Chapter 43 “Kara!” Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. “Uy, Camilla. Napadalaw ka?” natutuwa niyang tanong sa kaibigan. Simula nang magkaayos sila ng kanyang ama ay tuluyan na siyang ipinaubaya nito kay Vlaire. Ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral hanggang sa siya ay makatapos. At heto siya ngayon, may sarili ng business. “Kara’s Bakery,” basa nito sa karatula na nakasulat sa labas ng kanyang tindahan. “Taray naman nitong kaibigan ko,” kinikilig pa nitong sabi. Nagyakapan sila. “Kamusta ka? Ang tagal mong nawala, ah,” aniya. Pagkatapos kasi nilang makapasa ay nangibang bansa ang dalaga at ngayon lang ito nakauwi. Umikot pa ito sa kanyang harapan upang ipakita ang kanyang bagong biling damit. “Ito, mas lalong gumanda,” proud pa nitong sabi. Natawa siya. “O siya,

