Karl Stevan's POV
Nasa tapat ako ngayon ng bahay ni Skylar.
Hoy, wag niyo ako i-judge. Hindi ko siya ini-Stalk—sort of.
"Dad you'll creep her out."
"Oh please, instead of yapping about stuff, support your dad."
"Hey I agreed on helping you didn't I?""
"Dami mo pading reklamo."
"Still di magagawa tong planong toh if it wasn't for me."
"Oh please Noah—"
"Shh eto na palabas na ang kotse niya. Dad tandaan mo pag nawala ko ikaw mag papaliwanag sa mga manliligaw ko."
"Gago, Plano mo toh eh."
I can literally imagine him rolling his eyes. Babae ata anak ko eh. Tsaka plano naman niyang mag pa bangga kay Skylar.
*screech*
Napalingon ako agad sa garahe ni Skylar.
"Holy s**t! I'm so sorry Noah"anang Skylar habang bakas ang takot sa kanyang mukha"Oh jeez, Coby! Tulungan moko!"
Lumabas ng bahay ang kanyang anak na lalaki at agad na tinulungan ang mama niya na ipasok sa kotse si Noah. Hell. Nang maka alis ang kotse nito agad akong sumunod sakanila. Malayo layo ako sakanila kasi baka mabuking kami agad.
Tumigil si Skylar sa isang hospital at agad na dinala sa loob ang walang malay na si Noah. Nag park ako sa likuran ng hospital at inantay ang tawag nila. At pagtapos ng Kalahating oras nag pop up ang numero ni Blue sa cellphone ko. I smirked.
"Hey Love."
"Look, You need to come to the hospital. I accidentally hit your son with my car—but don't worry he's fine."
Hmm.. Kabado ka ha.
"Ano?! Saang hospital?!"
"Melvic Hospital."
"Sige papunta nako. Malapit lang ako dyan."
Binaba ko ang tawag. Well time for step 5. Nag mamadali akong bumaba ng kotse at pumasok sa hospital. Itinanong ko ang kwarto ni Noah, pagkatapos ay nag tungo sa clinic. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Hey bud, what happened?"tanong ko
"Tita blue accidentally hit me with her car."Aniya I can see a bruise on his right shoulder and scratches on his left leg and arm
"Sorry talaga Noah ha. Hindi kita nakita kanina eh."Skylar had apologetic eyes
"Okay lang tita."aniya
"How ya feelin' bro?"tanong ni Coby
"A little bit better than being hit." Tumawa sila pareho ni Coby
"Ma, Bat di mo pa kasi sinasagot si Dad?"tanong ni Coby
"Dad? You're already calling him Dad?"naka turo sakin ang hinlalaki ni Skylar with a confused face
I smirked at niyakap siya sa bewang. I felt her body tense. Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya.
"See? Pati anak mo boto sakin. Sagutin mo nako, please love?"Bulong ko
"L-Love? G-Gago ka-ba?"
I chuckled"Bakit nauutal ka Love? Kinikilig ka noh?"
"H-Hindi ah."Kahit di ko makita ang mukha niya kita kong namumula na siya"Bitawan m-mo nga ak-o!"Pumiglas siya sabay suntok sakin sa balikat
"Nako Dad, pag pasensyahan mo na si Mama. Masungit lang yan pero mahal ka niyan."sabi ni Coby
"Mahal mo pala ako ha."I smirked
"Oh shut up. Papasok nako. Coby, ikaw?"hinarap niya ang dalawa
"Sabay na kami ni Kuya Noah, late naman na kami eh."Nakipag brofist siya kay Noah"pahatid ka na kaya kay Dad."
"No thanks. I have a car."Ang sungit talaga neto
Lumabas na siya ng kwarto ni Noah.
"Sundan mo dad. Wag mong sasayangin tong pagkabangga ko."I chuckled bago inabot sakanya ang susi ng kotse ko at sinundan si Skylar
Nang makita siya sa parking lot agad ko siyang binuhat—bridal style.
"Oh my god!"sigaw niya"Karlos Vicente Hidalgo Stevan! Ibaba mo ako!"
"Kinabisado mo talaga ang pangalan ko love ha."I smirked
"Shut up and put me down!"Utos niya
Kinapa ko ang bulsa niya at dahan dahan na kinuha ang susi ng kotse niya. Tili siya ng tili hanggang makarating kami sa kotse niya. Binaba ko na siya at agad na inilapat ang labi ko sa mga labi niya. I can feel her body tense up again.
"Ang ingay mo eh."I said between our kiss
Tinulak niya ako palayo, I chuckled.
"Gago ka talaga."ansama ng tingin niya sa akin
Nang kapain niya ang bulsa niya bigla siyang nataranta.
"Holy crap, asan yung susi ko?"panay padin ang pag hanap niya
Inangat ko ito with a sly smirk. Her eyes widened.
"You son of a—"
I gave her a peck on her lips and got in her car. Tignan natin kung aangal ka pa.
"Lumabas ka dyan Karlos."Banta niya
"At bakit?"pinaandar ko ang makina"sumakay ka na. Late ka na diba?"
She groaned at parang batang padabog na pumasok sa kabilang side. She crossed her arms at naka simangot siya.
"Oh come on Love, Wag ka na sumimangot."pinisil ko ang tainga niya"Cute ka pero di bagay sayo, Ngumiti ka naman."
Hindi niya ako pinansin at tumingin lang sa labas.
Hinawakan ko ang kamay niya"Love naman."Nang pilitin niyang bawiin ang kamay niya hinigpitan ko lalo ang pagkahawak ko sakanya"Skylar Blue Anderson, Please pansinin mo naman ako."
Hindi padin siya nag salita. I sighed.
"Ano bang gusto mong gawin ko para sumaya ka?"tanong ko
"Leave the keys and get out. Wag ka ng mag papakita sakin."She said with a cold voice
Parang may kung anong kirot akong naramdaman. Agad kong itinabi ang kotse niya at hinarap siya.
"Blue, look at me."hindi siya nakinig"BLUE, LOOK AT ME."
I saw her cringe, dahan dahan siyang humarap sakin. Binitawan ko ang kamay niya at agad na pinatay ang makina, Tinanggal ko ang susi at nilagay iyon sa palad niya.
"There. Yan ang gusto mo diba? You want me to go. Fine. Sige. Pasensya na. I'm just trying to make you see how much I love you, But hell, Ang manhid mo Blue. Ang manhid mo. Sinabihan na nila akong nag papaka tanga lang ako sayo pero di ako nakinig. Even your own sister warned me about your stone cold heart."
Lumabas na ako ng kotse niya. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa bahay ni Liam since malapit lang ang subdivision nila sa lugar na toh.
Tumigil ako at kinuha ang cellphone ko at agad na tinawagan si Anderson.
"Ano nanaman ba Stevan?"
"I need to drink, samahan niyo ako. Dun tayo kena Liam."
"Aba himala. Anong problema?"
"Basta dun na tayo mag usap. Bilisan niyo."
Binaba ko na ang tawag at mabilis pang nag lakad. Nang maka rating sa gate pinapasok ako kaagad, Kilala na ata ako ni manong. Pagkarating kena Liam may mga kotseng nakaparada sa labas. Agad akong kumatok.
"Teka lang!"Boses iyon ni Aera
Yep, Believe it or not sila ni Liam ang nag katuluyan. Like fudge. Bumukas ang pinto and there, Aera stood with a confused face.
"Oh Stevan, nandito ka na pala."Aniya
Ngumiti lang ako"Nandyan ba si Liam?"
"Oo nandyan sa loob ang kupal, Nandyan din sina Glaze. Mukhang mag iinuman kayo."Ambilis naman nila"Anyways, have fun you guys. Medyo late nako eh. Nag absent pa nga yang mga kaibigan mo para lang mag inom. Hay nako. Sige mag walwal na kayo."
Pumasok ako at siya naman ang lumabas kaya nilock ko ang gate. Dumiretso ako sa kusina, annnd yep naroon sila habang may kanya kanyang baso at may tatlo black label sa gitna ng island counter.
"Ayoooooon, Oh nauna pa kami."asar ni Aster at nag salin ng alak sa baso at pinadulas iyon sakanya
"So Anong drama natin ha Karlos?"Tanong ni Weid
Nilagok ko muna ang laman ng baso at nilapag ito, pinadulas ko ito pabalik kay Aster, Hindi ko na inantay ang baso at agad na kinuha ang boteng bukas at agad nag pakawala.
"Pucha ang hirap mag mahal ng pusong bato" Sabi ko at uminom ulit
"Abaaaaa Anong nangyare sainyo ni Ms. Yelo?"Natawa ako sa Nickname na iyon, Sira talaga toh si Ross
"Ginawa ko naman na lahat para makuha ang tiwala niya pero wala. She doesn't care. Manhid."Tinungga ko ang laman ng bote at agad itong tinumba sa mesa
"Buti na lang nag aya ka uminom, Hell I need a break from my life."Ani Zane"Pagiging asawa ni Trina? Never was the easiest thing."
"Try being a father to twins with a devilish attitude. Plus a Wife who can kill you with her glare"Reklamo ni Jacee, Ang college barkada namin
"Try being a Father of a Diva and a Queen for a wife."Reklamo ni Martin, Ang barkada nina Weid at Liam
"Ahh sige kayo magka-anak na bipolar at Asawang sweet pero dangerous."Glaze rolled his eyes
"Oh please, Maging tatay ka sa isang babaeng mas lalaki pa sayo, at maging mabuting asawa sa babaeng bossy."Sabi ni Aster
"Kaysa naman sa Kasing arte ng babae yung anak kong lalaki diba? Tas mana pa sa nanay"reklamo naman ni Weid
"Better than having a Daughter as an assasin. And a Wife as a Master."Ani Ross
"Kaysa naman sa anak na babaeng sobrang moody at asawang pranka."Sabi naman ni Liam
Nagkaringinan kami ni Kevin"Pucha pasalamat nga kayo may kasama kayong nag palaki sa mga anak niyong siraulo eh. Kami ni Karl nagpakahirap pang magpalaki ng bata ng mag isa eh. Mag pasalamat kayo kasi hindi niyo naranasan lahat ng pagod na nadaanan namin ni Karlos. Mas mahirap mag palaki ng bata ng mag isa, so stop whining assholes."
"Masakit ding maiwan ng babaeng akala mong makakasama mo na habang buhay."Sabi ko
Kinuha ko ulit ang isang bote at nilaklak yun.
"True."anang Kevin
"You have to decide Stevan, Kung titigil ka or hindi."sabi ni Weid"pinapahirapan mo ang sarili mo eh."
I chuckled. I wish. Sana nga kaya ko eh. Anlaki ng pinagkaiba ng need at want. I need to stop, But I want her, I want to be with her.
"Whatever your decision is, Susuportahan ka namin Stevan."Nang Glaze at nag taas ng baso at nakipag cheers saming lahat
I'm one lucky bastard to have these dimwits with me.