Chapter 36 Bumalik sa dati ang buhay ni Kara pero naroon na sa kanyang tabi ang binatang si Black. Ito ang kasa-kasama niya sa araw-araw at minsan, nagiging dahilan ng kanilang away ang pagiging clumsy niya. Kung saan-saan at kung kani-kanino na lang kasi siya nababangga. Kahit naman sa paglakad niya ay hindi niya maiwasan ang matisod. Kagaya ngayon, inis na naman ito sa kanya dahil muntik na niya itong matapunan nang mainit na kape. Naisipan niya kasing timplahan ito dahil umaga pa naman. “S-Sorry,” napapahiyang usal ni Kara. “Hay, naku. Paano na lang kung natapunan ako? Maluluto ang bayag ko,” nahihintakutan pa nitong reklamo. “My God! My poor babies!” sambit pa ng binata. “Tse! Nag-sorry na nga ako. Overreacting ka naman diyan,” sagot niya. “Ayan! Napakamalditan mo talaga. Hay,

