Para sa pamilya di ako pweding mapapagod. Mag sikap ka para sa ekonomiya.. Kahit sa ayaw at gusto mo.
Anu ba yan ang aga pala ng pasok ko, di ako nakapaghanda ng maaga,nagkanda ugaga na tuloy ako, usal ni lulu kanyang sarili, anu unahin nga bang uunahin nya..
Ang mag saing ng baon at pagkain ng anak nya sa maghapun, oh maligo na.
kailangan nya kasi magluto ng pagkain ng dalawa nyang anak sa maghapun..bukod pa sa sarili nyang baon sa maghapun. single mom c lulu..may dalawa syang anak na babae,at sa pabrika ng pantalon sya nagtratrabaho
buhay single parent nga naman.
Kailangan maayos ang mga anak bago pumasok. ang panganaybay c joey 6years old,at bunso qy si Micah 5 yrs old, nakipag hiwalay ako nong 4 months pa lang c mycah, sa kinakasama kung nong una,kilig na kilig ako.at ng malaon,di pala nakakabusog yon..
dapat makaluto na ako ng pagkain,nakakahiya naman kay manang,may ari ng bahay na pinatingin tingin ko sa kanila habang nasa pabrika ako.buti nalang talaga at ang kwarto na naupahan ko ay nasa loob lang ng bahay ng maari.at may gate pa nga ito..bago lumabas,at c manang may anak na babae din na halos kasing edad lang ng anak ko.kaya kampante akong iwan ang mga anak ko basta may pagkain sila sa maghapun..tinuruan ko na rin sila maligo at magbihis para sa pag pasok sa eskwela.
Di ko kasi talaga kayang magbayad ng katulong para mag bantay at mag alaga sa kanila. piece rate ang kitaan sa pabrika at naupa ako ng bahay tubig ilaw pagkain pa naming mag ina..pamasahe ko pa sa pag pasok.kaya higpit sinturon bagay na kailangan kong gawin.
Nasanay na rin ang mga bata sa ganung setwasyon ng buhay namin.
Kaya nagmadali na ako sa pag asikaso para makapasok na kasi tiyak napakatraffic na naman ang lugar na dadaanan ko.
Malalate na naman,
as usual matraffic naman lage ang dereksyon ko ..hay naku..kailan ba ako makakaalis sa gantong buhay.
Anu bang bago sa tanyag na yon.
Kaya Laban lang lulu Kaya mo yan! adjah!
.kailangan kong maligo ng maayos tiyak ang lagkit lagkit ko na naman nito ang daming alikabok sa pabrika idagdag mo pa ang fiber ng tela..wala pang aircon ang layo sa isat isa ng electric fan tiyak,
mamaya,pawis na pawis na naman ako nito, ang init init kaya sa pabrikang yon.
Idagdag mo pang bubuhatin ko pa Yong maalikabok na mga tela.
Haisssst buhay nga talaga kailangan kumayod ng husto.
pasalamat na lang talaga ako at may trabaho kahit pano. di rin biro ang pag apply ko don huh! nag training pa kami bago kami isinabak sa loob ng pabrika..3 months din yon..pa piso piso ang kita..pasalamat na nga lang kami,dahil pag naka pasok ka sa training room at may nabakante sa loob mismo ng pabrika sa training kukuha ng tao.di mo kailangang mamili kung saan ka.basta kung saan ka ilagay ng supervisor don ka.
Salamat naman natapus din ang sarap talaga maligo kahit pa sabihing isang baldeng tubig lang naman Yong nagamit ko.hahahaha nakakatawa..
Abah! 3 pesos na rin un noh.. At napangiti na lang talaga isiping 3 pesos din yon..Magkanu lang ba sahod ko.mamaluktot ka kung kinakailangan.
Habang tinitingnan ko ang mga anak ko na mahimbing na natuTulog. naiiyak na lang talaga akong isiping,bakit ako nagdagdag pa ng buhay tapus maghihirap lang din sila Gaya ng buhay ko.
Pasensya na kayo mga anak ha. Iiwan ko na naman kayo dito. pasensya na kayo,dahil di ko kayo nabigyan ng buong pamilya, na sana kasama nyo ako sa araw araw at naghahanda ng mga gamit nyo sa pagpasok.kahit ang paghatid ko sainyo sa school di ko magawa.patawad mga anak ko.patawad kasi iniiwan ko lang kayo kay manang.buti na lang talaga napakabait ng aming land lady.
pag labas ko nga ng kwarto nakita ko kaagad si manang cresing..
short for crestita na sa kabilang pinto lang din na naman.dahan dahan pa ako sa pagbukas ng pinto baka magising ang mga anak ko..at umiyak pa sa pag alis ko . Wag kayong mag alala Mga anak may awa ang Dios di nya tayo pa babayaan.
At di ko naman mapigilan ang pag patak ng aking mga luha. ni sa hinagap di ko lubos akalain na dadanasin to ng magiging mga anak ko.na sa ganto mauuwi ang lahat,pinilit ko namang maging maayos kami ng tatay nya.patawad mga anak.
nagluto lang ako ng pansit canton at itlog nagsaing na rin ako.sakto hangang hapunan namin..na may kasama pang baon ko.para lalong makatipid ako.buti na lang din talaga at linggohan ang pasahod sa pabrika Kaya di ako masyado nahihirapan sa 0ag budget,
Pag tingin ko sa lagayan nya ng grocery tanging tatlong pancit canton at 3 itlog ang naroon. bagay na kinakabahan na ako.nahihiya kasi akong mangutang dahil ang sahod ko pinagkakasya ko lang.so anung karapatan kung mgangutang kung wala naman akong ibabayad. kailangan kung mapagkasya ito pag sumapit at araw ng sweldo.napaisip tuloy ako..
Anung araw na ba ngayon.
Nagaalala nyang tanung ko sa sarili..
Anu bang naka eskedule sa pera ko ngayon. Oh sa sasahurin ko ngayon.
Talagang binabudget ko ang kita ko. At pinagkakasya hangang sa umabot sa sunod na sweldohan..
mahirap kung sa mahirap talaga ang buhay,pero wala ako sa lugar para sumuko,hindi biro ang May dalawa anak na nag aaral. Idagdag mo pa.. Ang ilaw tubig at bahay at budget sa pama pamasahe sa jeep. Buti na lang nilalakad lang ang school ng mga bata.ummmm..dami ng dapat kung binabayaran sa isang buwan. tapus isa ka lang na kumikita.
Saan maka karating ang 200 pesos na kinikita ko sa araw araw,subrang pagod pa yon,hindi biro ang trabaho sa pabrika.
Mapapa salamat lord ka na lang talaga. Sa araw Araw na maka survive ka.
Nagpapasalamat din ako. Dahil ang mga anak ko. Di naman sanay sa luho.
Sabi ko nga. Kung anung nariyan magpa salamat at meron. Na halos paulit ulit ko na ring sinasabi. tinuturo ko rin sa mga anak ko,na maraming tao ang hindi kumakain,maraming batang walang pamilya, walang mama,kaya dapat maging masaya sila sa buhay na meron sila..at mahal na mahal ko sila kahit palage ko silang napapagalitan at napapalo. sa totoo lang ang hirap talaga maging single parents sau ba naman lahat,wala ka man lang makausap,wala ka man lang mahingiang tulong,idagdag mo pang ulila ako sa Amat ina ang mama ko nagpakamatay,gayong ang papa ko naman nadisgrasya sa gamit nyang chainsaw sa bukid.ang ate ko nasa Mindanao, ayaw non sa maingay at magulong maynila.meron pa akong apat na kapatid pinamigay ng nanay nita,kapatid ko sila sa ama, 4 months lang kasi ako ng magpakamatay ang mama ko..si papa nag asawa uli,nong mamatay,pinamigay sila,dahil di daw kayang buhayin ng stepmother ko.kaya wala talaga akong malapitan pag umaabot sa pets de pelegro.
pasalamat ako at may lakas ako sa araw araw para lumaban sa hirap ng buhay,pasalamat ako kahit piece rate may kita ako. bawal magkasakit para sa isang single parents..mahirap din kumuha ng lalaki oh maging asawa,puro babae ang mga anak ko.makakapatay talaga ako kung gagaguhin ang mga anak ko. kaya kung magtiis wag lang masaktan ang mga anak ko.