“Gusto mo?” tanong sa akin ng aking classmate na babae nang abutan niya ako ng pagkain sa klase. “Gusto mo makita si God?” tanong ko rin sa kaniya na ikinapikit ng kaniyang mga mata.
“A-ah…” saka ito umiwas ng tingin sa akin. Mariin ang kaniyang pagkakahinga na para bang may mali sa sinabi ko. “I told you! She’s a psychopath!” hindi man ako lumingon ay naririnig ko ang boses ng babaeng iyon.
Hindi ako nagkakamali at alam ko naman kung sino iyon.
Siya ang babaeng animo’y parang bida sa mga libro. Akala mo ay mabait at santita, ngunit nasa loob ang kulo.
“Turuan mo nga siya ng leksyon, Minchi!” marami akong naririnig at tanging iyon ang pumasok sa tainga ko. “Huwag kayong mag-alala at gagawin ko naman ang gusto niyo. Minchi Torres is always at your back, Guys!” Natatawa niya pang sabi.
“Hey! Creep!” tawag nito sa akin.
Bakit alam ko na ayan ang tawag niya sa ‘kin? Kasi noong unang pasok ko pa lamang sa paaralan na ito ay tinawag niya akong creep.
“I’m so sorry… I hate to do this, but-” ramdam ko ang kaniyang gagawin nang hihilain nito ang buhok ko. Napangisi ako nang bago pa man niya makuha ang hibla ng buhok ko ay nahawakan ko na ang kaniyang pulsuhan at inilapag sa aking mesa. “You don’t have to say sorry…”
At dali-dali kong sinaksak ang aking lapis na matulis sa kaniyang kamay. Hindi naman madiin, ngunit tama na para makita ang dugo sa kaniyang kamay at makita rin ang kaniyang luha na tumutulo sa mga mata nito, habang siya ay nasigaw.
In addition, everybody freaks out…
That was a very good introduction for everybody who wants to know me. Ako nga pala si Pietrice Ivory Villion. Ang tinatawag nilang creep, baliw, blackship.
“What did you do?!” Matinis ang boses ni daddy na tanungin ako no’n. Tumaray na lamang ako nang iiwas ko ang aking tingin sa kaniya. “Ivo! Pang limang beses na school na ito!” Parang lalabas na ang kaniyang lalamunan kung pagsabihan ako.
“She started it first, Dad. I just ended it,” sagot ko.
“You just stab the mayor’s daughter, Ivo!”
“Pivo,” tawag ni mommy sa kaniya at hawakan ang bisig nito. I rolled my eyes and started to think that I really did not belong in this family. “Hindi makakabuti sa kaniya kung palagi mo na lang siyang pagsasabihan. Alam ko naman na hindi si Ivo ang nagsimula. You know our daughter, Pivo. You know, Ivory…”
“You don’t have to worry, Dad. For sure, that woman is still alive. She needs to be grateful that Ate didn’t stab her twice like other girls who want to bully Ate.” Lumingin ako kay Sivo na ngumisi pa sa akin, habang may kung anong ginagawa sa kaniyang cell phone. “Isa ka pa! Why did you punch your coach?” Kumunot ang kaniyang noo at agad na ibinaba ang kaniyang cell phone.
“Dad, tapusin niyo muna ang kay Ate. Ladies first…” Kindat pa sa akin ng kapatid ko at may nguya-nguya pa na bubble gum. Tinignan ko ang daddy na hawak-hawak ang kaniyang ulo na umupo sa kaniyang swivel chair at ang mommy naman ay hinahaplos ang likod nito.
“Alam niyo ba kung ano ang klaseng mga salita ang naririnig at natatanggap namin ng mommy niyo? Pinamumukha sa amin na hindi namin kayo napalaki ng maayos!” Ilang beses niya na iyang sinabi sa akin. Ngunit ngayon ay dalawa na kami ni Sivo ang nakakarinig.
“Pero huwag kang mag-alala, Ivory. Alam kong magugustuhan mo ang bago mong school.” Tumaas ang kilay ko nang sabihin niya iyon. “Pivo? Hindi ba’t parang ang bilis naman? Kakalipat lang ni Ivo sa Morphe University.” Si mommy.
“I’ll send her to catholic school, Tine.”
“That’s cool, Dad. Ate will enjoying stabbing girls there. The more you stab, the closer you get to God.” Nasapo na lamang ni daddy ang ulo niya sa narinig nito kay Sivo. “That’s it! Go to your room! Hindi ka pwedeng mag-cell phone, Sivo!” Sabay hablot ng gadget ni Sivo na ikinagulat nito.
“Dad! Paano na ang mga chicks ko?” Pumiyok pa ang kaniyang boses, habang nagtatanong kay daddy. “School before girl, Sivo.” Turo niya pa kay Sivo at agad na lumabas ng office nito. Naiwan na lamang kaming tatlo ni mommy at sivo sa loob.
“You two are grown up now. I bet you know what is wrong and right. Lalo ka na, Ivo. Ikaw ang matanda, dapat ikaw ang magiging kalinga ng kapatid mo kung may gawin siyang hindi maganda.” Mas preferred ko pa kung si mommy ang nagsasaway kaysa sa akin. I just feel the concerned kaysa kay daddy na puro pangalan na lamang niya ang iniintindi.
“Got that, Mom!”
“Sivo? Can you take that gum out of your mouth?”
Habang naglalakad ako patungo sa aking kwarto ay naramdaman ko ang prisensiya ng aking bunsong kapatid sa likod ko. Hindi man siya nagsasalita ay alam kong gusto niyang maramdaman na narito lamang siya sa aking tabi.
“Sivo,” tawag ko sa kaniya nang agad siyang tumakbo sa aking tabi. Huminto ako saglit at hinarap siya. “Why did you punch your coach?” tanong ko.
“I just made him realize how hard to beat a Villion,” proud niya pang sagot.
“Still you didn’t answer my question.”
“Fine! Cole and I were playing when I heard coach thinks that you’re a psychopath.” Umawang ang aking labi. Hindi ko akalain na kahit ang ibang taga school ay gano’n ang tingin sa akin. “Kung gano’n ay dapat ko pang saksakin ang kamay niya?” natahimik siya at umiling.
“You got the answer, Sivo. Hindi mo kailangan suntukin ang coach mo. Some people think that they are superior, while they’re just scared of someone’s shadow.” Para ba siyang naguguluhan sa aking sinabi. “It’s too deep. I don’t understand.”
“I will make it simple. Kapag hindi ka nila maalis sa team ay gagawa sila ng paraan para maalis ka, Sivo. Maraming inggit sa mundong ito at kapag mayaman ka at mabait? Aabusuin ka nila…”
“Parang ang layo naman ng sinabi mo, Ate. While they’re just scared of someone’s shadow?”
“They are scared of what Dad might say. In just one snap, they will lose tons money. Lahat ng school na pinasukan natin ay binibigyan ni daddy ng pera. Pampaayos ng school, pampaganda at marami pang iba. We’re rich, Sivo. You don’t have to use your hands.”
“Bakit ikaw? Ginagamit mo rin naman ang kamay mo, ah?”
“Hindi lumalapat ang kamay ko sa kanila, Sivo. Matulis na bagay ang sumasampal sa kanila.”