Chapter 11: Ice King
*****
Raven's Pov
"Sigurado ka ba na hindi ka na mag sasama pa ng ibang bodyguards?" Nakailang tanong na ba sa'kin 'to si kuya johannes? Hindi ko na mabilang -.-
"Isang tanong pa kuya" bored kong sabi kaya wala siyang nagawa kung hindi ang huminga ng malalim.
Nakita ko naman pababa si sir archer sa hagdan dala ang suit case niya at nakasuot ito ng itim na business suit. Nilagpasan niya lang ako at sumakay sa likod ng kotse. Anak ng! Gagawin niya talaga akong driver niya? Bastos amputs! >."What?" Tanong niya sa'kin ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Imbis na sumagot ay sinamaan ko 'to ng tingin.
"Why did you drag me here?" Tanong ko dito.
Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa'kin at ngumisi, why did i find it cute?--este bwiset!
"As far as i remember isang buwan ka ng sumasakay dito sa private elevator kahit walang permiso ni isa sa'min, tapos ngayon naman bigla ka sasakay sa employees, then when i drag you here ikaw pa galit? What's with you Ms.Elizalde?" Mapanuya niyang sabi sa'kin. Oo nga naman, bakit ko nga ba kasi naisip na do'n sumakay sa kabila?
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa palapag ng opisina niya. Naiinis ako sa kanya, bakit nga ba kasi ako pa ang sumama dito, pwede naman kahit yung isa na lang sa pito, bakit ka ba kasi nag prisinta!
I did my best para hindi ako maapektuhan ng presensya at ugali niya, pero peste lang! Feeling ko may kasama akong demonyo sa tuwing magsasalita at titingin siya! >."Bakit ba kasi tinanggal mo yung sekretarya mo agad-agad?" Naiinis kong tanong dito.
Katatapos lang ng meeting niya kay Mr.Villamore at ako ang gumawa na dapat gawain ng sekretarya niya, nakakainis! Hindi lang tumama yung lasa ng kape niya sinisante niya kaagad, tapos ngayong wala siyang mautusan ako ang nakita! Ayaw ko no'ng una, actually hanggang ngayon naman, pag hindi daw ako pumayag ilalabas niya daw yung picture ko no'ng prep ako.
Walangya! Nakita pala niya yung picture ko yun, sabi na e! Mawawalan ako ng privacy sa mga bwiset na 'to! Bungi pa naman ako sa picture na yun -.-
"You we're there earlier, don't ask if the answer is too obvious." Sabi niya ng hindi man lang ako nililingon.
"Ang babaw mo naman" bulong ko pero mukang narinig niya ata.
Nagulat ako ng bigla niya akong sinandal sa pader, napangiwi ako ng tumama ang likod ko dito, damn this man! Wala ba talaga siyang konting respeto, ilang beses ko na ba siyang minura sa isip ko? Nagiging makasalanan ako dahil sa hype na 'to.
Tinignan niya ako ng malamig, yung tingin na tatagos talaga sa pagkatao mo.
"Who are you to tell me those things? You're just my bodyguard, stop dictating what i need to do, I'm the boss here, not you. Get that?" Mas lalo akong nabwiset sa lalaking 'to. Masyadong mayabang. Argh!
Tinignan ko lang siya ng malamig at nginisihan siya, hindi niya siguro inaasahan na ganun ang iaakto ko, ine expect niya siguro ay manlalambot ako sa kanya. Huh! You wish montefiore -.-
"Okay, no problem with that. Young master." Madiin kong sabi sa kanya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Bwesit!
Hindi pa ko nakakalayo ng magsalita ulit siya.
"And one more thing elizalde, don't ask personal questions." Sabi niya at inunahan na ako sa paglalakad. L*che ka montefiore!
Habang papalayo siya ay hindi ko maintindihan kung bakit pikon na pikon ako sa sinabi niya, ano bang problema niya sa'kin? Sa kanilang apat siya lagi ang binabara at pinag iinitan ako. At may isang bagay pa akong hindi maipaliwanag bakit kumirot ...
puso ko sa mga sinabi niya?
*****
Sa mansion naman ay tahimik lang ang mga nandito. Nasa iisang kwarto lang sila alexander, aisaac at austine. Masyado kasing malaki ang mga kwarto nila at walang magawa ang dalawang lalaki na nag ngangalang austine at aisaac. Habang si alexander ay busy sa mga papel niya.
"Ang boring naman" paikot ikot si aisaac sa kama ni alexander.
"Hays oo nga e, ano bang pwedeng gawin?" Tanong ni austine.
Napalingon si aisaac kay austine dahil nagtataka siya kung anong ginagawa nito dito at bakit walang kasama 'tong babae.
"Himala kuya at nandito ka? Wala ka bang alis?" Sabi nito habang kumakain ng gummy worms.
Naagaw din nila ang atensyon ni alexander na tahimik lang sa isang tabi.
"Wala, Im not in the mood." Sagot ni austine dito.
Akala nila kanina ay nagjo joke lang 'to kanina pero mukang totoo ata dahil wala man lang mababakas na excitement sa muka nito.
"Mamamatay ka na ba kuya? Naging square ba ang mundo? Bakit wala ka sa mood? Di ba walking AIDS ka? Anong nangyari ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa pinsan.
Napangiwi si austine sa definition sa kanya ng bunso nila. Langya! Pati asar ng babaeng yun sa'kin ginagamit na niya sa'kin? Sa isip ni austine.
Lagi kasi siyang tinatawag ni sofia na walking AIDS pag napipikon ito sa kanya at pag may bisita siyang babae sa opisina nila.
"T*r*n*tado! Tigilan mo nga ang pagtawag sa'kin ng walking AIDS! Sa wala akong gana e, period!" Singhal niya dito. Hindi mapigilang matawa ni alexander.
Magsasalita pa sana sila ng marinig nila si keith at jem na nag uusap sa harap ng kwarto nila. Kilala na nila ang mga ito, sa ilang linggo ba naman silang magkakasama kahit saan.
"Hey, nandyan na si captain." Sabi ni jem.
"Ha? Akala ko ba kasama niya si sir archer?" Tanong ni keith dito.
Napakunot ang noo ng tatlo, dapat mamaya pa uuwi ang mga ito dahil knowing archer, he's really workaholic.
"Oo, pero nakipag palit siya kay gavin at jaime kaya umalis yung dalawa kanina. Tsaka mukang badtrip si captain." Rinig nila dito, pagkatapos ay nawala na ang mga boses.
"What happened to the two?" Nagtatakang tanong ni alexander pero nagkibit balikat lang yung dalawa.
Bumaba si aisaac at naiwan yung dalawa sa taas. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig when he saw a girl wearing a black short and loose white v-neck t'shirt, naka messy bun ang buhok nito at nakatalikod sa kanya. Napalunok siya sa nakita.
Humarap ito sa kanya at nagulat siya ng makita ang walang emosyong muka nito at malalamig na mata, raven. Nasabi niya sa isip niya.
"You want some?" Tanong ni raven kay aisaac at pinakita ang bagong bake na cupcakes.
Nagningning naman ang mga mata ng binata dahil sa nakita, alam ni raven na magugustuhan 'to ni aisaac, he's a walking cavity remember?
Kumuha si aisaac ng isa at kinagatan ito. Halos napamura siya sa isip niya ng matikman 'to.
'Damn! This cupcake is delicious'
Napatingin siya kay raven na ngayon ay gumagawa ng dinner nila. Hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pagtatanong.
"Bakit pala ang aga mo at hindi mo kasama si kuya archer?" Tanong niya habang kumakain ng cupcake.
Nagulat siya ng biglang marahas na binagsak ni raven ang sandok na hawak niya, sa tuwing naiisip niya yung eksena nila napipikon siya ng sobra. After ng scene nila na yun ay tinawagan niya si gavin para siya ang pumalit kay raven, pinasama din niya si jaime.
"Kumain ka lang dyan, stop asking questions." Napalunok si aisaac sa tono ni raven at nanahimik na lamang.
The hell! She's really scary...