Damdamin ng ina

908 Words
November 30. 2019 Sabado, sinundo n Carlos si Sam sa work nya para mag lunch sa bahay nya. Panay ang halik ni Carlos sa kamay ni Sam habang nagmamaneho. Bumili sya ng ice cream at nagluto ng adobong tuyo. Kumpleto ang buong pamilya ni Carlos nuon at nasa mood lahat magluto, kanya kanyang putahe. Ito din ang unang pagkakataon na nakaharap ni Sam nanay ni Carlos. Mahiyain si Sam. Nakikiramdam at nakangiti lang. Kung hindi kakausapin ay nakaupo lang. Bagay na wala kay Melissa na malakas ang PR. Nuong pinakilala nya sa pamilya nya si Melissa ay napakagiliw nito at mabilis na naging close ng pamilya ngunit kalaunan, nagalit ang nanay ni Carlos sa kanya nung nalaman nya na may relasyon sila. “Anak, hindi kita pinalaki para sirain ang relasyon ng mag asawa.” “Nay, hindi sila kasal. Nag li live in lamang sila.” “Kahit na. May anak sila. Nagsasama sila sa isang bubong at namuhay na mag asawa. Pamilyado ang babaeng ito. Panloloko ginagawa ninyo. Imoral ginagawa ninyo. Matakot ka sa Diyos!” Ngunit hindi niya pinakinggan nanay niya. Tinuloy nya pa rin. Isa lang ang alam nya, mahal nya si Melissa. Nuon yun. Si Sam na ngayon. Iba si Sam, iba si Mel. Tinitingnan niya si Sam at tahimik itong kumakain ng salad na gawa ni Ate Vicky jiya. Lumapit si Ate Mae kay Carlos. “Ano ba yang bago mong jowa, kapatid. Antahimik para syang wala. Yung parang tayu tayo lang at walang ibang tao dito sa mundo.” Tumataas ang kilay ni ate Mae, asawa sya ni kuya Vince. Mahilig itong pumuna ng tao at pinaka gustong gusto niya ay si Ces at si Mary Anne. “Ate naman eh bago palang yung tao dito eh alangan namang magdadaldal sya. Eh, ano nalang.” Natatawa ako sa ate kong ito. Gusto nya kasi sa tao yung masayahin at masarap kausap ayaw nya ng tatahimik tahimik kalang sa isang lugar. “Hay naku Caloy, mukang wala sa kalingkingan nina Cecille at Mary Anne tong isang to. Haaay, nag lasagna pa man din ako.” Nagdikit mga kilay ni at Mae. “Mayang, hayaan mo na nga yung tao. Kung gusto mo, interbyuhin mo nalang kaya at itanong mon na rin bakit inabot sya ng trentay singko na dalaga. Baka galing kumbento tapos nagulat nung makita si Carlos, ha ha!” Pang aasar ni Vicky. “Oo nga ate. Nabigla sa lalake, haha!” Mukhang pinagkakaisahan ng mga ate ko si Sam. Tinitingnan ko si Sam. Napakatahimik nga niya. Panay ang ngiti habang pinapakain ni nanay si Mikmik, toddler na anak nina ate Mae at kuya Vince. “Samantha, iha. May anak ka na ba?” Tanong ni nanay sa kanya. “Wala po.” Nahihiyang tugon ni Sam. “Ibig mong sabihin at dalaga kapa?” Pati mukha ni nanay ay medyo nagulumihan. “Aba’y anong nakita mo dito ke Carlos?” Nabagsak ni ate Vicky ang kawali sa kusina. “Oy, magdahan dahan nga kayo dyan baka mabasag ang pinggan!” Sigaw ni nanay sa mga ate. “Samantha ba kamo pangalan mo? Mag iingat ka dito sa anak ko ito, naku! Napakahilig sa babae. Kami nalang ata ang mga babaeng ginalang ng anak kong yan eh.” Lumalaki mga mata ni Sam sa mga revelations ng nanay ni Carlos patungkol sa anak nya. “Nanay naman baka ano isipin ni Sam.” Medyo naiirita na si Carlos sa nanay nya. “Eh sa totoo naman ah. Buti yung may alam na sya tungkol sayo kesa naman magulat nalang sya.” Si nanay kasi prangka magsalita ito at walang preno. Sinasabi nya kung ano nasa isip at puso nya. “Alam ko napo tungkol sa kanya kasi inamin naman nya lahat.” Magalang na sagot ni Sam.” “Mabuti naman kung gayon kasi kahit pa anak ko si Carlos, ayoko I tolerate pagkababaero nya. Lagi ko syang pinapaalalahanan na may kapatid syang babae at ang pamagkin nyang si Mikmik ay babae. At may babae syang anak, yung kay Melissa. Hay naku putragis na babaeng yun. Ang sakit ng ulo na binigay nya sa amin abot hanggang langit. Akala mo bata pa eh 12 years ang agwat nila nitong anak ko. Sabi ko dito kay Carlos kalimutan na nyang ina nya ako kung yung babaeng iyun papatulan niya. Kahit sino huwag lamang iyun.” Namumula na mukha ni nanay at medyo kinabahan na si Sam. “Nay, nay tama na highblood nyo po, tsk bakit kasi nagpapadala sa emosyon.” Hinahagod ni Carlos likod ng ina. “Ito kasing batang ito. Ang tigas ng ulo. Kung saan nakakasama sa kanya duon talaga sya. Mahilig maglaro sa apoy tapos kung mapapaso, ako mahihirapan. Paano nalang kung wala na ako?” Naiiyak na si aling Meding, nanay ni Carlos. Nakatingin lamang si Sam sa mag ina. Naiintindihan nya ang damdamin ng ina nito. Palaban si Melissa at walang makakapigil sa kanya. Pag ginusto nyang makuha si Carlos sa mga sandaling iyun, kukunin at kukunin nya ito. Wala syang nirerespeto at wala siyang pakialam. Naranasan iyun ni Samantha nuong nakaraang tatlong linggo. Sa mismong birthday nya at pinanindigan ni Carlos na walang nangyari sa kanila, tropa lang daw. Paiba iba ang kuwento niya at hindi consistent ngunit kahit pa biyakin mo si Carlos ay hindi ito aamin. Ganuon katindi ang kamandag ni Melissa kay Carlos. Nanunuot ito hanggang sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD