Chapter 26 Nagmamadali sa pag-uwi si Kara dahil gusto niyang kausapin si Dylan. Ayaw niyang magkatampuhan sila lalo na at wala naman siyang ginagawang masama. Sabay silang umuwi ni Camilla ngunit hindi na sila masyadong nagkausap dahil sa pagmamadali niya. Sa sobrang pagmamadali ay aksidente niyang nasipa ang isang maliit na bato dahilan upang mapadaing siya dahil sa sakit. “Aray naman! Bumabalik na naman ang pagiging lampa ko!” nakangiwi niyang sambit. Pinagsisipa niya ang bato dahil sa inis. Bumuntonghininga siya. “Ang dami talagang sagabal kapag nagmamadali ang isang tao,” usal niya sa sarili. Inayos niya ang nilipad na buhok at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa daan pa lang ang pakiramdam ni Kara na may nagmamasid sa kanya. Kilala niya kung si Vlaire man ito ngunit kakaiba ito ngay

