN TALAGA ANG ISA'T ISA!" bwisit ka dave nalinlang mo ako sa mga salita mo!" Inis kong kausap sa aking sarili sabay padabog kong binuksan ang pintian. Nang makapasok na ako sa bahay ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, Si dave ay nakaupo sa sofa at nakangiting nakatitig sa aking pagpasok ng aming bahay. "Bakit kaya nakangiti to? Hala baka napag isip-isip na nyang mahal nya talaga ako! Be natural lang kath." Sambit ko sa aking isipan at dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan ng aking asawa. " Mabuti at nandito ka na kath, please have a sit mukhang pagod ka ata today." Masayang sabi nito sa akin na para bang wala itong ginawang kasalanan sa akin. "Oo nga pala bago ka lalong ma inlove sa akin, Say hello to my brother in-law." Pagkasabi niya noon ay nakangiti akong humarap sa taong tinignan ni dave na ngayon ay papalapit sa amin na mukhang galing sa aming kusina. Pagkaharap ko doon sa pinakilala ni dave na lalaki, nawala ang pagkakangiti ko sa gulat at halos para akong malalaglag sa aking pagkakaupo. "Hello kath," Sambit nito sa akin. "Ikaw?" gulat kong sambit ngunit pabulong ko lamang iyon sa hangin dahil alam ko ay magtataka si dave kung malalaman nitong magkakilala kaming dalawa. "Hello." maikli kong sambit dito at tumango naman ito at nginitian ako. "Kamusta? bakit parang nagulat ka?" tanong nito sa akin na para bang nang aasar ito. "By the way this is oliver, Oliver sya ang misis ko," pagpapakilala ni dave sa amin. " Misis, sorry kung ngayon mo lang sya nakilala kasi lagi itong wala sa bansa and hes a kind of person na hindi nagsasayang ng oras to meet and greet." sambit ni dave sa akin at inakbayan pa ako nito at inilapit ang mukha sa akin at sabay bulong nito sa akin. "And he is not so close to mine," dagdag nitong sabi sa akin at inilayo na ang kanyang mukha at sabay tinapunan si oliver ng ngiti. "Anyway bro, why your here?" tanong ni dave sa kanya. "Ayaw mo ba akong nandito? gusto ko sana mag stay dito kahit 2 or 3 days lang sana" sambit ni oliver kay dave. Nanlaki ang mata ni dave sa sinabi ni oliver at maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi nito kay dave. "Kung okay lang" habol nitong sabi kay dave. "Pero kung hindi okay lang mag checheck-in nalang ako." dagdag pa nitong sabi na para bang nagpapapilit pa ito sa asawa ko. Habang ako naman ay kinunutan ko ito ng noo upang malaman nitong hindi siya pwede dito dahil sa mahahalata ang kung ano mang gagawin naming mga plano. "Ha? are you sure? bakit dito?" Nagtatakang sunod-sunod na tanong ni dave kay oliver na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ni oliver sa kanya. "Mukha ba akong nagbibiro? You know me, i hate jokes" Seryosong sabi ni oliver kay dave habang inaayos nito ang sleeve ng kanyang soot na damit hanggang siko nito. "hindi naman sa ganon, sa akin okay lang naman pero diba busy ka? and hindi ako laging andito sa bahay kasi busy din ako lagi, baka ma board ka dito sa bahay." Pag sambit ng maayos ni dave na para bang hindi ito sang ayon sa gusto ni oliver ngunit hindi mahalata ni oliver at pinipilit parin nito ang kanyang gusto. "Wag ka mag-alala dave, your house is more safer when im here, and hindi ako maboboard dito may makakausap naman ako andito si kath, for sure she is always here as your house wife right?" relax na relax na sinagot ni oliver si dave upang masunod lang ang kagustuhan nito. "And don't worry, hindi ako magiging sagabal sa pagiging busy mo," dugtong pa nitong sabi. " Okay, mukha namang hindi kita kayang pigilan sa gusto mo, And your free to stay anytime you want. But sadly si kath lang ang lagi mo makakasama dito at ang mga kasambahay kung may gusto ka sabihin mo lang sa kanila..." Sambit nito may sasabihin pa sana si dave ngunit nagsalita ako sa sinabi nito kay oliver. "Ha? bakit ako lang makakasama ni oliver dito?" tanong ko kay dave habang nakatitig sa kanya at inaabangan ang isasagot nito sa akin. "Ahmm meron kasi akong business meeting with the Lopez family and it's out of the country so baka matagalan ang pag uwi ko, and nakalimutan ko sabihin sayo kagabi kasi busy tayo for the event," Paliwanag nito sa akin. "Teka 2 or 3 days lang naman si oliver dito, So matagal pa naman siguro yan mag bonding nalang muna kayo." sambit kong naka ngiti kay dave. " No misis bukas po ng 3 am naka set ang flight namin" nakatingin na sabi ni dave sa akin. Umuwi lang talaga ako para kumuha ng mga gamit and didiretcho na kami sa airport. "Wait lang bakit ang aga ata ng punta mo sa airport?" taka kong tanong dito, na ikinalaki naman ng mata ni dave sa akin na para bang binabantaan ako nito na itigil na ang sobrang dami ng tanong ko dito. " Dadalhin na namin mga bagahe namin then punta na kami sa hotel na malapit at syempre magkakaroon pa ng konting usap syempre alam mo na" nakatingin lang ako kay dave at natutunan ko na kalkulahin ang mga sinasabi nito sa akin kung totoo ba o hindi ang sinasabi nito sa akin, Bagay na dapat ay noon ko pa ginawa habang magkasama kami sa iisang bubong. "Okay, mag iingat ka nalang and message ka sakin if kaylan ang uwi mo." pagkasbi ko noon sa kanya ay tumayo na ito sa kanyang pagkakaupo at dumeretcho na ito sa kwarto at nag impake na ng mga damit nito na gagamitin sa pag alis. Habang nasa taas si dave ay nilapitan ko naman si oliver at tinanong ito kung ano bang ginagawa nito at bakit ang bilis nitong makapunta dito sa bahay, Samantalang nakita ko naman itong umalis palayo sa lugar kung saan ako nito hinatid. Sa pagkakatanda ko rin sa subdibisyon ay wala ng ibang daanan papasok kundi sa harapan lamang ng subdibisyon namin. "Baliw ka ba? bakit andito ka?" kinakabahan kong tanong dito. "Bakit? anong masama? diba nga gagawa tayo ng plano para mahuli mga asawa natin? tinutulungan lang kita." pag aalibay nito sa sinabi ko na para bang hindi ito kinakabahan sa sinasabi nito. "Alam mo mahahalata tayo pag andito ka, masisira ang plano." nagmamadali kong sambit dito. "Just trust me. Mas maganda ng magkasama tayo at alam ng asawa mo na magkasama tayo para open ang pagpaplano eh pag nagkikita lang tayo malaking hinala yun at baka mabaligtad pa tayo." Paliwanag nito sa akin habang sabay kaming tumitingin at tinatancha ang paglabas ng kwarto ni dave. "Bakit tayo mababaligtad kung hindi tayo mahuhuli?" sambit ko dito na para bang hindi maganda ang plano nito. "Pag sa labas nahuli tayo, mapagkakamalan pang nililigawan kita or kabit natin ang isat isa, kung dito sa bahay nyo ano pa nga ba iisipin satin diba? Bisita nyo ako dito at alam ng asawa mo na andito ako, and asawa ko kapatid nya kaya no worries." mabilis nitong paliwanag sa akin. ng sakto naman ang labas ni dave sa kwarto. "Just trust to my plan." pabulong na dagdag nitong sabi sa akin habang pinapanood si dave na bumaba ng hagdan bitbit ang dala nitong maleta. "So paano oliver, ipagkakatiwala ko na muna ang bahay namin sa iyo ahh, bantayan mo na rin ang asawa ko. And kath, wag ka mag alala pag natapos ng maaga ang meeting namin uuwi agad ako ng pinas okay?" sambit nito sa akin ng nakangiti, Bago ito umalis ay nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla ako nitong hinalikan. Sa tatlong taon namin bilang mag asawa ay ngayon nalang ulit ako nito hinalikan, magmula ng maikasal kaming dalawa ay yun narin ang huling dumampi ang labi nito sa akin, at magmula ng maikasal kami ay hindi nito nagawang tabihan sa kama. "Mag iingat ka lagi," sambit nito sa akin na para bang ibang tao ang aking kaharap ngayon. Tumango lamang ako bilang pag sagot at nakangiti kong kinawayan ang paalis na asawa. Nang tuluyan na itong nakaalis ay pumasok na ako sa loob ng bahay, Sumunod naman si oliver na tila ba parang may gusto itong sabihin sa akin. "Ano ba yun! bakit parang may gusto kang sabihin?" iritable kong tanong sa lalaking kanina pa sunod ng dunod sa akin. "Ano kasi, naniniwala ka ba sa dahilan nya?" tanong nito sa akin. "Hindi, pero alam ko dahil sayo, ginusto nalang nyang umalis ng bahay," sambit ko dito. "So hindi ka rin naniniwala? gusto mo sundan natin kung saan talaga ang punta nya?" Tanong nito sa akin. "Wag ka na mag abala, may tiwala ako sa kanya alam ko nagkataon lang yung sa hospital." mahinahon kong sabi dito. "Ano ba talaga ang gusto mo? para saan pa at tutulungan kita kung mataas parin ang tiwala mo sa kanya?" inis na sabi nito sa akin. "Ikaw anong gusto mo mangyari sa plano?" seryoso kong tanong dito. tinitigan lamang ako nito ngunit hindi rin nagtagal ay bumuntong hininga na lamang ito at umiling-iling. "Gusto ko malaman kung saan ako matutulog? any guest room that you can offer?" seryoso nitong sabi sa akin sabay talikod nito sa akin. "2nd floor right side dulo." deretcha kong sagot dito at pumasok na ako sa kwarto namin ni dave at nagkulong sa kwarto. "Ano bang problema nun, Bigla-bigla nagbabago ang isip. Hinalikan lang ng asawa kala mo naman hindi ginagawa sa kanya," narinig kong sabi ni oliver sa labas ng kwarto. "Ano nga bang nangyayari sa akin? bakit sobrang mahal ko parin si dave kahit alam kong niloloko na nya ako? bakit hindi ko nalang ituloy ang plano?" sambit ko sa aking sarili at sabay pasok ko sa shower room upang makapag relax ng aking katawan. (tok,,tok,,tok.) narinig ko sa aking pintuan. "Sino ba to gabing gabi na nang gigising pa." sambit ko ng pamatingin ako sa orasan. "Oliver? Anong kaylangan mo?" tanong ko dito. "Kilala ko na kung sino ang kabit ng asawa mo." sambit nito sa akin, pagkasabi niya noon ay nanlaki ang mata ko at bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. "Sino?" malumanay kong tanong dito. "Ayon kay doc alfred Si Alyssa Marie Reyes daw ang pinuntahan nito sa clinic ng oras na iyon..." sambit nito sa akin. pagkasabi niya noon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig ng katotohanan at napaupo nalang ako sa panlalambot. Dahil sa inaakala ko ay nagkamali lamang ako sa aking paghihinala dito, Ngunit paano kung may patunay na totoo ang pagtataksil ng aking asawa sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko at irerespond ko sa impormasyon na nakuha ni oliver sa kaybigan nito. Kinakabahan ako lalo dahil sa hindi maaaring magkamali ang record ng hospital patungkol sa ganitong mga ditalye. Natpatitig na lamang ako kay oliver at kasabay noon ay napahawak ako sa kamay nito na para bang nag mamakaawa sa kanya. "Please i wan't to meet her,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD