Apoy

994 Words
“Mukhang hindi din ata sang ayon nanay mo ke best mo, mahal”.  Nasa pad na ni Carlos silang dalawa at nakaupo sa carpet. “Mahal, wag na muna natin sila i tackle. Pasensya kana sa mga ate pati kay nanay. Iisang lugar lang kami pero bihira lang kami naggi get together chaka mapang asar talaga mga yun.” Medyo nahihiyang explain ni Carlos sa kasintahan sa ugali ng mga kapatid nya. “Okay lang. Siguro nasanay lang sila sa iba mong kasintahan na ma PR. Pasensya na ha.” Sa loob loob ni Sam, okay lang na hindi sya mag effort. Hindi naman sila magtatagal din ni Carlos. Alam nya sino talaga ang nasa puso ni Carlos and he needs Sam to divert his attention. Sam needs him for…experience? Bad ng mga iniisip ni Sam. It is much better to just enjoy him at wag seryosohin, gaya ng ginawa ng ibang babaeng nakaugnayan nya. Pero, hindi kasi ganuon si Sam. Ayaw nya ng ini enjoy ang isang tao pagka’t hindi naman palaruan an ang isang tao. ********* “Kamusta naman kayo ng ex mo na si Millie bay un? How is she?” Nagulat ako at naalala nya. “Millie was my ex long time ago na. Before I met Cielo. Nung me relasyon kami, away bati. Pero nung naging mag bestfriend nalang kami, dun kami click so until now bestfriend kami.” “Does she know about us?” Pahabol na tanong ni Carlos. “Yeah, I told her naman about us. And she said it’s a good thing na before I reached 40’s nagkaroon ako ng realization na pwede pala akong magmahal ng opposite sex.” Sam hates to admit it pero umiibig na sya kay Carlos. She knows kailangan nyang controlin sarili nya ngunit papano? “Nagsisisi kaba?” Tanong ni Carlos. “Caloy! Anjan kaba?” Tumawag sa baba ng hagdan si Meann. Tumindig si Carlos at bumaba sya. Saglit na nag usap sila ni Meann at umakyat na si Carlos. Naghatid ng buttered chicken at pansit bihon si Meann. Birthday naman ng asawa niya ngayon. The same month sila ng anak nya, nauna lang anak nya ng one week. Bahagyang umuulan na sa labas. “Ganitong mga panahon naalala ko, maalinsangan pero umuulan. Kararating ko lang ng hapong yun galing sa apartment ni Melissa. Nag aayos na sya ng gamit kasi ililipat na sa Batangas. Kumpirmadong aalis na sya dito sa Manila..at sa buhay ko. Huling gabi na nya sa apartment nya, huling beses ko na din syang makaniig.” Saglit na tumigil sa pagsasalita si Carlos. Nakatingala ito, makikita mo sa mga mata ang sakit na idinulot ng nakaraan. Tinitingnan sya ni Sam. Pinag aaralan ang malungkot nitong mukha. Napakalalim ng pagmamahal ni Carlos para kay Melissa, walang sinuman ang makakatapat ninuman. “What did you feel nung unang araw na alam mong wala na talaga sya sa buhay mo?” Tanong ni Sam “Para akong nasa loob ng nasusunog na bahay.Nasa gitna ako. Dahan dahang bumabalot sa pagkatao ko ang apoy. Napakalungkot, nakakabingi ang katahimikan. Nakalimang pilsen ako ng Red Horse at dalawang pack ng Marlboro lights nun. Ako lang mag isa. Sya ang dahilan at natuto akong magbisyo. Hanggang sa hindi ko na na kontrol. Naging sugapa din ako sa babae. Lahat sila tinitikman ko at iniiwan. Nasisiyahan ako pag umiiyak sila dahil iniwan ko. Yun ang mga panahong sinumpa ko mga babae. Pero ayaw ko na ng ganun, ayoko gawin yun sa anak ko. Ikaw Sam, ano ang naramdaman mo nung iniwan ka?” “Tulad mo dumaan din ako sa ganung stage pero hindi ko hinayaan sarili ko na kainin ng apoy. Isa akong firefighter. Gusto mo patayin natin ang apoy na bumabalot sa puso mo?” “Huwag Sam. Yun nalang natira sa aming dalawa. Ayokong mamatay ito.” “So, ano ako sa buhay mo?” “Just be there with me. Huwag moko iwan.” Duon napagtanto ni Sam. Hindi ordinaryong relasyon napasukan niya. “I thought ba hindi natin sya pag usapan.” Tanong ni Sam “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Kainin na natin tong bihon lumalamig na.” Marami silang pinag usapan. Buhay pamilya, mga kaibigan nila at kung anu ano pa. “Alam mo Sam, first time kong makasama ang isang girlfriend na walang nangyayari. Ikaw lang. Lahat sila pag magkasama kami, nagse s*x talaga kami. Pwera lang ikaw.” Humalik si Sam sa labi ni Carlos. Saglit na niyakap sya ni Carlos ng mahigpit tapos ay itinulak. “Sam, wag.” “Bakit?” “Iuwi na kita Sam.” Napahiya si Sam ng gabing iyun. Hndi nya alam kung bakit nya ginawa yun. Siguro sa edad nya that’s why she’s bolder or maybe mahal lang talaga nya si Carlos. “Kapatid, ano naka score ka?” Biro ni Vince kay Carlos. “Hindi kuya pinigilan ko. Nirerespeto ko si Sam.” Nirerespeto mo si Sam o nagpapaka loyal ka na naman ke Melissa.” Tinitingnan ni Vince ang kapatid. May ilang taon na ding hindi nya pinanghimasukan buhay nito ngunit sa ngayon mukhang kinailangan na naman ni Carlos ng payo sa isang nakakatandang kapatid. “Si Sam girlfriend mo pero sa babaneg may pananagutan ka loyal. Aba’y anong klaseng katarantaduhan ba yang pumapasok sa utak mo, ha? I assess mo nga.” “Ano bang pinagsasabi mo jan kuya?” Irita na si Carlos. “Nakita ko kayo ni Melissa sa may Rotonda ng Pasig at sumakay sya sa motor mo. Bunso, pag aralan mo ng maigi ang mga bagay bagay bag mo ipasubo sarili mo. Baka umiyak ka ng dugo sa bandang huli.” “Galing na ako jan, kuya. Ilang dugo na ang iniluha ko.” “Carlos, akala mo yun na yun ngunit kulang pa yun. Gawin moa no ang tama. Iwasan mo ang alam mo mali. Ganun lang kasimple. Wag mo nang gawing komplikado pa buhay mo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD