[10]

3429 Words
Pahiram neto ah" bago pa ako makatanggi kay Sage ay agad niya nang kinuha yung portable hand fan ko na nakapagong sa aking bag. Mainit pa kasi ngayon at nandito na kami sa field nakatambay ni Sage. Inayos ko ng mabuti ang pagkakatali ko sa aking buhok bago ko siya hinarap. Kasalukuyan na siyang nakapikit habang nakatutok sa mukha niya ang portable fan ko. Tapos na rin ang exams namin kaya may panahon na kami ngayong mag aksaya nang oras namin. "Kailan na nga kayo mag sisimula ni George mag ensayo para sa nalalapit na Mr & Ms Intrams?" "Mamaya may meeting na kami para dito" "You know George is hot as hell right?" agad akong napalingon kay Sage dahil sa sinabi niya. Kita ko kung paano niya tinaas baba ang kanyang kilay tsaka ngumising aso pa ito. "At anong gusto mong ipahiwatig sa akin Sage?" "Wala, gusto ko lang sabihin sayo na bagay kayo. Baka mag bago ang isip mo about sa LDR" Napailing ako sa sinabi niya "Nothing will change my mind Sage. Atsaka bakit mo ba pinoproblema ang lovelife ko? I'm not lonely Sage kung yun ang inaakala mo." "Okay fine!" pagsuko niya "Baka lang naman kasi mag bago na ang isip mo." Tumambay kami lang kami ni Sage dito hanggang sa dumating na ang oras ng meeting ko para sa nalalapit na pageant na sasalihan ko. The meeting was all about our talent portion, the gown and suit that we will wear and of course our advocacy. At dahil intrams ang sasalihan namin ay kailangan namin connected ang advocacy namin dito. Can I come over to your house later? It was a text message from Cassian. Kasalukuyan akong nakasandal sa malaking mirror dito sa dance studio ng department namin nung binuksan ko ang aking phone at yun nga ang message kaagad ang bumungad sakin. To Cassian: Sorry, busy ako for the upcoming pageant. Araw araw akong tinatanong ni Cassian kung pwede ba daw siyang dumalaw sa bahay. Ngunit hindi ko magawang mapaunlakan ang kagustuhan niya dahil naging abala ako sa pag hahanda sa pageant. Ilang araw na rin kami excuse ni George sa mga klase namin dahil dito. "Xyra tara sa cafeteria" bigla akong napaangat ng tingin kay George na kasakalukuyang nakatayo naman malapit sa pinto. Tumayo ako tsaka tumungo muna sa mesa kung saan nakapatong ang bag ko para kunin ang wallet ko. Sabay kaming nag lalakad ni George patungong cafeteria. "Ano sasama ka ulit sakin papuntang gym?" tanong ko sakanya. Ilang araw na siyang sumasama sakin papuntang gym para mag light workout. Sa katunayan nag pa member na rin siya dun. Kahit thirty minutes lang kada araw ay nag wowork out parin ako pagkatapos namin mag ensayo ni George sa pageant dahil gusto kong kahit papano ay maganda ang katawan ko sa pageant night. "Oo, sasabay ulit ako sayo." He said Nung makarating na kami ng cafeteria ay tumungo kaagad kami sa isang kiosk. Isang club sandwich atsaka chocolate shake ang binili ko. Ay nga pala dahil excused na nga kami sa aming mga klase ay naging excuse na rin kami sa pagsuot ng uniform namin. I am now wearing a white spagetti strap top and a jagger pants. Mas kumportable kasi itong suotin habang nag eensayo kami ng sayaw ni George. "Seriously Xyra?" George sa gitna ng pag hihintay namin sa inorder naming pagkain. "Sigurado ka bang mapapansin niya ako kapag manalo ako bilang Mr Intrams?" "Of course! Baka nga mag papapicture pa yan sayo pagkatapos ng pageant eh" nakangiting sabi ko sabay kurot ng tagiliran niya "Uyy! Kinikilig" tukso ko pa. Paano ba naman kasi may ikinwento sakin si George, may crush daw siyang kaklase niya at gusto niyang mag tapat sa babaeng ito. Ang problema ay sobrang torpe naman ni George kaya hanggang tingin lang ang nagagawa ng lalaking ito sa crush niya. I heard him chuckled "Sa oras na mag kakamabutihan nga kami ng crush ko, pangako ililibre kita" "Aba dapat lang no? Tandaan mo ng dahil sa love advices ko sayo ay nagkaroon ka nang lakas ng loob para mag tapat sakanya no." "Oo na ikaw talaga ang love guru ko." natatawang sabi niya. Taas noo ko lang siyang tiningnan. Panay ang tawanan namin habang pinaplano kung paano nga mag tatapat itong si George sa crush niya. Hopefully maging successful nga. George is a nice guy, gentleman, intelligent and on top of that he is also handsome. He is a good catch I must say. "Ikaw ba Xyra may nagugustuhan ka na ba sa mga lalaking nanliligaw sayo?" biglang tanong niya habng nag lalakad kami pabalik sa aming department building. "Maniligaw? Wala ah." "Weh?" aniya "Wag mo nga akong lokohin Xyra" "Totoo nga, wala" tanggi ko "Bakit may irereto ka ba sakin?" I heard him chuckled "Wala! Hindi mo na kailangan ng reto galing sakin dahil alam kong marami nang nakapila sayo, katulad na lang niyan." sabi niya sabay pasimple niya akong siniko tsaka nag pout siya. Na para bang may tinuturo siya sa harapan namin. Laglag ang panga ko nung nalaman ko kung sino ang tinutukoy niya. It was Cassian, mag isang nag lalakad papasok ng cafeteria. Nung nilingon ko ulit si George ay nakita ko siyang ngumisi na para bang tinutukso niya pa ako. Napailing ako para ipahiwatig sakanya na mali ang kung ano man ang nasa utak niya. "Papunta ata siya dito." he whispered "Mauna na ako ha? Wag kang ma late sa practice natin, enjoy your date" sabay taas baba pa ng kanyang kilay atsaka umayos muna ng pagkakatayo bago niya hinarap si Cassian. "Pare!" rinig kong pag bati pa niya bago tuluyang lumakad paalis. Pati ba naman ikaw George? Natatakot kay Cassian? Hindi ko mapigilan ang pag iling ko habang tinatanaw ko si George na patuloy parin ang panunukso niya saamin. Paano ba naman kasi tinuturo niya si Cassian na nakatalikod sakanya pagkatapos ay ako naman ang tinuturo tsaka finorm ang dalawang kamay niya into heart shaped. At chinecheer niya pa talaga kami Loko to ah! "Hi!" nakangiting bati ko sakanya "Gusto mo?" sabay angat ng hawak kong sandwich Umiling lang ito "Yan lang ba ang kakainin mo?" habang masama ang tingin niya sa hawak ko. "I'm on a diet" maikling sagot ko sabay kagat ng sandwich. "diet?" his brow furrowed as his lips turned into thin line "For my upcoming pageant." "May ipapayat pa ba yang katawan mo?" rinig ko sa boses niya kung gaano siya nag aalala sakin. Ngunit hindi pa ako nakapag sasalita nung bigla niya hinila ang aking braso na ikinagulat ko. Nung napansin niyang nasasaktan ako sa paraan ng pagkakahila niya sa braso ko ay huminto ito sa paglalakad. Akala ko bibitawan niya na ako at hayaan na sundan siya ng tahimik sa kung saan ang plano niyang puntahan namin, ngunit bumaba ang kamay niya sa kamay ko na mas lalong ikinagulat ko. Sa pilitan kong binawi ang kamay kong hawak niya. This is crazy! Marami ang mga matang nakatingin sa amin ngayon, ano na lang ang iisipin nila tungkol samin? Mag kahawak kamay kami ni Cassian palabas ng cafeteria. "What?" inis niya akong nilingon nung sa wakas ay nabawi ko na ang kamay ko. "Where are we going Cassian? Hindi ako pwedeng lumabas ng campus may practice pa ako." His eyes narrowed at pinasadahan muna niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa "We're having a lunch." mariin na sagot niya sakin. "I'm on a diet nga..... teka pakihawak nga neto." sabi ko sabay abot sakanya ng dala kong sandwich bago ko kinuha ang red scrunchie ko sa aking palapulsuhan para itali ito sa buhok ko. Sobrang init na naman kasi ng panahon ngayon at pawisan na ko, ang lagkit na sa pakiramdam. Hindi maipinta ang mukha niya habang hinihintay niya akong matapos sa ginagawa ko. "Are you done?" supladong tanong pa niya "Pwede bang sa cafeteria lang tayo bumili?" mas lalong naniningkit ang mata niya sakin "Hindi talaga ako pwedeng lumabas eh." Sabi ko pa Ilang sandali pa niya ako tinitigan bago kumawala ng malalim na hininga. "Fine! Pero ako ang pipili ng kakainin mo. Hindi ako aalis kapag hindi mo naubos ang pagkain." "As you wish my highness" tapos pabiro pa akong nag bow sakanya habang ang isang kamay ko ay nasa bandang dibdib tsaka yung isa ay nasa likuran ko. "Kung anu ano ang pinagsasabi mo dyan. Tara na nga." reklamo niya ngunit alam kong hindi siya galit. Hinawakan niya ulit ang kamay kong nasa likuran ko para hilain pabalik ng cafeteria. Wala na akong nagawa kundi ang mapatianod na lang sakanya habang nakangiti. I saw the end of his lips rise when he takes a glimpse on me. Nanatiling magkahawak ang kamay namin habang nag oorder siya ng pagkain hanggang sa magkaharap kaming nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng soccer field. Kung saan kami parating tumatambay ni Sage. At dahil mainit pa nga ngayon walang masyadong may nag lalaro sa field. Pero masarap parin ang simoy nang hangin Hindi ko mapigilan na mapangiti nung may nilabas si Cassian na isang portable hand fan mula sakanyang bag atsaka inabot ito sakin. "Laging handa ah." Biro ko Pinisil niya ang tungki ng kanyang ilong bago niya inayos ang pagkaing binili niya para sa akin, halatang nag iiwas ng tingin sakin habang ako ay patuloy na pinag mamasdan ang ginagawa niya "Well, i've noticed that you're still having a hard time adjusting to Philippine weather that's why I thought that I should bring an extra portable fan just incase you might need one." sabi pa niya sabay abot na naman sakin ng isang panyo. Kunot noo ko itong tiningnan. Ano namang gagawin ko sa panyo niya? Eh hindi pa nga ako nag sisimulang kumain tsaka malinis naman ang kamay ko. Aanhin ko naman ang panyo niya? "Cover yourself" seryosong saad niya tsaka niya sapilitang dinikit ang hawak niyang panyo sa bandang chest ko, ngunit bago niya pa yun nagawa ay umayos ako ng upo tsaka hinuli ang panyo "Paano ka nakapasok ng ganyan ang damit mo?" supladong sabi niya Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Agad ko naman tiningnan ang suot ko, ano namang masama sa suot ko? Geez! Cassian! Anong gusto niya? Mag suot ako ng longsleeves tsaka pants? Jusko! Baka maaga akong mamamatay neto dahil sa init pag nagkataon. Sinamaan ko siya ng tingin, at tingnan mo nga tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi man lang natakot sakin. Pshh! I rolled my eyes as I put the handkerchief on top of my spagetti top. "Happy?" sarcastic na sabi ko He bit his lower lip before nodding. Pansin ko rin ang pamumula ng kanyang tenga. Hindi ko na ginawang big deal yun, sa halip ay sinimulan ko na ang pagkain ko. Dalawang rice toppings lang naman yun tsaka juice. Kaso kumain na ako ng sandwich kanina kaya hindi ko na kinaya pang ubusin yun. Kaya naman nakaisip ako ng ipinagbabawal na technique. Sa tuwing kumakain ako ay sinusubuan ko narin si Cassian. Nung una panay pa tanggi niya dito, ngunit sa huli ay wala na siyang magagawa. Pano ba naman kasi kapag hindi niya tatanggapin ay sapilitan kong pinapasok ang spoon sa bibig niya. "Good boy" natatawang puri ko sakanya sabay pat ng kanyang ulo nung naubos na namin ang dalawang rice toppings. Ngumiting umiling lang siya sa ginawa ko. Pagkatapos nun naming kumain ay bumalik na ako dance room para mag ensayo, habang si Cassian naman ay pupunta daw ng library dahil may gustong tingnan na libro para sa research niya. Palapit na palapit na ang pageant kaya todo prepare na kami ni George. Minsan nga kailangan pa naming matulog sa bahay ng student council president namin to make sure that everything's perfect. Wala na rin masyadong klase ang buong university dahil busy na rin ang ibang estudyante sa mga sports na sinalihan. Simula nung kumain kami sa ilalim ng puno ni Cassian ay hindi na ulit kami nag kita ngunit panay parin ang text niya sakin. Nag uupdate ng kung ano ang ginagawa niya sa araw na yun, which is hindi naman kailangan. Kung minsan nga hindi na ako nakakapag reply sakanya dahil busy na ako sa kakaensayo ko. Ewan ko ba dun sakanya. Ding dong "Teka!" sigaw ko habang nag pupunas ng aking kamay gamit ng suot kong apron. Dahil mag uumpisa na ang intrams week this monday nakiusap sakin si Sage na kung pwede daw silang tumambay kasama ng mga kaklase ko dito sa bahay. Na agad ko namang pinaunlakan dahil matagal tagal na rin yung huling party ko dahil sa pageant na ito. Nga lang hindi ako iinom ngayon, panonorooin ko lang silang malasing mamaya. Babawi talaga ako sasusunod "Narito na ang reyna!" sigaw ni Sage pagbukas ko ng pinto. "Loko!" natatawang sabi ko "Pasok kayo." Halos kalahati ng mga kaklase ko ang sinama dito ni Sage. Mabuti na lang at may dala silang pagkain at inumin kaya hindi ako nahirapan sa pag hahanda. Cake lang ang naisipan kong ibake ngayon. "Dito niyo na lang ilagay ang mga pagkain niyo" sabi ko tsaka nauna ng tumungo sa dinning table ko. "Feel at home guys, wag na kayong mahiya ako lang ang nakatira dito" natatawang sabi ko. Pano ba naman kasi maliban kay Sage, halata sa mga mukha ng mga kaibigan ko na nahihiya pa sila, tsaka panay ang tingin nila sa buong unit ko. "Ikaw lang ba talaga ang mag isa dito?" nga pala nandito rin si George ngayon, hindi ko nga alam kung paano siya nasama ngayon, ni hindi naman kami magkaklase. Baka si Sage ang umaya sakanya, game na game din kasi itong lalaking ito kapag party. "Yeah" maikling sagot ko habang abala sa pag aayos ng mga dala nilang pagkain. "Anlaki no?" Sage "Sabi ko sainyo mas maganda dito mag house party eh. Ipa soundproof mo na lang kaya tong buong unit mo Xyra?" sabay baling sakin "Eh kung may mangyaring masama sakin dito edi walang may makakarinig sakin kapag sumigaw ako." "Sa susunod na natin yan proproblemahin kapag nangyari na." Sage "Ewan ko sayo." tsaka nakangiting umiling ako. Pagkatapos ayusin ang dinning table ko ay isa isa na kaming umupo. Dahil sa dami namin na nandito ngayon ay ang iba nasa highchair na at living room na pumwesto. Puno ng tawanan at kwentuhan ang nangyari. Pagkatapos nun ay pumwesto na kaming lahat sa living room. Si Sage na ang nag set up ng speaker ko habang ako naman ay nilabas ko na ang shot glass. Nasa tabi ako ni George naka upo habang si Sage naman ay nasa harapan ko na katabi si Travis. May mga kasama rin naman kaming nga babae kong kaklase ngunit ewan ko ba dito sakanilang tatlo, sa dinami daming maupuan dito sa living room ko ay dito pa talaga sila sakin umupo. Hindi kaya may pinaplano 'tong tatlo sakin. Ayun na nga nag simula na kaming uninom ng mga hard drinks na may halong coke. Ako ang tumatagay kaya panay ang reklamo nilang tatlo sakin dahil sa bilis ko daw tumagay sakanila at nakakaramdam na sila ng pagkahilo dahil dito. "Hep hep! Saan ka pupunta?" biglang pigil sakin ni Sage nung napansin niya akong tumayo, agad ko namang inangat ang hawak kong phone para makita niya na may tumatawag nga talaga sa akin at hindi ako tumatakas. Nakita ko na napangising aso siya nung nalaman na lalaki ang tumatawag sakin "Booking?" biro pa niya I glared at him badly when he said that. Pano ba naman kasi nung narinig nina Travis at George yun ay agad nila akong nilingon, hinhintay ang paliwanag ko. "Wala ah" sabay iling bago tuluyang lumabas ng unit. Pano ba naman kasi maliban sa ingay ng speaker ay palakas na palakas na rin ang boses ng mga kaklase ko dahil sa alak. Atsaka may plano din kami na pumunta pa ng bar pagkatapos namin maubos ang lahat na dinala nilang alak dito. "Xander" sagot ko "How are you mon amour?" Xander "Fine, how about you? Kamusta sina tatay?" "Heto busy parin kami ni kuya Vince. Habang si ate naman ay umuwi muna sa bahay para samahan ang mommy." "Kamusta na pala si lola Faye?" Lola Faye is my lolo's second wife, the mom of Xander. Isa din siyang kunsintidor sa buhay ko kaya love na love ko rin si lola. "Makulit parin but she's fine." "Let me guess kung bakit ka kinukulit ni lola." I heard Xander's sigh kaya napatawa ako "Ba't kasi hindi mo pa binibigyan ng apo si lola, edi sana may pinsan na ako ngayon." "I told you" "You know what, ako na lang kaya ang mag hahanap sakanya? Hindi ba nasa Pilipinas siya?." "No need Xyra" aniya "Nahanap ko na siya." Nanlaki ang mata ko atsaka agad na napatakip ng bibig dahil na bigla ako sa sinabi niya "Nakita mo na siya?" pag uulit ko pa sa sinabi "Hmm" "Then what are you waiting for Xander? Umuwi ka na dito." may excitement sa boses ko nung sinabi ko yun. Sinong hindi ma eexcite dito eh ilang taon niya na ito hinahanap, atsaka pagkatapos nilang mag hiwalay ay hindi na nag karoon ulit ng girlfriend si Xander. "Easy to be said Mon Amour." "Ano? Panunuorin mo lang ba siya sa malayo? Pano kung..." hindi ko masabi kaagad ang nasaisip ko. What if she's married? Ilang taon na ba sila magkahiwalay ni Xander? Oh no! Sana naman wala pa, ayaw kong maging single forever si Xander. Sayang, siya na lang kasi ang nag dadala ng pangalang Rodriguez kaya nasa kanya ang pressure para dumami ito sa mundo. "Paano kung may pamilya na siya?" dugtong ni Xander nung hindi ako kaagad makasagot sa sinabi niya "Well if she's happy now, wala na akong karapatan pang guluhin siya. Sapat na sakin na malamang masaya siya" "But what if she's not yet married Xander? Lalapitan mo ba siya?" "Of course Xyra! Tinatanong pa ba yan?" napangiti ako dun sa sinabi niya "Dapat lang, by seeing you waiting for her without any assurance from her, I can say that she is worth it huh." "Of course she is." I can't stop myself from smiling from ear to ear. Xander is really in love with her. "Kailan ka uuwi dito?" He asked "Hindi ko alam kung kailan. Baka december pa." "Ang tagal. Anyway after this project uuwi ako diyan para kamustahin ang kalagayan mo. Tingnan ko kung maganda ba ang binili na unit ni ate para sayo." "Excuses, sabihin mo na lang kaya na namimiss mo ako." I heard him chuckled "Of course that's given Xyra." Napatawa na rin ako sa sinabi niya ngunit agad itong nawala dahil saktong pag harap ko sa banda kung saan ang elevator ng unit na ito ay may nakita akong isang maputi, matangkad na lalaki. Masamang nakatingin sa akin. When he noticed me looking at him, lumakad siya palapit sa akin. "Uhmm Xander i'll need to end this call. Talk to you later." sabi ko habang hindi parin tinatanggal ang tingin ko sa lalaking papalapit sakin. Hindi ko na rin hinintay pang mag salita si Xander nung inend ko nga ang tawag. I hide it inside my pocket and slowly raised my hand. "Hi" maligayang bati ko. Before answering me he glanced at my pocket where my phone was hidden when he looked straight to my eyes. "I thought you can't come here tonight." sabi ko nung tiluyang nakatayo na siya sa aking harapan. Actually I invited him to come here tonight. Dahil ilang araw na siyang nag tetext sa akin, nag papaalam kung pwede daw siyang pimunta sa unit ko para tumambay. Ngunit kanina tumanggi naman dahil may importanteng meeting daw siyang pupuntahan. Kaya laking gulat kong andito siya ngayon. "I ended it earlier." he said using his cold tone. Tumango tango naman ako habang pinagmasdan siya. Base sa damit niya ngayon ay mukhang galing nga siya sa meeting. White dress shirt folded until his elbow, black neck tie with a black slacks. Nakaayos rin ang buhok niya. "Have you eaten?" Niluwagan pa muna niya ang suot niyang neck tie bago siya nag salita "Hindi pa." "Huh? Why?" mabilisan kong kinuha ang phone ko para i check ang oras. It's already 10 pm at hindi pa siya kumakain. "I wanted to end the meeting earlier than planned." "Kahit na Cassian, kahit kumain ka na lang ng bread o kaya snacks man lang." inis ko siyang tiningnan. I saw his lips portrude na pra bang nag pipigil ng ngiti dahil sa sinabi ko. "Hindi nakakatuwa na nalilipasan ka ng gutom Cassian. Tara sa loob, may natira kami doon na pagkain."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD