CHAPTER 1
I WOKE up in the light of sunlight thatʼs touching into my bareface. I close my eyes and huminga nang malalim before I opened my eyes again, nakapag—adjust na ang mga mata ko.
“Hello, Miss Liza, good morning po. Howʼs your sleep?” ate Lalaʼs said it with a smile in her face.
“Itʼs good... To the point, I almost forgot my dreams, ate Lala. How about you po?” I asked her too.
Tumayo na rin ako and I stretched my both hands. “Parehas po tayo, Miss Liza. Narinig ko ang boses ng boyfriend ko ngayong umaga. Nagkaroon naʼng signal sa barko.” I saw her eyes sparkling while looking at me.
“Ate Lala, once na umuwi na po siya rito, aalis na po kayo here? Wala na po akong yaya if ever,” tanong ko sa kanya.
I saw her pair of eyes are looking at me right now. “Of course not, Miss Liza. Ako pa rin ang Yaya mo. Ako kaya ang sinabihan ng mom mong bantayan ka. Alam mo namang mag—best friend kaming dalawa. Kaya hindi kita iiwan and iyong kuya Jolo mo, babalik din iyon sa barko muli. Nagpapayaman pa kami katulad niyo!”
I gave her my sweet smile. “I see po. Sige po, I need to take a bath na po. Kayo na po bahala sa bedroom ko po.”
I smiled while looking at my face in mirror. “Liza, you are pretty! You look like mom!” sabi ko sa aking sarili and I feel my heart pang again. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga nang malalim. “My heart relax lang, okay? Namimiss ko lang si mom. Sobrang namimiss ko lang.” Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin.
My mom died when I was five years old, sa sakit niyang heart disease like mine, sa kanya ako nagmana. But, I got a heart transplant, kaya hindi na ako nangangamba pa, pero I need to take care myself pa rin dahil traydor ang heart attack.
I breathe in and out, slowly. Pinapakalma ang aking sarili.
“I need to take a bath.”
One semester na lamang at magtatapos na rin ako kolehiyo. Two weeks na lamang ng first semester and mag—se—semester break na kami. Natapos na rin akong mag—shower and I get my uniform, wala namang ganap sa Lazaro University, mabuti pa sa Maravilla University, alam ko this week ay foundation day nila, iyon ang sabi ni Denver, ang pinsan ko sa side ni dad.
Naabutan ko sila ate Jen na naglilinis sa living room, dumiretso ako sa dining hall para kumain. Tinanong ko rin kung anong oras umalis sina dad, kuya Lash and kuya Otello papunta sa company namin, Trinity Mall. Theyʼre said before eight in the morning sila umalis.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na akong kumain. “Si kuya John po nasa labas, ate Lala?” I asked her. Siya ang kumuha ng sling bag ko.
“Yes po, Miss Liza.”
Nasa labas na rin kami at nakita ko si kuya John, binuksan na niya agad ang backseat. Si kuya John is my driver and bodyguard. Heʼs a black belter na from CalSol Agency for Security and Bouncer, one of the Lazaro ang may—ari. My family and Lazaro are friends.
“Miss Liza, dadaanan po ba natin ang friends niyo?”
I stopped to scroll on my social media. Tinignan ko siya and I shake my head. “Hindi na po, kuya John. Mahuhuli si Zee because she has signing contract na need attend—nan, and about Luth naman po ay nauna na po siya sa campus,” sabi ko sa kanya.
He nodded at me. “Sure po, Miss Liza.”
Nangunot ang noo ko when I feel our car is not moving anymore. “Traffic?” I asked and look at the window.
“Yes po, Miss Liza. Mukhang may aksidenteng nangyari sa harapan natin.”
I sighed nang marinig ko iyon. I check my wristwatch, laking pasasalamat kong thirty minutes pa before our first subject. I tap my window to scroll down and sumilip ako habang chine—check ang nangyari sa labas, nakahinto naman ang lahat ng car outside. But, I was shocked nang may kumuha ng aking ID.
“Kuya John, my ID!” I shouted nang huminto ang isipan ko ng ilang segundo dahil sa pagkabigla.
Mabilis siyang bumaba at ako rin ay nakibaba na rin. “Help!” malakas kong sabi nang makitang mabilis na tumakbo si kuya John sa direction ng snatcher na kumuha ng ID ko.
Nandoon sa likod ng aking ID ang debit card ko na bigay ni dad, and nasa likod din iyon ang pin number ko.
Gusto kong sumunod but I refused dahil walang magbabantay sa car namin. Nakatingin lamang sa akin ang ibang tao, takot silang tumulong.
“Should I tell to dad? But, baka mag—alala sila sa akin—”
“Miss? Miss, are you Liza Trinidad?”
Napalingon ako nang marinig ang aking name. Nakita ko ang isang lalaking nasa harap ko ngayon, naka—sunglass at naka—formal attire, all black.
“Huh? W—what do you want from me? Iʼm Liza Trinidad. Do I know you?” Nautal ako nang makita ang mukha niya kahit nakatakip ang kanyang mga mata, gwapo siya.
“Are you Liza Trinidad?” He asked me again, kaya tumango ako. “This is yours?” Pinakita niya sa akin ang ID ko.
“Y—Yes, this is my ID! Thanks! But, paanong napunta ito sa iyo—ah, okay.” Napangiwi ako nang makita nang makita ang isang lalaking bugbog sarado.
Siya iyong kumuha ng ID ko.
“Miss Liza, hindi ko nakita—Sino kayo?” Gumitna si kuya John sa pagitan naming dalawa.
“Easy, Mister. Iʼm here to give her ID. I catch the culprit. Heto siya, oh!” Tinuro niya ang lalaking nakaluhod pa rin sa harap ko.
Sinuot ko muli ang ID ko.
“T—thanks. But, paano niyo siya nahuli?”
“Um, naka—tsamba lang kami. Actually, I heard your voice saying help, so, we help you. Lucky, nasa paligid ang kaibigan kong si Caspian, so, na—catch niya and lumaban nang kaunti, kaya nabigyan namin...”
Nabigyan nila nang kaunti? Mukhang binugbog talaga nila.
“Oh, thanks! By the way, whatʼs your name?” I asked him. I want to thanks him, formally.
“Massimo Adler, Miss Liza Trinidad. Nice to meet you.” Hinawakan niya ang kamay ko, naramdaman ko roon ang rough sa kanyang palad.
“Um, thanks too, I mean, I nice to meet you. We need to go, I have a class pa.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Be safe again, Miss Trinidad.” Tumango na lamang ako sa kanya at naupo na muli sa backseat.
“Kuya John, do you know him po?” I asked him.
“Massimo Adler, Miss Liza?” Tumango ako sa kanya. “I will dig some information about him po.” Muling tumango ako sa sinabi niya.
~~°°°~~
“Bakit late kang dumating?” tanong ni Luth sa akin, lumabas na kami sa classroom.
“Na—traffic kanina and nakuha ang ID ko kanina.”
“What? Ayos ka lang ba?”
“Yes. Naibalik din sa akin ng isang lalaki. Massimo Adler ang pangalan niya. Astig niya kanina. Binugbog niya iyong lalaking snatcher.”
“Donʼt do that again, Liza. Baka sa susunod ay wala ng tumulong sa iyo.”
“I know, Luth. I will not do that again.”
“Oopps, may demonyong parating, Liza, ang mga pinsan mo. Ang mga impakta at mukhang clown,” bulong sa akin ni Luth.
Napatingin ako sa harap namin, nakita ko nga sina Alora and Giselle, ang pinsan ko sa side ni Mama.
“Oh well, nakita natin ang pinsan nating mala—prinsesa, Giselle.” Nakita ko ang malaking ngisi ni Alora.
“Yes, Alora!” Hinarangan na niya kami ni Luth. Wala pa naman si Zee, siya lang ang kayang tumapat sa mga ito.
“Anong kailangan niyo, ha?” May panghahamon na sabi ni Luth at hinawakan niya ang kamay ko.
“Sa iyo wala, kay Liza, mayroʼn!” Nilapitan pa ako ni Alora at malaking ngisi ang binigay sa akin. “Nakuha mo na?” tanong niya sa akin.
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Anong nakuha ko na?”
“Oh, so, hindi mo pa nakikita?”
“Ano ba ang pinagsasabi niyo kay Liza? Mga baliw ba kayo.” Humarang muli si Luth sa harapan ko.
“Tsk! Hindi naman ikaw ang kailangan namin, Luth! Alis!” Tinulak nila si Luth, pero hindi siya nagpatinag “Tsk! Ang papanget niyo naman! Lalo na si Zee, maland—”
“Hey, Alora, masyado ng matabil ang dila mo! Ano bang kailangan niyo, ha? Bakit hindi niyo na lang sabihin kung ano talaga ang pakay niyo sa akin. Ang dami niyo pang sinasabi!” Naiinis na ako sa kanila. Dinadamay pa nila si Zee na wala naman dito at hindi siya malandi, model siya.
Mga boba kasi!
“Aba, lumalaban ka na, Liza, ha? Our cry baby cousin na super protective ang family niya and even your cousin sa side ng dad mo. Kaya nagiging spoiled brat ka dahil sa kanila—”
“At least, mahal ako ng dad and older brothers ko. Kayo? Hindi siguro kayo mahal kaya inggit kayo sa akin, right? Ganoʼn daw iyon kapag inggit. And, I know naman na bumabagsak ang business niyo— oh, alam ko na ang sinasabi niyo, about sa marriage ni ate Andrea, right?” Nakita kong nagulat sila sa sinabi ko. “See, tama ko! Kaya siguro siya magpapakasal nang maaga para maisalba ang business niyo, right?” nakangiting sabi ko sa kanila.
Hindi sila nakaimik sa sinabi ko.
“You know why, your so paepal! You are so cry baby!”
Tinaasan ko siya ng aking kanang kilay. “Huwag ka na mag—english kung hindi mo rin naman kaya, Alora. Ang sakit sa tenga. Hindi porket tahimik ako paligid, crybaby na ako. Minsan mas okay na manahimik kaysa magsalita lalo na sa mga katulad niyong puro hangin ang isipan.” Ningitian ko sila at hinawakan ko na ang kamay ni Luth. “Come on, hayaan na natin sila!” sabi ko sa kanya at iniwan silang nakatayong dalawa roon.
“Good job, Liza! Natameme ang dalawang pinsan mo. Hindi naman sila ganyan kapag kasama natin si Zee. Kapag sa akin naman nakakaya pa rin nila ako, ipapakita ko sa kanila kung paano sumipa ang isang green belter!” Nakita ko ang inis sa mukha ni Luth.
“I know. Ipakita mo nga, Luth! Para masira ang mga nose nilang peke!” sabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at tumawa nng malakas. Totoo naman ang sinabi ko, puro gawa ang nose nila, mabuti pa ako nagmana kay dad. Half ang dad ko.
“Thanks sa suggestion, Liza. I will para umiyak ang mga gaga! Kumain na lamang tayo. Huwag na natin pansinin ang dalawang pinsan mong ang papanget!” Hinila niya na muli ako papunta sa canteen.