Nauna kaming umalis ng cafeteria ni Sage dahil may klase pa kami. Naging normal yung klase hanggang mag hapon ngunit dahil malapit na ang exams kaya marami nang pinapagawa yung mga professors sa amin.
Hindi nga lang ako nakalabas ng building kaagad nung matapos na ang buong klase ko dahil pinapatawag pa daw ako ng dean kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa faculty room.
Tinutukso pa ako ni Sage nung palabas na kami ng classroom dahil alam niyang tungkol ito sa university pageant na sasalihan ko. At tama nga siya, pagkapasok ko ng faculty room ay nakita ko kaagad yung nanalo ng Mr Acquaintance na nakaupo kaharap ng dean.
Tinangka ko pa sanang pakiusapan ang dean namin na aatras ako sa pageant at yung 1st runner up na lang sana ang mag rerepresent ng department namin. Dahil sa tingin ko matagal na talaga siyang sumasali sa pageant at magaling talaga yun.
Ngunit sa huli ay sumuko na rin ako dahil sinabi niyang excuse daw ako sa lahat ng mga school activities ng department namin for this school year. At mag kakaroon daw ako ng extra points sa lahat ng subjects ko kapag ako ang mag rerepresent.
Kahit mabigat sa kalooban ko ay sumangayon na lang ako sa kagustuhan nila. Hindi naman kailangan na manalo dun hindi ba? Basta't tatayo lang ako sa stage sa pageant night.
I'm sure nanay would go crazy kung malalaman niya na sasali ulit ako sa pageant.
"So pagkatapos nang exams mag stastart na ba tayo sa pag hahanda sa nalalapit na pageant?" tanong sakin ni George ang magiging ka partner ko for the upcoming pageant. He won the Mr Acquaintance title. A year older than older than me. Matangkad at guwapo siya, may spanish blood ata siya kaya sobrang ganda ng mata niya.
Tapos na ang yung meeting namin kasama ng department dean kaya kasalukuyan kaming sabay na nag lalakad palabas ng building. Tapos na rin ata yung klase niya ngayong araw.
"Most probably" walang gana kong sagot habang panay ang tingin ko sa paligid. Sa tingin ko kasi hindi sinunod ni Cassian ang gusto kong sa malayo na lang kami magkita. Dahil kailan man hindi naman yun sumusunod sa mga utos sakanya. Sa katunayan siya ang sinusunod, siya ang batas.
"Let me guess" aniya kaya napalingon ako sakanya "Hindi ka talaga sumasali sa pageant no?" sabay ngiti na may mapangasar. Nakasablay sa kaliwang balikat niya ang strap ng kanyang bag tapos nakapamulsa ang dalawang kamay niya.
"Kaya nga aatras sana ako sa pageant na magaganap hindi na?" Hindi ko rin mapigilan na mapangiti.
"Yan kasi ginalingan mo noong nakaraan." biro pa noya
"Aba malay ko ba na ang mananalo sa pageant na yun ay siya na yung mag rerepresent sa buong department natin."
Hanggang sa makalabas na nga kami ng campus ay panay ang kwentuhan namin ni George tungkol sa kung ano ang gagawin namin sa gaganapin na pageant. May mga nakasalubong kami na mga kakilala niya at inaaya siyang tumambay kasama nila ngunit isang tango lang ang iginawad niya sakanila.
panay ang tawa ko sa kinukwento ni George nung bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko kaya napahinto ako sa pag lalakad para tingnan kung sino ang tumawag.
It was Cassian.
"Oh? Asan ka?"
"Is this why you want us to meet outside the campus?" He said using his cold tone. Naningkit ang aking mga mata dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"What do you mean?"
"Who's that guy? Your new boyfriend?" nanlaki ang mata ko sabay tingin sa katabi ko na kasalukuyang tahimik na nakatayo, nag hihintay na matapos ako dito sa kausap ko.
"Of course not! At bakit alam mong may kasama ko? Are you stalking me?"
"Kung nakatingin ka sana sa daan edi sana kanina mo pa napapansin yung kotse ko na nakasunod sayo. Ngunit busy ka sa pakikipag tawanan sa bagong mong boyfriend" laglag ang panga ko sa sinabi niya. Lumingon lingon pa ako at dun ko lang nalaman na nandyan sa hindi kalayuan naka hazzard yung itim na kotse niya. Bumusina pa siya ng ilang beses para ipaalam sakin na siya talaga ang nasa loob ng kotse.
I rolled my eyes before ending the call and face George.
"Mauna na ako sayo ah." Nakangiting paalam ko
"Sige magingat ka. Kita na lang tayo pagkatapos ng exams?"
"Hmm oo" sabay tango. Nakangiting kumaway na ako sakanya. Ganun din yung ginawa niya hanggang sa nag umpisa na akong mag lakad paatras sakanya. Nanatili naman ang tingin niya sakin hindi gumalaw hanggang sa nasa tabi ko na nga yung kotse ni Cassian.
Kumaway pa ako sa huling pagkakataon bago pumasok sa kotse ni Cassian. Pagkaupo na pagkaupo ko ay masamang tingin na iginawad niya kay George ang nakita ko.
Pansin ko rin kung gaano kahigpit ang pagkakahawak niya sakanyang manibela habang ako ay sinusuot yung seatbelt. Nung naiayos ko na ang seatbelt ay napatingin na ako sa harapan at nakita ko na rin na unting unti na nag lalakad si George pabalik ng campus.
Hindi parin nag stastart mag drive si Cassian sa halip ay nakasunod parin yung tingin niya kay George na tahimik nag lalakad sa sidewalk.
"Aalis ba tayo o hindi?" I said as I tried to block his view from George. Kaya naman napunta saakin ang matatalim niyang tingin. I raised my brow.
Ba't mukhang galit siya? Hindi ba ako dapat dito ang galit kaya nga kami nagkita para mag usap.
"Your boyfriend?" He coldly said
"Anong boyfriend? Hindi ba sabi ko sayo hindi?" I fired back
"New admirer?" Aniya "Bastedin mo na. Hindi siya nararapat sayo." sabay iwas ng tingin sakin at nag umpisa nang mag maneho.
"Admirer? Are you kidding me Cassian. Ngayon lang kami nag kasama at nag kausap admirer at boyfriend na kaagad ang nasa isip mo" umiling pa ako dahil hindi makapaniwala sa mga pumapasok sa isipan niya.
"He likes you." seryosong sabi niya. Gulantang ko siyang hinarap.
"Ano?"
"I said he likes you." pag uulit niya pa ngunit nasa daan parin ang kanyang atensyon.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Cassian? Ganyan ka ba talaga? May kasama lang akong ibang lalaki ganun na kaagad ang tingin mo? Ganyan na ba ako kaganda na kahit sinong lalaki ang makakausap ko ay mag kakagusto kaagad sa akin?" nanginginig ako dahil sa galit. This is also the reason why I was mad at him yesterday. Tapos ngayon ganun parin. Kunot noo ko siyang tiningnan habang siya ay tahimik parin. "Alam mo ang mabuti pa wag na lang tayo mag usap kahit kailan. Hanggang ngayon hindi ko parin naiintindihan kung bakit panay ang kausap mo sakin."
Umupo ako nang maayos para malaman kung nasaan na kami ngayon. Mabuti na lang at malapit na ito sa condo. "Bababa ako." Sabi ko sabay turo sa malapit na waiting shed.
Ramdam ko ang pag lingon niya sakin "mag usap tayo." He said huskily.
Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niyang mangyari. Tahimik lang ako kahit pa na lumagpas na kami sa condo ko.
Dahil alam ko kahit anong pilit ko na bababa ako ay hindi niya ako hahayaan. Syempre si Cassian to. He get's what he wants. I promise after this I won't talk to him.
Biglang nanlaki ang mata ko at napahawak sa aking tyan ng wala sa oras dahil sa pag wawala ng aking sikmura dahil sa gutom. Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi dahil sa hiya na nararamdaman. I'm sure he heard it that's why he chuckled.
"Are you hungry?" may ngiti sa mukha niya "gusto mo bang kumain muna tayo? I know a good restaurant around this area."
"Wag na sa restaurant." Pag tanggi ko, hindi ko pa kasi natatanggap yung allowance ko kaya bawal pa akong gumastos ng malaki. And knowing Cassian, isang mamahaling restaurant ang tinutukoy niya.
"Pero hindi ba't gutom ka na?" sinulyapan pa niya ako.
"Yes, pero hindi kailangan na sa restaurant talaga tayo kakain." May nakita akong isang sikat na fastfood chain na madadaanan namin "Diyan na lang tayo kumain."
I saw his lips turned into a thin line and his eyes narrowed when he saw the fastfood chain that i'm talking about.
"Don't tell me, kahit kailan hindi ka pa nakakain dyan?" I gasped when I saw him nodded.
Hindi ko makapaniwala sa nakikita ko. Hindi basta basta yung fastfood chain na inituro ko sakanya. Isa ito sa mga kilala ng mga pilipino at lalong lalo na ng mga bata. Kahit ako nga na kalahati ng buhay ko ay nasa France nakatira ay kilala ko ang restaurant na ito. Tapos siya na andito sa Pilipinas hindi pa nakakatim kahit kailan.
"Do they have a chef there?" inosenteng tanong niya nung maayos niya nang naipark ang kanyang sasakyan.
Hindi ko mapigilan ang humalakhak dahil sa tanong niya. Siguro dahil sa tawa ko ay nadali ko siya na kahit siya ay napapangiti na lang.
"Walang chef dito pero masarap ang pagkain tsaka mura pa. Budget meal." nakangiti kong sabi bago naunang lumabas sa kotse niya, hindi nag tagal ay sumunod na rin siya.
Bigla akong huminto para harapin ko siya "At dahil first time mong kumain dito ililibre kita." Taas noo kong sabi. Nagulat naman siya tsaka tumingala para basahin muli yung logo ng restaurant.
Ako ang naunang nag martsa papasok sa restaurant. Maraming customers dahil dinner time na. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago kami tuluyang nakalapit sa counter.
Natatawa naman ako dahil parang isang na ligaw na bata sa mall si Cassian ngayon. Panay kasi ang tingin niya sa paligid tsaka laking gulat niya nung derecho akong pumila para umorder. Akala niya kasi mayroong waiter ang kukuha ng order namin.
"Anong sayo?" bulong ko sakanya
"Ikaw bahala." Sagot niya ngunit nasa menu sa taas ang atensyon niya.
"Good evening ma'am sir" bati ng crew sa amin. Kahit ako ang nasaharapan niya ay pansin ko ang pagtagal ng tingin niya sa lalaking nasa tabi ko.
"Isang bucket of chicken nga po, dalawang large fries, choco sundae, coke without ice and pineapple juice."
Inulit ng crew yung order ko bago binigay yung one thousand bill. Nahuli ko pa si Cassian na kumuha ng wallet sakanyang bag ngunit inunahan ko na siya tsaka pinigilan.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas at nasa tray na ang lahat ng pagkain na inorder ko. Hinayaan kong si Cassian ang mag bitbit ng tray para makapag focus ako sa pag hahanap ng magandang pwesto.
Sa ikalawang palapag kami nakahanap ng magandang mauupuan. Malapit sa malaking glass wall. Sinumulan ko na ang pagkain ng fries habang siya naman ay panay yung ayos niya sa pagkain namin.
"Sayo yang juice akin ang softdrinks." sabi ko tsaka kinuha yung choco sundae. Dito ko kasi ididip yung fries ko.
Huminto ako sa pagkain ko para matingnan ang reaction niya. Dahan dahan niyang tinikman yung fried chicken.
"How was it?" tanong ko "Masarap hindi ba? Try their gravy, masarap din." nakangiting sabi ko sabay usog nung gravy sa harapan niya.
Agad naman niyang sinunod yung sinabi ko. Nakita ko pa siyang tumango tango pagkatapos niya yun tikman.
"Oh eto naman tikman mo." sabi ko sabay dip nung fries sa choco sundae bago ko isinubo sakanya.
I saw him stiffened because of what I did. He blinked for a couple of times before chewing it.
"I know this is a weird combination but it's delicious right?" Sabi ko pa habang nakangiti parin sakanya.
Hindi siya kaagad makapag salita dahil sa pagkain na nasa bibig niya ngunit ang kanyang mga mata ay hindi niya tinanggal sa akin.
Mas lalo akong napangiti dahil hindi ko akalain na ang isang Cassian Dy ay napakain ko dito sa isang fastfood chain. At hindi man lang siya nag reklamo o pinilit ako na sa iba na lang kumain. Sa halip ay tahimik niyang sinunod ang kagustuhan ko.
At teka nga hindi ba galit ako sakanya kanina? Bakit ngayon panay na ang ngiti ko sa harap ng lalaking to?
I must be crazy right?