Chapter 7

1789 Words
Violet's POV Sinundan namin ni Akuma si Glaze palabas ng kwarto ni Naomi. "Glaze, You shouldn't have done that."Sabi ko "Hindi ako nakapag pigil."Rason niya sabay upo sa sahig "Obviously Bayaw. Pero bata lang yun. He might be forced to forget about the past. Specially that part about Nathalie."Sabi naman ni Ate Blue "Kahit na. Siya ang rason kung bakit wala na ang anak ko ngayon. His parents took another's life for his. Alam nilang compatible ang dugo ni Nathalie kay Hellion at alam din nilang nakuha ni Nath ang Elixir mula kay Violet. They used all of her blood to save Hellion."Dinig ang sakit at galit sa boses ni Glaze Alam kong masakit. Masakit mawalan ng anak. Nathalie was everything to me. Halos mamatay ako sa gutom dahil naka kulong lang ako sa kwarto pagkatapos ng nangyare. Pero ng dumating si Naomi sa buhay namin, natuto akong bumanvon muli. Kahit masakit padin. Tinabihan ko si Glaze at niyakap siya. Nang mayakap ko siya agad siyang umiyak. I smiled. Alam kong nag pipigil lang talaga siya. Pinipigilan niya lang yung sakit na tinago niya for how many years. "I miss her.."bulong niya "I know Glaze.. I miss her too.." Lumayo sakin si Glaze at ngumiti. Pinunasan niya ang mga luha niya at inayos ang itsura. "Sorry, Nagpadala ako sa galit."Aniya Nagulat ako ng bigla siyang batukan ni Akuma. Gaga talaga toh. "Mag sorry ka dun sa bata. Walang kinalaman yun sa kagaguhan ng mga magulang niya."sermon ni Ate"Dalian mo pipingutin kita dyan." Tumayo si Glare na tinatakpan ang tenga at nag mamadaling bumalik sa kwarto ni Naomi. Tumayo din ako at umiling. "Why won't you change Akuma?"pabirong tanong ko "Change is for losers." Natawa kami pareho at sabay na bumalik sa kwarto ni Naomi. Nag uusap na si Hellion at Glaze, Nag kamay ang mga ito and body slammed. Seriously? Nilapitan ko si Naomi at ngumiti. Niyakap ko siya at hinalikan ang noo niya. "Ayos ka lang ba anak?"tanong ko "Yes ma. Wala pa toh eh. Gang combats are still the best."sagot niya Lumapit naman sa gilid sina Scarlet. "Uhm.. Tita mauuna na po kami. Baka mag taka pa po sina mama eh."Paalam ni Phiara "Sige mag ingat kayo." Hinatid muna sila ni Coby pauwi sa mga bahay nila. Kami naman umuwi na rin. Hindi naman kasi malalim ang sugat ni Naomi kaya naman pumayag ang doctor na umuwi na siya. Si Hellion umuwi pagkatapos mag paalam samin. Nakausap namin sila ni Naomi about sa relasyon nila. Pagkarating sa bahay agad na umakyat si Naomi na sinundan nila Ice at Samara. "Sigurado ba kayo kay Hellion?"napalingon ako kay Glaze "Hindi. But from what I see, mahal talaga ni Naomi ang batang yun."sagot ko "I don't know about Hellion. Pero mukhang mahal din niya si Naomi. But isn't this their first day?"tanong ni Ate Blue "Oo.. Pero aamin Ko, my second first day at our school, Nag ka crush ako agad dito sa siraupong toh."Niyakap ko ang braso ni Glaze at humagikgik"And the next thing I know, I was madly inlove with him." "Yak."Nilingon namin ang nag salita sa pinto "Stevan!"Ako ang naunang yumakap sakanya pero may humila sakin palayo kay Karl Ansama ng tingin sakanya ni Glaze. Sus, Seloso. "Miss moko?"Natatawang tanong niya Tinignan niya si Ate Blue sabay kindat. "Hi Miss Sungit."Bati niya Walang wala talaga ang height ni ate sa height ni Stevan. "Che! Kahit kelan ka, Panira ka padin ng araw."Sinungitan ni Ate si Stevan Kahit mag away sila kinikilig padin ako. Bagay talaga sila. Pwede naman sila talaga eh, Si Ate Blue walang asawa o kasintahan, Ganun din si Stevan. "Ilang taon na kitang nililigawan Ms. Sungit?"Hinawakan ni Stevan ang kamay ni Ate"Kelan mo bako sasagutin?" Hinarap siya ni Ate habang naka ngiti. Sabay sabi ng: "Che! Ewan ko sayo. Nako maka alis na nga baka inaantay nako ng anak ko. Bye Little Akuma!"Aniya at umalis sumusunod naman sakanya si Stevan "Hay nako.. Ang dalawang yun talaga."Umiling na langa ko habang sinasara ni Glaze ang pinto"Pupunta muna ako sa gallery room Baby." "Sige lang by, Kakain lang ako."Napatawa ako ng mahina"Oh, Bat ka tumatawa dyan? Ha?" "Wala. Sige na. Kain ka na dun. Pataba ka."nag madali akong umakyat at sinara ang pinto sa Gallery room Napangiti ako. Goodness sumakita ang balakang ko nun ah. Tumatanda na ang dyosa ng bahay. Nilapitan ko naman ang drawer at hinila ito. I smiled. Kinuha ko ang litratong naka lagay sa loob nito at umupo sa may bintana. Pinadulas ko ang hinlalaki ko sa parte ng batang babaeng naka ngiti. Nathalie.. Isa isang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hays.. Kung sana naging compatible ang dugo ko kay Hellion ibibigay ko kaagad ang dugo ko. Hindi sana nawala si Nathalie. (Flashback) "Mommy! Look oh!"Ani Nathalie habang tinuturo ang unggoy na nag lalambiting sa mga sanga "Yes anak."I smiled"Oh wag kang bibitaw kay mommy ha." "Yes mommy!" Nilingon ko si Glaze, ngunit ng di ko makita kung nasaan siya nag simula akong mag alala. Ilang sandali pa naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko. "Namiss mo nako agad?"Tanong niya Napangiti ako"Oh shut up." Nawala ang ngiti ko, na para bang may nakalimutan ako. I turned to my hand, hindi na naka hawak roon ang anak ko at wala na din siya sa pwesto niya. "Nathalie?"tawag ko ngunit walang sumagot "Bakit?"tanong ni Glaze "Si Nathalie.. Nandito lang siya kanina!"Natatarantang sabi ko"Nathalie! Anak!" "Nathalie!" Inikot ko ang area kung saan ko siya huling nakita. May nakita akong batang babaeng buhat buhat ng lalaking papalapit sa van. "Anak ko!"Sigaw ko at mabilis na tumakbo Hindi ko na pinansin ang mga taong nabangga ko, Naka focus ako sa anak kong walang malay at tinatangay na palayo. "Nathalie!" Idinilat nito ang kanyang mga mata kahit pilit at sinubukan akong abutin. "Mommy..." Sumakay sa van ang lalaki, Paalis na ito ng makarating ako sa pwesto nito. Hinabol ko ang van pero naging mabilis ang pag andar nito. Hanggang sa mapalayo na ito ng lubusan. "Sakay!"Agad akong pumasok sa kotseng tumigil sandali sa tabi ko na minamaneho ni Glaze Mabilis niya itong pinaharurot hanggang sa makarating kami sa pinaghintuan ng Van. Natigilan kami ni Glaze nang maka baba kami ng kotse. "E-Eto yung..."Napatakip ako ng bibig Dito nila ako itinago ng halos isang linggo para lang mapahamak sina Glaze. Umiling ako para tanggalin ang masasakit na alala na iyon sa isipan ko bago tumakbo papasok sa loob. Dire-diretso akong tumakbo hanggang sa makaramdam ng kuryente sa likuran ko. "Violet!" Tinignan ko si Glaze sa mata, Pareho kaming nasa sahig habang kinukuryente. Again, Lots of memories came flashing back. Binalik ko ang tingin sa anak kong naka higa sa isang kama at ang batang lalaking katabi niya. Maraming wires at tubes na naka connect sakanila pareho. "P-Please.. Wag ang anak ko.."Pilit kong bigkas May biglang humarang sa paningin ko. Inangat ko ang mga tingin ko sa nag mamay ari nito. Isang lalaki. "Pasensya ka na Violet, Pero binabawi ko lang naman ang syrum na ninakaw nila para buhayin ka."Sabi niya Ninakaw?  "Lisa is one of our scientist. Ngunit ng nakawin ng mga pamangkin niya ang formula at main ingredient, We had to eliminate her. Hindi namin hahayaang may makagawa ulit ng ganung pag kakamali."Kwento niya"At nang malamang nasasayo ang elixir hindi ako nag aksaya ng oras at hinanap kita. After years of searching nandito ka lang pala. Nalaman ko din na may anak ka, and figured out na nasa dugo narin nito ang elixir." "Please, wag ang anak ko."Pag mamakaawa ko "Kailangan ng anak ko ang dugo ng anak mo. Mas compatible sila ni Nathalie."Aniya"I'm sorry. Pero gagawin ko ang lahat para sa anak ko." Tumalikod siya at pumunta sa tabi ni Nathalie. May babaeng naka lab coat sa tabi ng batang lalaki. Initayo kami pero ni Glaze at itinali sa isang tabi, malayo sa aking anak. "Nathalie!"Tawag ko"Nathalie! Anak!" "Shut up. Hindi ka niya naririnig."Saway ng babae habang ikinakabit ang isang tube sa likod ng palad ni Nathalie Nang matapos ang pag kakabit nila ng tubes kena Nathalie, lumapit ang lalaki sa isang machine. Merong itim na bagay ang lumabas mula sa ugat ng anak ko na pumapasok naman sa katawan ni Hellion. "Please! Wag si Nathalie!"Pag mamakaawa ko "Rachel, patahimikin mo yang babaeng yan."Utos ng lalaki "Wag niyong subukang hawakan ang asawa ko."Madiin na banta ni Glazs "Make it, the two of 'em."Sabi niya Lumapit samin ang babae. Meron siyang hawak na syringe na nag lalaman ng berdeng likido. "Thanks for the throne.. Queen G." Napapikit ako ng makaramdam ng pag tusok sa batok ko. Nang hilain ito palabas hindi ko mapigilang mapasigaw sa sakit. Bumigat ang mga talukap ko. Tinignan kong muli si Nathalie. "Nathalie..." ***** Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Pagkadilat ko nasa isang kama na ako na napapalibutan ng kurtina. Nathalie.. "Nathalie? Anak?"Tumayo ako, kaso napatigil ako ng maramdamang naka dextrose ako, Hinatak ko ito at ininda ang sakit na dulot nito"Nathalie!" Lumabas ako ng Pwesto ko, mayroong mga nurse na pumipigil sakin. Binabalak nila akomg ibalik sa kama ko. "Hindi! Ang anak ko! Si Nathalie! Nasaan?!"Sigaw ko habang lumuluha Pilit padin nila akong pinapakalma. "Hindi! Gusto ko makita ang anak ko!"Pag pupumilit ko "Let her go." Lumayo ang mga nurse sakin. May doctor sa may pinto na nakatingin samin. "A-Alam mo ba kung nasaan ang anak ko?"Tanong ko "Officer Gresion, of course I do."Aniya at tumalikod"Follow me." Sinundan ko siya palabas ng kwartong iyon. Dun ko lang napagtanto na wala si Glaze. "Uhm.. Doc, nasaan ho ang asawa ko?"Tanong ko "Hays.. Just wait."Bakas ang kalungkutan sa boses niya Kinabahan ako. What does that mean? Ilang sandali pa tumigil kami sa tapat ng.. Morgue? "D-Doc.. Ba-Bakit ho tayo nandito?"Tanong ko ulit Hindi siya umimik. Binuksan niya ang pinto para sakin, Pumasok ako at naroon na rin si Glaze sa dulo. Biglang bumilis ang pag t***k ng puso ko. May yinayakap siyang katawan. Agad ko siyang nilapitan.. "Anak.." Dumausdos ang mga luha ko ng makita ang mukha ng anak kong maputlang maputla na, Halos nawalan na siya ng dugo. "Nathalie.."Tawag ko habang hawak ang kanyang pisngi"Nathalie!" "Gumising ka anak please! Nandito na si mama."pag pipilit ko"Anak sige na oh, Nandito na si Mama. Diba papasyal pa tayo? Anak please!" Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti. "Nathalie.. Anak, Patawarin mo si Mama. Wala akong nagawa para iligtas ka. Hindi nakalaban si Mama para sayo. Patawarin moko."Kinuha ko sa gilid ang paburito niyang si Stitch na stuffed toy at niyakap iyon I'm sorry anak..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD