(Lust Ride) Ep. 12

1512 Words
Pagkasabi ko noon ay saglit pag natahimik si oliver sa pakiusap ko dito, At ilang saglit pa ay kinuha ko ang bag ko na para bang nananaginip ako ng gising at nagtungo ako sa labas ng bahay. Napansin ko namang sinundan ako ni oliver hanggang sa makarating kami sa labas ng subdibisyon. "Woooohhhh... easyy pleaseee! saan ka pupunta gabi na" Sambit nito sa akin sabay hila nito sa braso ko. "Bakit? edie pupuntahan ko yang babaeng yan gusto ko lang naman syang kausapin at tanungin ehh" napa salubong ang kilay ko sa sinabi nito sa akin, kung kaya ay nilingon ko ito at tinanong. "Alam mo.. i think there's no need to confront anyone." sambit nito sa akin na para bang may nalalaman ito sa mga nangyayari ngayon. "Teka bakit ba ayaw mong makausap ko yang alyssa na yan?" pasigaw na sabi ko dito dahil sa galit na nararamdaman ko, kasabay noon ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luha sa aking mga mata. Alam ko niloloko ako ng asawa ko pero ang hindi ko alam ay ang mahuli ko ito sa akto, Masakit at sobrang hindi ko na maintindihan ang totoong nararamdaman ko. Sana lang sa isang pag iyak ko lang ay mabura lahat agad ng nararamdaman ko para sa kanya. Sana lang hindi ko nalang pinagbigayan ang mga please nya, sana ngayon hindi ako umaasa. "Can you hear me out first before you cry?" Sambit nito at napapakamot pa sa kanyang ulo. Lalo na itong nataranta ng bigla akong napahagulghol sa aking pagkakaiyak. "Okay just alist go inside the car?" Sambit nito ng para itong nagpapatahan ng isang bata. "Ahhnno bang sina sabi mo dyann ! nasaktan akoooo wahhhhh" umiiyak kong sagot dito, Nakita ko na lamang itong nagpapalinga linga sa kanyang paligid at hinawakan ako nito sa ulo at sabay niyakap ako nito na para bang tinatakpan ang aking bibig upang hindi ako makalikha ng ingay na makakaagaw sa atensyon ng iba. "Tama naman na kath,, nakakahiya na oh pinag titinginan na tayo, ang daming tao dito ngayon please." Mahinahon nitong sabi sa akin ngunit umiyak parin ako at pinakawalan ko ang bibig ko sa pagkakatakip nito sa akin. "Ohhnnnooo! this is so embarrassing... want ice cream?" Sambit nito sa akin na para talaga itong nangaamo ng batang nag wawala sa kalye pag hindi nabigay ang gusto. Agad naman akong napahinto dahil sa tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam narin ako ng hiya ng magbalik ako sa aking katinuan, Napansin ko rin ang pagdami ng tao sa aming paligid na nakatingin sa aming dalawa. "Tara..." Maikli kong sagot dito at doon ay napayuko na lamang akong pumasok sa sasakyan nito. " highhh... Finnallyyy!" Buntong hininga nitong sambit ng marinig nito ang pag anyaya ko sa kanya... Pagkasakay namin sa sasakyan nito ay napansin kong hindi pa kami umaalis kung saan nakahinto ang sasakyan nito, at nagtataka lamang na nakatitig ito sa akin. "Bakit? madumi ba ako?" Tanong ko dito sabay hawak ko sa aking mukha. "Hindi!" galit na sagot nito sa akin sabay taas nito ng malagong kilay nito habang nakatitig sa akin. "Bakit ganyan titig mo parang gusto mo akong ihagis ahh." Deretchong sagot ko dito. "Sa susunod wag kang iiyak ng kasama ako ahh! Nakakahiya ka umiyak para kang bata." inis na sabi nito at napapalingon lingon pa sa paligid nito. "Sorry na.. nasaktan kasi ako eh." Maamo kong sabi dito. "Nasaktan ka? pwes ako napahiya ako.. My ghad!" sambit nito sa akin. "Sorry na nga ako nalang manlilibre ng ice cream.." sambit ko dito habang nakangusong nagsasabi dito. "HIGHHHHSSS! sige na nga wag mo na ulit uulitin yan ah dadalhin talaga kita sa mental." Pananakot ditong sabi sa akin kung kaya ay nanlaki ang mata ko sa sinabi nito sa akin. Pinaandar na nito ang sasakyan papunta sa malapit na convenient store. Habang binabaybay namin ang madilim na kalsada ay hindi parin kami nag iimikan ni oliver, Ngunit nakikita ko ang mukha nito na para bang nagpipigil ito ng pagtawa, kung kaya ay nakaramdam ulit ako ng hiya sa mga nangyari kanina. "Wag mo na akong tawanan dyan, nahihiya na nga ang tao eh." sambit ko dito sabay hagalpak nito ng tawa dahilan upang mapayuko ako sa hiya. Ngunit ng mapansin ko na ayaw talaga nitong tumigil ay agad ko na pinalipad ang palad ko sa ulo nito dahilan upang matapakan nito ng malakas ang preno ng sasakyan. "AHHHH!!" sigaw nito at sabay hawak nito sa kanyang ulo kung saan dumapo ng malakas ang kamay ko. "bakit mo ako binatukan!" Sambit muli nito ng makalingon ito sa akin. "Sabi kasi nila, paghindi daw mapatigil sa kakatawa ang isang tao saktan mo." walang reaksyon kong sabi dito na para bang patay malisyang tinitignan ang mga kuko ko. "Ahh ganun ba? wag kang tatawa ahh." nagngangalit na ngipin nitong sambit sa akin. samantalang ako naman ay napatitig lamang sa labas ng bintana na para bang napapapigil narin sa aking pagtawa. "Andito na tayo bumili ka na strawbery ice cream sakin ah." seryosong sabi nito sa akin. "Bakit ako? ako na nga ang manlilibre ako pa bibili?" inis kong sabi dito. "Baba naaaa! " sambit nito sa akin ng tinutulak tuklak pa ako. "OO NA ITO NA bababa na nga eh.." inis ko namang sagot dito. Nang makalabas na ng sasakyan nakita ko ang reaksyon nito na para bang pinagtatawanan ako nito sa loob ng sasakyan. Nang makabalik na ako sa sasakyan ay inabot ko dito ang strawbery ice cream na request nito at ng ilabas ko ang para sa akin ay nanlaki ang mata nito sa hawak ko. "Adik ka?" tanong nito sa akin. "Favorite ko to eh bakit ba? pera mo?" inis na sagot ko sa tanong nito sa akin sabay kuha ko ng disposable spoon at sabay bukas ko ng half litter ng ice cream ng chocolate almond ice cream ko. Pagkasubo ko ng ice cream ay iniingit ko pa si oliver sa sarap nito. nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito kung kaya ay inalok ko ito kung gusto niya ng ice cream ko. "Gusto mo?" seryoso kong tanong dito at tinitigan ko ito ng masama na para bang nagbababala na huwag nitong subukang omOO. tumango ito at sabing. "Ayoko sana ng chocolate ice cream, pero dahil inalok mo ako patikim nalang"nakangiting sambit nito sa akin habang kukunin nito ang kutsarang hawak ko. "Oi teka akin to nilawayan ko na tong kutsara ko," Sambit ko dito sabay tago sa aking likuran ng hawak kong kutsara. "Anong pangsasandok ko?" takang sambit nito. "Humingi ka sa loob." pang aasar kong sagot sa kanya. "HMMM! FINE miss IYAKIN! " Sambit nito sabay baba at bagsak ng pinto ng sasakyan na para bang nagdadabog. Pagkalabas nito ay sinimulan ko na ulit kumain ng ice cream na hawak ko, Napatigil lamang ako ng mapansin ko ang oras sa monitor ng navigator ng sasakyan ni oliver. "Alas tress na pala ng madaling araw. Nakaalis na siguro ang eroplanong sasakyan ni dave..." Malungkot kong sabi sa aking sarili. "Ayyy kalabaw ka!!!" Gulat kong sabi ng biglang kinalampag ni oliver ang bintana sa pwesto ko. Sa sobrang pag iisip ay hindi ko na napansin ang paglapit ni oliver sa sasakyan kung kaya ay naging matagumpay ito sa panggugulat sa akin. "Ano ka ba! papatayin mo ba ako sa takot?" Asar kong sabi dito at tawa ito ng tawa papasok ng sasakyan nito. "Oh bakit andyan ka lang?" tanong ko dito ng mapansin na hindi pa ito sumasakay ng sasakyan at tawa lamang ito ng tawa doon. "Wahahahhaaa! tekahahaha ,, masakit ka mamatok ehhahaha uubusin ko lang tawa ko ditohahhaa!" tawa ng tawa nitong sabi sa akin. samantalang ako naman ay asar na asar sa pagtawa nito sa akin. Pinagtuunan ko na lamang ng attensyon ang kinakain ko kesa naman ubusin ko ang pake ko sa lalakeng kanina pa nang aasar sa akin. Pagkasubo ko ay napatitig ako kay oliver ng bigla itong matahimik sa kakatawa nito at ngayon ay masama ang tingin sa loob ng store na para bang may kinakainisan ito sa mga oras na iyon na nakita ng kanyang mga mata. Agad itong pumasok at sabay mabilis nitong inatras ang sasakyan at ipinarada sa kabilang kalsada na hindi makikita ng kung sino mang lalabas sa store na iyon. "Kath?" seryoso itong tinawag ang pangalan ko habang nakatitig sa dalawang tao na ang sweet na lumabas sa convenient store. "Hmm?" taas kilay kong sagot dito habang napapatingin tingin din ako sa tinititigan nito sa labas. "Rides tayo..." Nakangiti nitong sabi sa akin, at para bang tinatago nito sa kanyang pagkakangiti ang mga mata nitong ilang saglit na lamang ay iiyak na rin sa sakit ng nakita nito, Kung kaya ay biniro ko na lamang ito. "Oo ba, ano kakandong mo ba ako o ikaw ang ikakandong ko?" Sambit ko dito at tumawa lamang ito ng tamawa. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko ito binatukan dahil sa nararamdaman ko ang kung ano mang nararamdaman nito ngayon. "Tara?" Sambit nito sa akin. "Tara." nakangiti kong sagot dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD