PROLOGUE

1833 Words
Masakit ang ulo kong bumaba muli sa bansa na kung saan ay maraming sakit na idinulot sa akin. Tila ang mainit na sinag ng araw ang bigay sa akin ng sagot, dahil nag-iisa lang naman ang init ng Pinas. “Ma’am Ivory, dadalhin ko na po ang gamit niyo sa sasakyan,” ani ng isa kong kasama. Marami akong pinagbago sa ilang taon kong nanirahan sa California. “Hey! Pretty!” salubong sa akin ni Dev nang makalabas ako ng airport. “Where’s Saidee?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi kami kumpleto magpi-pinsan. “Ate! Na-miss mo ba ako?” halik pa sa akin ni Sivo nang kunin niya ang hawak kong bag. “F-ck you,” agad kong sagot sa kaniyang tanong na ikinanguso niya lamang. “Balita ko ay tinapon ka sa Samar?” natatawa kong tanong kay Dev na ikinangisi niya lang. “Yeah, funny… hindi ko nga ma-gets, kung bakit itinapon ako sa Samar, pero ikaw ay itinapon sa California? Ang bias!” umupo ako sa likod at gano’n rin siya. Dalawa silang sumundo sa akin, pero si Sivo ay nasa harapan lamang at katabi ang driver. “Oo nga pala, Ate… sabi ni Mommy at Daddy ay punta ka raw sa Villion Corp mamaya,” kumunot ang noo ko. “Why? Ano meron?” tanong ko pa sa kaniya. “I don’t know…” kibit balikat ni Sivo at agad na sinagot ang kaniyang tawag. “Hay nako, iyang kapatid mo? Certified playboy! Mabuti na lang si Cole ay tahimik lang,” bulong sa akin ni Dev. “Ikaw? Kailan ka magkakapatid?” tanong ko pa sa kaniya. “Hindi ko alam sa kanila…” hindi rin naman nagtagal nang makarating na ako sa bahay. Sinalubong ako agad ni Mommy Belle at Daddy Pidel… “Nako! Ang ganda na ng apo ko! Ayaw kasing maniwala sa akin ni Pivo, kinuha-kuha pa ang lalaking iyon. Pwede naman na si Ivo na lang ang mag-manage! Dapat ay hindi na iyon!” tila nang sabihin iyon ni Mommy Belle ay nagtaka na ako. “’Wag mong pangunahan ang anak mo, alam kong may dahilan ‘yan kaya niya ginawa ‘yon…” ani naman ni Daddy Pidel. “Ano po ang nangyayari? Sivo?” tanong ko sa aking kapatid na hawak-hawak pa ang cellphone. “Ah… iyon? Wala, may kinuha si Daddy na CEO ng Villion Corp,” matipid niyang sagot. Tila kumulo ang aking dugo nang agad akong lumabas sa bahay at pinaandar ang aking sasakyan. Bakit nila ibibigay ang posisyon na iyon sa iba? Ano ba ang iniisip nila? Porket naging basagulera ako ay magiging ganito na sila sa akin? Bakit hindi nila ibigay iyon sa akin? O hindi kaya kay Sivo? Nakarating ako agad nang puntahan ko ang taas nito. Mainit ang ulo ko ngayon, hindi ako papayag na kunin ang posisyon na ‘yon ng kung sino! Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod lamang sa akin at nakatingin sa malaking salamin na tanaw ang kalawakan ng Manila. “You’re here…” tila natigilan ako nang marinig ko ang kaniyang boses. Unti-unti siyang humarap sa akin na kinaurong ng aking dila. “Long time no see, Pietrice Ivory…” parang inurong ang aking dila at hindi ako makapagsalita. Siya ang bagong Chief Executive Officer ng Villion Corp? “Z-zion?!” hindi ko ito aakalain. “The one and only, Ms. Villion…” ang puso ko ay kumabog nang todo. “H-how? Paano? Teka! Mahirap ka! Paano mo nakuha ang posisyon na ito?!” tanong ko pa sa kaniya. “Walang mahirap sa taong may pangarap, Pietrice…” umupo siya sa upuan nito at inayos ang kaniyang pangalan na nasa gitna ng mesa. “Where’s Mom? I need to talk to her…” agad kong sabi sa kaniya. “Pietrice, two years na akong CEO ng Villion Corp… pero ngayon ko lang nakitaan na may interest ka sa ganito? Ang akala ko kasi ay interesado ka lang sa kabalastugan noon,” nang sabihin niya iyon ay kumunot na ang noo ko. “Nagagalit ka pa rin ba, dahil sa nangyari sa girl friend mo? Sinabi ko na sa ‘yo! Hindi ko kasalanan ‘yon!” sigaw ko pa sa kaniya. “Nagagalit ako, dahil iniwan mo ako! At ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na kahit kailan ay hindi ko girl friend si Vannesa!” parang sinaksak ang puso ko sa kaniyang sigaw sa akin. “Talaga? Akala mo ay maloloko mo ako? Ginamit mo lang ako para makuha ang posisyon na ito! Iyon ang totoo!” sigaw ko pang sabi sa kaniya. “Ginamit ko ang posisyon na ito para mapalapit sa ‘yo, Pietrice… dahil iniwan mo ‘ko, after nang may mangyari sa atin!” tila tinakpan ko ang aking tainga. Naalala ko nanaman muli ang nangyari noon. Bata pa lang ako noon at basagulera, hindi pa nag-iisip at tanging sariling desisyon lamang ang aking ginagawa. “Para namang hindi mo nakalimutan na ikaw ang unang nang iwan sa akin. Hindi mo ako pinaniwalaan, Zion…” kumunot ang noo niya. “At hindi iyon rason para iwan mo ako nang biglaan…” sagot niya sa akin. Sandali lamang ng aming alitan nang may pumasok na sa loob. “I-ivo…” tawag sa akin ni daddy nang siya ay makapasok. Tumayo naman si Zion at agad na nagbigay galang kay daddy, habang si daddy ay itinaas lamang ang kaniyang kamay. “Why are you here? You supposed to be taking a rest now…” hawak niya pa sa aking braso nang nakataas pa ang kilay. “Dad? Can you tell me, why?” saka ko itinuro ang lalaking si Zion na nakatayo lamang. “Oh! Hindi ko pa pala naipapakilala sa ‘yo, Anak… this is Zion Darius Turner, the new Chief Executive Officer of Villion Corporation,” pagpapakilala sa akin ni daddy kay Zion. Ang lalaking nakauna sa akin. Ang lalaking unang minahal ko at ibinigay ang sarili. “Pero… pero paano ako? Hindi ba at ang sabi mo sa akin ay ako ang magmamana nito? Why?!” para akong maiiyak na itanong iyon sa kaniya. “For now, marami ka pang kailangan malaman bilang CEO, anak… hindi naman iyon basta-basta, kaya ikaw muna ang Chief Entrepreneur sa ngayon…” umawang ang labi ko. “I can be the chairman of the board, right?” ngumisi si daddy at umiling. “Learn, Ivory… nariyan naman si Zion, tuturuan ka niya…” turo niya pa kay Zion na ikinangisi lamang nito nang makita akong nakatingin sa kaniya. “But, I don’t like him! Akala ko ba ay love mo ako? Dapat ako ang Chief Executive Officer at hindi siya!” “Zion, pasensiya ka na sa ugali ng Anak ko… kakausapin ko lang muna siya,” nang sabihin iyon ni daddy ay agad namang tumungo si Zion. Agad siyang lumabas, kaya ako na lamang ang naiwan sa loob at si daddy. “Ivory, kailangan mo muna maintindihan… hindi basta-basta ang pagiging CEO, kaya ibinigay ko muna sa ‘yo ang Chief Entrepreneur, hindi naman iyon nalalayo sa kursong kinuha mo sa California…” pagpapaliwanag niya pa sa akin. “Ipinadala mo ako sa California, para maging C.E lang? Tapos itong nakatapos lang rito sa Pilipinas ay naging C.E.O?” mataray kong tanong sa kaniya. “Ano ba ang problema mo doon, Anak? Bakit parang ilag ka sa kaniya?” tanong niya rin sa akin na ikinatahimik ko. Halos wala akong magawa, ito na ata ang pinaka-worst na nangyari sa buong buhay ko. Alam kong hindi ako naging mabait, hindi rin ako naging maayos… pero hindi ko naman alam na sa ganitong paraan ko siya makikita muli. Tandang-tanda ko pa nu’ng ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko akalain na sa maliit na panahon ay magbabago ako… “Ate, naiintindihan mo ba?” tanong sa akin ni Sivo sa hapagkainan. Kanina ay wala na akong magawa sa sinabi ni Daddy at mukhang buo na talaga ang desisyon niya. “Anak, kumain ka na muna…” saway ni mommy kay Sivo. “Ikaw naman, Ivo… huwag kang maging ganyan, Anak… ginagawa lang ni Daddy mo ang satingin niya ay tama, hindi mo kailangan magtampo…” pagsaway pa niya sa akin. “Hindi naman po ako nagtatampo, hindi ko lang talaga matanggap na siya ang makakasama ko sa araw-araw,” nang sabihin ko iyon ay napansin ko ang pagngisi ni Mommy. “Ganiyan rin ako noon, maniwala ka sa akin… kung may nakaraan man kayong dalawa ni Zion ay hindi nga iyon magiging madali sa ‘yo,” sunod niya pang sabi. Halos walang araw ang hindi ko maisip ang mangyayari sa araw-araw. Iniwan ko siya, dahil iyon ang hiling sa akin. Kahit masakit ay kailangan ko… siya ang nagpabago sa akin. Siya ang nagbigay ng liwanag noong kinakain na ako ng dilim. Ngayon ay ang unang araw ko sa Villion Corp, tila inayos ko talaga ang aking sarili. Gusto ko sanang batiin si Zion nang magandang umaga at gusto ko rin sana na humingi ng tawad, dahil sa aking ginawang mali. Ngunit pagpasok ko pa lamang ng office ay nagulat na ako nang makita kong hinihilot siya ng isang pamilyar na babae. Mabuti na lang at hindi nila ako nakita, mabuti na lang ay nakalabas ako agad. Hindi ko alam kung iinit ba ang pisngi ko sa inis o ano… ang babaeng iyon ay ang secretary ng Villion Corp! “Kumusta, Ma’am… nakausap niyo na po ba si Sir. Zion?” tanong sa akin ng kanang kamay ko bilang Chief Entrepreneur. “Busy siya masyado, kasama ang secretary niya… kaya hindi ko na ginulo,” naningkit ang mga mata nitong tignan ako. “Ay nako! Ayoko sanang ikwento sa ‘yo ‘to, Madam! Pero malandi talaga ang secretary ni Sir. Zion, panay ang hilot niya! Akala naman niya ay mahuhulog sa kanya si Sir. Zion!” kwento niya pa sa akin. “Ano ka ba! Mali ka ng kwento! Marami kayang babae ‘yan si Sir. Zion, laging nasa club ‘yan!” napatingin ako sa isang babae. Agad niyang inilahad ang kamay niya sa akin. “Chief VC po, Madam…” pagpapakilala niya sa akin, gamit ang posisyon niya. May kung ano sa akin ang nainis nang tuluyan. Ang hayop na lalaking iyon! Naging babaero pa! Ang dating akala mo ay anghel ay naging isang demonyo! Talagang nagtatago lang ang sungay niya, hindi siya talaga totoong naging seryoso sa akin… Humanda ka sa akin, Zion Darius Turner. Hinding-hindi ka magtatagumpay at hindi ka rin magtatagal sa posisyon mo na iyan… Sisiguraduhin kong maagaw ko sa ‘yo ang posisyon na dapat ay sa akin. Wala akong pakialam sa kung ano ang nangyari noon, pero dahil sa nakikita ko ngayon ay nagbago ka na… kaya sa palagay ko ay pwede ko nang labanan ang kauri kong demonyo… “Zion Darius Turner, maghanda ka na…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD