Chapter 10: First Day At Elizalde's Mansion
*****
Raven's Pov
Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako, I'm always like this ito na ang body clock ko then and now. Ewan ko ba, hindi ko kasi feel matulog ng sobrang haba mas gusto ko na may pinagkakaabalahan ako.
Inayos ko ang ang higaan ko pati na ang sarili ko, magjo-jogging ako kaya naghilamos na lang muna ako at nagbihis. I wear a black jogging pants and a black sports bra and i fix my hair into a fish tail. Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko ang cellphone ko bluetooth earphone tsaka bumaba.
Pumunta ko sa ref para uminom ng tubig, nakita ko namang wala pa nakahanda na pagkain, napilig ko ang ulo ko. Ako na lang kaya magluto? Why not, minsan lang naman ako magluto. Dati kasi ay araw-araw akong nagluluto, pero ng mag umpisa na akong magtrabaho ay dumalang na.
I shrugged my shoulders at kinuha ang mga lulutuin ko, nagsaing ako sa rice cooker at binuksan ang dalawang stove namin, para mabilis. Nagluto lang ako ng bacon, eggs, hotdogs, and spam. Inumpisahan ko na din gumawa ng pancake at niluto ko lang ito sa mismong pinaglulutuan ng pancake yung electric. Hinanda ko din yung bread and butter, pati na din ang iinumin nila.
I checked my wrist watch and it's already 5:00 AM, see mas madali talaga pag nagmu-multi tasking ka.
"Naku iha raven! Ako na diyan, ikaw bata ka talaga bakit hindi mo ko tinawag?" Napalingon ako kay manang ising at ngumiti. Siya ang mayordoma namin since we we're little, masasabi ko din na tinuring na namin siya bilang isang pamilya namin.
"Wag na po manang, paayos na lang po yung kainan para maihain na 'to." Sabi ko at kaagad naman siyang sumunod.
Nang matapos ako ay hinayaan ko na lang na sila manang ang mag hain at nagpaalam akong magjo-jogging lang kung sakaling hanapin ako nila kuya. Sa likod na ako ng bahay dumaan at inumpisahan ng tumakbo.
Araw-araw ko 'tong iniikot pag nagjo-jogging ako, tinitignan ko din kung may kahina-hinala ba or what. We live in a exclusive subdivision at masyadong mahigpit ang security dito which is good thing, karamihan kasi ng mga nakatira dito ay puro businessman/woman at kilala ang pangalan sa masa.
Layo-layo din ang agwat ng bawat bahay sa isa't isa, sa amin lang talaga yung pinakadulo dahil mas gusto ng pamilya namin ang tahimik, may mga nakakakilala sa amin dito sa loob pero madalang lang, hindi din kasi kami palalabas o kaya naman minsan ay lahat kami ay nasa trabaho.
Tama naman si tito drake, ligtas naman dito ang apat dahil bukod sa mataas ang seguridad dito sa village ay swerte sila dahil puro magagaling na agents ang nakapaligid sa kanila, sa ngayon kasi ay wala namang misyon sila kuya kaya nakatuon ang pansin nila sa kanya-kanya nilang negosyo. Pero dahil sa dakilang masisipag ang mga kuya ko (note the sarcasm) work from home sila. Pinapapapunta lang nila ang mga sekretarya nila pag may kailangan silang mga papeles or pag may emergency at kailangan talaga sila, tsaka lang sila pupunta.
Pero infairness nagagawa naman nila ng maayos ang mga trabaho nila kahit tambay sila sa mansion, minsan nga napapaisip ako, wala bang girlfriends ang mga yun?
Speaking of girlfriends, yung apat kaya merong mga girlfriend? Pero parang wala naman? Paano ba naman kasi magkakaroon? Ang susungit tapos puro babaero pa. I admit they are handsome, perfect thick eyebrows, different charismatic color eyes, pointed nose, perfect skin and perfect thin pinkish lips. Wala din problema sa height dahil ang tatangkad nila, idagdag mo pa ang well built body nila.--Argh! Why am i describing them?!
Halos naikot ko na ang kalahati ng village at nagpasyang bumalik na ako ng bahay ng napahinto ako sa pagtakbo when something caught my attention. May isang van na nakahinto medyo malayo sa mansion at may nakita akong lalaki na nakadungaw ng konti at may---what is that? Is that a...binoculars? What the?!
Lalapitan ko sana ito ng bigla na lang ito humarurot paalis, what the hell?! Who is he at paano siya nakapasok? Damn! Is he a spy?! Bago ito makalayo ay nakita ko ang plate number nito. S7824
Well, what do you expect raven? May binoculars, unknown ang existence niya sa village niya 'to! Sabi ng isip ko.
Damn! Damn! Damn! I know na hindi siya taga dito dahil halos pina background check ko lahat ng nakatira dito, yeah ganyan ako, naninigurado lang.
Tumakbo ako papasok sa loob ng mansion at nakita ko naman silang lahat sa dining pero hindi ko sila pinansin, inabot ko kaagad ang telepono namin at dinial ang number ng guard house. Kanina ko pa dapat 'to ginawa sa cellphone ko pero naalala ko wala akong load, hindi din ako naka line. Wag kayong epal kuripot ako. -.-
Ramdam ko ang tingin nila sa'kin pero tumalikod lang ako para hindi nila ako makita, occupied ako ngayon. Ngayon lang kasi nangyari ang may nakita kong tao sa labas at nagmamanman. It never happened even before.
Nakaka dalawang ring pa lang ng mabilis na sinagot 'to, halata sa paghinga ng nasa kabilang linya ay parang nakipaghabulan.
(Hello? Sino p-po i-ito?) Hinihingal niyang tanong.
"This is Raven Elizalde, I know you know me. Have you seen a black van na papalabas ng village na 'to?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang natigilan at huminga ng malalim.
(Yes ma'am, the others are chasing that van, I'm s-sorry ma'am okay lang po ba kayo) kaya pala hinihingal siya.
But?
"How did he get in ng ganun kadali? Answer me?" Malamig kong tanong sa kaniya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong kinakabahan siya.
"I'm asking you?!" Hindi ko mapigilan na hindi sumigaw. Naiinis ako, kung tutuusin ay hindi sila basta-bastang security guard e. They are well trained securities na galing sa agency ng mga aragon.
(I-im sorry m-ma'am, nakatulog po k-kasi kami.) Utal niyang sabi. See? Huminga ako ng malalim at pumikit. Ang agang stressed.
"Make sure you're doing your job because i myself will going to fire you all if you let that happen again!" Malamig kong sabi sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pa sumagot at binaba na ang tawag.
Nanatili akong tahimik na nakapikit at huminga ng malalim, I keep my composure dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
"Ate luz, pakikuha naman ako ng damit pang itaas." Utos ko sa isa sa mga maid namin. Sumunod naman agad siya.
Maya-maya lang ay bumaba na siya at inabot sa'kin ang damit ko, kinuha ko ito at naglakad na papunta sa dining namin habang sinusuot ang damit ko. Nakita kong nakatingin sa'kin ang apat lalaki at nag iwas naman agad ng tingin ang tatlo ng tinignan ko sila. Pero ang isa ay hindi natinag, he's looking at me intently at wala ka mababakas na emosyon sa muka niya, kahit ang mga mata niya ay blangko.
Not now archer, baka sayo ko mabuhos ang inis ko. Sabi ko sa isip ko at tinignan pa siya ng mas malamig kaya umiwas siya agad. Good
"What's that raven?" Tanong sa'kin ni kuya maic habang nakatingin sa'kin.
Sinabi ko naman kaagad ang nangyari sa kanila at ganun na lang din ang gulat nila sa sinabi ko. I know right. Sabi sa inyo, walang nakakalusot dito, ngayon lang.
"I'll talk to them later at patataasan ko pa ang security sa buong village, baka hindi lang tayo ang minamanmanan ng kung sino man yun." Sabi ni kuya james kaya tumango lang ako.
"Anyways, young masters. Papasok ba kayo ngayon?" Tanong ko sa mga ito ng hindi tinatapunan ng tingin.
"I'm not going to the company, dito na muna ako siguro. Nandito naman ang mga files na kailangan ko." Sagot ni sir alexander.
"Pahinga na din muna ako ng isang araw, wala ako sa mood." Sagot ni sir austine. Himala wala siya sa mood, eh halos excited yan araw-araw na pumasok dahil lagi siyang dinadalaw ng mga babae niya.
Since kasi ng lagi akong nakabuntot sa kanila pati na ang team ko ay hindi na sila nakakaalis ng mag isa, at mas lalong hindi nila kami natataboy ngayon. Wala akong pakialam kung masakal sila sa pagbabantay namin. Para din naman sa kanila 'to, Edi pag natapos ang lahat ay tsaka sila magpakawala.
"Me too, wala naman akong gagawin dun" Sabi ni sir aisaac at tumingin sa kanya. He's eating a lollipop again, myghad! Ang aga-aga -.-
"Aisaac, can you please stop eating a lollipop. You should eat your breakfast first at ang aga pa." Malamig kong sabi sa kanya.
All of them shocked in my sudden reaction, bukod sa tinawag ko siya sa pangalan niya ng walang pag galang ay sinasabihan ko pa 'to na parang ako ang nanay niya.
Hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya at mabilis niyang tinanggal ang lollipop sa bibig niya at kumain ng maayos.
"Good" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.
Tumikhim naman bigla si sir archer kaya napatingin kami sa kanya. Himala tahimik ang mga pinsan ko ngayon? Lalo na ang dalawang babae. Parang ang lalim ng iniisip.
"I'm going to the company today, I have a meeting with Mr.Villamore. I need to be there." Sabi niya pero hindi man lang siya lumilingon.
"Okay, I'll go with you." Sabi ko at kumain na lang ulit.
"Raven we heard kay manang na ikaw daw ang nagluto ng lahat ng 'to?" Tanong ni ate erin kaya tumango lang ako.
"Sabi na e! Kaya pamilyar yung lasa ng pancake at yung kape e. You're really a good cook." Sabi ni ate jenna at ngumiti. I have my own recipe kasi ng pancake at coffee.
May iba talaga sa dalawang 'to e. Ano ba nangyayari sa kanila? Hindi sila nagtatalo ngayon then ang tamlay nila parehas? Something's off here.
Natapos akong kumain at tumayo na ako para mag ayos ng sarili.
Kung hindi ako ang nauunang umalis sa hapag kainan ay ako naman ang nahuhuli.
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. I need to hurry up, masyadong demanding ang makakasama kong boss, actually lahat sila demanding, siya lang talaga ang pinakamaarte. Dinaig pa babae. Tsk! -.-
Hindi naman ako nababahala sa tatlo dahil mamaya lang ay nandito na ulit yung pito, besides nandito din naman sila kuya.