Chapter 6

961 Words
Naomi's POV Pagkarating namin sa courtyard, naroon na sina Sapphire. Biglang narealize ko, Naka palda pala kami parehas. s**t. "Akala ko di ka na darating."biro niya Nasa gilid sina Hellion. Seryoso ang mga mukha. "Shall we begin?"tanong niya Tinanggal ko ang jacket ko at kinuha yun ni Phiara. "So.. Rules?"tanong ko habang sumusunod sa ikot niya "Rules? Hahaha what are you? 10? There are no rules."She turned to her friends at may binato sila sakanya na-Katana?!"Para masaya." Nilingon ko sina Phoebe. Halatang hindi rin sila makapaniwala sa armas ni Sapphire. "What? Too scared?"Tanong niya "Nami!"napalingon ako kay Coby, hinagis niya ang ballpen sa akin. Wow. Useful, grabe."Click it." Sinunod ko ang sabi niya, Nag transform ito sa isang staff. "Nice."I smirked Ansama ng tingin ni Sapphire sakin. Kaya nung sumugod siya sinalubong ko siya at sinangga ang katana niya. Tinadyakan niya ako sa binti kaya napatumba ako. Agad akong bumangon at hinampas sakanya ang staff. Pinuntirya ko ang tuhod niya. Nang mapahiga siya, tinungkod ko ang tuhod ko sa tiyan niya at sinakal siya gamit ang Staff. "Yield Sapphire."may diin na sabi ko Napa daing ako ng maramdamang pinadaan niya ang matulis na parte ng katana sa hita ko. Tinulak niya ako palayo. "Never."aniya Inatake niya ako at ilang beses na sinubukan akong saksakin. Nasugatan ako sa tagiliran pero hindi ako tumigil. "Why won't you die?!"inis na sabi niya Hinarang ko ang staff ng aatakihin niya ako sa leeg. I did a flip to dodge her attack. Natamaan ko ang leeg niya gamit ang staff at napatalsik ang katana niya palayo. Siniko ko siya sa tiyan at pinaluhod. "Yield!"Sigaw ko pero hindi siya tumigil She spun on the ground that caught me off guard. Pareho kami ngayon nasa sahig, nabitawan ko ang staff kaya agad niya iyong sinipa palayo. Sinangga ko ang suntok niya at tinuhod siya sa tiyan. Nasa sahig kami parehas. Tinadyakan niya ako sa sugat ko sa tagiliran kaya sinipa ko siya palayo. Umayos siya ng tayo. Hinawakan ko ang tagiliran ko. "Naomi..!"nilingon ko sina Scarlet Patakbo sila sa pweto ko pero inangat ko ang kamay ko and gestured for them to stop. Tumayo ako at pumusisyon. Agad na sumugod si Sapphire. Sinangga ko ang mga suntok niya at pinatamaan siya ng mga suntok. May mga oras na natatamaan niya ako pero naiilagan ko iyon. Nung nagtama ang mga kamao namin agad kaming napatalipon. "Enough!"napatingin kami parehas kay Hellion Dun ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan ko at napaluhod na lang ako sa sahig. Maya maya pa nakita ko si Hellion na papalapit. Agad niya akong binuhat at tumakbo papunta sa kotse niya. "You'll be fine Naomi. Just breath."aniya habang nag si-seatbelt Pumikit na muna ako para hindi maramdaman ang sakit, until... ****** "Ano ba kasing ginawa niya?" Teka.. Boses ni.. Mama? "Pag walang nag sabi sakin ng totoong nangyari, Lahat kayo malilintikan." Pinilit kong dumilat, bumangon ako pero agad akong pinigilan ng sakit. "Naomi, Humiga ka lang."Sabi ni mama at hinimas ang buhok ko"Anak naman, Ano bang nangyare?" Huminga muna ko"I got into a fight. Sapphire challenged me, so I accepted it." "Sino si Sapphire?"tanong ni Dad "Just a girl in our new school."sagot ko "At anong rason ng pag aaway niyo?"Tanong ni mama Di ako sumagot kaagad. Pasimple kong tinignan si Hellion na naka sandal sa may pinto. "Nothing." "Naomi."may diin na sabi ni mama"Ano ang rason?" "I was the reason Mrs. Gresion."napalingon kaming lahat kay Hellion"Hinamon ni Sapphire si Naomi para daw sakin. Pumayag si Nami, ayaw niya daw mag back out." "Ano namang meron sainyo ni Sapphire?"tanong ni mama "She's my fiance. Pero hindi ako payag. Then I saw Nami, I know it's weird pero mahal ko na po ang anak niyo." "Ano ka ba ni Naomi?"this time, si daddy ang nag tanong "Boyfriend. I'm her boyfriend Mr. Dad." I don't know what's funnier, him using "Mr. Dad." Or Dad pinning him on the wall grabbing his collar in the process. Aawatin sana siya nila Bryce pero humarang sina Cobby na sinasabing 'Let him do his thing.' "Ikaw?"galit na sabi ni Dad. Mukhang kilala niya si Hellion."Hindi ka ba nag iisip? Because of you my daughter got hurt." "Dad! Relax!"pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ni mama at sumenyas na 'let him be.' "Hindi ko po siya gustong saktan. I respect her desicion. Sapphire was cheating kaya siya nasaktan."sagot ni Hellion "Hindi lang yun ang kinagagalit ko. You are the son of our enemy. And I will not let Naomi be with you, Understand?"Binitawan siya ni Daddy "Enemy?"tanong ni Hellion "Hellion Cade Anueva. Son of Xavier and Rachel Anueva. Nang dahil sa mga magulang mo, muntik mapahamak ang mga kaibigan ko at ang asawa ko. Your parents almost killed Stevan, just to save you."Galit na sabi ni Daddy Pinilit kong tumayo kahit mahapdi ang sugat ko. Di ako nag pa pigil kay mama. "Dad.. Please.."tawag ko "Nang dahil sayo, Namatay ang anak ko. Nang para lang sa buhay mo, Kinuha nila ang buhay ng anak namin. She would've been saved if it wasn't for you.." Natigilan kaming lahat. Anak? Teka.. Meron pang nauna sakin? "Hinding hindi ko mapapatawad ang mga magulang mo."umalis si Daddy, Sinundan naman siya ni mama at Auntie Blue Nilapitan ko si Hellion"A-Are you okay?" Tumango siya at niyakap ako ng dahan dahan. "I don't know what's happening Naomi.. Wala akong alam.."bulong niya Hindi ako naniniwalang wala kang alam Hellion. Pero kailangan kong malaman ang totoong nangyare sa nauna kong kapatid. This is just a mission Hellion. Sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD