Naomi's POV
Tumakbo ako papunta sa- di ko rin alam. Actually hindi ko rin alam kung san ako pupunta. Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng katawan ko sa court. Bute na lang walang tao. Umupo ako sa bench at yumuko.
First day. First day pa lang punyeta. Ano ng nangyare? Nakasabay ko kumain si Hellton. Nahawakan ako ng kupal na yun. Pinakilala niya ako sa fiance niya as his girlfriend. Nilandi niya ako kanina sa room. Tapos Hinalikan niya ako! Ano bang nangyayare?!?!?!?
Bawat oras na sobrang lapit niya sakin, parang gusto ng tumakbo ng puso ko palayo. Parang gusto na nitong lumabas mula sa rib cage ko. Ano ba kaseng nangyayare sayo NamNam?
"Hey Miss. Okay ka lang ba?"
Bigla akong napatayo at agad na hinarap ang nag salita.
"Sorry. Nagulat ba kita?"tanong nito"Noah Oscar Stevan nga pala."
"N-Naomi Gresion"
Nanlaki ang nga mata nito"A-Anak ka ni Ninong Glaze?"
"Ninong?"
"Yes. Nag ninong daw siya nung binyag ko sabi ni Papa."tuwang tuwa pa siyang nakipag kamay"Nice to meet my kinakapatid"
Napahagikgik ako"Nice to meet you too."
"What grade are you in?"tanong nito at inaya akong umupo
"3rd year highschool."
"Nice! 4th year nako"Sagot nito
Napahaba na siguro ang usapan namin kase narinig ko na lang ang school bell na nag sasabing mag sisimula na ulit ang klase.
"Ay, mag kaklase na ulit."malungkot na sabi ko"Ano bayan.."
"Ayos lang yun. Sabay na lang ako sa inyo mag lunch bukas."Sagot niya
Ngumiti ako at napapalaklak"Sige! Sige!"
"Oh ihahatid na muna kita sa room niyo"
"Sige!"
Sabay na kaming lumabas ng court at nag tungo sa room ko. Pagkarating ko sa pintuan napalingon sakin lahat ng tao. Pero ng masulyapan ko si Hellton, may kakaibang ekspresyon sa mukha nito. Galit, lungkot, sakit, at selos?
"Ms. Gresion, why are you late?"tanong ni mam
"Sorry mam. Galing ako sa court."
"Go take your seat. At ikaw Mr. Stevan pumasok ka na rin sa room niyo."
"Opo mam."
Bago ito umalis sinilip niya ako ulit at nag-salute"See you later!"kumindat pa ito bago tumakbo papunta sa room niya
Paupo nako sa tabi ni Cobby ng hilahin ako ni Hellion papunta sa tabi niya"Dito ka uupo. Sa ayaw at gusto mo."
"Ano bang problema mo??"naiiritang tanong ko
Hindi niya ako sinagot. Bastos toh ah! Bahala ka nga. Hindi kami nag pansinan buong magdamag. Hanggang uwian, hindi kami nag usap. Bahala ka nga.
Maya maya hinila niya ako palabas at nag tungo papunta sa kotse niya. Tatakbo na sana ako ng isandal niya ako sa gilid ng kotse niya at hinarangan ako gamit ang dalawa miyang braso.
"Don't even think about it."may diin nitong sabi
Hindi ako nag patinag. Sinamaan ko siya ng tingin at pilit siyang inilalayo sa akin.
"Ano bang problema?! T*ng*na. Hindi naman kita inaano dyan eh!"sigaw ko
Nagulat na lang ako ng halikan niya ako. Hindi ako naka galaw. Marahas ang pag halik niya. Isinandal niya ako muli sa pinto ng kotse niya at hinarang muli ang nga braso niya sakin. Maya maya pa, lumayo siya at yumuko.
"Naomi... Ano bang ginawa mo sakin?"bulong nito
Nanlaki ang mga mata ko. Inangat niya ang kanyang ulo at kita sa mata niya ang pagka gulo.
"Ano bang meron sayo?"tanong niya at isinandal ang kanyang ulo saking balikat"unang beses pa lang kitang makita pero nababaliw nako."
"H-Hellion.."tawag ko sakanya
"I'm sorry, Naomi."bulong niya at lumayo sakin"You don't have to fight Sapphire. Ako na bahala-"
"No. Ayokong mag back out. She'll think I'm a coward. Let me fight her."Pinilit kong ngumiti
"Masasaktan ka niya Nami. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin."hinawakan niya ang kamay ko
Punyeta, bwisit ka talaga hearty. Kalma lang!
"And you don't know what I'm capable of."Hinarap ko siya sakin"Look Hellion, Alam kong ambilis ng pangyayare. But I think I like you already. Yes I still hate you, But.. Something's really pushing me towards you."and drama award goes to...NAOMI!"Let me fight for this Hellion. Kahit hindi ka seryoso sakin. I will be serious for you."
Tahimik lamang siya, pero ilang sandali lang ngumiti siya at niyakap ako.
"Thank you Naomi. But I'm telling you. I'm serious as hell. I think I'm falling."Aniya
His words sounded so sincere and.. Honest. I don't know if I should believe him or not. Nevermind,.I still have to focus on my mission.
Ako na ang naunang bumitaw. I smiled. I caressed his cheek and gave a peck on his delicious lips-f**k it.
"Punta na tayo dun?"tanong ko
Tumango siya at iginaya ako pabalik sa classroom. Habang nasa hallway, Hawak hawak niya ang kamay ko. Hanggang makarating kami sa Classroom, hawak padin niya ang mga kamay ko na para bang mawawala ako pag bumitaw siya.
"I'll see you there baby."Ngumisi siya at hinalikan ang likod ng kamay ko bago umalis kasama ng mga kaibigan niya
Lumapit pa sakin Bryce at nakipag kamay"Congrats."
Siraulo toh ah. Binatukan siya ni Gabriel bago hinila palayo. Napailing na lamang ako at nilapitan sina Cobby.
"So, Tuloy ba ang laban?"tanong ni Phoebe
"Of course, If my mom didn't back down from a fight, Why would I?"I smirked
She smirked as well"That's the Heiress."
Sumunod narin kami papuntang Courtyard. For the sake of my parents' safety, I will fight.