Chapter One

2295 Words
IT’S been three years since Dwayne left Italy to hide in other countries. He decided to quit the Black Horn Society after realized that he’s not comfortable with some activities he used to do for almost five years. Tatlong taon na rin ang nakalipas magmula noong nakipaghiwalay sa kaniya si Ingrid. Nag-file ng divorce si Ingrid at nagpasyang umuwi ng Pilipinas nang makatapos sa medicine school. Nagtago rin siya sa Pilipinas kaso hindi siya nagtatagal dahil hina-hunting siya ng tauhan ni Mariano, na hindi pa nakapag-move on sa pagwasak niya sa isang grupo nito na pasikretong sumasalisi ng organ-trafficking sa underground market. Hindi tuloy niya malapitan si Ingrid. Palipat-lipat na lang siya ng bansa. Naikot na ata niya ang mundo kakatago. Tumira siya sa bahay ni Vladimir sa Sicily ng isang taon. But his Sicilian friend and co-member in BHO left him there to explore the European counties. The BHO was founded originally in Sicily, a former mafia group from late former leaders. Nainip siya kaya nagpasya na siya’ng kumalas sa grupo. Pero ang membership niya ay nanatiling aktibo at may benepisyo pa rin siyang makukuha katulad ng proteksyon. Pero wala na siyang balak abalahin pa ang grupo kaya hindi siya basta nagsasabi ng problema. Ayaw niya na makilala ng ibang organisasyon ang grupo nang dahil sa kaniya. Umiiwas na lamang siya sa kalabang humahabol sa kaniya. “Sir, your flight going to the Philippines has been canceled,” sabi ng resort manager niya na si Tomas. Nakatayo siya sa dulo ng pantalan sa gilid ng dagat. Nakatanaw siya sa malawak na karagatan na may iilang yate na palutang-lutan. Pag-aari niya ang yacht club at beach resort na iyon sa Madrid, Spain. May tatlong buwan na siya roon at walang ginawa kundi mag-scuba diving at snorkeling araw-araw, kaya mamula-mulang moreno na ang balat niya. Pinahaba rin niya ang kaniyang buhok na aalon-alon, may isang dangkal. Bihira siya nag-aahit kaya malaking tulong ang balbas at biguti niya na nagpaiba sa kaniyang hilatsa. Pumihit siya paharap kay Tomas. Nakapamulsa ito sa puting slacks na bumagay sa hapit nitong long sleeve polo. Pareho sila ng design ng polo, hindi lang nakabotones ang sa kaniya kaya lantad ang matipuno niyang katawan na nalalatagan ng pinong balahibo. Hawaiian short pants naman ang suot niya pan-ibaba. “Why?” kunot ang noong tanong niya. “Your friend Wallace canceled it from the online booking,” tugon nito. Mariing nagtagis ang bagang niya. “Is he crazy? What did I do?” Uminit ang ulo niya. “We need to talk first, Dwayne!” tinig ni Wallace na biglang sumuplot mula sa pintuan ng nakaparadang yate sa kanilang kaliwa. Nagpaalam naman si Tomas. Tinalikuran niya si Wallace. Lumuklok siya sa gilid ng munting pantalan na yari sa bakal. Umupo naman ito sa kaniyang kaliwa. “Bakit uuwi ka na naman ng Pilipinas? Wala ka nang kaanak doon, ah,” anito. He sighed. “I’ll find Ingrid,” he said in a cold voice. Wallace laughed and slapped his chest. “Why do you need to find her? Is she lose?” he asked with full of sarcasm. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “I’ll try to win her back,” sabi niya pagkuwan. “Huh! Did you ever think that she would still recognize you?” “Tatlong taon pa lang ang lumipas, Wallace, of course, she would recognize me. Imposibleng nakalimutan na niya ako kaagad.” Napupuno siya ng antisipasyon. “At bakit ngayon mo lang iyan naisip?” usig nito. “Dahil sa palagay ko ito ang tamang pagkakataon,” matatag niyang sagot. Bumuga siya ng hangin. “Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Gusto ko nang malagay sa tahimik ang buhay ko.” “What about Mariano? He’s still hunting you, bro.” “Mapapagod din siya.” Tumawa si Wallace. Inakbayan siya nito. “Kagagaling ko lang din ng Pilipinas last month. May binisita akong pamilya,” sabi nito. “Kaninong pamilya?” “Sa mapapangasawa ko.” “Ang malas naman ng babaeng iyon,” natatawang tudyo niya. Mahinang sinuntok siya nito sa balikat. “But, hey! Are you serious about quitting the BHO? What about your shares from the income?” sabi nito pagkuwan. “Ikaw na ang bahala roon. Stable naman ang income ng businesses ko kaya hindi ko na kailangan ng shares mula sa BHO,” pagyayabang niya. “You’re impossible, bro. Nang dahil lang sa babae, ibinaba mo ang pride at profile mo. What the heck was that?” Nang-uuyam pa ito. “Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka ng babae, Wallace.” Tumawa na naman ito. “Women were just a distraction, Dwayne. They were men's most significant weaknesses,” giit nito. “But women are also our strength, Wallace. Without them, we’re useless,” depensa naman niya. “For me, women are just f*ck-buddy,” anito saka tumawa. Nainis siya rito. Kailanman ay hindi niya itinuring na ganoon ang babae. Kaya hindi siya nagka-interest mag-invest sa negosyo na may kinalaman sa babae dahil mataas ang respeto niya sa mga ito. Talagang nasilaw lang siya sa pera na kinikita nila sa pagsasabotahe ng mga antics at sa ibang sugal. Marahas siyang tumayo. “Wala kang kuwentang lalaki,” sabi niya saka iniwan ang kausap. “Hey, Dwayne! Huwag kang mapikon, bro,” humahabol na sabi nito. “Go home, Wallace! Don’t stay here overnight to manipulate my mind!” Pagpasok sa pinagawa niyang lighthouse ay nakabuntot pa rin si Wallace. Nagulat siya nang kinuha nito ang bag na iniwan sa couch at naglabas ng maraming bundle ng pera. Hinarap niya ito. “Ano ang mga iyan?” wala sa loob na tanong niya. “Can’t you see? It’s money!” pilosopong sagot nito. “I know. I mean, para saan?” “It’s your share last month. Five hundred thousand US dollar ito,” anito. Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko matatanggap iyan. Ibalik mo na lang kay Yoshin,” mariing tanggi niya. Si Yoshin ang founder ng Black Horn Organization sa Rome Italy kung saan siya nag-apply ng membership. Ang original na group ay sa Sicily itinatag na ama mismo ni Yoshin pero iba lang ang pangalan. “Come on, ikaw lang ang tumatanggi sa ganitong halaga, bro.” “I told you that I won’t take any shares since I quit.” “But you have a lifetime membership to BHO, so you still have rights to claim the benefits,” pilit nito. “Puwede ba, huwag mo na akong kulitin!” singhal niya rito. “Umuwi ka na at ibalik ang pera kay Yoshin!” Tuluyan niyang iniwan si Wallace. Pumanhik siya sa second floor, sa inuukupa niyang kuwarto. Nagpa-book ulit siya ng flight kay Tomas papuntang Pilipinas, sa ibang travel agency na at hindi sa agency na pag-aari ni Wallace. Umalis naman ang makulit niyang kaibigan. LINGGO ng hapon dumating sa airport ng Maynila si Dwayne. May rest house siyang pinabili kay Tomas sa Tagaytay, malapit lang sa resort na pag-aari ng pamilya ng dati niyang asawa. May caretaker siya roon, si Mang Arnold, na driver na rin ng pinabili niyang kotse kay Tomas. Nakita kaagad niya si Mang Arnold na kumakaway sa waiting area. May hawak itong malaking banner. Kinuha muna niya ang kaniyang maleta. Inunahan naman siya nito sa paghila sa maleta. “Welcome home, sir!” malapad ang ngiting bati nito. “Kumusta ang flight n’yo?” Patungo na sila sa parking lot. “Good, I’m just felt sleepy. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos,” aniya. “Mainam kung makauwi kaagad tayo nang makapagpahinga ka na. Traffic nga lang dito.” “Palagi naman,” komento niya. Palapit na sila sa abuhing Ford Ranger, iyon ang napili niyang modelo ng sasakyan. Ikinarga na ni Mang Arnold ang maleta sa backseat. Siya naman ay umupo na sa passenger seat. Sumakay na rin ang ginoo at binuhay ang makina ng sasakyan. Nakatulog sa biyahe si Dwayne. Nang magising siya ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag niyang bahay. Nahihilo pa siya dahil sa antok kaya kaagad siyang bumaba at pumasok sa bahay. Sinalubong siya ni Manang Gema, na asawa ni Mang Arnold. Dating katiwala rin nila mga ito sa Laguna, sa family house ng mommy niya na Filipina. Doon siya lumaki noon. Kaso naibenta ang ari-arian nila noong nag-migrate sila sa Italy. Nag-iisang anak ang mommy niya pero matagal nang patay ang mga magulang nito. Nag-migrate na rin sa ibang bansa ang ibang kaanak nito. Iginiya siya nito sa ikawalang palapag kung saan ang nakahandang kuwarto niya. Humiga kaagad siya sa kama kahit hindi pa naghuhubad ng sapatos. Ginugupo na siya ng antok nang biglang humilab ang kaniyang sikmura. Naalala niya, wala pala siyang kinain mula umaga. Nagbihis siya ng puting denim short pants at puting polo. Pagkuwan ay lumabas siya ng kuwarto. Naghahanda pa lang ng lulutuin para sa hapunan si Manang Gema sa kusina. “Sorry, sir, wala pa akong nalulutong pagkain,” sabi ng ginang. “Okay lang. Kakain na lang ako sa restaurant,” aniya. “Tumawid lang po kayo sa gilid ng beach, may beachfront restaurant ang Blue Seas Paradise Resort sa kabilang lupain,” anito. Tumango lamang siya. Kinuha muna niya ang kaniyang wallet. Naalala niya, wala pala siyang hawak na pera ng Pilipinas. Humiram siya ng isang libo kay Mang Arnold. Pagkuwan ay naglakad-lakad siya sa beach patungo sa resort na pag-aari ng pamilya ni Ingrid. May isang minuto lang siyang naglakad. Alas-sais na ng hapon at marami na ring kumakain sa beachfront restaurant. May mga naglalaro pa ng volleyball sa beach. Maliwanag naman doon dahil sa mga ilaw. Sa tabi ng restaurant ay mayroong bar at grill station. Nagpaihaw siya ng mga hipon at nag-order na rin ng cocktail. Inukupa niya ang lamesa sa dulo malapit sa pintuan patungong beach. The pavilion liked restaurant has made of native materials like bamboo and coconut leaves. Also, the tables and chairs have made of rattan. The ambiance of the place was simple yet elegant. Habang hinihintay ang kaniyang order ay iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Iilan na lang ang bakanteng lamesa sa loob ng kainan. Naunang hinatid ang kaniyang cocktail at inihaw na hipon na may limang peraso. Ang main course niya ay Italian beef steak with java rice. Nagpadagdag pa siya ng extra rice. Malakas siyang kumain. Malakas lang talaga ang metabolism niya kaya hindi siya tumataba. Lalo ring nahubog ang katawan niya sa araw-araw na pakikipagbuno sa alon sa karagatan. Sinasabayan din niya iyon ng workout sa kaniyang gym. Saktong dumating ang main course ay nahagip ng paningin niya ang pamilyar na babae. Nakasuot ito ng itim na bikini bottom, basa ang ga-baywang na buhok, maging ang katawan na may nakakapit pang puting buhangin. She also wore oversize sunglasses. The way she walks, she reminds him about the sexiest woman he had known-his ex-wife. Dwayne stopped sipping his drink as he realized that he had seen the same woman from his favorite one. Tinitigan niya maigi ang babae. Umupo ito sa silya ng bakanteng lamesa may isang dipa ang agwat sa kanya. She was facing him while flipping her hair. Natulala siya nang inangat nito sa ulo ang salamin at diretsong napatitig sa kaniya. Marahil ay napansin nito na nakatingin siya rito. Bahagya siyang napayuko ngunit pasimpleng nakatingin pa rin dito. Impit siyang napamura nang mapatunayan na ito na nga ang ex-wife niya na si Ingrid. Nag-matured ito pero ang maturity ay nagpalitaw sa alindog nito at ganda na hindi niya inakalang may hihigit pa kumpara noon. Mukhang hindi na siya nito nakikilala. Kung sa bagay, kumapal ang balbas niya, humaba ang buhok at naging moreno ang balat. Panay pa rin ang sulyap nito sa kaniya. Kumakain na siya pero panaka-nakang sinisipat ito. He can’t help but started to feel lust towards her, yeah, it was lust. Lalo kasing lumusog ang dibdib nito, bagay na hindi niya masyadong natuunan ng pansin noon. Hindi rin niya maikakaila na naroon pa rin ang pag-ibig niya sa babae. Wala siyang ibang nagustuhang babae maliban kay Ingrid. Ito lang din ang dumaan sa pagk*lalaki niya. Hindi naman niya masabi na kaya niyang pigilan ang tukso, pero tiniis niya ang ibang babae dahil sa antisipasyon na maibabalik pa niya si Ingrid sa kaniyang buhay. Abot-abot ang pagsisisi niya nang iwan siya nito. At ngayong nakita na niya ito ulit, titiyakin niya na makukuha niya ang tiwala nito. Subali’t natigil ang pantasya niya nang may matangkad na lalaking dumating at binalot ng itim na jacket ang katawan ni Ingrid. Ang nakawiwindang pa ay naghalikan ang dalawa. Matikas ang lalaki, maskulado, maputi, halatang may dugo ring banyaga. Pagkatapos ng halik ay umupo ito sa silyang katapat ni Ingrid. May lalaking naghatid naman ng pagkain sa mga ito kasunod ang dalawang ginang na parehong naka-dress. Tumayo si Ingrid at nagbiso-biso sa dalawang ginang. “Welcome to our resort, Dra. Jade and Mrs. Amy Tan!” masiglang bati ni Ingrid sa mga bisita. “Thanks! Your place was awesome and relaxing!” komento ng tinawag nito’ng Dra. Jade. Malamang doktor na rin si Ingrid. “We’re here to ask if your marriage will be held here soon?” sabi naman ng isang ginang. Natigilan sa pagsubo si Dwayne. Tama ba ang narinig niya? Ikakasal na si Ingrid? “Yes, ma’am, Ingrid and I were already decided, and we chose this place as the wedding venue. Para naman ma-accommodate ang maraming bisita na libre,” sagot ng lalaking kasama ni Ingrid. So, ang lalaking iyon ang fiance ni Ingrid. Pakiramdam niya’y bumara sa kaniyang lalamunan ang pagkain. His ex-wife was getting married, yet, it’s not the end of the world. He has to do something to get Ingrid’s attention.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD