Episode 12

1783 Words
Chapter 12: Hot&Cold ***** Ilang linggo na din simula ng hindi magpansinan sila raven at archer, pikon na pikon kasi talaga siya sa ugali ng binata. She admitted that she's rude in her own way, but she still have her manners. Pero ang boss niya ay sukdulan ang pagka pilosopo at pagkasama ng ugali, minsan iniisip niya kung may mental disorder ba 'to dahil daig pa ang isang mental patient sa pagpapalit ng mood. Hindi naman nakakatakas sa iba ang pagiging mailap ng dalawa sa isa't isa, minsan nga ay naiisip nila kung ano ba ang nangyayari sa dalawa at iba ang trato at pakikipag usap. Dinaig pa nila ang mag bf/gf sa inaakto nila ngayon. "Ano bang problema ng dalawang yan?" Tanong ni alexander habang pumipirma ng mga papeles for their sales nila ngayong taon. Kahit papano ay nabawasan ang kunsomisyon ni raven sa apat dahil hindi na madalas tumakas ang mga ito, ilang beses na kasi silang napapahamak pag ginagawa nila, idagdag mo pa na sa mansion na sila ng mga elizalde nakatira, minsan pumapasok din sa isip nila na baka itong mga 'to na ang kumalabit ng gantsilyo pag napikon ang mga ito sa ginagawa nila.  "I don't know? No'ng isang linggo pa sila ganyan e. One question is equivalent to one word silang dalawa." Sagot naman ni austine. "Oo nga, nagco contest ata sa pabahuan ng hininga at patipiran ng laway" sabi ni aisaac na nagbabasa ng libro sa gilid.  Napailing silang tatlo, simula ng hindi magpansinan sila raven at archer ay hindi din nila makausap ng maayos ang mga ito, kung ano ang tinanong mo, yun lang din ang sasagutin nila, Pag nagtanong ka ng oo o hindi lang ang sagot ay tatango lang sila. "I'm just going to pretend that I'm not here and I'm able to hear your noises." Malamig na sabi ni archer habang nakatanaw sa labas ng overview nilang bintana.  Napairap sila ng sabay-sabay, kahit kelan ay mahirap kausapin ang pinsan nila lalo na pag hindi naman tungkol sa opisina, pero minsan pag walang topak ay nakikisama naman ito.  Maya-maya lang ay may narinig silang kumatok sa pinto ng opisina nila, they saw raven standing at the entrance without any emotion plastered on her face. It's just plain. "You have a visitors young masters" sabi niya at binigyan ng daan ang dalawang babaeng kanina pa gustong pumasok. Yung isa ay gusto ng pumasok dahil gusto ng makita ang apat, habang ang isa naman ay nakabusangot at gusto ng pumasok dahil hindi niya matagalan ang babaeng kasama niya. "Miss me guys?" Tanong ng babaeng halos kinulang na sa tela ang suot at may nakapaskil sa bibig niya na isang mapang akit na ngiti. "I-irene?" Gulat na tanong nila. "Ako nga" ngiting sabi niya. Sinarado naman kaagad ni raven ang pinto at dumiretso ulit sa couch para bumalik sa trabaho niya. She's also working on her business while doing her job as a personal bodyguard. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya, she's like a girl version of archer. Masyado din workaholic. Nainis nanaman tuloy siya kung paano siya utos utusan ng babaeng yun kanina para sabihin sa apat na lalaki ang pagdating niya. Nakita naman niya na sa muka ni bella ay hindi ito payag sa inaasal nito at ayaw niyang nandito ang dalagang nag ngangalang irene. You read it right guys, the other girl is arabella, sinamahan niya lang ang babae dito dahil wala naman siyang choice. Hindi niya alam pero ayaw niya sa babae, hindi lang sa pananamit at pananalita, basta ayaw niya lang talaga dito.  Lumapit si rich sa kanya, isa din sa mga bodyguards (remember him guys?) Inabot nito ang hawak niyang telepono na ikinanuot ng noo niya. "It's jem ma'am, he said that he needs to talk to you but your phone is out of coverage area." Paliwanag nito. Nagcha- charge ang cellphone niya at hilig niya talaga 'tong ino-off.  Kinuha niya ang telepono at sinagot ang tawag ni jem, may mga importanteng sinabi lang ito sa kanya at agad naman niyang naintindihan, binaba niya ang tawag at binalik ulit ito kay rich at nagpasalamat.  Sa kabilang banda naman ay gulat na gulat pa din ang apat sa biglaang pagbabalik ni irene. Irene is one of their good friends and archer's ex girlfriend, Before. "W-what brings you here?" Tanong ni austine habang umaayos ng upo. Tumingin si austine sa pinsan niyang babae na nagbabasa ng magazine. Naramdaman ni arabella ang tingin ng pinsan niya kaya binigyan niya 'to ng I-also-dont-know-why-that-b***h-is-here. At binalik ang mata niya sa pagbabasa. "C'me on guys, hindi niyo ba ko namiss?" Pinalungkot nito ang boses niya at yumuko ng bahagya. Napangisi lang si alexander sa ginawa nito at napailing, dumako ang mata niya sa pinsan niyang hanggang ngayon ay gulat na nakatingin sa dalaga, the pain, love and longing is visible to his eyes. Napailing si alexander dahil dito.  "O-ofcourse we missed you. Right guys?" Sabi ni austine at tango lang ang naisagot nila.  Hindi nakatiis si archer at sinamaan niya ng tingin si irene ng bigla itong dumukwang sa kanya at halikan siya sa labi, he don't know what to react pero alam niyang ayaw niya yung halik na yun kahit namiss niya ito ng sobra. "What do you think you're doing?" Malamig nitong tanong sa dalaga.  "What? Hon, parang halik lang yun bakit ka nagagalit? Namimiss lang naman kita kaya ko ginawa yun." Sabi ni irene at ngumiti ng mapang akit. Hindi pa ito nakuntento at dinikit pa lalo niya ang katawan niya kay archer.  Hindi napigilan ni archer ang sarili niya at marahas niyang tinulak ang dalaga, napalakas ito kaya dumausdos ito sa sahig.  "Don't come near me irene, before i forgot that you're a girl." Sabi nito. tumayo siya at kinuha ang gamit niya.  Nakita ni raven na lumabas si archer dala ang suit case nito at nagmamadaling naglakad, napasandal siya sa sofa na kinauupuan niya at napahinga siya ng malalim. Now what montefiore. Tsk! Labag man sa loob niya ay sinarado niya ang laptop niya at inayos niya ang gamit niya, binilin niya ang tatlo sa iba, sinabi niyang tawagan daw siya agad pag may nangyaring hindi maganda o kahina-hinala man lang.  Sumakay siya sa employee elevator dahil ang tagal pa umakyat ng elevator na ginamit ng boss niya, pagsakay niya dito ay napailing siya at naalala ang pagtatalo nilang dalawa dahil lang sa elevator. Naalala niyang ilang linggo na silang hindi nagpapansinan dahil sa ugali ng lalaki, para sa kanya ay isa itong malaking pang asar sa buhay niya. Hindi niya din maintindihan kung isa ba 'tong anak ng pilosopo o pinaglihi ito dito.  Lahat ng makakasakay niya sa elevator ay nagugulat, sino ba ang hindi? Ito ang unang beses niyang sumakay sa elevator na 'to, yun din ang hindi niya maintindihan, tao lang din siya at hindi siya presidente ng bansa, bakit pa nila kailangan magulat kung nakasakay siya sa ganitong elevator. Napailing na lang siya.  Pagbukas ng elevator sa ground floor ay kaagad siyang lumabas, nakita niya mula sa labas ng building na kaaalis lang ng sasakyan ng boss niya, pinakuha niya sa isang valet ang kotse niya at mabilis nitong sinundan ang binata.  ***** Huminto si archer sa isang kilalang bar sa lugar nila, it's the west bar. Bukod sa kilala siya ng mga bantay ay kaibigan niya din ang may ari nito kaya mabilis lang siyang makapasok sa lugar. Hindi lahat ay nakakapasok sa loob nito, siguraduhin mong hindi bababa sa isang milyon ang kinikita ng kompanya mo bago ka makapasok dito.  "What the hell? Bakit dito pa niya naisipan pumunta? Ano ba talaga problema ng lalaking 'to?" Bulong ni raven sa sarili niya. Nag park siya ng maayos at pinatay ang makina, tinignan niya ang lugar ay may apat na bouncer na nagbabantay sa labas nito, lalabas na sana siya ng mapansin niya ang nakapaskil sa may tabi ng entrance nito. Dress code, seriously?!  Ayaw man niya ay hinubad niya ang suot niyang leather jacket, her white pale skin is now revealing, she's wearing a black sleeveless top, she untie her blonde curly hair at naglagay siya ng konting kulay sa bibig niya. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin. "I swear montefiore magkaron lang talaga ko ng pagkakataon i will beat you hard!" Inis na inis na sabi ni raven sa sarili niya.  Bakit kasi ikaw pa sumunod at hindi ka na lang nag utos, ngayon magrereklamo ka! Her own self is now her enemy, oo nga naman bakit hindi niya naisip yun.  Kinuha niya lang ang wallet niya sa bag at cellphone, she make sure na wala na siyang naiwan kaya bumaba na siya, lumakad siya papalapit sa mga 'to. Hinarang siya ng dalawa at hiningi ang passes niya. She gave them her gold card para ma identify ito. Tila nagulat naman ang mga nagbabantay kaya mabilis siyang pinapasok.  She's now walking in the crowded place where you can see all the rich and richest people around this country who's now burning their money for liquor, girls and fun. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang hinahanap niya na nakaupo sa isang high stool sa isang sulok while drinking his expensive brandy. She rolled her eyes bacause of that.  Susko! May bar naman sa bahay sana sinabi na lang niya at bibigyan ko siya ng maraming alak, kung gusto din niya ay papatugtugan ko siya ng malakas, hindi yung pupunta pa siya dito, adik din e! Sabi niya sa isip niya. She walks toward at him at umupo sa katabi nitong high stool, hindi siya pinapasadahan nito ng tingin, Tila ba napakalalim ng iniisip nito. Umorder na lang siya ng isang orange juice at do'n na niya naagaw ang atensyon ng katabi niya.  "Seriously miss? Orange juice? Inside a bar?" Rinig niyang sabi nito at alam niyang naka ngisi na ito ngayon.  "Seriously sir archer? Iinom kana lang din hindi pa sa mansion, madami din mahal na inumin sa bahay, may malalaking speaker din kami na makakapagpa satisfied sa tenga mo." She look at him at halata dito ang gulat.  "What? Cut your tongue?" Pang iinis niya dito at ngumisi.  "What are you doing here, how did you get in and--" pinasadahan siya nito ng tingin, hindi niya alam pero nakita niyang tumiim ang bagang nitong lalaking kaharap niya. "What are you wearing elizalde?!" Madiin niyang tanong dito.  "Hmm, what do you think?" Tanong niya dito at sumimsim sa inumin niya.  "Answer me or else!" Pagbabanta ni archer sa kanya.  "Tsk! I'm not poor montefiore" simpleng sabi na lang niya dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya. "You don't have a business here kaya umuwi ka na" Sabi ni archer at iniwas ang tingin sa dalaga. Tumawa naman ito ng pagak.  "What's funny?" Nakataas ang kilay niyang tanong dito. Naiinis siya sa dalaga na hindi niya maintindihan.  Tinignan siya ng mariin ng dalaga at wala ka'ng makikitang kahit anong emosyon sa muka at kahit sa mata mga nito. This is the first time that he felt goosebumps and danger.  "Really sir? As far as i remember you are my business here." Sabi nito at umiwas ng tingin. Tanga! Hindi nag iisip wala daw akong business dito? Sana nga di ba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD