Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni Cassian sa hindi ko kilalang lugar. Basta't ang alam ko lang ay nasa isang mataas na lugar kami ngayon kung saan makikita ang buong lungsod at ang pag sayaw ng mga ilaw galing sa mga gusali. Agaw pansin din dito ang nag iisang malaking puno at sa ilalim neto ay ang isang lumang streetlight na nag bibigay liwanag sa buong lugar. Kung hindi ko lang talaga kilala si Cassian mag mumukhang kinidnap niya ako dahil sa lugar na pinuntahan namin.
At akalain mo yun na ubos namin ang lahat na pagkaing binili ko kanina sa fastfood chain. Gulat nga din siya sa dami ng kinain niya.
Pagkapark niya ng sasakyan ay nauna na akong lumabas. Napayakap naman ako kaagad sa sarili ko dahil sa hampas ng malamig na hangin. Gabi na kasi at medjo malamig na tsaka hindi pa ako nakapagpalit ng uniform. Ang nipis pa naman neto
Habang na aaliw ako sa kakatitig sa mga malalayong gusali ay laking gulat ko nung naramdaman kong may isang makapal jacket na nakapatong na sa balikat. Nung inangat ko ang tingin ko ay nakita ko siyang nakatayo sa aking tabi.
"Thanks." sabi ko sabay ayos ng jacket niya sa balikat ko.
"Dito ako pumupunta kapag gusto kong makapag isip isip." mahinahon niyang sabi.
Tumango naman ako dahil tama nga siya. Maganda nga ang lugar na ito para makapag isip isip ng maayos. Tahimik at walang masyadong tao na pumupunta. Kung ako may problema baka dito nga rin ako tatakbo.
"Pasensya ka na pala sa ginawa ko." pagsira niya sa namumuong katahimikan namin.
Nilingon ko siya, nakatingin parin pala siya sakin. I slowly nodded and smiled at him.
"Thank you for saying that"
"Am I forgiven?" unti unti rin siyang ngumiti.
"Syempre naman. Sino ba naman ako para tanggihan ka?" sabi ko "basta't wag mo nang uulitin"
At syempre hindi kasi ako yung taong kayang patagalin ang galit. Isang sorry mo lang okay na tayo.
"Alam kong ganyan ka pinalaki nang mga magulang mo and I understand that. Pero sana wag mong basta bastang husgaan ang isang tao. Lalong lalo na't hindi mo pa ito lubusang nakikilala." sabi ko. Tahimik parin siyang nakikinig sakin. "Ako tanggap ko ang pagkasuplado mo ngunit yung iba baka hindi ka nila matanggap. Pano kung few years from now ay malalaman mong magiging business partner mo pala ang taong nahusgahan mo? Edi papalpak ang plano mo?"
"Oy hindi ako suplado ah?" he said then he laugh
"Suplado kaya? Naalala mo nung nag hahanap kami ng student org? Pinakilala kami ni Dana sainyo? Nag walk out ka nun. Hindi ko yun makakalimutan."
Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko siyang humakbang palapit sa akin para ayusin ang pagkakasablay nung jacket niya sa balikat ko. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko sabay yuko ng kaonti para mag tama ang lebel ng mga mata namin. Tsaka niya nilabas ang magandang ngiti niya
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. Parang sasabog ang dibdib ko dahil dito. This is the first time I saw his eyes happy. Different from the eyes that I saw before.
"I don't talk to stranger miss." biro pa niya tsaka umayos ng tayo
"That's why they invented the word hello to start a conversation kuya. And besides, lahat naman tayo nag simula sa strangers hindi ba?"
"Kuya huh?" he then raised his brow and licked his lower lip. Amused on how I call him
"Yes kuya, you're three years older than me right?" pag kumpirma ko sa age gap namin.
I'll try to call him that way from now on. Para naman pag uwi ko ng France ay matutuwa sina nanay na natuto akong gumalang sa matatanda.
"Uh huh." he touched his nose while his eyes never left mine "How about i'll call you baby then? Since you're younger than me." pag hamon niya habang naka tingin ng derecho sa aking mga mata.
I've met and dated a lot of guys before, pero kahit isa sakanila walang may nag papatibok ng puso ko nang ganito ka bilis si Cassian lang.
I don't know why but he seems so different. Wala akong inaatrasan kapag nasa harapan ko na ang isang lalaki. I can flirt with them easily. But with Cassian I can't even do that. Instead, siya pa ang nasusunod sa mga gusto niyang mangyari.
Katulad na lang sa kagustuhan niya na wag kaming mag uusap sa harapan nang ibang tao. At ang lokong Xyra sumangayon din. Na kahit simpleng titigan lang kay Cassian kapag nasa harapan ng kaibigan ay okay na sakanya.
Napatawa na lang ako sa mga naiisip ko. Kita ko ang namumuong pagtataka sa mukha niya.
"What's funny?" he said
Umiling ako habang tumatawa pa rin.
"Nah, madami nang tumatawag sakin niyan. Too common." sabi ko na lang.
Natatakot ako na sa paraan kung pano niya ako tawagin ay tuluyan na akong mahulog sakanya. And I know that while i'm falling for him, he won't never catch me because he is bound to marry someone else. And it sucks big time.
His eyes narrowed and his lips turned like a thin line "What?" Natatawa kong sabi. Pano ba naman kasi parang papatayin niya na ako sa kung paano siya makatingin sakin. "Kung dahil yan sa hindi ko pag sangayon sa kung paano mo ako tawagin, fine! You can call me baby if you want."
Kahit na ang kapalit neto ay baka ang pag hulog ko ng tuluyan sayo. Ngunit imbes na ikatuwa niya ay mukhang mas lalo ko pa ata siyang nainis.
"I won't call you baby again." he coldly said. Tsaka nakita ko pa siyang umiling bago nag lakad papunta sa ilalim ng puno para maupo.
Agad naman akong sumunod para maupo. Ngunit bago pa ako makaupo ay nagulat ako nung bigla niyang hinubad ang suot niya uniform at inilatag iyon sa tabi niya.
Kaya naka white round neck tshirt na lang siya ngayon. Napansin niyang tumigil ako sa harapan niya nakatitig sakanyang uniform.
"Upo ka" he said and gently tapped his uniform. Kahit na nahihiya ako ay tahimik akong umupo sa tabi niya. "Nagustuhan mo ba dito?" Pag sira niya sa namumuong katahimikan namin
"Ang ganda." tanging naisagot ko sabay tingala sa langit para pagmasdan ang buwan.
It really amazes me how the moon can still shine bright amids of the pitch black void of the night.
Nung nilingon ko si Cassian ay nakita ko siyang nakatingala na rin sa buwan parang ang lalim ng iniisip. Sa tulong ng ilaw galing sa buwan ay nakikita ko mula dito kung gaano katangos ang kanyang ilong at haba ng pilikmata niya.
Biglang nagising ang natutulog kong puso nung nahuli niya akong nakatingin sakanya. Hinanda ko na ang sarili ko na asarin niya ako ngunit hindi yun nangyari, sa halip ay nginitian niya ako.
"Tama ka ang ganda nga." sabi niya habang naka tingin ng derecho sa aking mga mata.
Ilang beses ko nang tinitigan ng ganito si Cassian ngunit sa tingin ko pabilis na pabilis ang t***k ng puso ko sakanya. Damn! I'm falling.
I tried to laugh out loud to hide my feelings. "Paano mo nalaman ang ganitong lugar?" Sabay iwas ng tingin ko sakanya. Yinakap ko ang sariling tuhod ko habang nakatingin ulit sa malayo
"Nakasanayan ko na sa tuwing may problema ako ay nag dridrive ako tuwing gabi kaya na ligaw ako dito. Na gustuhan ko kung gaano katahimik at ganda nang lugar na ito kaya nakasanayan ko na lang ang pag punta dito."
Ramdam ko ang paminsan minsang pagsulyap niya sakin habang sinasabi niya ito.
"Mag isa ka lang?" Sabay harap sakanya.
"Oo, hindi ko gustong ikwento sa iba ang problema ko."
"Huh? Bakit naman? Hindi ba nakakagaan ng loob kapag naikwento mo sa iba ang kinikimkim mong problema?"
"Some of it yes, but i'd rather keep it on myself. Who knows? Baka kapag sasabihin ko sa iba ang problema ko ay sila pala ang sasaksak sa likuran ko."
"Hindi naman siguro magagawa nang mga kaibigan mo yan sayo."
Duda ako na kayang gawin nung mga kaibigan niya sakanya yun. Sa tagal ba naman nila mag kakilala hindi ba? Parang mag kapatid na nga silang apat eh.
I heard him chuckled na ipinagtaka ko. Natatawang ginulo niya ang buhok ko kaya napapikit ako sa ginawa niya
"Hindi mo pa nga ako lubos na kilala Xyra." Aniya "Sa mundong ginagalawan ko, hindi ka dapat mag tiwala sa kahit na sino."
"Huh? Paano yun? Hindi ba you are a businessman, you should build a relationship with your business partners."
"Yes, tama ka diyan" sabi niya sabay tango "Pero hindi yan ang rason kung bakit mo ibibigay ang buong tiwala mo sakanya. Your business partners, friends and even your family. You shouldn't trust anyone. You should only trust yourself alone."
"Family?"
"Yes family" tinaas pa niya ang dalawa niyang kilay sabay tango nung sinabi niya yun. "But you should not follow me. You can trust your family and friends."
"Huh?" gulong gulo na ako sa sinasabi ng lalaking ito.
Kanina sabi niya never trust anyone tapos ngayon pwede kong pagkatiwalaan ang mga kaibigan at pamilya ko.
Kita ko ang pag pisil niya sakanyang ilong bago siya ngumiti ulit sakin. Na para bang aliw na aliw siya sa reaksyon na nakikita niya mula sa akin.
At teka nga hindi ba't ang hirap to pangitiin sa normal na araw? Ba't parang ang dali naman ata niya ngumiti ngayon? Ba't parang ang gaan nang pakiramdam niya habang nag uusap kami.
"You should live your life happily and freely." dugtong pa niya. And by saying that, alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Kaya napawi ang ngiti ko sabay tingin ng derecho sakanyang mga mata. Trying to read what's on his mind.
"Ikaw din Cassian. You should live happily, without worrying other people's opinion."
"I will" aniya "I promise i'll live my life the way I wanted it to be"
"That's good to hear then. You enjoying your life"
"And that's because of you." mahinahon niyang sabi ngunit naging dahilan yun kung bakit nabuhay ulit ang natutulog ko kaluluwa.
"Huh bakit ako?"
"You would never know how much i've changed after I met you Xyra." Aniya "At alam kong hindi sapat pasasalamat ko dahil dun."
Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang pag init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Laking pasasalamat ko dahil gabi na nung sinabi niya yun at hindi niya gaano nakita ang pamumula ng mukha ko.
I tried to say something ngunit ang tanging nagawa ko na lang ay ang paglunok ko sa sarili kong laway.
Why can't I make a sound anyway? Ganito ba talaga ang epekto ni Cassian sakin? I sighed. Hindi pwede to.
Ilang sandali pa kaming nanatili si Cassian doon nung nag pasya na siyang ihatid ako sa condo dahil late na atsaka maaga pa ang klase namin bukas.
Sa sumunod na araw ay naging abala na ako sa mga pinapagawa ng mga professors namin tsaka sa pag hahanap ng panibagong recipes.
Tuwing gabi naman ay doon na parati si Cassian kumakain. Laking pasalamat ko nga sakanya dahil may taga tikim na ako sa mga niluluto ko.
Habang abala ako sa pag luluto nasa dinning table naman siya tumatambay kung minsan ay nasa high chair siya. Abala sa pag gagawa ng thesis papers nila.
Ngunit tuwing nasa campus naman kaming dalawa ay ganun parin ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ang nag kukunwaring hindi nga kami close. Pero parati ko naman siyang nahuhuling nakatitig sa akin tsaka panay pa ang text niya sakin kahit pa magkaharap lang naman kami.
It is already five in the morning at ngayon yung plano kong mamalengke. Nakasuot lang ako nang white vneck shirt, maong shorts at tsinelas. Nothing's special dahil alam ko naman na pag uwi ko mamaya ay puno ako ng pawis.
"Ay takte!" gulantang sabi ko nung pagkalabas ko sa aking unit ay isang lalaking nakatayo kaagad ang bumungad sakin. Nung tiningnan ko siya ulit ay doon ko lang nalaman na si Cassian pala ito. "Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sabay talikod sakanya para maicheck kung na lock ko nga nang mabuti ang pinto
"Hindi ba ngayong araw ka pupunta sa palengke?" he said
"Oo, akala ko ba pupunta kayo ngayon sa isang indoor golf course?" pagkatapos kong icheck nang maigi yung pinto ay agad ko na siyang hinarap.
He is wearing a plain grey shirt, white board shorts and a kind of white sneakers. May suot din siya balang black ballcap.
"Sasamahan kita sa pamamalengke mo"
"Huh? Uy wag na." pag tanggi ko sa alok niya
"Bakit naman?"
"Mainit tsaka madumi dun. Hindi ka bagay dun. Mag laro ka na lang kasama ng mga kaibigan mo."
Nag simula na akong mag lakad agad naman siyang sumunod sa akin.
"I already told them that I won't come."
"Huh?"
"Sayo ako sasama." may diin sa boses niya nung sinabi niya yun. Huminto ako para harapin siya.
"Mabaho din dun. Baka masuka ka lang." pag banta ko para sana matakot siya at mandiri
"Wala akong pake basta't sasama ako." tsaka niya ako tinalikuran at nauna nang mag lakad papunta sa elevator ng building na ito.
My jaw dropped while looking at his wide and muscular back. No one can really tame a Cassian Dy huh.
Napiling na lang ako bago ko siya sinundan papunta sa elevator.
"Ano okay lang ba sayong sumakay diyan?" Natatawang tanong ko sakanya nung huminto kami sa harap nang isang tricycle. Kita ko ang pag laki nang mata niya. Na para bang he is seeing a weird things again.
Paano ba naman kasi imbes na gamitin namin yun sasakyan niya ay napilit ko siyang mag commute na lang papuntang palengke. Tsaka baka mapano pa ang mamahalin niyang sasakyan kapag nakapark yun sa labas nang isang wet market.
He leaned closer to me and whispered "kasya ba tayo diyan?"
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa "kasya yan. Masikip nga lang pero kaya yan. Mabilis lang naman ay magiging biyahe natin." Sabi ko tsaka nauna nang maupo sa tricycle.
"Kuya sa palengke lang kami." sabi ko kay kuya driver.
Umusog ako sa pinakadulo para mag kasya nga si Cassian sa tabi ko. Tahimik lang siya buong biyahe at panay ang tingin niya sa paligid. Pansin ko rin ang pagiging awkward niya habang sakay ng tricycle.
Syempre sa tangkad niyang ito nag mumukhang maliit ang tricycle sakanya.
"Kuya salamat po." Sabi ko nung nasa palengke na nga kami sabay abot ng fifty pesos bill.
Kahit hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay madami nang tao ang nandito. Dahil sinakto ko talagang market day ang pagpunta ko. Maraming vendors ang nakalatag sa gilid. Iba't ibang gulay at prutas ang nandito. Tama nga ako na mas makakamura talaga ako kung dito nga ako bibili nang sangkap sa lulutuin ko.
"Ate pwede po bang twenty pesos lang neto?" Tanong ko sa nag titinda ng sibuyas.
"Oo hija. Kukuha ka ba?" tindera sabay handa nang plastic na pag lalagyan niya nang sibuyas
"Opo, tsaka kamatis na rin at bawang. Tigbebente lang ho."
Pagkatapos dun ay napunta kami sa meat section nang palengke na ito. Kumpara sa labas ay mas maingay ang mga nag titinda dito. Halo halo narin ang amoy sa loob. Sanay na ako sa amoy ng palengke ang inaalala ko lang ay ang katabi ko.
Tahimik siyang nakasunod lang sakin habang namamalengke ako. Medjo dumami na rin ang binili ko sa labas kaya naman siya na ang nag presentang mag dala ng eco bag ko.
Nung tuluyan na kaming nakapasok ay pansin ko ang pag iiba nang mukha niya. Natawa pa ako dahil nung nahuli niya akong nakatingin pala sakanya ay tinangka niya pang itago ang pandidiri niya dito.
Siyempre kung baguhan ka sa lugar na ito masusuka ka talaga. Amoy ng baboy, lansa nang mga isda atsaka yung pawis ng mga nag titinda dito. Pero dito ka naman makakabili ng sobrang mura.
Binilisan ko na lang ang pag bili ko ng baboy, karne at iilang isda dahil naawa na ako sa katabi ko.
Ngunit paminsan minsan ay nag tatanong parin siya mga kung anu anong nahahagip nang mata niya dito sa palengke
"Ate ano pong tawag dito?" tanong ko sa nag titinda ng kakanin sabay turo sa kulay brown na may puti sa taas.
"Ah kutsinta yan." sabi niya sabay tayo.
"Magkano po?"
"Kinse lang to." sagot niya sabay angat ng isang nakasupot na kutsinta.
"Dalawa nga po. Tsaka dalawang biko."
Isa isa naman niya itong nilagay sa isang supot. Agad ko siyang inabutan ng fifty pesos bill bago nag pasalamat.
It is 7:30 am at medjo masakit na ang sikat ng araw. Nabili ko na rin naman ata ang lahat na gustong bilhin kaya okay na siguro ito. Ngunit pagod na ako at wala na akong lakas na mag luto pa sa bahay kaya naman naisipan kong kumain na lang muna dito bago umuwi.
"Okay lang ba sayo na kumain na muna tayo?" tanong ko sakanya. Pansin ko na pawisan siya at ang pamumula ng mukha niya dahil na rin siguro sa sikat ng araw.
"Ayos lang." sagot niya kaya naman nag hanap ako kaagad ng makakainan namin at nakita kong may isang bukas na karinderya hindi kalayuan sa palengke.
Nung tuluyan na kaming nakalapit dun ay pansin kong madami na pala silang customers na kumakain dito. Karamihan dito ay ang mga taxi drivers.
"Anong sayo?" Tanong ko habang ang mata ko ay nasa nakahilerang ulam sa harapan ko.
Ngunit ilang minuto ang nakalipas ay wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Nilingon ko ito at naalala ko na hindi pala siya kumakain sa ganitong klaseng lugar.
Napasapo na lang ako sa aking noo dahil sa katangahan ko.
Dinala ko na nga siya dito sa palengke, papakainin ko pa siya sa isang karinderia. Great Xyra! Isang mabuting ihemplo ka para kay Cassian. Ipagpatuloy mo yang kabutihan mo.
Pano kung sumakit ang tyan ng lalaking ito kinabukasan at ma ospital? Baka ipapakulong pa ako ng magulang niya kung malaman nila na kung saan saan ko pala dinadala ang nag iisa nilang anak.
I tried to laugh without any humor on it. "Cassian sa iba na lang pala tayo kumain." pag bawi ko. "Uhmm saan mo ba gusto kumain?" tanong ko sakanya
Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko "why? Ikaw? Saan mo gustong kumain?"
"Uhmm ikaw?"
"Okay na dito" sagot niya na ikinagulat ko "Ano ba ang masarap dito?" Dugtong niya sabay tingin sa mga nakahandang ulam.
"Lahat dito masarap. Pumili ka lang ako na ang mag babayad" sabi ko
Normal breakfast food lang naman ang nakahanda dito. Scrambled egg na may maliit na sunog sa gilid, hotdog, ham, tocino, longganisa at fried rice lang naman ang pag pipilian namin.
Ngunit kahit na normal ang pagkain na ito ay alam kong bago ito sa paningin niya. Sigurado kasi akong pancake at breads ang nakasanayan niyang kainin tuwing breakfast.
"Kahit ano lang. ikaw na ang pumili."
At ayun nga dahil sa kagustuhan niya, ako na nga ang pumili sa kakainin niya.
Umupo kami sa bakanteng table na nasa labas ng carinderia. Mainit kasi sa loob kaya mas mabuti kung dito kami pumwesto. Kahit na may usok galing sa mga sasakyan atleast may hangin parin kami na mahahagip.
"Ano suko na?" Natatawa kong sabi nung nakita ko siyang titig na titig siya sa itlog ham at fried rice na nasa harapan niya.
I saw his lips rose up when he looked at me. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nag hahamon kung kaya ba niya kainin ang nasa harapan niya o hindi.
And there you go! Hindi ko mapigilan na mapalakpak sa nakikita ko. Napakain ko si Cassian sa isang simpleng karinderia. This is a great feat!
"Not bad" sabi pa niya bago tuluyan na niyang inenjoy ang pagkain.
Habang kumakain ay panay ang kwento niya tungkol sa nalalapit niyang defense. Atsaka maliban dun sa thesis may pinag hahandaan daw siyang project proposal sa isang sikat na cruise line. Hindi ko nga lang tinanong kung anong pangalan nun dahil alam kong wala naman akong maitutulong sakanya.
Pawang ang pag checheer lang siguro sa gilid niya ang magagawa ko.
Patapos na akong kumain nung biglang may kumalabit sa aking bata. Nung nilingon ko siya ay nakita ko ang isang payat at madungis na batang babae nag hihingi ng pera.
"Ate palimos mo. Pangkain ko lang"
Tumingin tingin ako sa paligid niya bago ko binalik ang tingin ko sakanya
"Sinong kasama mo?" nag aalalang tanong ko. Sa tingin ko nasa seven years old pa lang ang batang babaeng to. Kay aga pa at nandito na siya sa labas. Pano kung may mangyaring masama sakanya?
"Ako lang po."
"Nasaan yung mga magulang mo?"
"Wala na po si papa. Si mama naman po nandun sa bahay nag aalaga ng mga kapatid ko."
Parang tinusok ang dibdib ko nung narinig ko yun. Naawa ako dahil kay bata bata nandito na siya ngayon sa labas. Nag hahanap ng paraan para may pangkain. Dapat kasi nag lalaro pa to nang bahay bahayan sa edad niyang ito.
"Kumain ka na ba?" inayos ko ang pagkakaupo ko sa stool chair para maharap ko siya nang maayos.
"Hindi pa po." I sighed then I looked at her again.
Halatang hindi nga siya kumakain sa tamang oras. Kawawa naman tong batang ito.
Tumayo ako sabay hawak sa kamay niya "halika ka. Kumain ka muna." sabi ko sabay hila sakanya papunta sa karinderia kung saan siya pwedeng pumili ng makakakain.
Bumili na rin ako ng sobrang pagkain para hindi na siya mag tatagal dito ay makauwi na siya sakanilang bahay na may pagkaing dala.
Habang pinagmamasdan kong kumakain ang bata ay hindi ko mapigilan ang pag haplos ko sa buhok niya at napapaisip ako kung gaano ako kaswerte sa buhay ko ngayon.
This is why I never asked for more from my parents. Laking pasasalamat ko na sakanila sa mga sakripisyo na nagawa nila para sakin. For giving me food to eat, shelter to sleep, clothes to wear and giving me the chance to enter a prestigious university. Na alam kong hindi lahat ng tao ay mabibigyan nang ganitong pagkakataon.